“Hindi rin namin alam, kahit kami ay naguguluhan sa nangyayari. Pitong taon kang nawala iha, ni hindi namin alam kung saan ka nagpunta, kung bakit biglaan ang pag-alis mo.” wika ni chairman.
“Hindi ba sinabi sa inyo ni Darren kung saan talaga ako nagpunta? Bakit parang wala kayong nalalaman?” naiinis ko ng tanong sa kanila.
“What do you mean?” naguguluhan ding tanong sa akin ni Darren. Napahilot na lamang ako sa noo ko, para akong nangangapa sa dilim. Bakit parang ang daming nagbago, hindi ko naman na dapat iyun ipagtaka eh pero hindi ko inaasahan na magugulat na lang ako sa pagbalik ko sa mga nangyayari.
“What is happening? Daddy, what happened?” muli kong tanong pero hindi nila alam kung anong isasagot sa akin. Pareho na kaming naguguluhan at nagtataka ngayon ni Darren pero ni isa ay wala man lang sumagot sa kanila.
“Pwede bang kausapin ko na muna ang anak ko? May gagawin ba kayong dalawa?” tanong ni Daddy kay Darren.
“Wala naman masyado, I
Kanina pa ako nakarating dito sa office ko simula ng magkausap kami ni Daddy. Sa tagal ng panahon, alam kong minahal niya nga ang ina ko. Bakit ba ang higpit ng tadhana sa akin? hindi niya na ibinigay sa akin ang kompletong pamilya, hindi niya rin pinatagal sa akin si mama, ngayon naging biktima ako ng kasunduan, napagbintangan at nakalimutan ng sarili kong asawa. Ano pa bang dapat kong maranasan sa buhay ko? simpleng buhay lang ang hinihiling ko. I hope, this time maging maayos naman na ang lahat. Well, naging tahimik naman ang buhay ko this past few years. Napasandal na lamang ako sa upuan ko, napapangiti na lamang ako dahil alam kong hindi talaga kami kinalimutan ni Daddy. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Mama kung bakit siya umalis ng walang paalam kay Daddy o baka naman nalaman niya na kung anong klaseng tao si Daddy o tungkol sa pamilya niya. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun nga. “Come in,” anas ko ng marinig ko ang katok sa pintuan ko. Kinuha ko nama
“Kamusta ka naman dun? Madalas ko ng marinig minsan ang pangalan mo sa tuwing nasa event kami ni Darren.” “Well, I’m okay. Maganda naman ang Paris para sa akin.” “Good to hear that then. Until now, he didn’t remember you. Maganda na rin siguro yung umuwi ka baka sakaling mabalik ang mga ala-ala niya sayo kapag nakikita ka niya.” bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. “Wala naman na sa akin iyun kung maalala niya ako o hindi.” “But I know, you’re in love with each other back then. Pinagkasundo kayo pero nagiging maayos ang relasyon niyong dalawa, right?” pilit ko naman siyang nginitian. Siguro nga, baka nga, hindi ko alam. But I really felt his love. Hindi naman na ako nakasagot sa kaniya ng bumukas na ang pintuan at iniluwa nun si Darren. Nang makita niya kaming dalawa ni Nick ay nagsalubong nanaman ang kilay niya. “Good morning,” bati sa kaniya ni Nick. “Do you know each other?” tanong niya sa aming dalawa saka naupo na sa upuan n
THIRD PERSON POV Naging abala si Trina sa gaganaping show ng Dela Vegas group. Nakamasid lang naman sa kaniya si Darren mula sa malayo, napapakunot na lamang siya ng noo dahil tila ba nakita niya na si Trina dati pa pero hindi niya lang matandaan kung saan at kailan. Naipipilig na lamang ang ulo niya sa tuwing sumasakit ito. Iyun kasi ang nangyayari sa kaniya sa tuwing may bagay siyang pinipilit na alalahanin pero hindi niya maalala. “Sigurado ka ba talaga sa bagay na ito? ipagkakatiwala mo sa kaniya ang buong show, this is a big show Darren.” Saad ni Nick habang nakatayo silang dalawa ni Darren sa pintuan at nakamasid kay Trina na hindi naman sila napapansin. “I know, I trust her.” iyun lang naman ang isinasagot sa kaniya ni Darren. Napakunot na lamang ng noo si Nick dahil parang nakita niyang ngumisi si Darren o baka guni-guni niya lang iyun. Simula ng maaksidente ito ay hindi na nagbago ang blangko at seryoso niyang mukha, kung magbabago m
“Wala po talagang nakakaalam, kaming dalawa lang po ang nag-usap nun kaso ganiyan naman po pala nangyari at madadatnan ko ngayon.” bahagya siyang ngumiti at tiningnan si Darren na salubong na salubong ang mga kilay niya. Wala siyang kaalam-alam na hindi na pala siya maalala dahil ang buong akala niya ay kinalimutan na talaga siya ni Darren. Sa unang taon niya sa Paris ay naghintay siya, naghintay siya na baka tawagan siya ni Darren pero lumipas na ang pitong taon pero walang Darren ang lumitaw sa harapan niya. “Kumain na tayo,” saad naman ng matanda. Tumahimik naman na silang lahat at kumain. Paminsan minsan ay nililingon ni Darren si Trina. Napapailing na lamang siya kapag may lumilitaw na mga imahe sa isip niya pero hindi malinaw. “Kamusta ka naman iha? Ang laki na ng pinagbago mo ah? Paniguradong nahirapan ka sa ibang bansa dahil ang sabi sa amin ng Daddy mo ay hindi ka niya man lang mabigyan ng pera dahil wala ka naman. Yung banko mo nablocked na raw after one ye
“Hindi mo palaging hawak ang tadhana mo, masyado kang naging kampante. Sinabi ko na sa inyong isa itong malaking show pero ganiyan ang ginawa mo. Hindi mo ipinakita sa akin na deserve mo nga ang pagiging super model mo ng Dela Vegas group. Nagagalit ka sa akin dahil ipinalit ko sayo ang isang baguhan lang? hindi ka ba nahihiya dahil isang baguhan ang pumalit sayo? wala kang ginawa kundi ang maupo at kumain habang ibinubuhos ng mga kasama mo ang oras nila sa pagsasanay para maging perpekto ang lakad nila sa darating na show. Wala kang karapatang tanungin ako sa bawat desisyon ko, I am a professional Ms. Joyce at ang trabaho ko ay hindi lamang isang laro, ang trabaho mo ay hindi ka lang naglalaro sa play ground para magsanay lang kung kailan mo gusto. We are all a professional here and act like one.” May kahabaang saad ni Trina, akmang aalis na sana siya ng muli siyang harangan ni Joyce. “Hindi mo ba sila pipigilan? Lalo na at aalisin ni Trina ang isa sa mga models ng kompanya
“Hindi na talaga nagbago, gaya pa rin siya ng dati. Wala ng pinagbago.” Inis na saad ni Trina ng makabalik siya sa office niya. Nanggigigil pa rin siya kay Darren dahil sa paninigaw nito sa mga empleyado niya. Akala mo isang hari para palaging pagsilbihan. “Anong problema mo? nakakunot nanaman ang noo mo. Tungkol pa rin ba yan sa sagutan niyong magkapatid?” tanong ni Janet ng makapasok siya, ibinaba niya naman dun ang kape saka naupo. “It’s nothing, may iniisip lang ako.” sagot niya naman saka sumimsim sa dalang kape nito. “Siya nga pala, darating sa susunod na buwan ang CEO ng Gu’s group. A big company from China, gusto mo pa rin bang makuha ang endorsement?” nabaling naman kay Janet ang atensyon ni Trina. “Are you sure?” “Yes, yun ang nalaman ko. Sinasabi ko lang naman kung gusto mo pang makuha para sa Dela Vegas group.” “Of course, why not?” sagot pa ni Trina. Napatango naman si Janet dahil dun. “Sige, sabihan
“Anong ibig mong sabihing nabugbog mo siya? Who is William anyway?” tanong nito saka sumimsim sa kape niya habang nakatingin sa labas ng cafe. “Siya ang CEO ng Martinez Group.” Napatingin naman si Trina kay Lyndon at salubong na ang mga kilay niya. “Alam ko namang inosente ka, kilala ko kung paano maglaro si William. Marumi siya makipaglaro lalo na sa negosyo. Alam kong hindi kompanya nila ang may gawa ng mga design na ipinalabas nila ng magkaroon sila ng show.” “Alam mo ang tungkol sa nangyari?” tumango naman sa kaniya si Lyndon. “Nalaman ko ang tungkol dun at pinasok ko si Darren sa office niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na kinausap ko siya nung araw na yun o hindi.” “Why? What do you mean?” napabuntong hininga naman si Lyndon saka sumimsim ng kape niya. “Hindi pa ako tapos magsalita nun ng mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse niya at alam kong balak ka niyang sundan. Ang kaso,” hindi pa niya naituloy na saad. Naibaba na
Napapatango-tango naman na siya dahil mukhang magiging matagumpay ang malakihang show ng Dela Vegas group. Pababa na sana siya ng hagdan ng matapakan niya ang isang madulas na tela. Nanlaki na lamang ang mga mata niya dahil alam niyang babagsak siya. “Wooaaah,” nanlalaking matang sambit niya. Kung babagsak man siya ay alam niyang may kataasan din yun dahil nasa ikatatlong baitang siya ng maliit na hagdan ng matapakan niya ang madulas na tela. Naialis naman ni Darren ang mga kamay niyang nakapamulsa ng makita si Trina na pabagsak na. Naging mabilis ang kilos niya at sinalo si Trina. Napapikit na lamang si Trina dahil ang akala niya ay bumagsak siya sa sahig pero bahagyang napakunot na lamang ang noo niya ng wala siyang maramdamang sakit sa katawan niya at ramdam niya rin ang dalawang brasong tila sumalo sa kaniya. Dahan dahan pa niyang iminulat ang isa niyang mata. Sumalubong naman sa kaniya ang nakakunot na kilay ni Darren. Ibinaba naman na siya ni Darren ng bigla na