“Oh right, I just think that maybe I need to say this to you.” saad niya saka muling nagpatuloy sa pagkain niya. Naalala ko namang kailangan kong makuha ang endorsement mula sa CEO ng Gu’s group. Ang alam ko ay binata pa ang Chinese na yun, hindi ko alam kung mahihirapan ba ako o hindi. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung paano siya makipag-negotiate. Bahala na, ang mahalaga ay makuha ko ang endorsement.
Nang matapos kaming kumain at muli nanaman naming itinuon ang atensyon namin sa gawain namin. Saka lang kami mag-uusap kapag kailangan o related sa ginagawa naming dalawa. Mukhang balak talaga kaming pagurin ng chairman, hays.
“Kung gusto mong matapos natin ito ng wala sa loob ng limang araw, kailangan nating ipagpatuloy ang paggawa hanggang alas syete ng gabi sa isang araw. If you agree with it.”
“May magagawa pa ba ako?” pagtataray ko sa kaniya. Hindi niya naman pinansin ang pagtataray ko at muling itinuon ang atensyon sa gawain niya. Ano ba talagang
THIRD PERSON POV “Nabalitaan ko na hindi ganun kadali na mapapayag si Mr. Gu, marunong siyang magtagalog at ang alam ko ay mahilig siya sa dalaga. Alam mo na sa mga lalaki.” Saad ni Janet habang nag-aayos si Trina para sa welcome party ng Gu’s group. “Alam ko naman na hindi ka ganung klaseng babae Trina pero paano kapag may hiningi siya sayo na hindi naman na makatao?” nag-aalalang tanong saad ni Janet dito. Naalala niya naman si Joyce, nasabi ni Darren sa kaniya na siya ang muse niya dahil gusto siyang makita ni Mr. Gu. Ano rin bang kailangan ni Darren sa Chinese na yun? “Don’t worry Janet, pupunta ako dun bilang negosyante at hindi ko kailangang itaya ang katawan ko para lang makuha ko ang gusto ko pero gagawin ko ang makakaya ko para ibigay niya sa akin ang endorsement. Makikipag-usap ako sa kaniya bilang tao.” Wika naman ni Trina sa kaniya, rinig niya naman ang pagbuntong hininga ni Janet. Pinagpatuloy na lamang niya ang pag-aayos niya sa mukha n
“Kumain ka na ba?” rinig pa nilang tanong ni Lyndon kay Trina. Umiling naman sa kaniya ang dalaga, nagpaalam naman si Lyndon na kukuha lang ito ng makakain nilang dalawa kaya naiwan si Trina na kasama ni Darren at Joyce. “Magkakilala talaga kayo ng lalaking yun?” lumapit pa si Darren kay Trina habang nakasunod ang paningin sa kaaalis lang na si Lyndon. “Hmmm, matagal ko na siyang kilala.” Pormal niyang sagot saka muling uminom ng wine niya. Napatango na lamang si Darren. “Bakit hindi mo yata inaya ang top model mo rito?” singit naman ni Joyce. “Hindi naman na kailangan, ayaw kong gamitin ang top model ko para lamang sa mga dirty business.” Napataas naman ang kilay ni Joyce dahil dito. “May kailangan ka ba sa CEO ng Gu’s group?” tanong ni Darren kay Trina. “Hmm but none of your business.” Saad niya, ibinaba niya naman na ang wine glass niya sakto naman ang pagdating ni Lyndon saka ibinaba ang mga dala niyang pagkain. “Kumain ka
“Nasabi sa akin ng secretary ni Trina na balak din niyang makuha ang endorsement mula sa Gu’s group at sa tingin ko ay hindi maganda ang pinag-uusapan nila ngayon.” saad ni Nick habang pareho silang nakatingin sa pwesto nila Trina ngayon. “Hayaan mo siya.” simpleng sagot lang ni Darren. “Hayaan? Pero hindi mo ba nabalitaan kung paano siya makipagtransaction minsan lalo na kung kababaihan ang mga ipinapadala ng ibang kompanya?” “Alam ko, tingnan na lang natin kung anong kaya niyang gawin at kung paano niya makukuha ang kontrata mula sa Gu’s group ng hindi niya ibinibigay ang gusto ng Chinese na yan.” Seryosong saad ni Darren, mariin siyang nakatitig kay Trina na prente lang namang nakaupo sa sofa. Napapailing na lamang sa kaniya si Nick, nanlaki na lamang ang mga mata ni Nick ng makita niya ang mga dala-dala ng secretary ni intsik. “Anong balak niyang gawin?” nagtatakang tanong ni Nick habang nakatingin pa rin sa pwesto nila Trina. “I want you
TRINA POV Napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil sa pumipintig ito. Sobrang sakit ng ulo ko, nanatili naman akong nakahiga sa kama at nakapikit pa ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi kapag gumalaw pa ako ay hahalukayin na ang sikmura ko. Hinila ko pa ang unan ko saka ko itinago ron ang mukha ko pero napakunot na lamang ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang amoy ng unan ko. Dahan dahan ko namang naimulat ang mga mata ko, muli akong napapikit dahil sumilaw sa akin ang sinag ng araw. Kailan pa ako nagkaroon ng bintana kung saan sisikat ang araw? Itinabing ko naman ang unan ko saka ko iminulat ang mga mata ko. Lalo akong nangunot dahil hindi pamilyar sa akin ang paligid ko. Inalala ko naman kung ano pang nangyari kagabi pagkatapos na ibigay sa akin ang kontrata. Kasama ko naman si Janet kaya bakit hindi ako nakauwi sa bahay ko? bakit nandito ako sa isang kwarto na hindi ko alam. Mabilis akong napabangon pero napadaing na lamang ng maramdaman ko ul
“Bakit mo ako hinayaan kay Darren?” tanong ko kay Janet kinabukasan, nandito na ako sa office ko sa kompanya ng mga Dela Vegas at kaharap nanaman ang tambak na mga papel na ito.“Magdamag at maghapon kayong magkasama, tama ba?”“Bakit mo nga ako ipinaubaya sa kaniya?”“Hindi naman sa ganun, iuuwi ka na sana namin ni Lyndon ng bigla ka niyang kunin kay Lyndon at buhatin na parang bagong kasal, sinabi niya na siya na raw ang mag-uuwi sayo, malay ko bang hindi ka pala sa bahay mo iniuwi. Hindi ka nakauwi ng maaga dahil sa hang over mo? pati si Darren ay hindi pumasok. Anong oras ka na ba nakauwi kahapon?”“I’m not sure, hapon na rin.”“Kung bakit mo naman kasi ininom lahat eh, hindi ka nag-iinom pero kung maka-oo ka akala mo ang lakas mo mag-inom.” Panenermon pa niya sa akin, napabuntong hininga na lamang ako. Nang matapos ko ang mga nasa harapa
Nang hawakan niya ang kamay ko at maingat na hinila ay para akong nakalutang sa hangin na naglalakad.“Darren,” rinig ko pang tawag ni Ate Joyce kay Darren pero hindi niya iyun pinansin. Hawak-hawak niya ang kamay ko at hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin. Bakit siya naniniwala kaagad? Nung unang sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyun ay sinabihan pa niya akong nagpapanggap akong lover niya. Pero bakit naniwala siya kaagad ngayong narinig lang naman niya kaming nag-uusap ni Ate Joyce.Namalayan ko na lamang na nandito na kami ngayon sa loob ng office niya. Tiningnan ko naman siya at nakatalikod siya sa akin habang nakaharap siya sa bintana niya. Ilang minuto pang nanaig ang katahimikan sa loob ng apat na sulok ng office niya. Napapahawak na lamang siya sa noo niya, hindi ko naman alam kung ano bang laman ng isip niya.“Bakit hindi mo sinabi sa akin? asawa kita?” parang hilaw pa niyang tanong sa akin. This time hinarap
Nang makauwi ako sa bahay ay pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa sofa. Inihilig ko naman ang batok ko sa sofa habang nakaharap ako sa kisame. Tama naman lahat ng sinabi ko sa kaniya, wala naman dapat siyang alalahanin dahil hindi niya naman ako maalala kaya paano pa niya maalala ang tungkol sa bagay na minahal niya ako? kung minahal nga ba niya ako noong panahon na yun.Hindi man lang ako kayang paniwalaan at pinili niyang ipadala na lang ako sa Paris para lamang hindi ko madungisan ang pangalan ng Dela Vegas group.“Nabalitaan ko yung nangyari kanina sa kompanya. Kinausap ka ba ni Darren tungkol sa bagay na yun?” tanong ni Janet saka siya naupo sa tapat kong sofa.“Tinanong niya syempre.”“Iyun lang ba? mabuti naman at naniwala sayo.” napahugot pa muna ako ng malalim na hininga bago ko siya sinagot.“Binuklat niya ang bag ko at nakita niya dun ang wedding ring naming dalawa. Nakita niya ang nakaukit na p
Nang lumipas ang limang minuto ay may tatlong lalaking nakasuit ang pumasok at inilibot ang paningin sa loob ng restaurant. Itinaas naman ni Darren ang kamay niya na umagaw ng atensyon nila. Naglakad naman na sila papalapit sa amin. “Good morning Mr. Dela Vegas.” Nakangiting saad ng isang lalaki. Tumayo naman si Darren para makipagkamay kaya tumayo na rin ako. “Good morning po, nice to see you.” wika ko rin sa kanila. “Let’s sit, pasensya na kung natagalan kami.” “No, it’s okay Sir. Kararating lang din po namin.” nakangiti kong saad. “Hindi mo naman nasabi Mr. Dela Vegas na may maganda ka palang dalaga na kasama. Isinama ko rin sana ang binata kong anak.” pabiro pang saad ng isang matanda kaya nakitawa na lamang ako sa biro niya. “I’m sorry Mr. Mortel but she’s my wife.” Pormal namang saad ni Darren kaya napatingin ako sa kaniya. Rumihistro naman sa mukha nila ang gulat, napalingon pa sa akin yung isa kaya ngumiti na lang ako.