Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na siya ng office ko. Napahawak na lang ako sa bandang dibdib ko dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. Is he really serious? Masyadong biglaan ang mga lumalabas sa bibig niya kaya pati ako nabibigla at hindi ko alam ang isasagot sa kaniya.
Napasandal na lang ako sa upuan ko ng mapansin ko ang isang vase ng bulaklak sa gilid ng table ko na ngayon ko lang napansin. Kinuha ko naman ang card sa ibabaw nun.
“You’re beautiful than this flowers my wife. I love you.”
Kahit walang pangalan alam kong siya ang nagbigay nito. Yeah, he’s serious, he’s really serious. Paano kung bumalik na yung ala-ala niya at nalilito lang pala siya sa akin?
Why am I thinking this anyway? Kung magbago man ang isip niya wala na akong pakialam. Si Chris ang mahalaga sa akin, he’s enough for me. I don’t need any man in my life.
Paglabas ko ng office ko ay sakto rin ng makita ko si Ate Joyce.
“Ate,” tawag ko sa kani
“Sabihin mo sa akin kung saan ba siya bawal para alam ko kung anong ipapakain ko sa kaniya. I’m really sorry, I really didn’t know.” Hinahaplos niya ang kamay ni Chris at bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. Hindi pa naman sila nagkakakilala masyado ni Chris dahil kailan lang naman sila nagkita at nagkakilala bilang mag-ama.“I understand, hindi mo naman kasalanan. Sa seafood lang naman siya bawal.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Simula ng idala namin sa hospital si Chris ay hindi pa umuuwi si Darren kaya ako na lang ang umuwi para manguha ng maisusuot at makakain niya. Ayaw niyang iwan ang anak namin.Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na hindi niya naman kasalanan pero pakiramdam niya kasalanan pa rin niya. Mahabang panahon din talaga ang sinayang ko sa kanilang dalawa. Totoo namang naghintay ako kay Darren, naghintay ako ng tawag o hudyat niya para pabalikin na ako ng Pilipinas pero walang dumating.
“Just remember that I’m here. Hindi ko kayo iiwan ng anak natin.” malambing niyang saad kaya bahagya akong ngumiti sa kaniya. Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang yakapin niya ako. I want to stay beside him, I want to be with him again but I don’t know how to start. “Handa akong ipakita at iparamdam sayo ang nararamdaman ko para sayo. I want you to feel that I’m sincere Trina. Bumalik man ang ala-ala ko o hindi walang magbabago sa nararamdaman ko.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. I hope so Darren pero hindi pa kita masasagot sa ngayon. Gusto ko na munang ihanda ang sarili ko sa lahat ng bagay, if I’m really ready to love you whole heartedly again no matter what happened. “Matulog na tayo, good night. I love you.” tanging tango at ngiti na lang ang naisagot ko sa kaniya. Nagtungo na siya sa sofa saka kinuha ang unan at kumot na gagamitin niya. “Don’t think too much, ako na lang isipin mo.” nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi saka natawa. Hindi ko al
Abala akong tinitingnan ang mga dala dala kong papeles ng humahangos na lumapit sa akin si Janet.“What happened? Ang aga aga ay hinihingal ka.” humugot naman muna siya ng malalim na buntong hininga saka lumunok.“Kailangan ka sa training room, ngayon din.” wika niya, salubong naman ang kilay kong nagmamadaling nagpunta ng training room. Ano nanaman bang kaguluhan ang ginagawa nila? Ilang araw na lang at lilipad na silang dalawa patungong New York for the international runway.“Please tama na po.” Rinig kong umiiyak na saad ni Ashley. Mabilis akong pumagitna sa kanila at inilayo sa kanila si Ashley na gulo gulo na ang mga buhok.“Tita? what do you think you’re doing?” pagalit kong tanong sa kaniya, tiningnan ko rin si Ate Joyce na matatalim ang mga matang nakatingin kay Ashley na nakayuko at humihikbi ngayon.“Ano nanaman bang nangyayari? Ate Joyce, ilang araw na lang lilipad na kayo sa Ne
Napangiti na lang ako ng maalala ko ang mga sinabi niya sa akin kanina, ang mga matatamis niyang salita. Naipilig ko na lang ang ulo ko at pilit na inalis iyun sa isipin ko para makapagfocus ako sa mga trabaho ko.Kung ano-ano naman kasing sinasabi niya sa oras ng trabaho naming dalawa, ginugulo niya tuloy ang isipan ko, ang pagfofocus ko.Inasikaso ko ang lahat ng mga gagamitin ni Ate Joyce at ni Ashley sa New York ganun na rin ng mga kakailanganin nila. Kailangan maiayos ko na bago ang flight para hindi ko na iisipin pa sa susunod na araw kung may naiwan pa ba kami o wala na.Inabala ko ang sarili ko para dun, minsan ay dinadalaw ko rin sila sa practice nila kapag silang dalawa na lang. Maayos naman sila minsan pero hindi maiwasan ang irapan siya ni Ate Joyce kapag nagsasalubong ang mga mata nila. Maldita lang talaga siguro si Ate Joyce at wala naman siguro silang dalawa na malaking alitan. Problema talaga kapag may alitan talaga sila na hindi ko alam.
Sa tingin ko ay wala naman na kaming naiwan, dinouble check ko ang lahat ng mga nasa listahan ko kung naihanda na ba namin lahat ng gagamitin namin sa New York. Bukas na ang lipad namin at sa tingin ko ay wala na kaming problema.“Kyaaaaaahhh, ang sweeeeeet.” Napatigil ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang ingay na yun. Ano ba yun? May artista ba para mag-ingay ang mga empleyado. Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at nagpatuloy sa paglalakad habang tinitingnan ko ang hawak hawak kong mga papel.“Ang gwapo niya talagaaaaaa.” Patuloy na rinig ko sa mga ingay, napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Nick na nagmamadaling tumakbo. Ano bang meron para magkagulo silang lahat? Wala naman akong nabalitaan na may bibisitang artista rito.Dahil sa kuryosidad ko ay sinundan ko ang ingay na yun, hindi ko makita ang nasa harapan dahil maraming nakikius-sosyo. Ano ba talagang meron? Tumitingkayad ako pero hindi ko pa rin makita kaya napailing n
“Congratulations Mr. and Mrs. Dela Vegas wooooaaaahhh.” Masaya pa nilang sigawan. “Yes! Marry her again!!” rinig kong malakas na sigaw ni Ate Joyce, kumalas naman na ako sa pagkakayakap ni Darren at pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ko. “Don’t you dare to hurt her again you jerk!!” natawa kaming lahat sa sinigaw ni Ate Joyce, nilingon ko naman siya at siya ang may hawak kay Chris. “Marry again, marry again.” Anas din ng munti naming anghel. “I will not do that Joyce, don’t worry.” Sagot ni Darren sa kaniya. “You should! Ako mismo ang magkakalbo sa magiging babae mo, hmp!” anas pa ni Ate Joyce. “Ang galing mo pong kumanta Sir. Nakakainlove!” sigaw pa ng kung sino. Unti unti naman na silang nagsibalikan at walang ibang bukambibig kundi ang ginawa ni Darren na pagkanta. “What was that?” tanong ko sa kaniya ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Kinuha ni Ate Joyce si Chris at umalis din sila kaagad. “I just wa
“Are you sure na nandito na lahat ng gagamitin mo?” abala kaming dinodouble check ang lahat ng mga dadalhin namin ngayon. Kanina pa kami gising dahil mamaya na kami lilipad patungong New York.“Si Ashley ba nakontak niyo na? sinabi ko sa inyong before 5 ay nandito na kayo.” Itinigil ko ang ginagawa at tiningnan si Ate Joyce na abala ring may binubuklat sa mga gamit niya.“Alam kong dito ko lang yun nilagay eh.” Rinig kong usal niya.“Ano bang hinahanap mo?”“Yung heels ko, alam kong naigayak ko yun kanina.” tinulungan ko siya sa paghahanap niya sa gamit niya pero kahit pagbalik-baliktarin namin ay wala kaming makitang heels.“Baka naman naigayak mo lang pero hindi mo nailagay sa mga gamit mo.” wika ko habang nagkakalkal pa rin.“Tatawagan ko si Mommy.” Kinuha niya ang cell phone niya sa bag. Tiningnan ko naman ang oras at saktong alas singko na pero wala pa r
“Fine, I will call you often kaya huwag mong iiwan kahit saan ang phone mo.” tinanguan ko naman siya at inihatid siya sa pintuan. Lakad takbo naman ang ginagawa niya, alas sais na at dapat sa ganitong oras ay nakalipad na kami.Ano ba kasing ginagawa niyang nagdadrive? Nakatulog ba siya? pero ang sigla naman ng katawan niya kanina habang inaayos namin lahat ng gamit. Minsan lang dumating ang ganitong opportunity for her, ganito pa ang nangyari. Paniguradong maghihinayang siya, ginugol niya rin ang oras niya para sa araw na ito tapos biglang maglalaho lang sa hangin.Ashley is lucky today and I hope she will do her best. 50% ng pinaghandaan namin ay nawala. Sa tingin ko naman ay kaya na ng manager niyang tulungan siya. May kasama pa naman silang assistant para naman hindi natataranta ang manager ni Ashley sa araw ng fashion show nila.Alam kong kaya naman yun ni Darren, ilang taon na siyang nasa ganito ring industriya.“How is she?”