SA araw na lumipas ay walang pagsidlan sa katuwaan si Minnie na napapansin naman ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Kasabay niyon ang pag-aasam niya na muling paglabas nila ng binata.
"Uy! blooming huh!"pansin ni Patty na siyang kapalitan niya sa gabing iyon.
"Hindi naman Ma'am,"nahihiya niyang sabi na tuluyan ng nagpunta sa locker room nila para kunin ang hand bag niya.
Pagkahawak pa lang niya roon ay mabilis na niyang binusisi kong nag-text o tumawag man lang si Aizo sa kanya. Ngunit sa pagkadismaya niya ay wala.
Pero may mga ilang missed call at text naman galing sa kapatid niyang si Monina at best friend niyang si Carol.
Nagpasalamat si Minnie ng pagbuksan na siya ni Mang Lucio ng pinto ng kotse. Mabilis na siyang sumakay, kasabay niyon ang pag-dial niya ng numero ng kapatid niya.
"Hai Monina, kumusta na?"tanong ni Minnie nang marinig niya ang tinig nito ng tuluyan sagutin nito ang tawag niya.
"Hai ate Minnie! okay lang kami, kahit paano ay nakabili na kami ng mga gamot ni Nanay. Ikaw kumusta ka naman diyan?"
"Maayos naman ako ading, si Monina?"tanong ni Minnie.
"Monina! Nay! Tay! si ate Minnie kausap ko dali!"Dinig ng dalaga. Hindi niya mapigilan mapangiti.
Kahit paano marinig lang niya ang mga boses ng mga mahal niya sa tawag ay naiibsan na niyon ang pangungulila niya sa mga ito.
Sa totoo lang sa lumipas na mahigit isang buwan na narito siya sa Maynila ay nagpakabusy siya sa trabaho, para na rin hindi siya dapuan ng homesick.
Unang beses na napalayo siya sa pamilya niya, kaya malaking adjustment ang ginawa niya.
"Hello anak Minnie, ikaw ba 'yan? Maraming salamat sa mga ipinapadala mong pera sa pagpapagamot ko,"pasasalamat ni Alicia mula sa kabilang linya.
"Walang anuman Nanay, masaya po akong nakakatulong sa inyo riyan sa probinsiya,"sagot niya.
"Baka naman ay wala ng natitira sa iyo anak?"tanong naman ng Tatay Hermineo niya.
"Hindi naman ho, meron pa rin naman po."Nakagat niya ang labi, dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling. Dahil ang totoo ay kaunti lamang ang itinira niya sa naging unang sahod niya.
Masaya na siya na naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan sa pamilya niya. Ayos na sa kanya na magkulang siya para sa sarili. Huwag lamang nahihirapan ang mahal niya sa buhay.
Mahal na mahal niya ang mga ito.
"Ate salamat pala sa pagbili mo ng tig-isang touch screen phone sa amin ni ate Monina laking tulong ito sa pag-aaral naming dalawa,"nasisiyahan naman pasasalamat ng bunso ng pamilya nila na si Mandy.
"Wala iyon bunso, ang importante ay pag-igihan niyo ang pag-aaral niyong dalawa dahil ang diploma lamang niyo kapag nakatapos na kayo ang maipamamana sa inyo nina Nanay at Tatay,"bilin ng dalaga sa mga kapatid.
"Noted ate, love you and miss you thank you ulit!"sabat naman ni Monina.
"Sige na at baka naiisturbo ko na kayo, late na matulog na rin kayo. Lalo na si Nanay, pakitignan-tignan na lang siya kung maari. Miss na miss ko na rin kayong lahat love you,"tugon niya.
Tuluyan na niyang pinatay ang tawag, naisipan niya rin tawagin si Carol ngunit hindi ito sumasagot kaya minabuti na lang niyang ipagpabukas na lang iyon.
Muli siyang nag-scroll sa phonebook nang makita niya ang numero ni Aizo.
"Ano titigan mo na lang ba o tatawagan?"pakikipag-usap ni Minnie sa sarili.
Hanggang sa tuluyan na niyang sinunod ang tinig. Kakaba-kaba pa si Minnie habang dinig na dinig niya ang pagtunog mula sa kabilang linya.
"Who's this?"Bigla ang ginawang pagbaba ni Minnie sa tawag.
Mabilis pa rin naman ang tibok ng puso niya ngunit hindi dahil sa antipasyon sa pagnanais na makausap si Aizo. Kung 'di ang pag-uumpisang kainin ng kaba at pagdaramdam ang puso niya.
"B-babae ang sumagot, sino siya... Aizo niluluko mo lang ba ako?"piping pakikipag-usap ni Minnie sa sarili sa lumipas na sandali. Malakas pa rin siyang kinutuban dahil maghahating-gabi na kaya nakatitiyak siya na marahil ay nobya nito ang kasama ng mga sandaling iyon...
KAHIT matamlay ay minabuti ng dalaga na bumangon na, naisipan niyang magluto ng almusal sa kanilang dalawa ni Sandy.
Kasalukuyan siyang nagpapainit ng tubig nang pumasok sa kusina si Sandy na naghihikab pa.
"Your early Minnie, may pupuntahan ka?"
"Wala naman Dee,"mahina niyang sagot. Natigilan naman sa pagkuha ng pitsel ng juice mula sa fridge si Sandy nang mapansin niya ang nanamlay na tinig ni Minnie.
"May problema ba?"
Umiling lamang si Minnie, hindi niya nilingon si Sandy dahil kanina pa siya nagpipigil na mapaiyak.
Mabilis na naglakad palapit si Sandy, saka nito hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga na nakayuko lang.
"Tell me what's wrong Minnie, para matulungan kita?"may pag-aalala sa tinig ni Sandy.
Tuluyan naman iniangat ng dalaga ang mukha, saka ito unti-unting nagsabi.
"K-kasi Dee... mukhang naluko ako,"naiiyak niyang sabi na agad naupo.
"Huh? anong ibig mong sabihin?"takang-tanong ni Sandy na nakakunot-noo.
Hindi na nagsalita si Minnie dahil pumalahaw na ito ng iyak. Dali-dali naman pinatay ni Sandy ang apoy sa kalan kung saan kasalukuyan pa rin nagluluto ito.
"Anong angyari Minnie, may nangyari ba sa Nanay mo sa probinsiya kaya ka nagkakaganiyan?"tarantang tanong ni Sandy na mabilis na napalapit sa dalaga at hinimas-himas ang likuran nito.
Nanatili naman nakayukyok si Minnie sa lamesa habang patuloy lamang sa pag-iyak.
"Ija... Minnie kung hindi mo sasabihin ang problema ay paano kita matutulungan?"malumanay na wika ni Sandy matapos ang halos kinse minuto na direstong nag-iiyak ito.
"Sorry Dee kung pati ikaw pinag-alala ko pa,"sabi ni Minnie na inabot ang isang baso ng tubig na iniumang sa kanya nito. Diretso niyang ininom iyon, halos nakalahati niya agad iyon.
"Okay lang, kaya sige na ano bang problema?"pangungulit ni Sandy agad niyang itinabi ang basong inunaman ni Minnie.
"Kasi naman, naalala mo si Aizo."
"Bakit ano ang tungkol sa kanya. Don't you say na... gosh! may ginawa ba siya sa'yo? Tell me Minnie pinilit ka ba niyang makipag---"Ngunit bago pa matapos ni Sandy ang sinasabi ay sumabat na si Minnie.
"Hindi! Dee kwan kasi... alam mo iyon pinaramdam niya kasi na espesyal ako sa kanya. Then all of sudden ay hindi na lang siya nagparamdam o nagpakita. Tapos ng tinawagan ko ay iba ang sumagot,"hindi maiwasan sumbong niya. Ewan niya pero pakiramdam ni Minnie ay gagaan kahit paano ang bigat sa kanyang loob.
"Aba at loko ang lalaking iyon, babae ang sumagot right?"inis na saad ni Sandy na napatayo at palakad-lakad sa harapan niya ngayon.
"Anong gagawin ko Dee, mukhang nagkakagusto na ko sa kaniya,"patuloy ni Minnie na naiiyak na naman.
"Minnie, hindi ba't pinalalahanan na kita dati pa na kilalanan mo ang lalaking iyon,"tugon ni Sandy.
"Pero paano hindi ko naman mapigilan ang puso ko, saka nagtiwala kasi ako na hindi niya ako lolokohin,"sabi pa ni Minnie.
Isang bagsak sa kamao ni Sandy ang ginawa nito sa lamesa.
"Iyan ang sinasabi ko, dahil sa lintek na pagtitiwalang iyan ay marami ang nagagawang mapagsamantalahan,"nabihiran ng pait ang tinig ni Sandy.
"Dee..."nag-aalalang tawag ni Minnie sa pangalan nito.
"Same as you ay pinagdaan ko rin iyan, nagmahal at nagtiwala rin ako sa lalaking hindi ko aakalain na lulukohin din pala ako sa huli. Hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na nagpatangay ako sa nararamdaman ko,"salaysay ni Sandy.
Nakikinig lang naman si Minnie.
"Pasensya na Dee at ng dahil sa akin ay naalala mo pa ang past mo. Saka huwag mo akong alalahanin hindi pa naman gaanong kalaki ang naging damage na ginawa sa akin ni Aizo. W-wala pa naman n-nangyari sa amin,"amin niya.
Kitang-kita niya na nakahinga ng maluwag si Sandy.
"Mabuti kung ganoon, ang mabuti pa'y mag-off ka muna ngayong araw. Pagkakain natin ay idaan na muna kita sa beauty salon para makapagrelax ka naman. Magshopping ka, my treat,"wika ni Sandy.
"Huh? 'wag na Dee, madagdagan na naman utang ko sa'yo,"alanganin saad ni Minnie.
"Huwag mong alalahanin iyon, sige na at magsha-shower na ako. H'wag mong intindihin iyon, pagsisihan niyang niloko ka niya,"sabi pa ni Sandy.
Tumango na lang si Minnie at ipinaghanda na niya ang sarili ng makakain.
ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay