Share

Chapter One Hundred Sixty

HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.

Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status