INAAKALA ni Minnie ay hindi na muling makikipagkita si Aizo sa kanya. Ngunit maling-mali siya, dahil narito mismo sa harapan niya ang binata.
Kitang-kita na naman niya ang napakaguwapong ngiti nito na nagpapakilig sa kanya."Goodevening Mr. Gimenez, ano pong kailangan niyo?"tanong ni Minnie na hindi makatingin ng diretso sa binata. Para kasi siyang tutunawin nito sa klase ng titig na ipinupukol nito sa kanya."Aayain sana kitang lumabas uli, nabitin kasi ako last time.""N-nabitin?"namumulang pang-uulit ni Minnie."Oh, sorry what I mean are hindi masyado tayong nakapag-enjoy noong isang gabi because you past out. Don't worry hindi na kita ulit papainumin,"Aizo chuckled."Sige, so...hintayin mo ako ulit?"nasabi ni Minnie."Sure, hintayin na lang kita sa parking area,"bilin ni Aizo. Naglakad na ito palabas, sa sandaling iyon ay hindi mapigilan na mapangiti ng maluwang si Minnie at ang kilig na nararamdaman niya ay nanatili hanggang sa natapos ang shift niya.Bago lumabas ay tinawagan na muna niya ang numero ni Sandy para ipaalam na lalabas silang muli ni Aizo. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya."Sino iyon?"usisa ni Aizo matapos nitong mapansin ang itsura niya."Si Sandy boss ko, ipapaalam ko sana na ikaw ang kasama ko sa paglabas ngayon. Pero hindi naman siya sumasagot, i-te-text ko na lang si Mang Lucio,"nasabi ni Minnie."Baka busy ang tao, tiyak kong mag-e-enjoy ka sa pupuntahan natin,"nakangiting sabi ni Aizo."Bakit saan ba tayo pupunta?"parang na-excite si Minnie."Basta, sabado naman bukas kaya off mo okay lang siguro kung ma-late tayo ng uwi.""Hindi ko lang alam, naku! kinakabahan naman ako. Baka naman sa motel mo lang akong dalhin huh, uy! hindi pa ako nakakapasok doon at saka baka iniisip mo na pa-easy to get ako baka nagkakamali ka. Dalagang pilipina kaya ako,"madaldal niyang sabi.Tawa lang naman ng tawa si Aizo."Palabiro ka talaga Minnie, kaya nga enjoy na enjoy ako sa tuwing kasama kita. Pakiramdam ko bumabata ako ng sampong beses,"saad ni Aizo na pinupunasan pa ang gilid ng mata niya."Baka lang naman,"dagdag pa ni Minnie."Cute mo talaga."Sabay pinisil ni Aizo ang pisngi ni Minnie.Parang gusto na lang lumubog ni Minnie sa kinauupuan sa sobrang kilig na nararamdaman niya. Habang nagba-biyahe sila ay parang idinuduyan ang dalaga.BIGLA ang panlalaki ng mata ni Minnie pagkakita sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Aizo. Isang theme park lang naman siya dinala nito.Dahil doon ay naalala niya ang probinsiya nila na pinili niyang iwan para makapagbigay siya ng ginhawa sa pamilya niya."Ano gusto mong unahin?"tanong ni Aizo na nakahawak pa sa magbilang beywang nito ang kamay."Kahit ano, tara hindi na ako makapaghintay na masakiyan lahat niyan!"excited na sabi ni Minnie na tuluyan hinila sa braso si Aizo na wala naman nagawa kung 'di ang magpahila na lang din sa babae. Kahit maraming tao ang naroroon ay hindi sila napigil niyon dahil ang binili lamang na ticket ng lalaki ay ride all you can lang naman.Una nga nilang sinakiyan ay ang carousel para silang bata sa pinaggawa nila."Masaya ka ba Minnie?"tunog ipit ang tinig ni Aizo. kunware siya ang sinasakiyan nitong kabayo ang nagsasalita."Opo kuya masayang-masaya po ako, mukhang inlab na nga ako sa'yo,"panggagaya ni Minnie rito. Kasalukuyan naman itong nakaupo sa swan na sinasakyan."Kulit mo talaga,"sabi ni Aizo na ngiting-ngiti.Matapos sila roon ay lumipat na naman sila sa ibang rides. Sinubukan nila ang"space shutte, Jungle Log Jam,Agila: The EKsperience,Archors away,Rio Grande Rapids at pati ang roller coaster ride na hindi aakalin na makakayang masakiyan ni Minnie. Panay tawa lang ang dalaga dahil sigaw ng sigaw si Aizo sa itaas hanggang sa mabilis na bumababa ang sinasakiyan nila."Alam mo ang sagwa ng itsura mo kanina, sayang gusto ko sanang kuhanan ka pero natatakot naman ako na mahulog `yung Iphone,"tukso niya sa lalaki."Stop it, atleast nag-enjoy ka naman na kasama ako,"tugon ng binata na napatingin sa ibaba. Kasalukuyan silang nasa wheel of fate at huling ride na nila iyon."Super! gusto ko ulit magpunta tayo dito, pero dapat sa susunod ako naman manlilibre Pasensiya ka na talaga kasi halos ikaw na lang palagi ang taya,"pagpapasensiya ni Minnie."It's okay masaya ako na napapasaya kita and I know mas inuuna mo lang ang pangangailan ng family mo sa probinsiya,"wika naman ni Aizo."Salamat huh, sobrang bait mo sa akin kahit bagong kakilala pa lang tayo. Sana ganito pa rin tayo kapag tumagal pa"usal ni Minnie na nagniningning ang mata.Natigilan naman si Aizo, iyon naman ang nakitang pagkakataon ni Minnie."Kaya ng dahil doon ay kahit sa ganito man lang ay mapasalamatan kita."Kasabay ng pag-usog ni Minnie palapit sa lalaki.Kaunti na lang ay magdidikit na ang labi nila ng bigla ay iniiwas ni Aizo ang mukha.Hindi naman nakaimik si Minnie, napansin niyang parang may iba rito."May problema ba?"takang-tanong ni Minnie.Agad naman napagawi ang tingin ni Aizo rito."Nothing Minnie, it's just that, I think hindi ito tama. I mean hindi ko deserve ito,"sabi lang ni Aizo.Tumango-tango lang si Minnie."I hope you'll understand,"dagdag pa ni Aizo.Napakamot naman sa ulo si Minnie, sa totoo lang ay naguguluhan siya. Akala niya ay parehas na sila sa gusto nilang mangyari pero siya yata itong nagmumukhang atat."Naiintindihan ko, pasensya na nagmumukha tuloy akong atat na atat,"napapahiya niyang sabi."Don't say that, kasalanan ko. Just remember what I said, mabuti kang tao Minnie kaya maswerti ang lalaking mamahalin mo,"sabi ni Aizo."Naman! masuwerti ka talaga!"tuluyan itinuloy ni Minnie ang gusto niyang isagot dito. Ngunit pinanatili na lang niya sa isipan iyon.Matapos nga ang ride na iyon ay binilhan pa siya ng ice cream ng binata. Muli ay tuwang-tuwa si Minnie, nasa loob na sila ng kotse ng binata ng hindi sinasadiyang matapunan niya ang damit nito ng kinakain niyang ice cream."Opps! sorry,"pagpapasensiya ni Minnie. Sabay kuha niya sa panyo na nasa loob ng handbag niya. Tuluyan niyang pinunasan iyon."It's fine Minnie, I have another shirt at the back,"sagot nito. Dumukwang nga ito at kinuha ang isang paper bag na nasa likuran.Ngunit laking gulat niya ng bigla na lamang hubarin ni Aizo sa pagkakasuot ang damit na natapunan niya. Hindi niya tuloy mapigilan na mapanganga at mapamulagat sa pagkakatitig sa magandang katawan nito. So firm and perfect ang pagkaka-tone ng mga muscle ng lalaki."...pati ang abs! yummy!"tili ni Minnie sa isip. Napakurap lang ito ng biglang pitikin ni Aizo ang daliri sa harapan niya."Masarap ba?""Ang alin? ahy oo sobrang sarap tignan ng abs mo ahy! esti! sorry naman. Nang kwan mo pala ng nilibre mong ice cream bitin na bitin nga ako,"taranta niya sabi."Sabihin mo nabitin kang titigan ang abs niyang pamatay!"segunda ng isip ni Minnie."Tara na?"tanong ni Aizo matapos na maisuot nito ang seatbelt."Huh, saan?"naipilig pa ni Minnie ang ulo."Ano ka ba of course iuuwi na kita,"sagot naman ni Aizo na takang-taka sa reaksiyon niya."Ikaw huh, kanina pa ayaw-ayaw ka. Ngayon mas gusto mo pala akong iuwi."Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ni Aizo na muling nagtatawa sa sinabi niya.Kakamot-kamot lang uli sa ulo si Minnie, kung may makakakita sa kanya pagkakamalan na siyang may balakubak sa ulo niya."Hindi ba,"nagbakasali pa rin siya."Ang cute mo talaga."Sabay pisil ni Aizo sa ilong ng babae."Aray masakit kaya iyon!"reklamo niya, ngunit sa totoo lang ay umaasam siya na may iba pang gagawin sa kanya ito."Tara na iuuwi na kita... sa condo niyo."Tatawa-tawang sagot ni Aizo."Bahala ka baka pagsisihan mo,"sabi ni Minnie."Isang araw ay maaalala mo ang gabing ito... sana mapatawad mo ako,"isip ni Aizo.Tuluyan na niyang pinaandar ang kotse at sana kahit matapos ang gabing iyon ay hindi siya nito kamumuhian pagkatapos.ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay