Being underprivileged and poor Minnie find various jobs, especially for her mother's medication. She worked as a hostess at the club owned by her childhood cousin where she met Aizo Gimenez, her exclusive customer and the guy she has thought could save her from poverty. Unknowingly to her, she was only being played. From her extreme loss, she carried her most vicious vengeance. Her revenge led to a big misfortune when it wasn't Aizo who was with her that night, but the twin Aevo who was woman hater and short temper. By cruel fate, she coated herself for carrying their first child. But how long will she be able to conceal the truth if she couldn't resist herself from falling?
View MoreBATA pa lamang si Minnie Ledesma ay kinamulatan na niya ang hirap sa probinsiya nila. Lumaki siya sa maliit na kubo ng mag-asawang Alicia at Hermenio Ledesma na pawang pagsasaka lang sa Bayan ng La Buento del Corazon ang pinagkakakitaan. Magkagayunman ay hindi sapat ang kinikita ng mag-asawa dahil sa nakikisaka lang naman ang mga ito sa bukirin ni Don Hidalgo ang nagmamay-a*i ng mga lupang pinagsasakaan ng mga kapuwa nila hikahos sa buhay.
Dahil sa tatlo pa silang pinapakain at pinag-aaral pa ang dalawang nakakabatang kapatid ay nagkukulang sa pang-araw araw ang mga ito. Ngunit kahit na kailan ay hindi nagreklamo si Minnie sa buhay na kinalakhan niya. Iniisip niya na balang-araw ay may darating sa kanyang buhay na isang prinsipe na magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap niya sa buhay."Hoy! Minnie Ledesma! ano na naman mukha iyan!"Nanggulat na sabi ni Carol sa kanya."Ahy! palaka!"sigaw ng dalaga na muntik pa niyang ikahulog sa kinauupuan na malaking bato. Mabuti na lamang at nakakapit siyang maigi, kung 'di mahuhulog siya sa ibaba ng bundok.Hindi lang siya mapipilayan, kung 'di tiyak ikamamatay pa niya."Ano ba! Carol muntik na akong mahulog! gusto mo na ba akong mamatay agad? Paano ko na makikita ang prince charming ko na itinakda ng langit kung maaga akong matitigok!"drama niya sa kababata na imbes na matakot sa nakabakas na galit sa mukha niya ay tawang-tawa pa ito."Ikaw kasi, disi-nuebe ka na pero naniniwala ka pa rin sa mga fairytale romance na nababasa mo sa mga pocketbook na hinihiram natin kay baklang Osang. Tinutukoy nito ay ang may-a*i lang namang ng hair salon sa may bayan."Hee! wala ka ng pakialam doon, basta ako naniniwala na darating sa buhay ko ang lalaking mag-aahon sa akin sa kahirapan ng buhay,"puno ng pag-asa ang tinig ni Minnie na itinaas pa ang mukha sa may kalangitan.Napakaganda ng lugar kung saan sila naroon. "Bantay bato" ang tawag nila roon. Dahil napapalibutan ng naglalakihang bato ang bundok na iyon. Noong unang panahon ay ginawang kampo ang ituktok ng bundok ng mga sundalong Hapon ng sakupin ang Pilipinas. Nang maitaboy ng tuluyan ang mga ito ay ginawa na lamang tourist attraction ang bantay bato sa La Buento del Corazon."Naku! kung ako sa iyo ay pagtuunan mo ng pansin ang paghahanap-buhay Minnie. Hindi na tayo mga bata, matatanda na rin mga magulang natin,"wika nito.Kaya upang masentro ang atensyon ng dalaga sa sinabi ng kababata.Bigla siyang nalungkot dahil doon, maya-maya ay naramdaman ni Minnie ang masuyong dampi ni Carol sa balikat niya. Tuluyan siyang napayuko at tila nagbabanta na rin bumagsak ang mga luha sa magkabilang mata niya."Kung ako sa'yo ilabas mo lang iyan best friend..."Dahil sa narinig ay hindi na napigilan ni Minnie na pumalahaw ng iyak. Halos limang minuto rin siyang hinayaan ni Carol sa ganoong ayos. Nang tumigil siya ay nag-umpisa ng mag-usisa ang kaibigan sa kanya."Hindi ko naman sinasadiya, pero narinig ko si Mama. A-ang sabi ay may cancer sa bituka si Nanay Alicia,"may himig ng pagkaawa ang tinig nito kaya upang hindi mapigilan ni Minnie na maluha ulit."Oo m-may malubhang sakit si Nanay, kaya nga hindi ko alam ang gagawin ko. Kung saan ba ako kukuha ng perang pampagamot niya,"ani ni Minnie na suminghot-singhot.Agad naman naglahad ng malinis na panyo si Carol, hindi na nahiya si Minnie at agad na niyang kinuha iyon. Barado na kasi ang ilong niya at kailangan niya ng magagamit para maalis ang sipon niyang namumuo dala na rin ng mabigat niyang pag-iyak."Kaya agad akong nagpunta dito sa bantay bato kasi alam ko na narito ka. Hindi nga ako nagkamali andito ka nga,"dagdag pa ni Carol na awang-awa sa kababata.Saksi na rin kasi ito sa mga pinagdaanan sa buhay ni Minnie magmula pagkabata. Kahit paano ay nakakaangat sa buhay ang pamilya nila. Nagmamay-a*i lang naman ng sikat na ka*inderya sa bayan ang Mama nito. Habang ang tatay naman nito ay nagta-trabaho bilang driver sa isang mayamang pamilya sa Maynila."Hindi ko nga alam kung ano ng gagawin ko. Lahat naman pinasok ko na para makatulong lang kina Nanay at Tatay. Pero hindi ko na alam, saan pa ako makakakita ng extra na trabaho na malaki ang kita kung wala naman akong natapos na kurso sa kolehiyo,"malungkot na saad ni Minnie.High school graduate lang kasi ang natapos ng dalaga. Binalak na rin niyang mag-college dati, kaso ang mga naiipon niyang pera mula sa pag-e-extra niya sa iba't ibang trabaho nila dito sa probinsiya ay nailalagay lamang sa pag-aaral ng dalawa pa niyang kapatid na babae."May alam ako, baka gusto mo?"biglang sabi ni Carol."Ano iyon?""Ang sabi sa akin ng pinsan kong nasa Manila ay isang beses ay nag-part time job siya sa isang party bilang show girl ng mga mayayaman. Alam mo bang malaki ang kinita niya sa isang gabi, bes! twenty thousand lang naman!"exxagerated na kwento nito."W-Wow! talaga anglaki naman,"napapantistakuhan na sambit ni Minnie. Sa tanang buhay ng dalaga ay never pa siyang nakakahawak ng ganoon kalaking pera."Oo, dagdag pa roon na limang oras lang naman siya nagtrabaho sa party na iyon dati."Dahil doon ay na-corious tuloy si Minnie kung anong klaseng trabaho iyon."Tara na bez, baka kanina ka pa hinahanap sa hacienda ni Don Hidalgo. Pag-isipan mo muna kung gusto mo i-try iyon at agad kong itatawag sa pinsan ko,"pag-aya na ni Carol na bumaba sa bundok.Tumango na lang din si Minnie at tuluyan na siyang tumayo at sumunod sa kaibigan. Hindi pa sila nakakapasok sa malaking gate ng mga Hidalgo ay nakita nila mula sa malayo ang nakatayong si Yessha na pinapayungan ng personal maid nito. Unica ija ni Don Hidalgo. Kinabahan tuloy silang magkaibigan sa nakikitang pagkalukot ng mukha nito."Hey! mucha-cha! saan ka ba nagpupunta at kanina pa kita hinahanap. Pumasok ka na nga at pakiligpit ang mga gamit ko sa study room. Pagkatapos niyon ay tumulong ka sa kusina ipag-luto mo ko ng carbonara!"ora-oradang utos nito sa dalaga."S-sige po, senyorita,"nasabi ni Minnie."Mauuna na ako bff, kita na lang tayo sa ibang araw. Aasikasuhin ko pa kasi iyong thesis ko sa isang major subject ko,"sabi naman ni Carol.Tumango na lang si Minnie at tuluyan ng pumasok sa loob ng mansyon. Sa totoo lang ay kahit paano ay nagkaroon ng kaunting inggit si Minnie sa kaibigan. Dahil makakapagtapos na ito ng kursong Education. Habang siya ay mananatili na yatang alila ng mayayaman sa probinsiya nila.Mabilis na inasikaso ni Minnie ang mga ipinapagawa ni Yessha sa kanya. Maging ang carbonara ay natapos niya rin agad bago pa siya mabalikan ng malditang anak ng amo."Minnie! where are you! nasaan ang carbonara! my gosh ba't ang kupad-kupad mo. Hindi ba't sinabi kong bilisan mo dahil may mga bisita akong darating!"mataray na naman anas nito habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya."P-pasensya na senyorita, heto na po,"nanginginig ang boses na sabi niya. Nakayuko lamang siya habang inilalagay niya sa lamesa ang plato.Ngunit halos mabingi siya sa pagtili nito.Nang hindi sinasadiyang natapon sa damit nito ang baso ng juice na ini-inuman nito. Sa pagkataranta niya ay hindi na napansin ni Minnie na may nakaharang pala sa paglalagyan niya niyon."T*nga-t*nga mo! boba ka ba! my gosh kita mong ginawa mo sa branded dress ko! Alam mo ba kung magkano ito? two hundred thousand pesos lang naman!"Nanggagaiting bulyaw ng babae na dinuro-duro pa siya. Hindi pa ito nakuntento ay malakas pa siyang itinulak upang maging dahilan ng pagkasalampak niya sa floor.Ganoon naman naaktuhan sila ni Don Hidalgo."Yessha what are you doin? pwedi ba huminahon ka,"saway ni Don Hidalgo na hinila ito palayo kay Minnie na nag-iiyak."No! see, may darating akong mga bisita at dahil sa hampas lupa na iyan ay nadumihan na ang brand new at pagkamahal-mahal kong dress!"maarte nitong saad sa ama."Madami ka pa naman damit na hindi pa naisusuot, go change!"taboy na lang ni Don Hidalgo."Ugh!what ever parati na lang na iyang poorita na iyan ang pinagtatanggol mo. Diyan na nga kayo!"inis na sabi ng dalaga at tuloy-tuloy na itong iniwan sila.Tuluyan naman tinulungan tumayo ni Don Hidalgo ang dalaga na agad umiwas ng tingin at inilayo ang kamay na hawak-hawak nito."Pagpasensiyahan mo na si Yessha, siguro bad mood lang iyon. Okay ka lang ba? hayaan mo pagsasabihan ko siya,"sabi pa nito."Salamat po, p-pero hayaan niyo na po baka lalo pa po niya akong pag-initan. Sige na po lilinisin ko pa po ang kalat dito,"pag-iwas ni Minnie.Ang totoo ay sobra siyang naiilang sa ginagawa nito, pakiramdam niya ay may kakaiba sa mga ipinapakitang pakikitungo ni Don Hidalgo.Kaya habang maaga pa ay kailangan na niyang umisip ng paraan para hindi siya patuloy na hamak-hamakin ni Yessha.Dahil doon y muli niyang naalala ang isinunestiyon na trabaho ng kababata niyang si Carol sa Maynila...ONE YEAR LATERSAMO'T SARING mga bulaklak ang makikita sa buong paligid ng maliit na chapel na iyon sa San favian. Halos kumpleto na ang entourage, maging ang groom na nasa harapan ay nakangiti nang naghihintay sa kanyang napakagandang bride sa suot lang naman nitong wedding gown na simple man ang pagkakagawa ay bagay na bagay naman iyon dito.Dinig na dinig ang wedding song habang naglalakad ng mabagal ang babae palapit sa lalaking una at huli niyang mamahalin.Sa buong oras ng kasal ay naging matiwasay naman na nairaos. Pinili ng dalawa ang isang intimate wedding. Halos piling bisita lang din ang naroon at ang kanilang pamilya.Naglakad na lang sila hanggang sa reception ng kanilang kasal. Sa itaas ng burol, hindi naman na nahirapan ang mga bisita dahil may pinasadiya ng hagdan bato sa ibaba hanggang sa pag-akiyat.Napapaligiran ng naggagandahan bulalak na tanim ang itaas. Isang bungalow ang nag-iisang nakatayo. Maliit man ku
NAGING masaya na rin sina Minnie at Aevo na sa dinami-dami ng pagsubok na dinaanan nila ay pinanitili nilang matatag ang bawat isa.Isang CEO si Aevo sa malaking kumpaniya sa Maynila, kilalang masungit, gwapo pero may mabuting kalooban at si Minnie sa una ay nakilala bilang isang mahirap na babae na nangangarap makatagpo ng lalaking pinapangarap niya. Katulad ng mga romance novel na katha ni Babz07aziole ay naniniwala siya: balang-araw darating ang prince charming niyang magbibigay katuparan sa happily ever after love life niya.Mukhang dininig naman siya, dahil isang aksidenti man sila pinagtagpo ni Aevo ay hindi naman dahilan niyon para hindi umusbong ang tunay na pag-ibig sa pagitan nilang dalawa. Pero... mapapanindigan ba nila ito hanggang sa huli.MATAPOS ang kaguluhan sa pamilya nila ay pinili ni Aevo na magpatuloy bilang CEO ng Gimenez Telecommunication Company.Habang si Aizo ay piniling magp
HALOS hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Minnie matapos siyang pakawan ng lalaki sa isang makapagil hiningang halikan!"Hindi na mahalaga iyon babe, ang importante ngayon andito na ako. Bumalik na ako, I have a goodnews for you... ikakagulat mo ang ibabalita ko," wika pa nito na may ngiti sa labi.Kahit na tangay na tangay siya sa paghalik at presensiya ng lalaki ay hindi pinayagan ni Minnie na maging marupok sa harap nito."Kung sino ka man, please... umalis ka na. Alam ko na ang lahat na nagpanggap kang Aevo n-na ikaw si Gideon Laurzano. Kamuntik mo nang mapatay si Aizo mabuti na lang at nakaligtas siya!" Tuloy-tuloy na wika ni Minnie."Ano bang sinasabi mo, ako ito si Aevo ang asawa mo. Umamin na ang totoong Gideon na nagpanggap siyang ako, ginamit niya ang karamdaman ko babe. Nagka-amnesia ako at mula sa umpisa ay plinano lahat ng nakakatanda naming kapatid na si Gideon ang gagawin
AGAD na binuklat ni Aizo ang DNA test result niya at sa lalaking nagsalin sa kanya ng dugo. Ang pinaghihinalaan niyang kakambal at tunay na Aevo Gimenez.Halos manginig nga ang kamay ni Aizo at maluluha habang pinagmamasdan ang hawak-hawak na papel: Na nagpapatunay na siyang nagpakilalang Gideon Laurzano noong una ay si Aevo nga talaga!"A-anong resulta apo?" Ang hindi mapakaling tanong ni Lola Saifa.Napatingin naman si Aizo sa kanyang abuela at abuelo na naghihintay din ng sasabihin niya. Kita rin sa mga mukha nila ang labis na tensyon."Yes Lola Saifa... Lolo Ghad... totoo nga siya si Aevo!" Halos isigaw ni Aizo ang mga sinabi.Wala rin pagsidlan ng katuwaan ang dalawang matanda matapos na marinig ang sinabi niya. Maging ang asawa niya na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga ito ay nakangiti ngunit kasabay na umiiyak ito."Siya nga ang apo natin,
TULOG na tulog na si Minnie sa mga sandaling iyon. Hating-gabi na at sobrang napagod si Gideon sa ilang ulit na nagpaangkin sa kanya ito.Paalis na siya nang naalimpungatan ito. "Uuwi ka na ba?" tanong ni Minnie na kinusot-kusot pa ang mata na tuluyan napabangon mula sa kama."Yeah I have to go, may mahalaga akong pupuntahan. Just always take care okay, kayo ng mga bata." Matapos sabihin iyon ni Gideon ay hinalikan pa siya sa labi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya bago ito tuluyan lumabas sa pinto na binuksan nito ng gabing iyon.Hindi aakalain ni Minnie na iyon na ang huling araw na makikita niya ang lalaki. Dahil nabalitaan niya ng sumunod na araw na nagkaroon ng engkuwentro at barilan sa loob ng mansyon ng Lolo Ghad at Lola Saifa.Lahat ng iyon ay nalaman niya mismo sa bibig ng bayaw niyang si Aizo na dinalaw niya mula sa hospital kung saan ito na-confine."Hindi ko aakalain na ibang Aevo pala ang kas
HANGGANG sa paglaki niya ay nangibabaw ang hinanakit niya sa Ama. Kahit nang mamatay ang ina niya ay hindi nagpakita si Gustav, pakiramdam ni Gideon ay tinalikuran na siya ng mundo sa mga sandaling iyon. Dahil sa walang-wala siya at nasa edad benti lamang siya noon ay kinailangan niyang mangutang sa isang loan shark ng pampalibing sa ina. Maging ang pagkakautang niya sa ospital kung saan na-admit ng ilang Buwan ito ay kinailangan niyang mabayaran para mailabas niya ito noon. Umabot din iyon ng isang milyon, natapos man ang pagpapalibing ng ina ay hindi natapos-tapos ang paghahanap niya ng paraan para mabayaran ang lahat ng utang niya kay Don Quixote isang Intsik na nagpahiram sa kaniya ng malaking halaga.Iba't ibang trabaho ang pinasukan niya, hanggang sa dumating na makilala niya si Don Vladimir ang ama ni Shamcey. Binigyan siya nito ng isang trabaho na hindi aakalain ni Gideon na siyang magsasalba sa kanya sa lahat ng pinagkakautangan niya: Ang maging bayaran mamatay
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments