Share

Chapter 54.2

Aziel left the next morning. Dumaan muna siya sa bahay para pormal na magpaalam. Hindi naman siya magtatagal sa Maynila pero hirap na hirap siyang umalis. Nangingilid ang luha niyang sumakay ng bangka at hindi kami nilulubayan ng titig hanggang sa mawala na siya sa paningin namin ni Asher.

Nagkausap na rin sila ni Elias. Lalaki sa lalaki. At masaya akong naging positibo ang resulta niyon.

"Hindi ko muna sasabihin sa lahat na babalik ka na rito sa Maynila. I would invite them for a simple dinner lang kunwari..." he said, smirking, from the other line.

Tatlong araw na buhat noong umalis siya at magka-facetime kaming dalawa ngayong gabi.

"Hindi ba sila magdududa?"

He shrugged his shoulders. "Nope, we used to that occasionally since you left and Aia died."

Humina ang kaniyang boses nang banggitin ang pangalan ng kaniyang kapatid. Mayroong dumaang lungkot at pangungulila sa kaniyang mga mata na pinilit niyang itago sa pamamagitan ng isang tipid na ngiti. "Hmm, basta. Just leave it to me, '
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status