Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa aking braso. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at gan'on na lamang ang gulat ko nang tumambad ang pagmumukha ng sekretarya ng aking asawa.
"Ma'am Chantria. . ." she uttered in a low voice.
Napabalikwas ako sa sofa na aking kinahihigaan. Jusko! Sa tagal ko palang naghihintay ay hindi ko na namalayang natulog na ako! Kahit na medyo lutang pa ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng opisina ni Aziel ngunit bigo akong makita kahit ni anino niya.
"Si Aziel? Hindi pa ba siya bumabalik?" namamaos kong tanong sa kaniyang sekretarya.
Matagal siya bago nakasagot. Ilang beses ding bumuka ang kaniyang bibig na para bang nahihirapan kung anong dapat sabihin.
<Matinding katahimikan ang bumabalot sa amin habang kumakain ng hapunan. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa babasaging pinggan ang naririnig. God knows how much I wanted to ask about his day, his work or even just exchange a random conversation with him. But I'm scared that he might get annoyed.Kaya naman kahit kating-kati na ang dilang kong magtanong ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Mas pinili ko na lamang ang manahimik at makiramdam sa kaniyang kilos. At alam kong gan'on din siya sa akin.Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang sulyap o titig niya sa akin habang kumakain kami. It was odd and I felt uncomfortable with it. Ilang minuto lang din ay narinig ko ang mahina at mabigat niyang buntonghininga. At mula sa mahabang katahimikan ay siya na ang naunang magsalita.
"Manang Yeta, this is my wife, Chantria Navarro.""Nice meeting you po." Ngumiti ako sa ginang at magalang na inilahad ang kamay."Ikinagagalak ko ring makilala ka, Mrs. Navarro." Sumulyap siya kay Aziel at binigyan ito ng isang makahulugang ngiti. "Tama nga 'tong ipinagmamalaki sa akin ni Aziel. Napakasimple pero napakaganda mo ngang bata. Para kang anghel."Mas lalong lumawak ang aking ngiti at tila mayroong mainit na palad na humaplos sa aking puso. Nilingon ko rin si Aziel pero tumikhim lamang siya at nagbaba ng tingin sa sahig."Talaga? Sinabi po niya iyon?" namamangha kong tanong.Tumango-tango naman si Manang Yeta, naroon pa rin ang abot langit na ngisi
“I’ll attend an important business convention in Baguio so I’ll be gone for days.”Iyon ang ibinungad sa akin ni Aziel pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata. Nakaupo ako sa aking kama, medyo disoriented pa. Gustuhin ko mang bumangon pero sa tuwing sinusubukan ko ay napapangiwi na lamang dahil sa matinding sakit at kirot ng aking katawan. Hindi ko na alam kung nakailang beses at kung anong oras na kami natapos dalawa. Kaya heto, parang dinaanan tuloy ng sampung truck ang gitna ng aking hita. Hindi na rin ako nagtaka pa nang bumalik na muli ang malamig na trato ni Aziel sa akin. He was done using me, anyway. Nagiging maingat at malambing lang naman siya sa akin kapag nag-iinit ang katawan niya. “Nasabi ko na kay Manang Yeta kung anong mga dapat niyang gawin dito sa bahay. Naghire rin ako ng ilang bodyguard na magbabantay sa iyo–”Nagulantang ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng paningin sa kaniya. “Bodyguard?! For what?” “For your safety, Chantria.” His ey
Matagal akong nanatili sa loob ng kwarto. Kung hindi pa ako kukulitin ni Manang Yeta na kumain na ng tanghalian ay hindi pa ako mapipilitang bumaba sa dining area. Ngunit bago iyon ay sinubukan ko munang takpan ng makeup ang matinding pamumugto ng aking mga mata pero napabuga na lang ako ng marahas na hangin nang mapagtantong kahit anong pagtago ay mahahalata pa rin ito.“Ano ka ba namang bata ka? Hindi nyo na nga kinain ang niluto ko kagabi, hindi ka rin nag-almusal tapos ngayon hindi ka pa rin kakain?” panenermon niya habang inilalatag sa harapan ko ang napakaraming ulam.Siya na rin ang nagsandok ng kanin at talagang pinuno pa niya ang aking pinggan. Hinawakan ko ang braso niya para pagilan.“Manang, tama na po. Kaunti lang po ang kakainin ko. Busog pa po ako,” pagsisinungaling ko, dahilan para umingos siya at panlisikan ako ng tingin.“Ija, paano ka mabubusog kung kagabi ka pa hindi kumakain? Hindi mo mabibilog ang ulo ko, Chantria. Anong akala mo sa ’kin, pinanganak kahapon?”Nat
Itinagilid ko ang aking ulo, hindi makapaniwala. Buong akala ko'y may katandaan na ang itinutukoy na anak ni Manang Yeta. Ang nasa isip ko pa naman ay isa iyong mataba, malaki ang tiyan at medyo may pagka-aroganteng lalaki pero mali pala ako.Nalaman ko rin na kasing edad lamang pala niya ang asawa ko. He was twenty-four years old already yet still can be defined as one of the most drop-dead gorgeous men I've ever seen in my whole existence. . . pero siyempre wala pa ring tatalo sa mala-adonis na kagwapuhan ni Aziel.Kung ikukumpara silang dalawa, I must say that Aziel has these stoic, ruthless and intimidating personality, while Louie has these friendly and easy to go with aura. Palagi kasi siyang nakangiti kaya mas lalo siyang nagmumukhang bata.Medyo may katangkaran din siya kagaya ni Aziel, siguro ay mga nasa 6'2. Malaki rin ang kaniyang katawan na para bang alagang-alaga iyon sa gym. Bahagyang magulo ang kaniyang buhok kahit na side parted short ang haircut. Nakadagdag pa sa kani
"Cancel all my appointments for the next three days," usal ni Aziel habang nakikipag-usap sa sekretarya niya sa kabilang linya. Ang buong atensyon ay naroon pa rin sa pagmamaneho. "And to those papers who needed my signatures, just put them in my office. Ako na ang bahala roon pagbalik ko."Nanatili lamang akong nakatingin sa bintana habang pinakikinggan ang usapan nila. Sa totoo lamang ay kanina pa talaga ako hindi mapakali sa kinauupuan. Noong sinabi pa lang ni Aziel na uuwi kami sa probinsya nila ay grabe na ang pananabik na nararamdaman ko. Sa picture ko pa lang nakikita iyong mansion at hacienda nila roon. Sa tuwing umuuwi kasi siya ay siya lamang mag-isa o kung minsan naman ay ang mga magulang at kapatid na niya mismo ang lumuluwas dito sa Maynila.Muli kong sinulyapan si Aziel na ang kausap na ngayo'y ang kaibigan at kanang-kamay niyang si Louie. Nagkasalubong ang mga tingin namin kaya pinagtaasan niya ako ng kilay habang abala pa rin sa pakikinig sa kabilang linya."Are you hu
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili at naghintay roon sa waiting shed. Panay ang tahimik na pagtulo ng aking mga luha habang nakatitig sa kawalan. Sinubukan kong luminga-linga sa kabuuan ng lugar. Madalang ang pagdaan ng mga jeep at iba pang sasakyan. Balak ko nalang sanang sumakay ng bus pabalik sa Maynila pero ngayon ko lang din napansin na wala pala akong dalang kahit na ano.Lahat ng gamit, cellphone at wallet ay naiwan ko sa kotse ni Aziel. Napabuntonghininga ako at nawawalan ng pag-asang inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. What if hindi dumating si Louie? Or kung abutan pa siya ng dilim? Kung bukas na siya dumating? Paano na ako? Saan na ako pupulutin nito?Muli akong naiyak sa sobrang takot at inis. Sana lang talaga ay hindi na ako abutin pa ng dilim dito! Kapag may nangyari talagang masama sa akin, walang ibang dapat sisihin kundi si Aziel!Sa bawat minutong pumapatak ay patuloy akong nagdadasal na sana ay dumating na
Mukhang naunahan pa ako ni Aziel na magdahilan sa mga magulang niya. Nalaman ko kay Louie na kanina pa pala tumawag ang lalaking iyon sa Mommy niya na hindi kami matutuloy umuwi rito sa probinsya dahil bigla siyang nagkaroon ng mahalagang gagawin. Medyo tumaas pa nga raw ang presyon ni Daddy Carl dahil sayang naman daw ang hinandang mga pagkain para sa maliit na salusalo."Napansin ko lang na medyo pumapayat ka pala, Ija." Mommy Mel glanced at me from head to foot and shrugged her shoulders. "Nevermind. Maybe naninibago lang ako kasi halos isang taon din noong huling beses kita nakita!""By the way, tinatrato ka ba naman nang maayos ng anak ko?" dagdag na tanong niya.Marahas akong napalunok bago tumawa nang peke. Shit, hindi ko na alam ang sasabihin ko pa. Madali namang sumagot ng oo o hindi. Madaling tumango at umiling pero tila mayroong pumipigil sa akin. Ang hirap sumang-ayon at ang hirap ding dugtungan pa ang sinabi niya."H-Ha? Opo naman." Tumikhim ako upang alisin ang kaba sa d