Share

CO 60:

•Gaea•

Habang pinapatulog ako kay CN ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako sa screen no'n at dahil nasa kabilang side iyon ay hindi ko siya maabot hanggat hindi ako tumatayo.

"CN," tawag ko sa pangalan ng anak ko para tingnan kung natutulog na ba siya. Narinig ko ang malalim nitong paghinga kaya napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "Ang gwapo naman ng baby ko," nakangiti kong saad bago tumayo sa kama.

Inayos ko muna ang kumot niya bago pumunta sa kabilang bahagi ng kama at kinuha ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Clyden. Hindi ko naman alam kung bakit ito tumatawag sa ganitong oras. Balak ko rin naman siyang tawagan kanina ngunit naisip ko na pupuntahan ko na lang siya bukas para makapag-usap kami nang maayos.

Nang muli itong tumunog ay kaagad kong sinagot iyon. "Bakit ka tumawag, Clyden?" bungad na tano
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status