KABANATA 7: PASA, SUGAT, AT TAKOT [Bruises, Wound, and Fear]
Nakita ng mga staff at nurse sa hospital kung paano tratuhin ni Warren si Allison. Nakakaramdam sila ng awa para kay Doktora, kahit na nagawa naman nito ng maayos ang operasyon sa young master, ay hindi pa rin ito naging mabait sa kaniya. “Doktora Allison, ayos ka lang ba? Hindi ba't parang grabe naman yata kung saktan ka ni Mr. Harrison.” sambit ni Yanna, isa sa mga nurse. “Ayos lang naman ako, baka gano'n lang talaga siya dahil din sa inasal ko.” tugon ni Allison at iniwasan na niya ang ilang mga nurse na nagkumpulan at mukhang siya ang laman ng usapan. Sa totoo lang alam ni Allison na mas matinding hirap pa ang kaniyang daranasin sa kamay ni Warren. Pero handa siyang kalabanin ito, ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dumiretso siya kay Doctor Anthony, upang ipagamot ang sugat sa kaniyang braso na gawa ni Warren. “Doktora Allison, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino ang may gawa nito. Dapat ba talagang buhay mo ang maging kabayaran sa kung sakaling hindi mo napagtagumpayan ang operasyon sa bata?” nag-aalalang sambit ni Anthony habang ginagamot ang sugat niya. “Okay lang naman ako, at saka malayo ito sa bituka. Ang tungkol naman sa operasyon, madali lang naman ‘yon kaya hindi ako nahirapan.” “Hindi ka nga nahirapan sa operasyon, pero pinahihirapan ka naman ngayon ni Mr. Harrison.” Hindi na lamang nagsalita pa si Allison at tipid na lamang na ngumiti. Habang si Anthony naman ay labis ang pag-aalala. Hindi niya maatim na ganito pa ang resulta ng ginawa ni Allison. Imbes na magpasalamat si Warren, ay nagawa pa nitong saktan si Doktora. Nang malaman naman ng Director ang nangyari kay Allison ay dali-dali nitong pinuntahan sa office clinic ni Anthony. Baguhan si Doktora Allison, ngunit isa ito sa pinakamagaling na Doktor na mula pa sa ibang bansa. Malaki itong kawalan sa kanilang hospital kung sakaling ma injured o umalis na lamang itong bigla. “Doktora Sandoval, ayos ka lang ba, ha?” iyon kaagad ang naitanong ng Director nang makita sila nito. Nagkatinginan si Anthony at Allison. “Mukhang nakarating na sa inyo ang nangyari, Director.” sabay buntong hininga ni Anthony. “Narinig ko sa mga nurse, dahil sila raw ang saksi kanina kung paanong galit na lumabas si Mr. Harrison sa opisina mo.” “So far, ay ayos lang naman ako Director. Hindi naman niya ako sinaktan ng lubos.” “Eh, kamusta ang kamay mo? Kakayanin mo pa bang makapagtrabaho? Kung gusto mo ay mag leave ka muna, at bumalik na lang kapag nawala na ang tensyon dito sa hospital. Alam ko naman din kasi na buhay mo ang nakataya sa nakaraang operasyon na ginawa mo.” Umiling si Allison. “No, ayoko. Kaya ko naman kaya hindi ko na kailangan pa na mag leave. At kung sakaling kailanganin muli ako para sa operasyon, narito naman si Doctor Anthony.” “Mabuti naman kung gano'n.” nakahinga ng maluwag ang Director. Napahalukipkip naman si Anthony ng kaniyang braso. “Wala po ba kayong ibang gagawin or sasabihin man lang sa sinapit ni Doktora Allison? She deserves justice.” tanong ni Anthony. Napabuntong hininga ang Director. “Sa totoo lang, kahit gusto kong magsalita o may gawin ay hindi ko magawa. Halos kalahati ng hospital ay pagmamay-ari ni Mr. Harrison. Hindi ko siya kayang kalabanin dahil kung gawin ko iyon ay tiyak na lahat tayo ay kaya niyang patalsikin.” Alam iyon ni Allison, kaya nga hinihiling niya na sana ay makalimutan ni Warren ang kaniyang kapangasahan na ginawa. Gusto niyang mapalapit sa kaniyang anak, at ayaw niyang lumayo sa tabi nito hanggat hindi ito magaling. “Sa ngayon ay ilang linggo nating hindi makikita si Mr. Harrison kaya naman matatahimik muli ang hospital. Tanging nga tauhan niya lamang ang siyang magiging bantay ng young master.” Napakuyom ng kamao si Allison. Agaw buhay ngayon ang kanilang anak, pero hindi mananatili si Warren sa tabi nito? Walang kuwenta talagang ama ito. Mas lalong tumindi ang galit ni Allison kaya kahit na pagod at wala pang maayos na tulog ay lumabas na siya ng opisina ni Anthony. Inayos niya ang gamit niya at saka dumiretso sa kuwarto ni Wesley. Mahimbing pa rin itong natutulog. Makalipas ng isang araw ay humupa na rin sa wakas ang lagnat nito at tuluyan ng nagising. “Ah! A–ang sakit!” tila maluha-luhang sambit ni Wesley habang nakahawak ito sa kaniyang ulo. Mabilis na kumilos si Allison at tiningnan ang vital signs niya. “Huwag ka munang gumalaw. Huwag mong biglain ang sarili mo.” sambit ni Allison saka ito may tinurok sa swero ni Wesley. “N–Nasaan po ako?” “Narito ka sa hospital.” napakaamo ng boses ni Allison at iniiwasan niyang mapiyok dahil sa nagbabadya niyang luha. Napakagat sa ibabang labi si Wesley. Naalala niya ang nangyari, at hindi niya maiwasang hindi indahin ang kaniyang mga sugat. Nang maging maging maayos na ang pakiramdam ni Wesley ay kaagad na tumawag si Allison sa isang nurse upang magdala ng pagkain para kay Wesley. “Ako nga pala si Doktora Allison, ako ang mag-babantay at mag-aalaga sa iyo rito sa hospital.” sambit ni Allison at iniiwasan na yakapin ang bata. Napangiti naman si Wesley dahil nararamdaman niya sa kaniyang puso na mabuting tao ang Doktora. Magaan ang pakiramdam niya rito kaya nang subuan siya nito ng lugaw ay kinain niya iyon nang walang pag-aalinlangan. “Mabuti naman at malakas kang kumain, mas mabilis kang gagaling kapag palagi kang ganyan.” “Masarap po ang pagkain, kaya nagustuhan ko po talaga ito.” “Simpleng lugaw lamang ito, kaya paanong nasarapan ka? Hindi ba masarap ang pagkain na kinakain mo sa mansion?” Napayuko si Wesley at kaagad na napansin ni Allison ang biglang pagbabago ng emosyon nito. Balak sanang hawakan ni Allison ang kamay ni Wesley, pero bigla na lang tumilapon sa kung saan ang hawak niyang mangkok dahilan kung bakit natapon ang lugaw sa sahig. “Anong pinapakain mo sa kaniya?!” sigaw nito sabay malakas siyang sinampal dahilan kung bakit nagulat din ang bata. Nang tingnan ni Allison kung sino iyon ay kaagad na napakuyom siya sa kaniyang kamao. “Tita Scarlet, lugaw po ang pinapakain niya sa akin! Huwag niyo po siyang saktan dahil wala siyang ginagawang masama sa akin!” pagtanggol ni Wesley kay Allison. Ayaw ni Wesley na may masaktan pang iba dahil lang sa pagkakamaling ginawa niya. “Bakit mo naman hinayaang pakainin ka niya ng lugaw?! Hindi ka nag-iingat, Wesley! Paano pala kung may lason ‘yon?! Gusto mo bang mamatay?!” galit na sigaw ni Scarlet. “Huwag mong sigawan ang bata! At bakit ko naman lalagyan ng lason ang pagkain niya? Gawain mo ba ‘yan kaya alam na alam mo ang pamamaraan sa paglalason?!” galit na tanong ni Allison. Napangisi si Scarlet. “Wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan! Ako ang guardian ni Wesley, kaya ako rin ang masusunod sa mga kakainin niya!” Napatingin si Allison kay Wesley na ngayon ay nakayuko, at tila mababakas ang takot sa mukha nito. “Ako ang kaniyang Doktor, at iniuutos ko na umalis ka na ngayon din, o gusto mong isumbong pa kita kay Mr. Harrison?” Namutal bigla si Scarlet. “A–Anong pinagsasasabi mo? Baka hindi mo kilala kung sino ako?!” Napangisi si Allison. “Kilalang-kilala kita, Scarlet, pero baka ako ang hindi mo kilala?!” nakatitig siya kay Scarlet at nagpipigil na saktan niya ito.KABANATA 16: NAGBABALIK!Nanginig si Scarlet habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya, sa mukhang kahit sa kamatayan ay hindi niya makakalimutan!Sa wakas, naintindihan niya kung bakit pamilyar sa kanya ang itsura ng doktor na ito. Ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi si Allison!Paano siya narito?Hindi ba't patay na siya?Biglang parang sumabog ang isipan ni Scarlet. Pinilit niyang ibuka ang kanyang mga mata nang husto, ngunit ang pamilyar na mukha sa harap niya ay nanatiling walang pagbabago — ito nga si Allison!Bumalik siya!Sa isang iglap, kumalat ang takot sa isipan ni Scarlet. Sa wakas, naunawaan niya kung bakit espesyal ang tila pangkaraniwang doktor na ito kay Wesley — si Wesley ay anak niya! Paano magiging parehas ang pagtrato niya kay Wesley sa ibang tao?Hindi nakapagtataka na sobrang galit niya nang makita niyang itinutulak ni Scarlet si Wesley. Kahit na may panganib na mapatalsik siya, ipinaglaban niya ito.Talagang bumalik siya!“I–Ikaw? Paanong buhay
KABANATA 15: REVEALING HER FACE“Patalsikin mo si Doktora Sandoval.” utos ni Scarlet. “Ano? Hindi mo na rin ba ako pakikinggan?”Ang direktor ay sumagot, “Si Doktora Sandoval ay isang nangungunang Doktora na binayaran namin mula sa ibang bansa at may kontrata na rin siya. Hindi ito naaayon sa patakaran.”Muling nagtanong si Scarlet, “Kailangan ko bang tawagin si Mr. Harrison para kausapin ka?”Ang direktor ay nagtanong, “Ito ba ang kagustuhan ni Mr. Harrison?”“Tama, ito ang kagustuhan ni Mr. Harrison. Tungkol kay Doktora Sandoval, magaling siyang gumawa ng operasyon, pero ang kanyang pagkatao ay hindi maaasahan. Hindi ako naniniwala na ang ganitong klaseng doktor ay magkakaroon ng sapat na etika. Kung kailangan mo ng oras, ibibigay ko, pero ayokong makita siya dito sa ospital sa mga susunod na araw.” matatag na sabi ni Scarlet.Lubhang nahirapan ang direktor. Si Allison ay tatlong beses niyang binayaran mula sa ibang bansa gamit ang malaking halaga at itinuturing siyang hiyas ng kani
KABANATA 14: SHE’S A THREATNang biglang mamatay ang ilaw ay tila sumakto iyon sa plano ni Allison. Akma na niyang bubuhatin si Wesley nang biglang naramdaman niya ang pagkagat sa kaniyang balikat, at pagkapunit ng kaniyang damit.“Ah! Sh!t!” Nagmura si Allison sa mahinang boses.Sa madilim na gabi, galit na kinurot ng lalaki ang kanyang pisngi: “Mas mabuting huwag mo ng gawin ang binabalak mo.” sambit nito.Nakonsensya si Allison. Gusto niyang kunin si Wesley, ngunit hindi ngayon. Napansin ba ito ni Warren? Imposible.“Bitawan mo ako! Huwag mong gisingin si Wesley.”Itinulak siya ni Allison at sinubukan niyang manatiling kalmado. Si Wesley ay hindi mahimbing na natutulog at maaaring magising anumang oras. Hindi pinansin ni Allison ang pag-aaway nila ni Warren at lumabas upang maghanap ng isang tao.Hindi nagtagal ay binuksan ang kontrol ng ilaw, at bumalik sa liwanag ang paligid. Nakahinga ng maluwag si Allison. Nang babalik na siya sa ward, nakita niya ang isang grupo ng mga tao sa c
KABANATA 13: WALTER THE HACKERHindi alam ni Warren ang gagawin. Inisip niya na baka gusto nito ang kaniyang yakap, ngunit hindi niya inaasahang ang biglang pagsigaw ni Wesley. “Ah! Huwag mo pong patayin ang ilaw! Please, Daddy! Please! Nakikiusap po ako, please!” “Huwag kang matakot, nandito si Daddy. Hinding-hindi kita iiwan.”“No! Ayoko matulog! Ayokong matulog! Daddy, buksan mo yung ilaw… Please… Huhuhu…” umiiyak na sigaw ni Wesley.Ang sigaw ni Wesley ay parang aso na nakakulong sa kulungan. Walang tigil sa pagbagsak ng kaniyang matinis na sigaw sa buong ospital. Ang mga nurse na naka-duty ay tumakbo palabas ng susunod na ward dahil sa gulat.Narinig din ni Allison ang pag-iyak, noong una ay naisip niya na isa ito sa mga batang pasyente. Ngunit nalaman niyang ang pag-iyak ay nagmumula sa ward ni Wesley, at hindi siya nagdalawang isip na tumakbo patungo roon.Sa labas ng pinto, hinarang siya ng dalawang bodyguard.“Tumabi kayo! Papasukin niyo ako! Gusto kong pumasok!”Hindi gum
KABANATA 12: WESLEY'S FEARNakatitig si Warren kay Alisson na may mga mata na tila tumatagos sa kaniyang buong katawan. Ang puso niya ay labis na kinakabahan sa sandaling ito na halos nakalimutan niyang tumibok ito, at ang kanyang paghinga ay tila huminto.“Ano ba itong nangyayari sa akin? Dala ba ito ng takot o pagkahumaling kay Warren?” tanong niya sa kaniyang isipan.“I'm asking you, Doktora. Nakita mo ba ang anak ko? Totoo bang nagpunta nga siya rito sa opisina mo?” tanong ni Warren sa kaniya.“Sagutin mo, Docktora. Dahil hindi ako puwedeng magkamali! Matalas ang mga mata ko kaya sigurado ako sa nakita ko!” saad pa ni Brando.Napatingin si Allison sa mga matang nakatingin sa kaniya— na naghihintay sa kaniyang kasagutan.Talagang nakilala ni Brando ang bata kanina— inakala niyang si Wesley at Walter ay iisa…Tiniis ni Allison ang matinding panggigipit ng mga mata ni Warren, at mga salitang nanggaling kay Brando. Hindi siya papayag na malaman ng mga ito ang tungkol kay Walter. Ina
KABANATA 11: LOOK A LIKE?Dali-dali namang hinila ni Allison si Doctor Anthony papalayo sa kuwarto kung saan naroon si Warren at Wesley.“Narito si Walter?” mahinang tanong niya rito, at ang kaniyang puso ay grabe sa bilis ng tibok ng puso nito.Napakunot naman si Anthony. “Oo, eh, kanina ka pa araw niya tinatawagan, eh. Hindi ka sumasagot, pero bakit parang balisa ka?”Mabilis na kinuha ni Allison ang kaniyang cellphone at nakita na niya na nakawalong missed call nga si Walter at limang text messages. Si Anthony lamang ang nakakakilala kay Walter pero hindi bilang anak niya kundi bilang pamangkin. Marahil ay hindi pa nito napapansin ang pagkakamukha ng dalawa dahil iilang beses pa lang nitong nakikita si Walter.“Naroon siya sa opisina mo sigurado ka? Isinarado mo ba ang pinto?”Tumango si Anthony. “Yes, pero naiwan kong bukas ang pinto, but don’t worry pinaalalahaanan ko naman siya na huwag ng umalis doon at—”Napamura na ng mahina si Allison, at hindi na pinatapos pa ang sinasabi ni