Raziel’s POVHindi ko alam kung saan ako magsisimula, it’s been an hours pero wala akong naririnig na kahit anong balita sa kaniya. Ni hindi magawang tumulong ng mga pulis dahil wala pa na bente kwarto oras siyang hindi ko makontak.Anong klase iyon, paano kung ngayon palang ay may nangyari ng masama sa kaniya?Pinagsiklop ko ang nanginginig kong mga kamay at muling tumingin sa pulis na nagtitipa sa kaniyang computer, “Sir, hindi ba talaga kayo pwedeng magpadala kahit dalawang tao lang para hanapin ang girlfriend ko?” Puno ng pag-asa ko muling tanong.“Sorry Sir pero sumusunod lang rin kami sa patakaran.” Muli niyang sagot, gusto kong magalit at ipagpilitan na hanapin nila si Lorain pero hindi ko magawa dahil alam kong magiging dagdag problema lang iyon.Mariin kong pinikit ang mata ko, nananalangin na sana ay ayos lang siya.“Raziel!” Agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ng nagmamadali na si Jake, suot pa niya ang wedding suit dahilan para pagtinginan siya ng mga tao sa presi
Raziel’s POVMagta-tatlong oras na kaming nasa labas ng emergency room, hanggang ngayon ay tanging ang ilaw lang sa taas ang paulit-ulit kong tinitignan kung kailan mamatay hudyat na tapos na ang ginagawa niya sa loob.Para akong mababaliw habang nakaupo lang dito at walang magawa, gusto kong magwala at pumasok sa loob pero alam kong wala iyon maitutulong sa kaniya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagdasal, pero kung kailangan ko na tawagan lahat ng santo ay gagawin ko.Kahit paulit-ulit akong makiusap sa panginoon ay hindi ako magsasawa, gusto kong bigyan niya pa ng pagkakataon si Lorain. Sana ay bigyan niya kami ng pagkakataon, I want to make her happy at hindi ganito ang pinangarap ko para sa kaniya.“Sir, your grandfather is calling me. Sasagutin ko ho ba o kayo na ang kakausap sa kaniya, kanina pa po sila tumatawag sa akin.” Napatingin ako sa secretary ni Jake na hindi maipinta ang mukha dahil sa kaba, sino nga ba ang hindi?Kasama niya si Jake na tumakas sa isa
Tulad ng sabi ng doctor ay nailipat na rin ng gabi si Lorain sa private room, pero kahit isang sign na gigising siya ay wala akong makita.“Sir, sorry to disturb you pero tapos na po ang visiting hours.” Nag-aalangan na paalala ng nurse sa amin, “Isa lang po talaga ang pwedeng maiwan na bantay ayon sa rules, pasensya na ho sinusunod lang namin ang rules.”Tinignan niya kaming tatlo isa’t-isa, nakikiramdam kung sino ang unang gagalaw para lumabas. Pero kahit isa sa amin dalawa ni Jake ay walang gustong umalis, tanging ang secretary lang niya ang tumayo.Pinag-cross ko ang mga kamay ko sa harap ng aking dibdib at umiwas ng tingin sa kaniya, “bakit hindi ka muna umalis at ayusin ang gulong ginawa mo? Hindi pa naman siya nagigising, panigurado naman akong may connection ka rito para sabihan sa lahat ng mangyayari.”“Bakit ba ang hilig mo na pakialamanan ang desisyon ko, bakit hindi mo gawin ang gusto mo at hayaan ako?” giit niya dahilan para mapaismid ako.“Kung hindi kita kakausapin ay k
Three days has passed, yet I’m still waiting for you.Umaga at gabi, araw-araw pinanunuod ko ang pagsikat at paglubog ng araw sa bintana kung nasaan kami ngayon.“Malapit na rin palang malanta ang bulaklak na nasa vase, kailangan ko nang palitan. Nakakahinayang lang at hindi mo nakita, mabuti nalang ay kinunan ko ng picture.” Nakangiti kong kwento sa kaniya, sabi ng doctor ay nakakatulong sa pasyente ang pagkausap sa kanila.“You know what, after the bridal fashion show we receive so much call from clients. Like you said, it’s really a big help to our business, and your people are reliable. Alam ko matutuwa ka paggising mo, at hindi na ako makapaghintay na makita ang tawa mo.”Nakailang bisita na rin sila mom and dad dito, habang si Jake ay bumabalik lang tuwing gabi.Kung nakikita ni lorain ang effort na ginagawa ngayon ni Jake, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Dahil kahit ako ay hindi ko maipagkakaila na ginagawa talaga niya ang lahat ng makakaya niya para maayos ang gulo na din
Raziel’s POVPara akong nabuhusan ng sobrang lamig na tubig, dahan-dahan ko siyang sinubukan na hawakan gamit ang nanginginig kong mga kamay pero iniwasan niya iyon. Isang pagak na tawa ang kumawala sa labi ko, “binibiro mo lang ako diba?”Mas lalong nadagdagan ang bigat ng dibdib ko ng makita ang mga mata niya, “H-Hindi ko maintindihan ang ibig mo na sabihin, anong nagbibiro?” Ang mga mata ay puno ng pagtataka.Why?Bakit kailangan na mangyari ang ganitong bagay? I’m happy that she’s finally awake, pero ang hanapin ang ibang lalaki…“I-I will go call the doctor and… Jake.” Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya talikuran, Para akong lantang gulay na walang kalakas-lakas na naglalakad sa hallway. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo at dibdib ko sa sobrang sakin, it’s hurt.It’s hurt to the point I want to vomit, nagsimulang manlabo ang mga mata ko. Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilan ang matagal ng gustong kumawala na mga luha sa mata ko, for days, I tried so hard to suppress t
Lorain’s POV“J-Jake, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba busy sa company?” Hindi ako makapaniwala na andito siya, lalo na ang mukha niyang puno ng pag-aalala.“Huh, ah, yes. Walang gaanong ginagawa sa office, kumusta ang pakiramdam mo?” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko ng puno ng pag-iingat, “anong sabi ng doctor sayo?”Hindi ko alam kung bakit pero lahat ay panibago sa pakiramdam ko, kahit na nakaupo siya sa harapan ay and nakapalapit namin sa isa’t-isa, may kung anong kulang para sa akin.Ngumiti ako sa kaniya kahit na ganoon ang nararamdaman ko, “ayos lang naman ang pakiramdam ko, kumain ka na ba?” Tanong ko at hinawakan ang kamay niya, hindi maiwasan na mas madagdagan ang kung anong meron sa pakiramdam ko ng makita ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.“Ehem, yes. Lagpas lunch break na rin naman, ikaw ba?” Pagbalik niya ng tanong sa akin at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ko.“May mag-asawang dumalaw kanina, hindi ko sila maalala pero may dala silang pagka
Lorain’s POVRamdam ko ang init ng hiningi niya na tumatama sa akin, kailan ba kami huling nag kiss at grabe nalang ang tibok ng puso ko?“Lorain…” Rinig ko na tawag niya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat dahilan para mapamulat ako, “mas mabuti kung magpahinga ka muna, mas mainam kung—”“But it just a kiss,” muli na namang kumalat ang inis sa sistema ko, kahit ako ay naninibago sa inaasal ko.Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking space lalo sa pagitan namin kumpara noon, ang lapit-lapit niya sa akin ngayon pero malayo pa rin. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamay habang hawak ang bed sheet sa gilid, sumisikip ang dibdib ko.“I’m sorry, Lorain pero not now.” Tumaas ang kamay niya at pinatong sa ulo ko, marahan niyang hinaplos ang buhok ko na parang bata.Pero kahit anong lamyos ng hawak niya, kahit ganoon ko nararamdaman ang init ng presensya niya, hindi nababago ang pakiramdam ko na may kulang.Tumango ako, wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Siguro ay naawa lan
“Lorain, wake up.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jake na nakatanaw sa akin, “are you okay, nagsasalita ka habang tulog.” Hinaplos niya ang noo ko para punasan ang mga pawis na tumatagaktak doon.“A-Ayos lang, kanina ka pa andito?” Nagtataka kong tanong at nilibot ang tingin sa paligid, wala na si Raziel sa sofa dahilan para mapunta ang tingin ko sa orasan sa gilid. Alas syete na pala ng gabi, ganoon na ako katagal nakatulog?“Kanina pa, sabi ni Raziel ay kanina ka pa raw tulog. Tulungan kitang maupo, kailangan mo ng kumain at anong oras na rin.” Marahan niya akong tinulungan at pinasandal sa unan, “mukhang hindi pa rin nakakabawi yung katawan ko kahit ilang araw ka ng tulog.”Andoon pa rin ang pag-aalala niya para sa akin, pero hindi ko magawang matuwa. “Siguro nga.”Kahit pilit ko na magpanggap na masigla ay imposible, hindi talaga mawala ang kakaibang pakiramdam ko pag nasa tabi ko si Jake.“May problema ba, bakit ganyan ang itsura mo? S