Share

Kabanata 096

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-09-15 19:32:21

INILAHAD ni Adrian ang isang kamay niya sa akin.

"Come, Giselle. Let's take a walk..." aya niya na matamis na nakangiti sa akin.

Napatingin ako sa kamay niya saka umangat ang tingin ko sa mukha niya. Napakagat ako sa labi. Ilang segundo rin akong natigilan bago ko dahan-dahang inabot ang kamay niya. Mainit iyon at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tumayo ako at sabay kami na naglakad patungo sa dalampasigan. Tahimik lang kami habang naglalakad at tanging hampas ng alon at ihip ng malamig na hangin ang naririnig.

Ramdam ko ang buhangin sa ilalim ng aking mga paa, malamig at malambot. Saglit kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang sandaling iyon.

Nang magmulat ako ng mata ay nilingon ko si Adrian sa tabi ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Kalmado ang mukha na nakatingin sa dagat. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay bumaling ito sa akin. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang pagngiti niya.

“Pea
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Amina na ang tagal
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
More update plzzzz thank you
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 096

    INILAHAD ni Adrian ang isang kamay niya sa akin. "Come, Giselle. Let's take a walk..." aya niya na matamis na nakangiti sa akin. Napatingin ako sa kamay niya saka umangat ang tingin ko sa mukha niya. Napakagat ako sa labi. Ilang segundo rin akong natigilan bago ko dahan-dahang inabot ang kamay niya. Mainit iyon at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumayo ako at sabay kami na naglakad patungo sa dalampasigan. Tahimik lang kami habang naglalakad at tanging hampas ng alon at ihip ng malamig na hangin ang naririnig. Ramdam ko ang buhangin sa ilalim ng aking mga paa, malamig at malambot. Saglit kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang sandaling iyon. Nang magmulat ako ng mata ay nilingon ko si Adrian sa tabi ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Kalmado ang mukha na nakatingin sa dagat. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay bumaling ito sa akin. Bigla akong nag-iwas ng tingin. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko ang pagngiti niya. “Pea

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 095

    NANATILING tahimik si Adrian matapos ang mga salitang binitiwan ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat sandali at para bang kahit ang hampas ng alon ay nakikiramay sa bigat ng dibdib ko. Maya-maya, marahan niyang inilapag ang tinidor at hinawakan ang baso ng alak sa harap niya. Hindi siya agad nagsalita. Pinagmamasdan lang niya ako at sa titig na iyon, hindi ko alam kung galit ba, nasaktan, o tinamaan siya ng katotohanan ng sinabi ko. “Giselle…” mahina pero buo ang boses niya. “Kung parausan lang ang hanap ko, hindi kita pipiliin. Hindi kita dadalhin dito. Hindi ako mag-aaksaya ng oras ko para lamang makasama ka.” Napakagat ako sa labi, pinipilit ko pa ring pigilan ang mga luhang gustong kumawala. “Pero Adrian, iyon ang nararamdaman ko. Lagi na lang akong natatalo sa’yo. Hindi ko na kilala ang sarili kapag ikaw na ang kaharap ko. Pakiramdam ko… unti-unti akong nauubos.” Bahagya siyang napalapit, inabot ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Mainit ang palad niya at kumabog ang puso ko na

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 094

    NAPAYUKO ako at kinuha ang tinidor, pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang mga mata niya na nakatutok lang sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat galaw at bawat ekspresyon ko. Pinilit kong ngumiti at kumuha ng pagkain. “Mukhang masarap ‘to ah,” sabi ko para madivert naman ang atmosphere. Para kasing pakiramdam ko ay matutunaw ako sa paraan ng pagtitig ni Adrian. “Yes. Pero mas masarap ang kasama ko ngayon,” diretsong sagot niya na may nakakalokong ngiti sa labi. Napasinghap ako at napatigil sa pagsubo. Mabilis akong napatingin sa kanya. Alam ko na ang nasa isip niya. Puro kamanyakan na naman ang tumatakbo sa isip, kaya nasabi iyon ni Adrian. Pambihira naman, oh. Lalo lang akong nalulubog sa kahihiyan. Siyempre, dahil marupok ako. Pumapayag din na ako na magpamanyak. “Adrian…” tawag ko sa kanya, halos parang saway. “Hmm?” Kumagat siya sa pagkain pero hindi inaalis ang titig niya sa akin. “I’m just being honest.” Hindi ako makas

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 093

    "SIR, the dinner is ready," imporma ng staff ng resort nang pumasok ito sa aming villa. Tumango lang si Adrian at umalis na ang staff. Napalingon ako kay Adrian. Naguluhan at nagtataka ang mga tingin ko sa kanya. Habang siya ay kalmadong nakapamulsa lang at nakangiti sa akin. "Nagpareserved ka ba ng dinner sa restaurant dito sa resorts? Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko. Parang nalipasan na ako ng gutom," tanong ko na nalilito pa rin. Pero pilit na umaktong normal. Naghihintay ng sagot mula kay Adrian. Nilapitan niya ako. Tinanggal ang mga kamay sa kanyang bulsa at hinawakan ang isa kong kamay. Bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi niya alam kung gaano ako 'di mapakali kapag ganito siya kalapit sa akin. Tapos, ang grayish niyang mata, na kung makatitig ay para akong hinuhubaran, e. Napakurap-kurap ako ng aking mga mata. Saka, tumikhim. “Nope. I asked them to prepare a private dinner for us by the beach,” sagot niya, hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. "H-Ha? Anon

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 092

    HUMINTO ang sinasakyan namin sa harapan ng isang resorts. Naunang bumaba si Adrian at nang bumukas ang pinto sa gilid ko ay nakita ko siyang nakatayo roon. Lumabas na ako ng sasakyan. At biglang namangha sa gandang nakikita sa resort. Puno ng mga ilaw at sobrang maliwanag ang buong resort. Kumikislap ang dagat sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Wow! Ang ganda naman dito. Dito ba talaga tayo titigil ng tatlong araw, Adrian?" tanong ko pa naninigurado. Buong paghangang nagpalinga-linga sa paligid. "Yes. For three days we will stay here." Nahigit ko ang aking paghinga. Tatlong araw sa mala-paraisong lugar na ito. Tiyak talaga na mag-eenjoy ako. Sana pala nakasama ko si Eliza rito. Tiyak na magugustuhan niya rin dito sa sa Siargao. Habang nakatayo ako, hindi ko maiwasang mapako ang tingin sa paligid. Halata sa lahat ng detalye na mamahalin ang resort na tutuluyan namin ni Adrian. “Come, Giselle,” aya ni Adrian sabay lakad papasok sa resort. Ako naman ay parang batang sumunod lang sa ka

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 091

    NAG-ANNOUNCE ang kapitan na malapit nang lumapag ang eroplano sa isla ng Siargao. Napakapit ako nang mahigpit sa aking upuan at mariing ipinikit ang mga mata. Para bang nahuhulog ang tiyan ko habang mabilis na dumadausdos pababa ang eroplano. Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba. Pakiramdam ko, anumang saglit ay babagsak kami sa mahaba na runway. "Are you okay, Giselle?" tanong ni Adrian na may pag-alala sa tono ng boses. Bumaling ako ng tingin sa kanya, marahang tumango. Pero mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. "Diyos ko!" Sambit ko sa isip. Pero agad din akong natigilan nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na palad ni Adrian sa kamay ko. "Just hold my hands, Giselle. Don’t be scared, I’m here," bulong ni Adrian, mahigpit ngunit banayad ang kapit niya. Parang biglang nabawasan ang kaba ko. Ramdam ko ang init mula sa kamay niya, na tila ba hinahatak ang takot palayo sa akin. Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Unti-unting bumagal ang eroplano hanggang sa narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status