"Inillibing? Ashley, paulit ulit mo na lang bang isusumpa ang anak mo? Hindi ka pa ba titigil?" Ang mukha ni Ace ay naninigas sa galit at ang boses ay nag aapoy na parang galing sa empyerno.Nanginig naman ang katawan ni Ashley. Namumula ang mga matang napatingin sa larawan ni Sisi na nasa gilid ng
"Ms. Pagbilao."Bigla na lang may nagsalita sa kanyang likuran.Nagulat si Belle. Agad na lumingon saka matalim ang naging tingin niya sa dumating. Mahina ang boses na galit na galit. "Bakit ka nandito?""Syempre nandito ako para hanapin ka, ms. Pagbilao.""Anong kailangan mo bakit mo ako hinahanap?
Pilit na pinapakalma ni Belle ang sarili. Simula ng bumalik siya sa Quirino, nagbibigay si Ace ng buwanan nilang gastusin ng kanyang anak at si Ace na din ang gumagastos sa pagpapagamot ni Vinice kaya buo parin ang perang binibigay nito sa kanila na hawak niya. Ang isang milyon ay hindi mahirap ha
Ang marinig niya ang pagkamatay ni Sisi ay nausisa siya at namumula sa pananabik na malaman ang tungkol doon. Dahil parin sa takot niya ay humigpit ang hawak niya sa kutsilyo. Kinalma parin niya ang sariling damdamin na huwag magpaapekto para hindi siya malingat.Naging alerto parin siya. "Anong k
"Sige po."Hindi nagsalita si Belle at nanatiling nakahawak lang sa kamay ni Ace. At bago makapasok sa loob ay sinulyapan pa nito si Ashley na may ngisi sa mga labi.Kuyom ang palad ni Ashley."Kahit na anong sabihin niya, huwag mo siyang papasukin." muli ay bilin pa ni Ace bago tuluyang pumasok.Na
Tinanong naman siya ng assistant ni Drake ang numero ng bank card niya.Matapos maitransfer ang pera at agad na tinawagan ni Ashley si Harold. Ang lalaking may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang anak. Matapos niyang makipag usap at magset ng appointment kay Harold ay agad siyang nagpaalam kay Drake.
Kulang sampung minuto ay tuluyan silang nakarating ng hospital para doon na muling isalba ang buhay ng lalaki.Naghintay siya sa labas ng emergency room, nakatingin sa pulang ilaw sa itaas ng pinto, nanginginig ang kanyang katawan.Patuloy lamang siya pagdadasal. Pagdadasal na sana maisalba ang buha
Belle Pagbilao!Nanuot sa mga mata ni Ashley sa matinding pagkamuhi. At hindi na siya makapaghintay na bawian si Belle sa ginawa nito sa anak niya.Nagmadaling lumabas si Ashley. Tumakbo siya sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Mula sa hospital ay malapit lang hanggang sa tres Reyes kung saan nakatir
Nakahinga ng maluwang sina Ace at Ashley ng sabihin sa kanila ni Frank na wala namang malubhang sakit si Lola Astrid. Ngunit hindi masasabi ni Frank kung kailan ito magigising. "Magpahinga ka na muna, kailangan mong bumawi ng lakas dahil sabi ni Frank na mahina ang katawan mo at kulang sa pahin
Kuyom ang kamao. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Iisa na lang ang naisip niyang paraan para makita si Sisi. Lumabas siya sa silid ni Sisi, nagtungo siya sa control room kung saan nandoon nakadisplay ang monitor ng cctv. Doon niya makikita si Sisi. Oo, siguradong makikita niya si Sisi
Muling bumalik si Lola Astrid sa sementeryo. Nakatayo siya ulit sa harap ng puntod ni Sisi. Kay bigat ng kanyang puso. Hindi siya mapakali sa tuwing naalala ang kanyang apo na si Sisi. Tahimik na lumuluha si Lola Astrid. Naalala niya si Ace. Nang unang araw na narinig ni Lola Astrid na sinabing
Nagising si Lola Astrid dahil binabagabag siya sa kanyang nalaman. Wala siyang matandaan tungkol sa kasal nila Ace at Ashley. Pilit man niyang balikan sa alaala kung paano iyon nangyari ay walang pumapasok sa kanyang isipan. Bumangon si Lola Astrid. Nagpakawala ng malalim na paghinga.
Nakita niya ng malinaw ang larawan na nakapinta sa tasa. Isa iyong masayang pamilya. Siya, si Ashey at si Sisi na nasa gitna nilang dalawa. At nakasulat doon ang mga salitang "DAD, I LOVE YOU." Bumigat na naman ang kanyang paghinga, habang pinagmamasdan niya ang tasa ay doon siya paulit ul
Isa, dalawa, tatlo? Hindi na niya pinansin ang tagal sa pagbuo niya ng tasa. "Hindi kita susukuan." Halos paulit ulit na sinasabi iyon ni Ace na ngayon ay nangangalahati na sa nabuo. Hanggang sa mabuo niya ang ang larawan na naipinta sa tasa at ang nga salitang nakasulat doon. "D
Mahigpit pa rin na naikuyom ni Belle ang palad Ginawa niya ang lahat para sa marating niya ngayon ang kinalalagyan niya ngunit sinisira lang ni Ashley. Naalala pa niya nang makabalik sila ni Vinice ay ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng masamang imahe ni Ashley sa mga mata ni Ace habang siya ay
Umupo siya sa sofa sa bahay niya sa Tres Reyes at pinanood ang surveillance footage ng El Cielo. Nakaconnect iyon sa kanya dahil kay Helen kaya nakikita niya kung ano man ang galaw sa luma at malaking mansyon. Sa sandaling pumasok ang kotse ni Ace sa El Cielo Mansyon, nakatanggap siya ng paalala s
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan