Share

Chapter 6

Pagod kong binuksan ang gate nh mansion nila Hendrix. Gulo-gulo ang buhok ko at ramdam ko na ang pag tulo ng pawis ko. Kahit sino namang mag lakad hanggang terminal ng tricycle hanggang dito sa village, sinong 'di mapapagod?

Ang hapdi na tiyan ko at kanina pa nanghihingi ng pagkain ang mga pirana sa loob ng tiyan ko. Gutom na gutom na ako at hingal na hingal pa. Sa layo ng nilakad ko, mag tatakip silim na din akong nakarating dito sa mansion. At saka, bago ako umuwi may ginawa pa kaming practice ni Jelly, ay hindi, si Jelly lang pala ang nag practice at ako naman ay nanood lang dahil ang sabi niya ay sabay kaming uuwi. Pero 'yung isa naming teacher, inutusan ako sa faculty kaya hindi na din kami nag kasabay ni Jelly. 

Okay na din siguro 'yon, kasi sigurado ako na ihahatid ako ni Jelly sa mismong bahay namin. Baka magulat pa sila mama dahil doon ako umuwi at baka masabi pa niya kay Jelly kung saan ako nag tatrabaho. Eh sa tuwing nag kikita si mama pati Jelly, siguradong mag damag silang tatawa at mag kwe-kwentuhan.

Napahuyab ako habang sinasarado 'yung gate. Nakita ko kanina sa faculty si ma'am Hannah, tinanong niya ako kung okay lang ba ako sa mansion at buti na lang walang ibang tao doon kanina! Dahil kung hindi, baka nalaman ng ibang teachers or mga student na papasok sa faculty na kina Hendrix at sa members ng Kings5 ako nakatira ngayon. Pero sinagot ko naman si ma'am Hannah ng "opo, ayos na ayos," na kasinungalingan lang naman. 

Pero alam ni ma'am Hannah na nag si-sinungaling ako, sinabi niya sa akin na may darating na guard bukas sa mansion. Pero driver para sa magiging service ko, ay mukhang malabo daw. Dahil sinabi daw ng magaling niyang anak na si Hendrix na tatanggalin niya ako sa trabaho kung magkakaroon ng driver sa mansion or in short, service ko. 

Dahil ayaw naman ni ma'am Hannah na masisante ako, dahil kilala niya daw ang anak niya, na kapag sinabi nito ay gagawin niya. At saka, aalis daw si ma'am Hannah at babalik muna sa California dahil may trabaho pa siya doon. Kaya iyon, may trabaho pa din ako, mapuputol naman yata ang paa ko dahil sa paglalakad araw-araw. 

Humingi pa ng paumanhin sa akin si ma'am Hannah kanina dahil daw siguradong pahihirapan ako nila Hendrix lalo na't aalis nga daw si ma'am Hannah. Pinapili ako ni ma'am, kung gusto ko pa bang ipag patuloy ang trabaho ko, o hindi ko na itutuloy pero may utang pa din kami sa kaniya. Pinili ko syempre ang mag trabaho pa din dito, kaya nga ako nag trabaho para mabayaran ang utang namin eh.

Epal kasing Hendrix, kulang yata sa bakuna eh. Ang sama ng ugali, saan kaya nag mana ang lalaking 'yon? At saka napaka sungit! Dinaig pa ang nag me-menopause sa sobrang sungit eh, in short, dinaig niya pa 'yung tsismosa naming kapit-bahay.

At sigurado din ako, na nandito na sa mansion ang mga amo ko. Hindi ko kasi nakita sa parking lot 'yung kotse nila, at saka tama din ang hinaoa kong nandito na sila, kasi 'yung kotse nila ayun nasa garahe. 

Muli akong humuyab, ayan na inaantok na ako. 

Tinanggal ko ang ipit sa buhok ko at sinuklay ko gamit ang mga daliri ko ang buhok ko habang nag lalakad na parang zombie papunta sa malaking pintuan. Ano na naman kaya ang ginagawa ng mga amo ko? 

Pagkatapos kong i-ipit ang buhok, sakto namang nakapasok na ako sa loob. At gano'n na lang ang disappointment ko ng makita kung ano ang itsura ng loob. 

Kalat-kalat na damit at medyas sa kung saan-saan. Mga bolang pang basketball na nasa couch. Mga balat ng snacks at mineral bottles sa lapag. Mga sapatos na kalat-kalat at hindi nakalagay ng maayos sa show rack. Mga wires na gulo-gulong nakapatong sa maliit na study table. 

Napatingin silang lahat sa akin. Si Duke na may pinaiikot na bola sa daliri niya habang nakatayo siya. Si Wayne na may hawak na gitara habang nakataas ang mga paa. Si Timothy na may headphones sa tenga ay natigil sa pag tipa sa keyboard ng kaniyang computer. Si Gaelan na may hawak na balat ng snacks at si Hendrix na may hawak na dart at ibabato ito sa board. 

"ANONG. KLASENG. BAHAY. 'TO," matigas kong sabi at binibigyan kong diin ang bawat salita. 

Parang bumalik ang oras dahil muling gumalaw na ang mga mokong. Ngunit parang wala silang narinig at nag patuloy lang sa mga ginagawa nila. Nag pakawala ako ng malalim na hininga bago ako lumapit sa shoe rack, at inayos ang mga sapatos na nakakalat. Kung hindi nila ako pinansin, pwes ako din!

Pagkatapos kong maayos ang mga sapatos, sunod ko namang pinulot isa-isa ang mga balat ng chichirya. Nakatayo pa din si Duke, wala namang nag bago sa mga position ni Timothy at Wayne. Samantalang si Gaelan ay nag punta yatang kusina, at si Hendrix na hindi ko sinusulyapan ng tingin. 

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng biglang may tumusok n dart sa plastic na kukunin ko. Napapikit ako bago tumayo, tiningnan ko si Hendrix. 

"What class are you in? What is your classroom?" tanong ni Hendrix.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Bakit, sino ka ba?" 

Tumalim ang tingin niya. 

"Who am I? Have you forgotten? Ako ang apo ng may-ari ng school na pinapasukan mo. At sa isang hiling ko lang kay lolo, tatalsik ka palabas ng gate ng Knight Reaside Academy." 

"'Yun naman pala eh. Apo ka ni Mr. Knight, eh bakit hindi mo gamitin 'yang powers mo na ginagamit mong panyabang sa akin ngayon para malaman mo kung ano ang classroom section ko?" 

Nag kasalubong ang makakapal niyang kilay. "What?" 

"E'di sige, patalsikin mo ako sa Academy. Pero ipag kakalat ko naman sa lahat ng tao na ang Knight Reaside Academy ay puno ng bullies, at ang nangunguna sa listahan... ay ang magaling ngunit mayabang niyang apo na si Hendrix." palabang sabi ko. 

Naupo na si Duke sa tabi ni Wayne, dumating naman si Gaelan na bakas ang pag tataka sa mukha niya. Si Timothy naman ay may sariling mundo kasama ng computer niya. 

"Are you threatening me?" hindi makapaniwalang sabi ni Hendrix. 

"Hindi. Pero gusto ko lang ipaalala na, oo apo ka nga, pero mas mahalaga sa lolo mo ang imahe ng paaralan niya."

Umigting ang panga ng kausap ko. 

"Be ready, Cindy Madrial," matigas niyang sabi at tumalikod na. Umakyat na siya sa hagdan papuntang second floor. 

Tumayo na rin ang apat at sumunod kay Hendrix, pero si Duke ay muling bumalik bitbit 'yung bola. 

"So... Cindy, since you're our maid. Wait, yaya ka namin 'di ba?" parang bata niyang tanong, tumango akong naguguluhan. 

"So, anong itatawag namin sa'yo? Yaya Cindy? Nanny Cindy? Or Manang Cindy? Well, mas gusto ko 'yung Manang Cindy, kaya iyon na lang ang itatawag ko sa'yo." 

"Uh..."

"Manang Cindy, clean up our mess. Oh well, that's your job, ang linisin lahat ng ikakalat namin o mga kinalat namin. And, after mong mag linis pwede ka ng pumunta sa kwarto mo para mag bihis..." Ngumisi si Duke na parang aso. Kinabahan ako bigla sa "bihis" na sinasabi niya. 

Napahakbang ako patalikod dahil siya ay palapit sa akin habang nakasuot ang ngisi niyang parang hayok. What the hell, ito na nga ba ang sinasabi ko! Kilala si Duke sa pagiging fvck boy eh! Baka mamaya...

"And... if you need something to warm your body on a cold night... all i want to say is I feel my body heat up... kaya pwede nating gawing maiinit ang gabi nating dalawa..." 

Napalunok ako at patuloy na humahakbang patalikod. Shete naman! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, paano kung may gawing hindi maganda sa akin ang mga lalaking 'to?! Lalo na 'tong lalaking nasa harapan ko?! Paano kung... paano kung halayin nila ako?! 

Naramdaman ko na ang couch sa likuran ko. Pigil ang hininga ko ng makalapit na si Duke sa akin, 'yung dibdib niya ay kulang na lang ay didikit na ito sa dibdib ko. Malaki siyang tao kaya hanggang leeg niya lang ako, pero kung tatanungin ako kung sinong mas matangkad sa lima, si Hendrix ang pipiliin ko. 

Kapre kaya 'yon! 

Pero itong lalaki sa harapan ko, naririnig ko 'yung pag hinga niya. Buti pa siya nakakahinga eh ako pigil eh! Baka mamatay na ako dito dahil wala na akong hanging nilalabas! Kinikiliti ng pabango ni Duke ang ilong ko, ang bango! Kapag naamoy mo siya alam mo na agad na mag kaiba kayo ng antas sa buhay, malalaman mo na agad na mayaman siya. 

Pinantay ni Duke ang ulo niya sa ulo ko. Nakatingin siya sa mata ko pero paminsan-minsan ay bumababa ang mata niya sa labi ko at kakagatin niya ang labi niya. Sa ganitong posisyon, mas lalo mong marerealize na gwapo talaga siya. Hindi na nakakapag taka kung marami siyang babaeng nakukuha dahil siguro ako, ngingitian niya lang ang mga babae at papayag na silang makipag sex sa kaniya. 

At kung may makakakita man sa posisyon naming dalawa, sigurado akong ma-mi-misunderstood nila! Pero buti na lang walang ibang tao dito kundi kami lang. 

"Cindy..." tawag niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nauubusan na ako ng sasabihin! Tulungan niyo ako! Kung kanina pasulyap-sulyap lang si Duke sa labi ko, ngayon ay parang nadikit na doon ang mga mata niya. 

Punyeta! Ano bang balak niya?! Bakit niya ba ako pinapakaba ng ganito?! Ha...hahalikan niya ba ako? Pero takte alam kong wala ako sa mga kalingkingan ng mga babaeng nahalikan niya. Pero bakit nakatingin siya sa labi ko?!

Nag deretso ang ulo niya sa tenga ko, ang akala ko ay hahalikan niya ako pero mukhang bubulong lang sa tenga ko.

"Cindy, umalis ka sa dadaanan ko, kukunin ko 'yung bola ni Hendrix." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ilang segundo pang umikot sa utak ko 'yung sinabi niya bago pa nag sink in sa akin. Sa gulat ko, napagilid ako. 

Nakita ko ang pigil niyang pag tawa. 

Ponyawa! Pinag titripan ba ako nito?!

Kinuha niya 'yung bola sa couch na pagmamay-ari daw ni Hendrix. Ramdam ko ang pag pula ng mukha ko sa kahihiyan, bwisit na 'yan, ang akala ko pa naman ay hahalikan niya ako! Pero hindi ako nangangarap mahalikan niya, wala pa kayang nakakakuha ng first kiss ko! 

"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi kung anong classroom mo? Mararanasan mo na naman ang higanti ng isang Hendrix Knight," aniya ni Duke. 

"Para namang takot ako sa kaibigan mo," sabi ko. Buti na lang 'di ako nautal! 

"Hindi ka talaga takot sa kaniya?" Hindi naniniwalang tanong niya. 

"Hindi. Tao lang din naman siya, pareho lang kaming kumakain. Ang pinag kaiba lang, may pera ang kaibigan mo. Ginagamit niyang panakot ang pera niya." 

"Woah, kakaiba ka talaga. At saka ikaw! Ikaw na nga itong nilapitan ko, ilang inches na lang ang layo ng mga mukha natin tapos 'di ka man lang namula sa kilig o nahimatay jaan nung tinitigan ko 'yung labi mo!"

"Wow, parang kasalanan ko pang hindi ako kinilig ah?" pabalang sagot ko. 

"Kahit na! Kung ibang babae ka lang, baka nasugod na sa hospital." 

"Pwes ibang babae 'yon, hindi ako, hindi si Cindy. At saka, bakit ako kikiligin? Sa katunayan niyan, natakot pa ako na baka mamaya halayin mo pa ako. Pervert!" 

"Ikaw? Hahalayin ko? Excuse me, Ms. Madrial, pero hindi mo nga malampasan ang kalahati ng standard ng mga babaeng na-i-kakama ko!" 

"Wow, proud ka pa talagang na-i-kama mo sila ha?" 

"Ako? Proud? Hindi, hindi ako proud. Dapat sila pa ang maging proud dahil na-i-kama sila ng isang Duke Samente."

Ngumisi siya at kumindat. Tinalikuran niya akong may umiikot na bola sa daliri niya. 

Yabang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status