Share

CINDYrella And Her Five Knights
CINDYrella And Her Five Knights
Author: pocarssiaaa

Prologue

"Cindy!" 

Kusang nilingon ng ulo ko 'yung sumigaw. Napaatras ako nang makita kong papalapit sa akin ang best friend kong si Jelly at mag papabuhat na naman! 

Pag lapit n'ya sa akin ay pinikit ko ang mata ko dahil baka matamaan n'ya 'yung mata ko. And boom! Tumalon siya at inakbayan ako, kulang na lang ay mapaupo ako sa lupa. 

"Aray naman, Jelly!" reklamo ko at inis na tinanggal 'yung kamay n'yang naka-akbay sa akin. 

Pero sinakbit n'ya nalang sa braso ko 'yung kamay n'ya at tila'y kilig na kilig. 

"Sorry na! Kinikilig lang ako hahahaha!" 

"Ramdam ko nga." 

Komento ko na lang. Na sa hallway kasi kami, papunta sa quadrangle, may announcement daw ang aming Dean, kaya lahat ng mga estudyante ay papunta na roon. 

Siguradong huli na kami ni Jelly, paano ba naman nag restroom pa si Jelly para daw mag retouch ng kan'yang make-up. Sobrang bango n'ya pa! Tapos naging kulot 'yung buhok n'ya. 

Ay wow, complete 'yung pang-salon sa bag? 

"Kasi kyaaaa! Hahahahahaha!" 

"Jelly, ang yaman mo, pa-check up ka na kaya? Malala ka na eh." nakangiwi kong sabi, hinampas n'ya naman 'yung braso ko kaya napa-aray ako.

"Hmmp! Syempre bebs, nang dahil sa walang kwenta nating one week vacation, I didn't saw my baby Wayne!" 

"My? My? Sayo siya? Pag mamay-ari mo siya para angkinin mo? Eh hindi ka nga n'ya kilala, at mas lalong hindi n'ya alam na nag e-exist ka!" 

Natahimik siya hanggang sa napalabi siya. Nilingon n'ya ako at tiningnan ng masama, at pagkatapos ay pinag hahampas n'ya ako sa braso! 

"A-aray! Ano ba masakit ah!" gumanti din ako at hinampas ko din siya!

"Grabe ka sa kaibigan mo! I hate you! Panira ka ng kasiyahan ko eh!" 

"Hahaha! Masakit Jelly! Jellyfish ano ba!" 

"Hmmp!"

Huminto na siya sa kakahampas sa akin. Nag tawanan nalang kami pagkatapos mag asaran. Ganito naman kami palagi eh.  Kaya lang natigil kami sa pag haharutan ng may tumikhim sa likuran namin. 

Ang laki naman ng space kung saan pwedeng dumaan, huwag nilang sabihin na dadaan sila sa pwesto namin ni Jelly kaya tumikhim sila? 

Aba! Hindi pwede 'yon!

Dahil sa curious at sa inis dahil sa pag sira ng harutan namin ni Jelly, hinarap ko 'yung nasa likod ko at laking gulat ko sa nasaksihan ko. 

"Oh my God. . . " 

Hindi rin makapaniwala si Jelly, pero nang bumalik ako sa wisyo, mag sasalita sana ako kaya lang hinawakan ni Jelly ang braso ko at humakbang kami para gumilid, upang mabigyan ng daan 'yung mga dadaan! 

Sino pa ba? 

Edi 'yung mga nag haharian dito sa Knight Reaside Academy! 

Nakasalamin silang nag diretso sa pag lalakad. Nangunguna si Hendrix, ang leader nila, sunod si Gaelan, tapos si Timothy, at si Duke at huli si Wayne. 

Nilagpasan nila kami, ang daming nakasunod sa kanila, babae man o lalaki. Bakit? Kasi bukod sa kinatatakutan sila, tinitingala din sila. 

Ganito naman palagi ang nangyayari kapag papasok ako ng school, minsan makikita ko sila sinusundan ng mga kababaihan, tinitilian sila, araw araw nalang, ulit ulit, pero ako sinisigurado kong hindi ko sila makakasabay, o makakasalubong, ayaw kong mag karoon ng interaction sa mga Kings5. 

Ayan ang tawag sa grupo nila, Kings5. 

Bakit ba lahat ay ina-admire sila? Lahat ng babae kinikilig kapag nakikita sila? Kapag nag sasalita sila? Ano bang mayroon sa mga lalaking 'to? 

Yes gwapo sila, mga attractive sila, pero bakit hindi ako nagagaya sa mga babaeng patay na patay sa kanila kagaya ng best friend ko? 

Siguro 'di ako tao. 

Hahaha o 'di kaya. . . Hindi ako mahilig sa mga taong feeling gwapo, feeling hawak ang buong universe porket mayaman! 

Ganoon kasi sila, mayabang, mapang insulto at laging minamaliit ang mga mahihirap. At kahit na gaano kasama ang gawin nila, para sa mga tagahanga nila, perpekto sila. 

"OMO BEBS!" hinampas ako ni Jelly sa braso, nakatulala pa din siya habang malawak ang ngiti n'ya sa labi. 

Nabaliw na. 

"BEBS! NGINITIAN AKO NI BABY WAYNE! BEBSS KYAAAAAAA!!!" 

At tumili na ang takas mental. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status