Share

CHAPTER THIRTEEN

Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. 

Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig. 

"What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen. 

Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status