Share

Chapter 14

KANINA PA SI ZAHRA wala sa sarili mula nang masilayan ang dating kasintahan. Oo, hindi siya pwedeng magkamali na ang Clyde Vito Villasis Romano at ang Clyde Villasis na naging kasintahan niya ay iisa. Pangalan lang ang nagbago pero walang nagbago sa itsura nito. Imposible naman kamukha lang ito ng kasintahan niya.

Pero bakit nang magtagpo ang kanilang mga mata kanina ay parang hindi siya nito kilala. Ito pa ang may ganang magalit samantalang siya ang niloko nito. Muli na naman kumirot ang isang bahagi ng puso niya nang maalala na naman ang kataksilan ng dating kasintahan. Kinuha lang nito ang pinakaiingatan niya saka siya itinapon na parang basura.

'Kusa mong ibinigay' salungat ng isang bahagi ng isip niya.

Oo na! Kusa niyang ibinigay kasi nagtiwala siya sa kasintahan pero nagkamali pala siya.

"Are you okay?" Tanong ni Lorenzo ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Napalingon tuloy siya rito. Kanina pa tapos ang speech ni Clyde at kasalukuyang nakikipag-usap sa ibang mga bisita hab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status