Share

Chapter Eight

"Nicole ikaw na muna ang mag ayos ng magsisilbing natin para hindi tayo masikatan ng liwanag ng buwan, ako titingin tingin pa ako sa paligid ng pwede nating magamit malay mo may makita pa ako katulad niyan isa sa mga puno dito" 

Napatingin saakin si Nicole dahil sa sinabi ko  "Katanaya wag ka nang umalis baka mapano ka habang wala ka sa tabi ko. Natatakot din ako"  Nginitian ko naman sya para masiguro niya na ayos lang ang lahat  "Wag kang mag alala Nicole dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka at ang may mangyaring masama saakin okay?"

Nakita ko pa ang pag aalala sa muka niya at pag aalinlangan ito na pumayag  "Nicole I'm okay don't worry"  paninigurado ko pa dito na ikinabuntong hininga naman niya  "Osige basta balik ka agad ah! Kapag matagal kang nawala hahanapin kita!" 

Napailing ako sa kaniya at hinawakan ko ang mag kabilang balikat niya't tinitigan sya ng seryoso  "Tandaan mo Nicole wag kang aalis dito maliwanag? Hindi mo alam ang kayang gawin ng dragon na yun. Mapanganib tandaan mo. Hindi pa kita nasasanay ng mabuti ayoko na mawala ka maliwanag sabay tayong aalis sa lugar nato"

Tumango naman sya saakin at niyakap niya ako ng mahigpit  "Sige na mag ayos kana aalis na muna ako"  tumango naman sya saakin at pumunta na sya sa ibaba ng puno at inayos ang blangket. 

Naglakad na ako paalis pero huminto ako saglit at nilingon si Nicole na matatapos na sa ginagawa. Napabuntong hininga ako ginawan ko sya ng barrier na nakapalibot sa  kaniya. Ang barrier na yun ay kung sakaling masinagan man sya ng buwan ay hindi sya nito mapapansin pero palibot lang yun sa puno at sa pwesto niya sana wag syang umalis

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumeryoso na. Binuksan ko lahat ng sense's ko. Para makita ko kung meron bang blangket o ano pa man sa itaas ng mga puno.

Lumipas ang ilang minuto kong paglilibot ay may nakita rin ako sa isang puno dito. Mabilis akong umakyat at  kinuha iyon pagbaba ko ay binuklat ko ito at napangiti ako dahil saktong sakto to para saamin ni Nicole 

Napatingin ako sa langit ng magdidilim na kaya agad akong pumunta sa mga puno. 

"Kailangan ko ng bumalik, siguradong nag aalala na si Nicole saakin" 

Maingat akong dumadaan sa mga puno mabuti nalang at dikit dikit ang mga ito kaya hindi na ako mahiirapan pa.

"Kyahhhh!!! Tulungan nyo ako!" 

Naalerto ako ng may marinig akong sigaw ng isang babae. May humihingi ng tulong!  Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko dahil nag iintay saakin si Nicole o tutulungan ko yung humihingi ng tulong nag dadalawang isip ako.

"TULONG!!!"

Napapikit naman ako dahil doon at mabilis na tumakbo papunta sa pinangagalingan ng boses na iyon. Naging maingat ako para hindi ako mahagip ng liwanag ng buwan, sinundan ko lang ang pinanggagalingan ng boses na iyon at ilang paghahanap lang ay nakita ko na ito pero agad akong napatakip ng bibig ng makita ang kalunos-lunos na nagaganap sa babae.

Kitang kita ko kung papaano sya patayin ng dragon na nasa curse symbol. Binubugahan sya nito ng apoy habang ang babae naman ay pilit na nilalabanan ang dragon.

"Tumakbo kana!"  Naiiyak kong sigaw dito na ikinatingin saakin ng babae  "T-tulungan mo ako"  mahina man ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin ito ng malinaw hahakbang na sana ako palabas sa pinagtataguan ko ng huli na ang lahat dahil wala na sya.

Tuluyan na syang bumagsak sa lupa at kusang naglaho na parang bula. Napatakip ako ng bibig dahil doon at napaatras sa sobrang pagkagulat sa nasaksihan ko. Tatakbo na sana ako palayo doon pero nakarinig ako ng mga yapak

Paglingon ko ay nanglaki muli ang mga mata ko ng makilala ang lalaking naglalakad sa ilalim ng buwan na parang wala lang. MAMAMATAY SYA! Hindi ko na hahayaan na may mamatay ng dahil saakin.

Tinignan ko ang kinalalagyan ng dragon at papalipat na ito ngayon sa langit. Napapikit akong muli at agad na tumakbo papalapit doon sa lalaking nakatunggali ko kanina. Yung mayroong gray na buhok.

Nagulat sya ng makita akong papatakbo sa kaniya at nakita kong naghanda sya dahil akala niya ay papatayin ko sya, pero mabilis ako at hinawakan ko sya sa pulsuhan at hinila papunta sa ilalim ng puno.

"Anong ginagawa mo?!"  Gulat na sabi niya saakin, ngunit di pa ako nakakasagot ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa dragon na nasa langit at napatingin doon. Umiiko't ikot sya tanda nang pangangalaga sa buwan at mayroon na syang napatay na isa.

"Ang curse symbol"  Nabanggit ko nalamang at ramdam na ramdam ko pa ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa nasaksihan kong pagkawala nung babae kanina.

Agad kong naitakip ang palad ko sa muka ko at pinipigilan na maiyak. Sa harap ko mismo sya namatay at nanghiingi sya saakin ng tulong pero wala akong nagawa!

"Anong alam mo sa curse symbol"  Agad akong napatingin sa lalaking iniligtas ko  "Nasisiraan kana ba?! Anong naisip mo at sa ilalim ka pa talaga ng buwan namasyal?! Alam mo bang kung hindi mo ako niligtas ay maaaring patay kana?!"  Malakas kong sigaw sa kaniya dahil nag hahalo-halo na ang emosyon ko ngayon

Natigilan naman sya at mukang napaisip dahil sa sinabi ko.  "Sa itsura mo isa kang High Class pero bakit hindi mo alam ang bagay na yon?"  muli kong sabi sa kaniya at tinignan ko sya sa mata  "N-nakalimutan ko"  

Napatawa ako dahil sa sinabi niya  "Sa dami dami ng pwede mong kalimutan yun pa?! Baka nakakalimutan mong nasa kabilang dimension tayo! Sa Peridian kung saan dito nakatira lahat ng masasamang nilalang at dito rin matatagpuaan ang curse symbol na syang pinakang delekado kapag gabi!" 

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa itsura niya na parang ewan! Nakikita ko ang pagkagulat, lito at mangha sa muka niya. 

Natahimik kami sandali at ako naman ay pilit na kinakalma ang sarili ko.  "Ikaw yun"  napatingin ako sa kaniya ng magsalita sya 

"Ikaw yung nakalaban ko kanina, bakit hindi mo ako pinatay?"  napakurap naman ako dahil sa tanong niya

"Hindi sa lahat ng oras ay dapat na pumatay ka lalo na kung hindi deserve ng taong yun ang mamatay"  Napatahimik naman sya sa sinabi ko at tinignan lang ako ng deretsyo sa mata ko kaya nailang naman ako

"B-bakit?"  tanong ko sa kaniya  "Sa tingin mo ba hindi ko deserve na mamatay?" 

"Oo naman. Lahat ng magicians ay may karapatan na mabuhay at isa pa kahit na ano pa ang maling nagawa mo o kung ano pa ay deserve mo ng second chance teka nga may kasalanan kaba? Magnanakaw kaba? Mamamatay magicians? OMG baka rapist ka!"

Gulat kong sabi at tinakpan pa ang katawan ko hanggang sa maya maya ay tumawa sya ng tumawa  "Pinagtatawanan nanaman ako"  Irap kong sabi sa kaniya

Katanaya...

Natigilan ako ng biglang marinig ko muli ang pagtawag saakin ni Nicole 

"Si Nicole!" 

Mabilis akong tumakbo sa mga puno pabalik sa pinagiwanan ko kay Nicole 

"Nicole please sana hindi ka umalis jan" 

Nag aalala kong sabi sa sarili ko. Abot abot ang kabang nararamdaman ko habang papalapit sa kinalalagyan niya.

Pagdating ko sa pwesto namin ay agad akong naiyak dahil wala sya doon

"NICOLE!!!"  Sigaw ko at tatakbo na sana ako paalis doon ng biglang may humawak sa braso ko paglingon ko ay yung lalaking may gray na buhok.

"Anong ba bitawan mo ako! Kailangan kong hanapin si Nicole!"  Iyak kong sigaw sa kaniya  "Nasisiraan kana ba?! Ikaw na mismo ang nagsabi saakin na mamamatay ako kapag nasa ilalim ka ng liwanag ng buwan"

"Hindi mo ako naiintindihan! Nawawala si Nicole! Nawawala ang kaibigan ko!"  Sigaw ko at pilit na inaalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya  "Bitawan mo ako! Nicole hindi! Bitaw sabi!"  Iyak na talaga ako ng iyak 

"Ikaw ang mapapahamak! Yun ba yung babaeng kasama mo kanina? Kung iniwan mo sya dito ng buhay at ngayon ay wala na baka—p-patay na sya"

Sunod sunod na umiling ako sa kaniya hindi pa patay si Nicole! Hindi niya ako iiwan! Bumalik sa alaala ko yung nangyari kanina doon sa babae na bigla nalang naglaho na parang bula ng mamatay

"Hindi! Hindi pa sya patay hindi niya ako iiwan!"  Buong pwersa kong hinila ang braso ko sa kaniya at tumakbo papunta sa kung saan man 

"Sandali!" 

Wala akong pakealam sa dragon na yon ang mahalaga ay mahanap ko si Nicole. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may yumakap saakin mula sa likuran na syang ikinahinto ko kilala ko ang amoy niya. Sya yung lalaking may Gray na buhok

Bigla ring mayroong isang kumot o blangket ang syang tumakip saamin 

"Wag kang aalis" 

natigilan ako ng magsalita sya sa tenga ko 

"B-bitawan mo ako kailangan kong mahanap si Nicole"  Iyak ko paring sabi sa kaniya  

"Matulog ka muna" 

Hindi na ako nakasagot pa ng ginamit niya ang kapangyarihan niyang hangin na maaaring makapagpatulog. Alam ko dahil kaya ko rin iyong gawin

Unti-unti ng bumigat ang talukap ko. 

Nicole....

"Diko hahayaan na mapahamak ka"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status