Share

Chapter Seven 1.2

"NICOLE!!"  Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa paligid dahil hinahanap ko sya pero kanina ko parin sya hindi makita-kita

"Nasaan kana ba Nicole?"  Nagpatuloy ako sa paghahanap ang kaso ay napahinto ako ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Ano to?

"Argh!"  Napaluhod ako ng makaramdam ako ng pagkahirap sa paghinga. T-teka wag mo sabihing may lason ang metal na pintama saakin ng lalaking yun? 

Tinignan ko ang sugat ko  "Shit! Hindi pwede to!"  Nakita ko na nangingitim na ang sugat ko sa braso ko tama ako may lason nga ang metal na yun ang masama lang ay ang kalagayan ko dahil masama ito. Kumakalat ang lason sa katawan ko wala pa naman akong healing power. 

Kailangan ko pang hanapin si Nicole dahil baka mapahamak sya.  Kahit na masakit ang sugat ko ay tumayo parin ako at pinilit na maglakad. 

"N-nicole!"  Sigaw kong muli pero wala pang sumasagot saakin. Nararamdaman ko na ang malalamig na pawis na lumalabas sa katawan ko. 

Hanggang  hindi ko na kinaya at napabagsak na ako sa lupa. Hindi pwede akong mamatay sa ganitong paraan. Babalik pa ako sa Low Town at malalaman ko pa kung bakit nila pinatay ang magulang ko. 

"N-nicole"

Unti-unti nang pumikit ang mga mata ko.

"KATANAYA! KATANAYA GUMISING KA!" 

Nakarinig ako ng tumatawag saakin at sa boses na iyon ay kilala ko ito.  "KATANAYA!"

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at kahit papaano ay nagawa ko ngunit mabigat parin ang talukap ko

"KATANAYA WAG MO AKONG IWAN!" 

Naaninaw ko ang anino ng isang tao sa harapan ko.

"N-nicole" 

Yan na ang huli kong nasabi at tuluyan ng napapikit ang aking mga mata

PAGDILAT ko ay sumalubong saakin ang kalangitan. Nag aaagaw na ang dilim sa paligid ano bang nangyari? 

Napapikit akong muli ng maalala ko ang mga nangyari kanina. Tama nalason ako, hindi kaya patay na ako? Napaupo ako at tinignan ang katawan ko maayos pa hindi pa naman ako malamig na bangkay so ibig sabihin buhay pa nga ako

"Katanaya gising kana!"  Agad akong napatingin sa pinang-galinggan ng boses na yon at napangiti ako ng makita ko si Nicole niyakap niya ako at sinukliaan ko rin iyon. 

"Nag-alala ako sayo ng sobra Katanaya akala ko hindi na kita makikita"  Hinagod ko naman ang likod niya dahil umiiyak na ito  "Shhh...Maayos na ako ngayon Nicole wag ka nang umiyak teka paano mo ako nahanap at paano nawala ang lason sa katawan ko?"  ngumiti sya saakin 

"Narinig ko ang boses mo Katanaya at ang tumulong saakin para mahanap ka ay ang hangin mismo. Ang hangin ang nagturo saakin ng direction papunta sa iyo"  Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi niya  "A-ang hangin? I-ibig bang sabihin nito ay konektado na kami ng hangin?" 

Nakangiting tumango sya saakin. Wow! sa tinagal tagal kong nagsasanay ng kapangyarihan ko ay hindi ko pa nagagawang makausap ang Goddess na syang may hawak ng hangin kong kapangyarihan dahil hindi ko ito mahanap kung nasaan.

Alam ko naman kung paano sya hanapin ang kaso ay hindi talaga sya saakin kumukunekta.  "Eh paano nawala ang lason? Dahil rin ba sa hangin?"  Napatawa sya dahil sa sinabi ko.  "Hahaha hindi noh may kapangyarihan akong makapanggamot katanaya. Meron akong Healing Power" 

Nagulat naman ako sa sinabi niya mukang ability niya ang panggagamot  "Talaga?! Magandang balita yan Nicole kapag may nasugatan saating dalawa ay maaari mo na itong gamutin" ngumiti lang sya saakin at tumango 

Napatingin ako sa paligid  "Ang ganda ng langit no Katanaya? Lalo na at papalubog na ang araw"  Napatango ako sa sinabi niya at tumingin din sa itaas. Kitang kita ang Dalawang buwan na binabantayan ng isang dragon—Teka! Papalubog na ang araw?!

Agad akong napatayo dahil sa naalala ko at tumingin sa paligid papadilim na  "Bakit katanaya?"  Napatigin ako kay Nicole dahil doon 

"Nasa Peridian tayo Nicole!"  Kaba kong sabi dito na ikinatango naman niya  "Oo nga ano naman ngayon?"  Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya  "Hindi ba High Class ka alam kong napag aralan nyo to Nicole! Kapag gabi sa Peridian ay wag na wag kang gagala sa paligid o wag kang magpapakita sa sinag ng buwan dahil susugurin ka ng Dragon na nagbabantay sa dalawang buwan na yan!"

Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko at mukang doon niya lang din narealize ang mga sinabi ko.  "A-anong gagawin natin Katanaya kailangan nating magtago sa buwan!"  

Mabilis akong nagisip ng paraan kung paano kami makakapagtago sa buwan ngayon gabi.  Napatingin ako sa paligid at naalala ko yung nakuha kong pagkain at tubig na mayroong tela. 

"Tama! Mayroon akong nakitang tubig at pagkain na nakabalot sa tela kanina pwede natin iyong gamitin bilang pangharang malaki ang tela na iyon sa totoo lang ay para na iyong kumot" 

Inilabas ko ang sinasabi ko sa kaniya "Hangga't hindi pa madilim ay ayusin mo na ito doon sa may puno na iyon, malalaki naman ang mga puno dito at mayayabong ang mga dahon kaya pwede rin tayong magtago sa mga anino ng puno"  Kailangan na naming kumilos kaagad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status