WEDNESDAY...Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik."May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera."Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.Lumapit sya kay Aron at niyugyog
Mas ibinaon ng lalaki ang kutsilyo sa balikat ni Savannah kaya napaluhod na lang si Savannah sa sariling mga tuhod sabay d***g nang malakas.Kinasa ng lalaki ang hawak nitong baril; rinig nya yun kaya tumingin sya sa lalaki. Nagdadalawa ang paningin niya ngayon, ramdam niya ang malagkit at mainit na likido na tumutulo sa kanyang likuran. Bago maputok ng lalaki ang baril ay mabilis niyang hinawi ang baril nito sabay tayo; nilabas nya ang sariling dagger sa likuran, at mas mabilis pa sa hangin'g hiniwa ang leeg nito. Dahan-dahang tumumba ang lalaki habang hinahabol ang huling hininga; pinanood nya lang itong nagdudusa habang mabibigat rin ang kanyang paghinga. Bitawan niya ang dagger, napahugot siya ng maraming hangin. Hinawakan nya ang kutsilyo na nasa bandang likuran ng balikat nya, at humugot ulit ng malalim na hininga.Pumikit sya, at diretsong binunot ang kutsilyo. Abot impyerno ang pagdaing niya at napabagsak sa sariling mga paa. Hindi sya nagtagumpay na hublotin ang kutsilyo at
Sunday...Alas-otso na ng umaga, at ngayon ay malapit na si Savannah sa site. Makalipas ang ilang minuto, nang makarating sya ng site ay pinarada nya nang maayos ang kotse sa parking lot.Iba ang site na ito sa site ni Sir Marius. Ang site na ito ay pagmamay-ari ni Sir Michael Vascon, ang totoong boss nilang mga agent. Isa itong private property, nasa tagong lugar din nakadestino. May dalawang malalaking building dito kung saan ay may 4 floors. Bawat floor ay may tulay na nakakonekta sa dalawang building, nagsisilbi ang tulay bilang dugtong sa dalawang building. Ang site rin ay may open ground kung saan araw-araw sinasanay ang mga tauhan. May shooting range kung saan hinahasa ang skills sa pagbaril. May mini forest kung saan ay dito ginagawa ang lahat na kailangang hasain ng bawat tauhan. May dormatory rin, lahat libre maliban sa basic needs tulad ng pagkain, toiletries, atbp. Higit pa dyan ay may gym rin, at mini bar. Pwede rin lumabas ang ibang tauhan kung gugustohin nila pero 'y
"Damn you, f*cker." Sa isang napakadilim na eskinita, abot impyernong napasigaw ang lalaki nang dahan-dahang bumabaon ang kutsilyo sa sariling leeg. Mabilis tinakpan ni Savannah ang bibig nito para patahimikin. "AAAAAAAAAAHHH---" Ilang minuto bago ang huling hininga , walang humpas na d*******g ang lalaki. Wala nang mas sasakit pa na pinuputol ng babaeng ito ang kanyang ugat; walang bahid ng awa, hindi ito mahihilayo sa isang demonyo. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Savannah; makikitang nagdudusa ang lalaki ay tila nakakakita sya ng isang palabas na mas maganda pa sa theatro. Amoy ng dugo na tila'y pabango, d***g ng lalaki na tila isang musika sa pandinig, ang mga mata nitong nagmamakaawa na tila isang magandang guhit. "Be a good girl, honey" Agad syang napalayo nang may bumulong sa kanyang isipan. Sa isang iglap, sya'y napabalik sa sarili. Nang lumandas muli sa lalaki ang kanyang paningin, ngayo'y nakaupo na ito sa sariling mga paa habang nakasandal sa pader, hawak ang kutsilyo n
Pagkalapag ni Savannah ng Pilipinas ay preskong hangin ang sumalubong sa kaniya pagkalabas ng eroplano. Dalawang buwan din bago sya nakabalik ng Pilipinas dahil binigyan niya ng oras ang kanyang ina na ngayo'y nasa amerika. Habang naglalakad palabas ng airport, isa lang talaga ang masasabi niya sa kanyang pagbabalik; wala pa ring pinagbago, kahit saan man lumingon ay hindi nya ramdam ang kapayapaan. Parang buong buhay nya na nga ito dadalhin; walang totoong kapayapaan, walang tigil ang utak sa pagiging alerto sa bawat oras dahil sa anumang panahon at kahit saan sa paligid ay nandyan at nandyan ang anumang uri ng panganib. Sanay na sya pero minsan ay nakakaramdam din sya ng pagod. Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Savannah hanggang sa makalabas ng airport. Pagkalabas ng exit ay isang lalaki ang agad nakaagaw ng kanyang atensyon. Nakasandal ito sa harap ng kotse habang nagse-cellphone. Huminto sya sa kinatatayuan, hindi sya aalis dito hangga't hindi mag-aangat ng tingin ang
"Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos. Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. Tiningnan niya ito , sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint. "Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint. Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon. "Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy. Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitin
Alastres ng hapon naisipan ni Savannah na lumabas ng bahay para puntahan ang isang lugar. Pagkarating ay huminto sya sa harapan ng isang bahay. Kasalukuyang nasa ibang housing subdivision sya ngayon.Tinatanaw nya lang ang bahay habang nakasandal sa labas ng sariling kotse. Sa maraming taong lumipas knayang nilisan ang lugar na ito ay mapapasabi na lamang syang marami na talagang nagbago, isa na ang bahay kung saan sya lumaki.Habang tinatanaw ang bahay nila noon ay bumabalik ang mga alaalang masasaya pero nagdudulot naman ng kirot sa dibdib. Isa lang naman syang masayahing bata noon pero isang araw ay bumaliktad ang lahat."Time flies so fast... Lahat ng memories ko dito na kasama ka ay bumabalik sa 'kin… I miss you so much Dad..." kanyang bulong sa loob ng isipan.Sa dinami-daming tao sa mundo, ang sariling ama ang pinakamalapit sa kanyang puso. Noon, hinihintay nya pa ito sa mismong gate para salubongin. May mga panahon pang kahit ang laki na nya ay walang niisang reklamo ang kany
Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga. Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. "That crazy woman," kanyang bulong. Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya."Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. "You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi, kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang bigl