Share

CHAPTER 06

Mapayapang namamahinga si Savannah sa taas ng puno nang may pumutol nito. Tumunog ang telepono nya, at pagtingin kung sino ang tumatawag ay napabuntong hininga sya. 

Maingat muna syang bumangon 'tsaka sinagot ang tawag. 

"Iha, can you come over here? At the Dean's office," sabi sa kabilang linya.

Inilayo nya ang telepono saglit , at kumawala ng mabigat na hininga dulot ng pagkairita. Wala pa ngang isang oras syang tumatambay dito sa puno tapos may mangdidisturbo na naman.

"Okay coming," sagot na lang nya dito. Gusto nyang tumanggi pero wala syang magawa kun'di pumayag para ipakita ang kaniyang respeto.

Nang makarating sa tapat ng office ay sya muna'y kumatok bago pumasok. Pagpasok ay bumungad sa kanya ang anim na lalaki kanina, at ang Dean.

"Ano ngayon?" Gusto nyang ipakita na naiinip sya pero pilit nya pa ring ikalma ang sarili.

"Boys, ano nga 'yong sasabihin nyo?" tanong ng Dean.

Noo ni Sav ay kumunot. Tiningnan nya sina Emerson pero hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.

Tumingin naman silang Emerson kay Mrs. Dean pero pinagtaasan lang sila ng kilay at pinagdilatan ng mata na tila sinasabing , sabihin na nila ang kailangan nilang sabihin kay Skyler.

"Uh...gusto sana naming," pag-aalinlangan ni Halter, "Pre kayo na mauna." Napalunok naman silang Adam, at Cendrick.

"Gusto sana naming..." wika ni Adam pero hindi rin nito mabigkas-bigkas ang sasabihin.

"Ano?" nauubosang pasensyang bato ni Sav.

"Iha, calm down," awat ng Dean. Napairap ng palihim si Savannah sa pagkairita.

"H-humingi ng p-patawad," kinakabahan na usal ni Cendrick at ang hina pa.

Hindi umimik si Sav kaya nanatiling tahimik ang buong opisina; wala rin naman syang pake kahit lumuhod pa ang anim sa kanyang harapan. Hindi oobra ang 'sorry' sa kanya, mas maganda pang huwag syang kausapin ng ilang araw hanggang kanyang galit ay huhupas.

Binasag ni Emerson ang katahimikan. "Urgh you know what Mrs. Dean, hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo. That woman? Sinuntok nya ko kanina. Bakit ba hindi kayo naniniwala sa 'kin?!" iritableng wika ni Emerson.

Napabuntong hininga si Savannah at binalik ang mukha sa pagkawalang gana.

"Kung ganito lang naman ang magiging ganap dito, aalis nako dahil may gagawin pa ako," naiinip na kanyang sabi, at tumalikod na.

"Wait! Sandali, " pigil sa kanya ni Mrs. Dean.

Marahas syang bumuntong hininga. Hindi na nya kaya pang manatili ng isang segundo sa silid na ito pero maaalala ang sinabi ni Sir Mike ay mapakuyom na lamang sya ng palad. Nanatili sya sa kinatatayuan habang nakatalikod.

"Maglilinis na sila. Right, boys?" wika ni Mrs. Dean pero hindi sumagot ang mga lalaki.

"Don't worry Iha, dalawa kayong magbabantay sa kanila maglinis. Babantayan nyo lang sila ngayon, at bukas," dagdag ni Mrs. Dean.

Bumuntong hininga si Sav 'tsaka iritableng humarap sa mga lalaki. Tiningnan nya isa-isa ang mga mukha nito. Mukha pa lang ng tatlo ay kumukulo na ang dugo nya lalong-lalo na ang pagmumukha ni Emerson.

" 'Yang tatlo na 'yan, 'yan lang ang babantayan kong maglinis." Tukoy nya kina Jax, Chase,at Emerson. May plano sya sa tatlo kaya ito ang pinili nya.

"Okay, no problem. Boys, sumunod na kayo kay Saa--Sky. Magpakabait kayo hah," nakangiting wika ng Dean. Napairap si Emerson, habang si Chase, at Jax ay napabuntong hininga.

"Buong building ba ang lilinisin nila?" tanong ni Sav.

"Yes," sagot ng Dean.

"Pano po 'yan? May klase po kami eh," pagdadahilan ni Jax.

"Huwag kayong mag-alala. Excuse na kayo sa first subject nyo this afternoon," nakangising sagot ni Mrs. Dean. Parang binagsakan ng lupa ang reaksyon ng tatlo.

Tumalikod si Emerson, at patagong nag-text sa cellphone.

"Uhm ano kasi Ma'am, may... may presentation kasi kami ngayong Ala-una eh. Baka po n'yan maliit lang ang grade namin dahil hindi kami nakapag-present on time," pagdadahilan naman ni Chase.

"Kagaya ng sinabi ko, excuse na kayo," mahinahong tugon ni Mrs. Dean.

"Pwede bang tama na 'yang pagdadahilan ninyo. Maglilinis lang naman kayo," naiinip na sambit ni Sav sa dalawa.

"Wait. I think I gotta go now," biglaang usal ni Emerson kaya nabaling ang tingin nilang lahat dito. Kumunot ang noo ni Sav sa pinagsasabi ng binata.

"May meeting akong pupuntahan together with my Dad," paliwanag ni Emerson.

Nabaling ang tingin ni Sav sa cellphone na nasa kamay nito. Lumapit sya kay Emerson, at hinablot ang cellphone nito.

"Emerson, come home now. We have an urgent meeting to attend. Dad," mahinang basa ni Sav sa text. Tiningnan nya si Emerson, at tinitigan ang mga mata nito nang maigi.

"You're lying," wika ni Sav ilang segundo. Sinamaan sya ng tingin ni Emerson.

 "I'm not lying, woman," pangangatwiran ng binata sabay hablot ng cellphone sa kaniya.

"Can't you see? Dad ang nakalagay, at sabi nya may urgent meeting kaming pupuntahan," galit nitong dagdag.

"May number ka ba ni Mr. Denovan, Ma'am?" tanong ni Savannah habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Emerson.

Nanibago kaunti ang Dean sa pagtawag ni Savannah ng 'Ma'am' sa kaniya. 

. "Uh yeah--yeah meron," tugon ng Dean. Agad namang namawis sina Emerson, Jax, at Chase.

Ilang saglit, nakompirma ni Sav ang totoo.

"Hindi tugma ang number so ibig sabihin kakilala mo o kaibigan mo lang 'to, hindi mo 'to Daddy. Pwede bang tumigil na kayo sa pagdadahilan? Kung nahihiya kayo sa mga babae ninyo, hindi ko na yun problema," kalmado na may halong irita na wika ni Savannah.

Tila binagsakan ng langit at lupa ang reaksyon ni Emerson, Chase, at Jax sa narinig.

"Sige na boys, sumunod na lang kayo. Walang mangyayari kung palagi lang tayo nandito," wika ng Dean.

Nanatiling nakipagtitigan si Emerson sa kanya pero sya na ang pumutol nito sa pamamagitan ng pag-irap sabay talikod.

"Mang-uto na nga lang, hindi pa gagalingan tsss," bulong nya sa hangin.

Naglakad palabas si Savannah, at walang magawa ang tatlo kun'di sumunod. Marahas na lang napakamot ng ulo sina Emerson.

Dumaan ang kalahating oras, tapos na nilang linisin ang second floor kaya ngayon ay nasa 3rd floor na sila.

"Meron pang duming natira," utos ni Sav kay Jax habang nakaturo ang daliri sa dumi. Marahas namang napabuntong hininga si Jax, at padabog na pinunasan ulit ang parte na sinasabing may dumi.

Sunod nilapitan ni Savannah ay si Emerson, nang kanyang sinuri ang previous part na nilinis ng binata ay may dumi pang nakikita kaya naman tinawag nya si Emerson.

"Hoy halika dito." Nag-angat ng tingin si Emerson sabay tingin nang matalim sa kanya.

"May dumi pang natitira oh. Hindi mo ba nakikita?"

Tiningnan ni Emerson ang tinuturo nitong dumi, at tumingin ulit sa dalaga. Kumukulo ang dugo nya kung paano ito makautos. Kung makautos ay parang isanng prinsesa na napakalinis eh parang mahirap lang naman.

Bumuntong hininga sya sabay tayo nang matuwid. Inirapan nya ang dalaga. Kung alam lang nito kung gaano nakakapagod na palaging nakayuko kaso hindi. Kung makautos ito ay wagas, kahit maliit na mantsa ay dapat napakalinis talaga eh useless din naman dahil madudumihan naman sa oras ng dismissal.

Mas gugustohin nya pang madetention ng limang oras kesa maglinis sa pasilyo na maraming nakakakita.

Napilitang lumapit si Emerson sa kinatatayuan ni Skyler, at pinunasan ang sinasabi nitong dumi kahit napakaliit lang naman. Nang mawala na, tumuwid sya ng tayo at nakipagsukatan ng tingin kay Skyler. Kanina pa siya naiirita sa mga utos nito na parang guro kung makaasta.

Umirap ang dalaga at tumalikod. Mas lalo siyang napatiim-bagang sabay hawak nang mahigpit sa mop. Maliit na lang talaga ay mauubosan na sya ng pasensya. Gustong-gusto nyang patulan ang babaeng 'to pero idadaan na lang sa buntong-hininga.

Chineck ni Savannah ang sahig, at tinitingnan nang maigi kung wala na bang natitirang dumi. Nang may nakita sya sa may sulok ay binatokan nya si Chase.

"F*ck ano ba?!" bulyaw ng binata dahilan para makuha nila ang atensyon ng mga nagklaklase sa classrooms, pati sina Emerson, at Jax ay napatingin din sa kanilang direksyon.

"Pinunasan mo na nga ang parte na 'yan, hindi mo pa inayos."  Tiningnan ni Chase ang tinuro nya pero binalik din ang tingin nito sa kanya.

"Miss sumusobra ka na hah," nagpipigil galit ni Chase. Talagang kanina pa sya naiirita at nauubosan ng pasensya sa babaeng ito, kahit wala namang dumi ay sinasabing may dumi.

Lumapit naman si Savannah sa pagmumuka ng binata. "Kung gusto mong madaling matapos dito, ayusin mo ang trabaho mo," mahina pero madiin na salita nya sa binata.

Nagtitiim-bagang ang panga ni Chase; kung kanina ay galit na galit sya pero ngayon ay nahaloan na ng lust ang sariling emosyon. May pasa ang labi ni Skyler pero gayon paman gusto nya itong halikan. Iba ang atraksyon na hatid ng mapupula nitong mga labi; tinitrigger din ang kanyang kuryosidad kung gaano kaya ito kalambot.

Gusto nyang angkinin ang labi nito ngayon pero nilalabanan nya ang sarili dahil nga sa 'galit' sya sa ginawa nitong pambabatok. Pilit nyang hindi tumingin ulit sa mga labi nito pero sadyang hindi nya maiwasan. Hindi nya alam kung seryoso bang nakikipag-usap ang dalaga ngayon o sinasadya talaga nitong mang-akit?

Dumistansya si Savannah kay Chase at nilingon sina Emerson. 'Tsaka pa nagsikilos ang dalawa na binalingan nya ito muli.

Makalipas ang mga minuto, nang matapos sila sa 3rd floor ay sunod na silang umakyat sa 4th floor. Ilang minutong pagche-check ni Savannah ay si Emerson na naman ang kanyang binatokan.

"F*ck," mahina pero malutong na mura nito. Nag-angat ito ng ulo sabay tingin ng matalim sa kanya.

"Pwede bang ayusin nyo ang trabaho ninyo. Hindi mo ba 'yan nakikita hah? Bulag ka ba?" utos niya pero nanatili lang nakatitig nang matalim si Emerson.

"Hey woman, kanina pa kami nauubosan ng pasensya sa'yo, huh. In fact you have no right to oder us like this so don't act like you think who you are. Hindi mo ba 'ko kilala, huh?" tiim- bagang nito habang namumula na sa galit.

"I don't care who you are, Mr. Denovan. Kung gusto nyong matapos na tayo dito, ayusin nyo mga trabaho ninyo. May isa pang floor kaya dalian nyo na. Sinasayang nyo ang oras ko," kalmadong sagot ni Sav pero ang totoo, naiinip na talaga sya.

Emerson smirked unbelievably pero tiningnan muli si Skyler ng matalim. "Are you f*cking kidding me? Kung tutuosin 'yong oras namin ang sinasayang mo. You know what, I quit!" 

Padabog niyang binitawan ang mop, at umalis na sa harapan ng babaeng 'to. Pati sina Chase ay sumunod na rin sa kanya papuntang hagdanan, kahit ano pang sasabihin ng babaeng yon ay magtuloy-tuloy lang sila sa paglalakad nang mabilis. 

Naglakad nang mabilis si Sav para pigilan ang tatlo. Kung pwede lang hayaan ang mga 'to ay hindi na talaga sya mag-aabalang maghabol pa, pero pano yan baka dadagdagan na naman ng Dean ang punishment tapos sya na naman ang gagawing tigabantay, nakakapagod na.

Tumakbo sya para habulin ang tatlo. Nang makalapit, mahigpit nyang hinawakan ang pulsohan ni Emerson pero mabilis itong nakawala.

"Don't ever touch me," madiin na sabi nito sabay duro ng isang daliri sa kanya. Tinalikuran sya ulit ng tatlo pagkatapos.

"Sandali!" pigil niya pero hindi pa rin tumigil sa paghakbang sina Emerson.

Kung ayaw tumigil ng tatlo ay sya na lang ang tumigil sa paglalakad.

"I said stop, f*ckers!" Sa puntong 'to ay napatigil ang tatlo.

"What did you call us?" mahinang tanong ni Emerson, at humarap ito sa kanya na may nagliliyab na mga mata. 

"What did you call us?" ulit nito habang naglalakad palapit sa kanyang direksyon. Nagliliyab ito sa galit na parang handa na syang pagbuhatan ng kamay.

"Bingi ka ba? Pero ugh nevermind na lang," pilyong tugon nya rito para mas lalo itong mainis.

Huminto ang binata sa kanyang mismong harapan; puno ng galit ang mga mata, nagtatagisan ang mga bagang,  umuusok sa galit, at nakikipagtagisan ng tingin sa kanya. Sa kabila ng lahat ay nanatili syang kalmado, kung sakaling sasaktan sya ni Emerson ay babalian nya rin ng buto na talagang sa hospital na ang bangon. 

"Let's make a deal. Fight with me," panghahamon niya kay Emerson. 

"Wala kang laban sa 'kin. At 'wag mo kong susubukan dahil kapag ako ay hindi na talaga makapagtimpi sa'yo, hinding-hindi talaga kita aatrasan," banta nito.

"Huwag kang makampante, Mr. Denovan. At seryoso ako sa deal nato. Kapag matalo kita ay magpapatuloy kayo sa paglilinis. Pero kapag matalo mo ko, hindi na kayo maglilinis bukas. Simple lang 'di ba? So ano?" panghahamon nya sa kalmadong boses. 

Nanatiling nakatitig si Emerson sa kanya. Ilang saglit..

"Deal. Ako na lang kalabanin mo dahil baka nyan malala ang gagawin ni Emerson sa'yo," sambit ni Chase.

Tumingin sya kay Chase na nasa likuran ni Emerson. "Sigurado ka?" Tumango si Chase na walang pag-aalinlangan.

"Sige pero makakasigurado ba akong tutupad kayo sa deal?" paninigurado nya muna.

Nagkatinginan si Chase, at Jax bago sumagot. "Oo. Kahit alam naming wala kang laban pero pagbigyan ka na lang namin. Don't worry, I'll take it easy," tugon ni Chase.

Tumabi si Jax, at Emerson. Sila ni Chase naman ay hinanda ang sarili sa gitna ng pasilyo.

Isinenyas ni Chase ang ulo kaya sya na ang unang sumugod. Akmang susuntok siya pero napigilan ni Chase ang kamay nya. Syempre inaasahan niya na 'yon, patikim lang naman yun para mapabagal ang laban. 

Ngumisi si Chase kaya nagsmirk din sya bilang tugon, pero isang segundo lang ang smirked na iyon at wala sa oras ay pinatikiman nya ito ng basics moves nya. 

Walang limang segundo, tumunog na lamang ang likod ni Chase dahil sa napakalakas ng pagkakahampas sa sahig. Napadaing na lamang ito at napabaluktot. 

Natalo nya man si Chase pero dismayado sya kaunti dahil wala man lang thrill, mukha lang nagbuhat sya ng limang kahoy at tapos na.

Si Jax at Emerson naman ay parehong napabagsak-panga at nanlaki ang mga mata sa labis na pagkagulat. Parang wala silang napanood sa sovbrang bilis ng pangyayari.  

"Pano ba 'yan talo kayo. Maglinis na kayo ulit," kalmadong salita ni Skyler na tila walang nangyari. 

Makita ni Savannah ang reaksyon ng tatlo ay natatawa na lamang sya sa loob ng isipan. Napakayabang pero kung tutuosin ay parang basic lang naman ang alam ng mga 'to. 

Tiningnan nya si Chase na dahan-dahang tumayo, umalalay pa ito sa pader dahil tila nakakaramdam ng hilo.

Ayaw pa rin magsikilos ng tatlo kaya seniryoso nya ang boses, "Huwag nyong sabihin hindi kayo tutupad sa usapan. Huwag nyong hintayin na iinit ang ulo ko sa inyo kaya kumilos na kayo."

Kahit tinatamad na sina Emerson pero susunod na lang sila para matapos na. Wala rin namang mangyayari kung makipag-putakan lang sila kay Skyler.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status