Share

CHAPTER 09

WEDNESDAY...

Nagising si Savannah alas-tres pa lang ng madaling araw. Kahit sobrang antok dahil sa mahigit tatlong oras lang ang tulog ay pinilit nya ang sarili na bumangon.

Bumaba sya ng kusina, at pagkarating ay ikinagulat nyang nandito na pala si Vera, kasulukuyang nagluluto. Bumati ito kaya bumati rin sya pabalik.

"May nainit na bang tubig?" tanong nya kay Vera.

"Ay! Wala pa," dismayado nitong sagot, " mag-init ka na lang muna. Damihan mo na rin para kina Aron."

Tumango sya sa kaibigan sabay lapit sa counter. Habang naglalagay ng maraming tubig sa heater ay paulit-ulit pa nga syang napapahikab sa sobrang antok.

Wala talaga sya sa ganang bumangon ng napakaaga ngayon pero tinatatak nya na lang sa utak na kailangan nang masagawa ang paglalagay ng cctvs as soon as possible.

Habang hindi pa naiinit ang tubig, nagpaalam muna sya kay Vera na aakyat muli. Pagkarating sa kwarto ng mga lalaki, kita ang tatlo na mahimbing na natutulog lalong-lalo na si Aron.

Lumapit sya kay Aron at niyugyog
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status