Share

CHAPTER 6

Author: Lizzy Writes
last update Last Updated: 2025-11-15 09:41:32

Dalawang buwan na ang lumipas mula nang sinimulan ko ang bagong buhay sa Dumaguete. Sa pagdaan ng mga araw, natututunan ko nang yakapin ang payak na pamumuhay sa maliit na siyudad na ito. Parang naging comfort na sa akin ang makarinig ng mga halakhakan ng mga inosenteng bata na naglalaro sa gilid ng daan, ang routine ko na maglakad-lakad tuwing gabi sa boulevard pagkatapos ng shift, at ang tanawing dagat na laging nagpapagaan ng loob ko.

Sa fastfood kung saan ako nagtatrabaho, kinikilala na rin ako bilang masipag, friendly, at laging maaasahan. Hindi ko alintana ang pagod na nadarama dahil alam kong worth it ang lahat ng pinaghirapan ko para makamit ang freedom na inaasam-asam lang ko noon.

Ngunit sa bawat gabi na tinititigan ko ang karagatan mula sa bintana ng aking kwarto, at pinapakinggan ang bawat alon na humahampas sa pampang, may tila kirot na nananatili sa aking puso. Hindi ko pa rin malilimutan at patuloy pa ring bumabalik sa aking isipan si Nathan.

Isang hapon, nagkayayaan ang mga kasama sa trabaho na pumunta sa boulevard. Ito ang paboritong tambayan ng mga taga-Dumaguete. May mga nagbibenta ng tempura, isaw, sweet corn, at iba pa sa tabi ng daan habang sa kabila ay tanaw ang karagatan at mga sasakyang pandagat na nakaangkla. Minsan din kapag di masyadong malakas ang alon ay tanaw din ang mga mangingisda sa di kalayoan.

"Sumama ka na, Isha!" Pamimilit ni Rhea. "Magrelax ka naman paminsan-minsan."

Napangiti na lang ako sa kakulitan nila. "Sige na nga. Pero saglit lang ako ha, maaga pa ako bukas."

Habang naglalakad kami sa baywalk, ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa karagatan. Napatingin ako sa dagat. Kalmado ito at unti-unti nang dumidilim ang ilalim habang papalubog ang araw. Sa di kalayuan, napansin ko na may isang barko na kakarating lang sa pier.

"May dumaong ulit na cargo ship." Sabi ni Rhea. "Baka galing Maynila."

Tahimik lang ako at di na nakasagot dahil may kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

Kinabukasan, nakipagpalit ng shift ang isa kong kasama sa trabaho kaya hindi ako maagang pumasok. Nagkaroon ako ng time na maglakad-lakad muna sa baywalk habang hinihintay ang sunrise.

Habang papalapit ako sa may pier, napansin ko na may lalake na nakaupo sa gilid ng baywalk, nakasuot ng navy blue jacket, at tila malayo ang iniisip nito habang tanaw ang karagatan.

Hindi niya agad namukhaan ito pero nagtataka sya kasi pamilyar ang tindig nito. Patuloy lang sya sa paglalakad habang pilit na iwala sa isipan ang napansin niya.

Saktong malapit na sya sa lalaki ng bigla naman itong umalis sa kinauupan at ng humarap sa kanya, parehas silang nagulat.

"N-Nathan?..."

"Isha?". Gulat din si Nathan at tila hindi ito makapaniwala.

Hindi ako agad nakapagsalita. Parang gusto ko syang yakapin sa tuwa. At sa pagkakataong iyon, bakas din sa mukha ni Nathan ang tuwa na makita ako. Tila may gusto syang gawin base sa body language niya pero pinipigilan lang niya.

"Akala ko hindi na tayo magkikita pa ulit." Sabi nito habang nakangiti. "Kumusta ka?"

"Kumusta ka?"

Tila magkasabay pa nilang banggitin ang pangunngumusta kaya nagtawanan na lang sila.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko matapos ng ilang sandali.

"Dumadaong ang barko namin dito kada tatlong linggo. At tuwing bumababa ako, pinagdasal ko talaga na makita kita kahit saan." Sabi ni Nathan at parang nakaramdam ako ng kunting kilig sa nalaman ko, dahil hindi lang pala ako ang nangungulila sa presensya niya. Pati din pala sya umaasa na magkasalubong ang landas naming dalawa ulit.

"Hindi ko iniexpect to." Sabi ko sa hindi makapaniwala na tono at tuwa. "Parang nananaginip ata ako." Nakangiting dagdag ko.

"Hindi ka nananaginip, Isha." Sabi niya at marahang lumapit. "Totoo na talaga ito."

Tahimik kaming pareho at tanging hampas lang ng alon at ihip ng hangin ang naririnig. Lumipas ang ilang minuto bago muling nagsalita si Nathan.

"Maayos ba ang kalagayan mo ngayon? Saan ka nakatira?"

"Maayos naman." Sabi ko sa kanya. At kinuwento ko na rin paano ako nakahanap ng mauupahan at ng trabaho sa loob lang ng dalawang araw.

Napasarap ang kwentohan naming dalawa at di ko namalayan ang oras. Kailangan ko na palang magpaalam at papasok na sa trabaho.

"Nathan, salamat at bumalik ka." Sambit ko bago mag-paalam.

"Hindi naman ako nawala. Naglayag lang at dinala ulit ako sayo ng tadhana." Pilyo nitong sabi.

Napangiti naman ako pero di ko pinapahalata na umiinit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"O, sya, sige na. Kailangan ko nang magpaalam at baka ma-late ako sa trabaho. See you around, Nathan kung di ka pa babalik agad sa barko." Pamamaalam ko sa kanya.

"I will stay here for a few days pa naman. Magkikita pa tayo ulit."

Aalis na sana ako ng tinawag niya ako ulit. "Isha!"

"Hmm?" Lumingon ako sa kanya.

"Can we meet again, tomorrow? Same place, after ng shift mo."

"Sure." Agad na sagot ko, wala nang pakipot-kipot pa. "Bye, Nathan."

At agad na akong tumalikod dahil baka makita at mahalata pa niya ang pagblush at kilig sa mukha ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 20

    Ang bagong safe house ay halos walang tao sa paligid, matatagpuan sa isang remote na bahagi ng bayan, halos napapalibutan ng mga puno at maliliit na bato na nagbibigay ng natural na harang sa mga mata ng sinuman. Ang lugar ay maliit, pero sapat para pansamantalang ligtas sila. May lumang kusina, isang sala, dalawang kwarto, at isang maliit na terrace na nagtataglay ng tanawin ng kabundukan.Isha ay nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang bag niya. Pinipilit niyang mag-concentrate sa mga salita ni Mariel kanina… ang kabuuang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay at kung paano siya naging target ng sindikato. Kahit nakaupo siya, ramdam niya ang panginginig ng katawan niya… hindi na takot lamang, kundi halo ng galit, panghihina, at pagkalito.Sa tabi niya, si Nathan ay tahimik, nakatayo sa harap ng bintana, sinusuri ang paligid. Ramdam ni Isha ang bigat ng presensya niya, na parang bawat hininga at galaw ni Nathan ay nakalaan lamang para sa kanyang proteksyon.“Okay… um… can you please tell me

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 19

    Ang van ay patuloy na bumaba sa mabatong daan, bawat alon ng gulong ay parang nag-echo sa puso ni Isha. Nakatingin siya sa labas ng bintana, sinusubukang i-process ang mga rebelasyong ibinigay ni Mariel kanina. Hindi lang siya basta anak ng kanyang mga adoptive parents. Hindi lang siya simpleng target. Ang buong pagkatao niya, ang kanyang pagkabata, ang bawat alaala na inakalang totoo… lahat ay nakatali sa isang malupit na plano ng sindikato.Tahimik siya, pero hindi mapigilan ang panginginig ng katawan. Ang mga daliri niya ay mahina sa pagtigil sa hawak ni Nathan, parang ang bawat hawak ng kamay niya ay nagiging lifeline sa gitna ng dagat ng gulo at katotohanan.Sa tabi niya, si Nathan ay nakatutok sa kalsada, hawak ang manibela ng mahigpit, mata’y masyadong alerto. Hindi siya nagsalita, pero ramdam ni Isha ang bigat ng bawat hininga niya. Para bang ang bawat paghinga ni Nathan ay may kasamang pangako: Hindi kita iiwan.Tumahimik si Nathan sa loob ng mahabang segundo bago siya nagbuk

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 18

    Habang pababa ang van mula sa matarik na liko ng bundok, ang tanging umaalingawngaw ay ang malalim na ugong ng makina at ang pag-alog ng mga gulong sa graba. Sa gitna ng katahimikan, ramdam ang tensyon na parang usok na hindi makawala sa loob ng sasakyan. Maging ang hangin ay tila mabigat, parang pinipilit pumasok sa dibdib ni Isha ngunit hindi makalusot.Nakatitig si Isha sa bintana, pero hindi talaga niya nakikita ang mga puno, ulap, o ang mga ilaw ng baryong unti-unting lumalapit. Para siyang tulala, parang may kumot na nakabalot sa utak niya, pinipigilan siyang maka-isip nang diretso. Bawat segundo ay parang hinihila siya pabalik sa huling sinabi ng babae… isang rebelasyon na parang sumabog sa lahat ng pinaniwalaan niyang totoo.Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Takot ba? Galit? Pagkalito? O baka lahat ng iyon sabay-sabay, nag-uunahan sa puso niya na masikip na ang espasyo.Sa tabi niya, hawak ni Nathan ang kamay niya… mahigpit pero hindi masakit. Steady. Warm. Parang

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 17

    Tahimik ang paligid. Ang boses ng dagat sa malayo ay parang nagbabadya ng paparating na panganib. Si Isha ay nakadikit pa rin kay Nathan, nanginginig, ngunit mas matatag na kaysa sa simula ng gabi.“Teka… Nathan,” bulong niya, tinutok ang mata sa likod ng pintuan. “Sino kaya ‘yan?”Huminga si Nathan nang malalim. “Hindi natin alam… pero kailangan nating maging handa sa kahit ano,” sagot niya, habang mabilis niyang hinanap sa bulsa ang tactical flashlight at ang maliit na walkie talkie na dala niya mula sa lumang safe house.Tumayo siya sa harap ng pintuan, katawan naka-shield kay Isha. “Stay behind me,” utos niya, tahimik ngunit matatag.Muling tumok ang pintuan… mas mabigat na ngayon. Parang may pwersa ang taong nasa kabila, alam niyang hindi ito basta-basta.“Open this door. Now.”Hindi tugon si Nathan. Huminga lang siya, at marahang inihanda ang kanyang mga kamay… hindi upang manakit, kundi upang protektahan.“Wait… Nathan…” bulong ni Isha.Ngunit hindi na niya ninais na pigilan an

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 16

    “Matagal na kitang binabantayan, Isha.” Parang sumabog ang salitang iyon sa tenga ni Isha.Hindi niya alam kung tatakbo ba siya palayo, o hahakbang papalapit. Nakatayo lang siya, naninigas, habang ang puso niya ay tila tumatakbo ng marathon.“Nathan…” mahina niyang ulit, hindi makapaniwala. “What do you mean matagal na?”Hindi umiwas ng tingin si Nathan ngayon. Hindi siya nagtatago. At doon natakot si Isha nang mas malalim.“Hindi ito tulad ng naiisip mo,” bungad ni Nathan, mabagal, maingat. “Hindi ako stalker. Hindi ako ipinadala ng tatay mo. Hindi rin ako bahagi ng sindikato.”“Then what?” halos pabulong na sigaw ni Isha. “Ano ang ibig mong sabihin? Bakit… bakit mo ako binabantayan?”Huminga nang malalim si Nathan, napapikit na parang tinitimbang kung saan magsisimula. Pagmulat niya, puno ng bigat ang mga mata niya.“Isha… hindi aksidente ang pagkikita natin sa barko.”Halos mabingi si Isha sa tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung gusto niyang marinig o gusto niyang tumakbo palaba

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   Chapter 15

    Tahimik ang gabi sa bagong safe house. Ang hangin ay malamig, dumadampi sa bintana na para bang pinapaalala na kahit gaano sila kalayo sa gulo, may panganib pa ring hindi sumusuko.Si Isha ay nakaupo sa maliit na mesa sa sala, tahimik na nagkakape kahit nanginginig pa ang kamay niya. Sa ilang araw nilang paglipat-lipat, ramdam niyang unti-unting bumibigat ang dibdib niya, parang may tanong siyang hindi matukoy pero alam niyang malapit na siyang sumabog kapag hindi na nasagot.Naroon si Nathan sa kabilang sulok, nakayuko sa isang lumang cellphone na nakuha niya noong huling gabi nilang tumakas. Tahimik siyang nagta-type, nagha-hack, nagna-navigate… hindi alam ni Isha kung paano, pero parang may alam si Nathan na hindi niya nasasabi.At ngayong gabi… mas ramdam niya iyon.“Nathan…” mahinang tawag ni Isha, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Hindi agad sumagot si Nathan. Parang hindi siya narinig. O mas tamang sabihin na pilit niyang hindi naririnig.Lumapit si Isha. “Nathan, I’m talking

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status