Pagkatapos ng shift ni Isha, dumiretso na agad siya sa boulevard. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, at palagi niyang sinasabi sa sarili niya na hindi excitement ang kanyang nadarama. “Hindi ako excited. We’re just friends,” sabi niya pa sa sarili niya habang naglalakad.Pero sa sobrang bilis ng lakad niya para makarating agad sa tagpuan ay katawan na niya mismo ang nagsasabi na sinungaling siya sa pag-amin na hindi siya excited na makita ulit si Nathan.Malayo pa lang siya ay tanaw na niya si Nathan, nakatayo ito sa gilid ng boulevard, nakasuot ng dark gray hoodie, at nang makita siya ay agad itong ngumiti sakanya. Iyon ang pinaka-soft na ngiti na nakita niya sa isang lalaki.Natigilan siya sandali, hindi dahil sa itsura at ngiti nito, kundi dahil sa pakiramdam na parang ang safe niya kapag kasama ito.“Dumating ka,” bungad ni Nathan ng makalapit na siya dito.“Bakit, dapat ba na hindi ako pumunta?” ganting biro ni Isha."No,” sagot ni Nathan, tumingin sa kanya na para bang m
Terakhir Diperbarui : 2025-11-15 Baca selengkapnya