Share

CHAPTER 5

Author: Lizzy Writes
last update Last Updated: 2025-11-15 09:24:09

Maaga pa lang ay gising na ako at abala na sa pag-aayos ng sarili. Hindi pa man sumisikat ang araw pero naririnig ko na ang mga tricycle sa labas at huni ng mga ibon sa bubong. Ramdam ko pa rin ang antok pero mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib ko dahil ito na ang unang araw ko sa trabaho.

Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, napatingin ako sa reflection ko. Simple lang ang aking suot, isang puting blouse, itim na pantalon, at lumang sapatos na binili ko kahapon sa ukay-ukay. Ngunit sa likod ng simpleng ayos ko na ito ay naghahalo ang kaba at pag-asa. Natatakot ako na baka hindi ko kakayanin, pero umaasa ako na baka ito na ang simula ng panibagong buhay ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Paglabas ko, sinalubong ako ng amoy ng kape, amoy ng pandesal, at amoy ng bagong umaga. Ang sarap sa pakiramdam ng umagang ito. Dali-dali na akong pumara ng tricycle upang makarating agad sa trabaho nang hindi pagpawisan.

Pagdating ko sa fastfood, bumungad sa akin ang manager na si Sir Leo. Nakasuot ito ng puting polo at may nakasabit na ID. Medyo strikto ang dating at tindig niya pero nang magsalita na siya ay mabait naman ang tono.

“Isha, di ba? Yung nag-inquire kahapon?” tanong niya sa akin.

“Opo. Ako po yun.”

“Good. For now, trainee ka muna. Observe ka lang tapos mamaya ituturo ko sayo ang mga basic na tasks.”

Tumango ako at nagsimula agad. Tumulong ako sa pag-aayos ng trays at paghuhugas ng baso kasi nakikita ko busy na busy ang lahat. Mabilis ang kanilang mga galaw at parang bawat segundo ay may katumbas na mga orders. Kahit hindi ako sanay sa ganito kabilis na galaw ay sinubukan ko pa ring sumabay.

Sobrang ingay, mainit, at nakakapagod ang unang araw pero sa kakaibang paraan ay nakakatuwa pa rin dahil nararamdaman ko na sa bawat kilos ko, alam kong may katumbas na halaga. Hindi na ako basta nakakulong lang sa isang bahay dahil ngayon, ako mismo ang kumikilos para sa sarili kong kinabukasan.

Nang sumapit na ang tanghali, halos nanginginig na ang mga kamay ko sa pagod pero nang may batang ngumiti sa akin matapos kong abutan ng burger at softdrink, bigla kong naramdaman yung gaan sa dibdib.

“Salamat, Ate!” sabi niya sabay takbo pabalik sa magulang niya.

Pagkatapos ng shift, sabay-sabay kaming lumabas ng mga crew. Lumapit ang isa kong katrabaho na si Rhea at nagpakilala.

“Baguhan ka ‘no?” tanong niya habang sabay kaming naglalakad palabas.

“Oo, fist job ko talaga ‘to.”

“Good luck!” sabay ngumiti ito. “Mahirap sa umpisa pero masasanay ka rin. At mababait naman ang mga tao dito sa Dumaguete.”

Ngumiti ako. “Salamat.”

Pag-uwi ko ng boarding house, nagpahinga ako ng kunti at naghapunan, saka ko binuksan ang phone. Wala pa ring message, wala pa ring tawag kaya inoff ko na yun ulit para hindi matrace ni Dad kung nasaan ako.

Bigla kong naalala si Nathan. Nasaan kaya siya ngayon? Bumalik na kaya siya sa Maynila? Umaasa pa rin ako na one of these days, magkikita kami ulit. Sa hindi ko mawari na dahilan, bigla ko siyang namimiss.

Lumipas ang ilang linggo, nasanay na ako sa trabaho. Marunong na akong mag-operate ng cashier, mag-asikaso ng customer, at minsan, tumutulong din ako sa kitchen kapag kulang ang tao.

Isang gabi, habang nagsasara na kami, abala na ang mga kasama ko sa pagtanggap ng mga sahod nila. Di nagtagal, tinawag na ako ni Sir Leo.

“Isha, halika. Ito para sa’yo.” Inabot niya ang isang maliit na sobre. “First salary mo.”

Napatitig ako sa sobre. Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang pakiramdam na makakatanggap ng pera na pinagpaguran. Ngumiti ako at sinabing, “Thank you po, sir.”

Nang makauwi ako, agad kong binuksan ang sobra. Hindi man malaki ang halaga pero para sa akin ay sapat na yun para sa panibagong simula. Pinaghirapan ko ito, galing sa sarili kong pawis kaya dapat maingat ako sa pag gastos nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 11

    Tahimik ang paligid. Sobrang tahimik, parang ang buong mundo ay huminto para bigyan ng pahinga si Isha. Ang bagong safe house ay maliit lang… isang kwarto, isang munting sala, isang kusina na may lumang ref, at terrace na may tanawing puro mga puno. Pero para kay Isha, sapat na itong maging pansamantalang kanlungan.Nakahiga siya sa lumang sofa, ang katawan ay mabigat ngunit ang dibdib ay hindi na kasing-sikip kagabi. Sa sulok, narinig niya ang tunog ng kettle… si Nathan, naghahanda ng kape. Ang simpleng ingay na iyon ay parang lullaby sa kanya.Pumikit siya sandali, humihinga ng sariwang simoy ng hangin, amoy ng pine, at bahagyang bango ng instant coffee na ginagawa ni Nathan.Tapos biglang may…TOK. TOK. TOK.Isang mahinang, maingat na katok ang umalingawngaw mula sa pintuang kahoy. Parang biglang may sumuntok sa dibdib ni Isha. Nanlaki ang kanyang mga mata at si Nathan naman ay natigilan sa ginagawa niya sa kusina.Tatlong malalakas na katok ulit.TOK. TOK. TOK.This time mas madi

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 10

    Isha woke up to the faint sound of waves crashing against the shore in the distance. Ang araw ay unti-unting sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng punong mangga sa labas ng lumang bahay. Hindi niya alam kung ilang oras na ang nakalipas mula nang huli niyang maramdaman ang katahimikan. Ang katawan niya ay masyadong pagod, ngunit sa bawat iglap ng liwanag, ramdam niya ang presensya ni Nathan sa kanyang tabi.Si Nathan ay nakaupo pa rin sa sahig, nakasandal sa sofa, nakatingin sa kanya habang humihinga siya ng maayos. Ang pagkakita ni Isha sa kanya sa liwanag ng umaga ay nagdulot ng kakaibang kapanatagan. Para bang lahat ng kaba at takot kagabi ay pansamantalang nawala.“Good morning,” mahinang bati ni Nathan.Ngumiti si Isha. “Good… morning.” Tinignan niya ang paligid. “Anong oras na?”“Alas-sais na. Medyo maaga pa. Pero okay lang, matulog ka lang hangga’t kaya mo,” sagot ni Nathan. Huminga ng malalim si Isha at napatingin sa kanya. “Nathan… salamat. Sa lahat.”Ngumiti si Nathan, konti

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 9

    Mabilis ang lakad ni Nathan habang hinahawakan ang kamay ni Isha. Hindi ito higpit na parang pinipilit pero sapat para malaman niyang ligtas siya.The city lights blurred as they moved, dahil na din sa mga luhang kusang pumapatak sa mga mata ni Isha. Ang hangin na galing sa dagat ay malamig na tila ba pilit nitong pinapakalma si Isha pero ang kaba sa dibdib ni niya ay parang umaapoy.“Nathan… saan tayo pupunta?” humabol ang boses niya habang hinihingal at nanginginig.“Huwag kang mag-alala. Safe doon.”Huminto sila saglit sa harap ng motor ni Nathan. Binuksan ni Nathan ang extra helmet at iniabot sa kanya. “Wear this.”Napasunod siya, pero ramdam ni Nathan ang pag-aalangan niya.“Isha.” Pagtingin niya, nandoon ‘yung steady eyes ni Nathan. Those eyes that never made her feel judged.“You’re safe with me.”Doon lang siya nakahinga nang konti. Sumakay siya sa motor. Si Nathan, mabilis pero maingat ang kilos. Nilingon siya nito at sabay sinabing, “Hold on tight.”At sa unang pagkakatao

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 8

    Hindi na halos nakakilos si Isha habang nakatitig sa mga mensaheng pumasok. Parang unti-unting nagdidilim ang paligid niya, parang nauubusan siya ng hangin kahit bukas lahat ng bintana. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang mga kamay niya."They found me. Oh God… they found me." Paulit-ulit niyang bulong sa sarili na para bang ang hirap mag-sink sa kanya lahat pero kailangan na niyang makahanap ng paraan para makatakas sa mga oras na yun.Hindi niya alam kung ano ang uunahin... ang pag-iiyak, ang pagtawag ng tulong, o ang simpleng paghinga lang dahil naninikip ang kanyang dibdib at nagpapanic na siya.Hinawakan niya ang dibdib niya, pilit pinapakalma ang sarili, pero lalo lang lumakas ang tibok ng puso niya.Tumutunog ulit ang phone.“MOM CALLING…”“Stop… please, stop…” bulong niya, halos di lumalabas ang boses.Hindi niya sinagot, pero patuloy ang pag-ring, parang martilyo na tumatama sa tenga niya ang ringtone ng phone niya.Tumigil ito sa pagring makaraan ang ilang segundo.

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 7

    Pagkatapos ng shift ni Isha, dumiretso na agad siya sa boulevard. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, at palagi niyang sinasabi sa sarili niya na hindi excitement ang kanyang nadarama. “Hindi ako excited. We’re just friends,” sabi niya pa sa sarili niya habang naglalakad.Pero sa sobrang bilis ng lakad niya para makarating agad sa tagpuan ay katawan na niya mismo ang nagsasabi na sinungaling siya sa pag-amin na hindi siya excited na makita ulit si Nathan.Malayo pa lang siya ay tanaw na niya si Nathan, nakatayo ito sa gilid ng boulevard, nakasuot ng dark gray hoodie, at nang makita siya ay agad itong ngumiti sakanya. Iyon ang pinaka-soft na ngiti na nakita niya sa isang lalaki.Natigilan siya sandali, hindi dahil sa itsura at ngiti nito, kundi dahil sa pakiramdam na parang ang safe niya kapag kasama ito.“Dumating ka,” bungad ni Nathan ng makalapit na siya dito.“Bakit, dapat ba na hindi ako pumunta?” ganting biro ni Isha."No,” sagot ni Nathan, tumingin sa kanya na para bang m

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 6

    Dalawang buwan na ang lumipas mula nang sinimulan ko ang bagong buhay sa Dumaguete. Sa pagdaan ng mga araw, natututunan ko nang yakapin ang payak na pamumuhay sa maliit na siyudad na ito. Parang naging comfort na sa akin ang makarinig ng mga halakhakan ng mga inosenteng bata na naglalaro sa gilid ng daan, ang routine ko na maglakad-lakad tuwing gabi sa boulevard pagkatapos ng shift, at ang tanawing dagat na laging nagpapagaan ng loob ko.Sa fastfood kung saan ako nagtatrabaho, kinikilala na rin ako bilang masipag, friendly, at laging maaasahan. Hindi ko alintana ang pagod na nadarama dahil alam kong worth it ang lahat ng pinaghirapan ko para makamit ang freedom na inaasam-asam lang ko noon.Ngunit sa bawat gabi na tinititigan ko ang karagatan mula sa bintana ng aking kwarto, at pinapakinggan ang bawat alon na humahampas sa pampang, may tila kirot na nananatili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status