Share

CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires
CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires
Author: Trendsterchum Chronicles

PROLOGUE

last update Last Updated: 2025-12-03 16:06:29

Kapag ang isang tao ay matagal mong ikinulong, darating ang sandaling hindi mo na matandaan kung sino ang tunay na bihag...alin ang pinto at alin ang salamin.

Tahimik pa rin ang West Wing.

Ngunit ngayon, mas ramdam ko ang katahimikan—hindi na ito simpleng kawalan ng tunog. Isa na itong presensyang may bigat. Parang may matang nakadilat sa bawat sulok. Parang may alaala ang bawat pader, at lahat ng alaala ay tungkol sa akin.

Nakatayo na ako.

Hindi dahil pinayagan ako.

Kundi dahil pinagsawaan na  ni Martin na manatili akong nakaluhod nang matagal. Pinanood niya akong nakaluhod sa harapan niya ng magdagdag hanggang sa manginig ang buo kong kalamnan. Gusto niyang maramdaman ko ang pagod. Ang panginginig ng tuhod. Ang hapdi sa talampakan. Ang unti-unting pagkawala ng balanse—ang eksaktong sandaling hindi mo na alam kung babagsak ka ba o sadyang itutulak ng mas malakas ang mundo.

“Tumayo ka nang tuwid.”

Ang utos niya ay hindi sigaw. Bakas sa aking mga tuhod ang pangingitim at pamamaga na hindi mo na mawari kung alin ang sariwang pasa o ang pasa na hindi na mapapawi.

Mas masahol ang tono ng boses niyang iyon 

Ang sigaw ay may emosyon. Ang boses ni Martin ay parang batas—hindi nagtatanong, hindi nakikipag-usap. Isa itong katotohanang ipinapataw.

Itinuwid ko ang likod ko kahit sumisigaw ang mga kalamnan ko sa protesta. Ang katawan ko ay parang luma nang gusali—nakasanayan nang magbitak, pero patuloy pa ring pinatitirhan.

“Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko sa’yo, Savanna?” tanong niya.

Hindi ako sumagot.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil natutunan ko na—kapag sumagot ako, may mali. Kapag hindi ako sumagot, may mali pa rin. Pero mas mabigat ang parusa na ipapataw niya sa akin kapag nagsalita ako.

Lumapit siya.

Isang hakbang.

Dalawa.

Huminto siya sa harap ko.

Unti unti sinubukan ko, tumingala ako.

Isa pang pagkakamali.

Hindi galit ang nakita ko sa mga mata ni Martin.

Hindi rin galak.

Kundi kasiyahang tahimik. Malalim. Mapanganib.

“Hindi ka nagsusumamo,” sabi niya. “Dapat nagsusumamo ka....magmaka awa ka.”

Hindi ko alam kung paano iyon gagawin nang tama.

Ilang beses ko nang sinubukan. Iba’t ibang bersyon ng sarili ko ang inialay ko sa kanya—ang umiiyak, ang nagmamakaawa, ang tahimik, ang nagsisisi, ang halos mabaliw sa pag-amin sa kasalanang hindi ko ginawa.

Wala ni isa ang sapat.

“Alam mo ba,” patuloy niya, “kung gaano kahirap ang ginawa mo sa akin?”

May tawa sa dulo ng kanyang mga salita.

Isang tawang walang saya.

“Pinatay mo ang pinakamamahal ko,” sabi niya nang marahan, malinaw, parang katotohanang walang alternatibo. “At gusto mong paniwalaan kita?”

Parang may humampas sa sikmura ko.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako huminga.

Kung titigil ako sa paghinga, baka matapos na ito.

“Sabihin mo,” utos niya. “Sabihin mong ikaw ang may kasalanan.”

Nanikip ang lalamunan ko.

“Hindi ko...”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

Hindi dahil sinaktan niya ako.

Kundi dahil sapat na ang isang hakbang pa niya palapit.

Isang tingin. 

Dahil sa mga nagdaang araw,buwan at taon memoryado na ng sistema ko ang tingin na kapag hindi ko nakuha ay magdadala sa akin ng pisikal na kaparusahan.Masampal.Mabugbog ng paulit ulit. Matanggalan ng dangal at karapatan na maging tao.

Nanatili akong tikom.

Isang katahimikang parang kutsilyong nakalapat sa leeg ko. 

“Hindi?” tanong niya. “Hanggang ngayon?”

Tumawa siya nang mahina.

“Hanggang ngayon, pinipili mo pa rin ang sarili mo.”

Umiiling siya, parang dismayado.

“Hindi mo pa rin naiintindihan, Savanna,” sabi niya. “Wala ka nang sarili.”

Tumalikod siya at naglakad papunta sa pader sa kaliwa.

Isang pader na alam ko ang ibig sabihin.

May marka roon.

Hindi sugat.

Hindi dugo.

Mga guhit.

Hindi bilang ng araw—kundi bilang ng mga pagkakataong pinili kong manahimik kaysa mamatay.

“Bilangin mo,” utos niya.

Tumingin ako sa mga guhit.

Hindi ko na alam kung alin ang bago.

Hindi ko na alam kung alin ang akin.

“Lakas,” sabi niya.

“Isang daan at pito,” pabulong kong sagot.

“Mali.”

Tumigil ang mundo.

“Isang daan at walo,” sabi niya. “Dahil ang paglimot mo sa ginawa mo ay kasalanan din.”

Isinulat niya ang panibagong guhit.

Hindi sa pader.

Kundi sa loob ko.

“Alam mo ba kung bakit walang orasan dito?” tanong niya.

Umiling ako.

“Dahil ayaw kong maramdaman mo ang paglipas ng oras,” paliwanag niya. “Gusto kong maramdaman mo ang pag-ipon nito.”

Lumapit siya muli.

“Bawat segundo,” bulong niya, “utang mo.”

May inabot siya sa mesa.

Isang maliit na salamin.

Inilagay niya iyon sa harap ko.

“Tingnan mo.”

Ayaw ko.

Hindi ko kaya.

“TINGNAN MO.”

Napapitlag ako.

At doon ko nakita ang sarili ko.

Payat.

Maputla.

May mga matang hindi na marunong umasa.

“Siya ba ‘yan?” tanong niya. “Iyan ba ang babaeng iniwan si Diana sa dilim?”

Umiling ako, umiiyak na ngayon, wala nang pakialam kung bawal.

“Hindi,” pabulong kong sagot. “Hindi ako ‘yan.”

Ngumiti siya.

“Eksakto,” sabi niya. “Dahil wala ka na.”

Inilapag niya ang salamin.

At sa wakas—hinawakan niya ako.

Isang daliri sa baba ko.

Pinilit akong tumingala....

Ang buong kayawan ko ay pagod na sa araw araw na paulit ulit na lang na impiyerno.Buhay pa ako pero halos sinisilaban na ang buong pagkatao ko sa hatol na hindi ko dapat pagdusahan.

“Hanggang kailan mo balak magkunwari?” tanong niya. “Hanggang kailan mo ipagkakait sa akin ang hustisya?”

“Hindi ko siya pinatay,” nanginginig kong sabi.

Tahimik siya.

Napakatahimik.

At doon ako natakot nang tunay.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya.

Parang mas marumi siya kapag hinahawakan ako.

“Hindi mo kailangang pumatay,” sabi niya. “Sapat na ang pinabayaan mo siyang mamatay.”

Tumalikod siya.

Naglakad papunta sa pinto.

“Bibigyan kita ng panahon,” sabi niya bago lumabas. “Isang gabi.”

Huminto siya saglit.

“Isang gabi lang ang ibibigay ko sa yo para maalala kung sino ka bago mo piniling maging walang halaga.”

Nagsara ang pinto.

Hindi malakas.

Hindi marahas.

Ngunit parang libingan.

Bumagsak ako sa sahig.

Hindi dahil sa kahinaan.

Kundi dahil wala na akong lakas para magpanggap na buo pa ako.

Sa West Wing, hindi ako unti unting pinapatay.

Pinapahintulutan kang mabuhay...

nang sapat lang para maalala araw-araw

kung bakit mas masakit iyon...ang huminga pa at manatiling buhay.

At sa bawat gabing hindi ako namamatay,

mas nagiging malinaw ang katotohanan:

Hindi ako ang multo sa West Wing.

Ako ang salamin.

At si Martin.

Siya ang taong tunay na salarin na takot na takot tumingin sa salamin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 10 BROKEN BRAKES (Savanna's POV)

    “Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 8 Sorry ( Savanna's POV)

    Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 8 THE BATANGAS CLIFF (Savanna's POV)

    “Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 6 Part 2 DIANA’S NAME (Savanna's POV)

    “From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 6 DIANA’S NAME (Savanna POV)

    “Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 4 SAVANNA BEHIND LOCKED DOORS (Savanna's POV)

    Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status