LOGINNaririnig ko ang palakpakan kahit nasa ilalim ako ng lupa.
Hindi literal na ilalim—pero ganito ang pakiramdam. Parang bawat tunog mula sa itaas ay dumadaan sa makapal na semento bago makarating sa tenga ko. Palakpakan. Hiyawan. Mga boses na puno ng paghanga. Mga sigaw na paulit-ulit binibigkas ang pangalan niya na parang panalangin. “Martin Del Rivas!” Nanginginig ang mga daliri ko habang nakahawak sa basang basahan. Paulit-ulit kong pinupunasan ang sahig kahit alam kong malinis na ito. Hindi dahil marumi—kundi dahil kapag tumigil ako, maririnig ko siya nang mas malinaw. Sa maliit na speaker sa itaas ng pader—hindi ko alam kung sadya o aksidente—may live coverage ng kanyang speech. “—a leader who believes in transparency, integrity, and justice—” Napapikit ako. Integrity. Gusto kong tumawa. Gusto kong sumigaw. Magprotesta. Pero wala akong magagawa. Hindi dahil wala akong lakas—kundi dahil alam kong may camera. Palaging may camera. Kahit hindi ko makita, ramdam ko ang mata nito sa likod ng bawat galaw ko. Pinupunasan ko ang sahig na parang may dugo. Parang kapag kinuskos ko nang husto, mawawala ang boses niya sa ulo ko. Pero hindi. Lalong lumalakas. “—the people deserve a president who protects the weak—” Napabitaw ako sa basahan. Mahina lang ang volume, pero sapat para tumigil ang mundo ko. Tinitigan ko ang basahan sa sahig na parang isa itong ebidensiya ng krimen. Huminga ako nang dahan-dahan. Isa. Dalawa. Tatlo. Huwag kang gagalaw bigla, Savanna. Huwag kang mag-iingay. Huwag kang magpapakita na may nararamdaman ka. Tinuruan na ako ng West Wing kung paano mabuhay na parang multo. Sa itaas, may nagtatanong sa kanya. “Mr. Senate President, paano ninyo hinaharap ang pressure ng pagiging role model ng bansa?” Narinig ko ang tawa niya. Hindi ko kailangang makita ang mukha niya para malaman kung anong uri ng tawa iyon. Alam ko ang tunog na iyon. Iyon ang tunog kapag alam niyang kontrolado niya ang buong silid. “I don’t see it as pressure,” sagot niya, kalmado, makinis. “I see it as responsibility. And responsibility means making hard choices… even when they hurt.” Napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam kung dahil mahina ang tuhod ko o dahil bigla akong nawalan ng hangin. Ang sahig ay malamig. Parang bangkay. Parang kabaong na masyadong malaki para sa isang tao. Hard choices. Kung alam lang nila kung anong klaseng “choices” ang ginagawa niya kapag walang kamera. Sa speaker,may isa pang babae ang muling nagsalita: “Sir, maraming kababaihan ang tumitingala sa inyo. Ano ang masasabi ninyo sa kanila?” Tumahimik ang paligid. Kahit ang aircon ng West Wing parang huminto sa paghinga. Ngumiti siya. Ramdam ko. “I would tell them,” sagot niya, “that a man who truly loves… protects. Even if he has to be firm.” Napayakap ako sa sarili ko. Firm. Ganyan niya laging tinatawag. Hindi niya kailanman ginamit ang salitang malupit. Hindi mapang-abuso. Laging firm. Laging parang may rason. Parang may moral na dahilan kung bakit kailangan kong lumuhod, tumahimik, at magbayad para sa kasalanang hindi ko ginawa. Biglang may nagbukas ng pinto sa itaas. Narinig ko ang yabag ng sapatos. Tumigil ang interview. At doon ko naramdaman ang pamilyar na lamig sa batok ko. Hindi pa siya bumababa. Pero alam ko. Kapag biglang tumigil ang ingay sa itaas, ibig sabihin tapos na ang palabas. Ibig sabihin, narito na siya. Tumayo ako agad. Hindi dahil may utos—kundi dahil reflex. Parang sundalo. Parang bilanggo. Tinupi ko ang basahan. Inayos ko ang sarili ko. Pinunasan ko ang mukha ko kahit wala namang luha. Hindi ako puwedeng umiyak bago siya dumating. Hindi ko alam kung anong mood niya ngayon. Hindi ko alam kung anong klaseng Martin ang bababa mamaya. Ang Perfect President? O ang Diyos ng West Wing? Lumipas ang ilang minuto. Bawat segundo parang hinihiwa ang dibdib ko. Tapos... Narinig ko ang pinto. Hindi malakas. Hindi padabog. Kontrolado. Tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ko siya tiningnan. Hindi pa. Natutunan ko na ang timing. Kapag tiningnan ko siya agad, iisipin niyang hinihintay ko siya. Kapag hindi naman, iisipin niyang binabalewala ko siya. Kailangan sakto. “Savanna.” Boses niya iyon. Mababa. Walang emosyon. Parang binabasa lang ang pangalan ko sa papel. “Opo,” sagot ko agad. Isang maling sagot ay may katumbas. “Alam mo ba kung ilang tao ang naghintay sa akin kanina?” tanong niya. “H-hindi po.” “Tatlong libo,” sagot niya. “Nakatayo. Nakikinig. Naniniwala.” Tahimik ako. Lumapit siya. Ramdam ko ang presensya niya kahit nakayuko ako. Dala ng amoy niya ang malamig na hangin sa labas. Mamahaling pabango. Nakakasulasok na halimuyak ng kapangyarihan. “Alam mo ba kung ano ang tawag nila sa akin?” tanong niya ulit. Hindi ako sumagot. “The Perfect President,” sabi niya, parang tinitikman ang salita. “Nakakatawa, hindi ba?” Hindi ko alam kung sasang-ayon ako o tatahimik. Kaya nanahimik ako. Bigla niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. Hindi marahas. Mas masahol iyon. “Sabihin mo,” utos niya. “Mukha ba akong halimaw?” Nagtagpo ang mata namin. At doon ako muntik mabasag. Dahil sa labas ng West Wing—hindi siya mukhang halimaw. Mukha siyang lalaki na kayang mahalin. Kayang paniwalaan. Kayang ipagkatiwala ang bansa. Pero sa mata ko— siya ang pintong hindi ko mabuksan. Siya ang gabi na walang umaga. “H-hindi po,” pabulong kong sagot. Ngumiti siya. Pagkatapos ay napuno ang West Wing ng nakakabingi niyang halakhak. At doon ko nalaman... Hindi pa tapos ang araw na ito. Naririnig ko pa rin ang palakpakan kahit matagal nang nagsara ang pinto sa likod niya. Parang ayaw tumigil ng mundo sa pagdiriwang, kahit tapos na ang palabas. Kahit wala na ang mga camera. Kahit wala na ang mga matang nakatingala sa kanya na parang siya ang sagot sa lahat ng tanong ng bansa. Sa West Wing, ako ang natitirang echo. Ang ngiti niya ay hindi agad nawala. Nakatayo lang siya roon, nakatingin sa akin na parang may hinahabol na reaksyon. Parang may hinihintay siyang mabasag sa loob ko. Hindi lumipas ang sandali ay muling bukas ang pinto ng West Wing. “Bakit parang takot ka pa rin?” tanong niya, halos malumanay. “Tapos na ang speech ko.” Hindi ako umimik. Ang katahimikan ay parang ikinatuwa niya. “Ah,” sabi niya, tumango-tango. “Oo nga pala. Dito… wala kang audience.” Lumakad siya palayo, mabagal, sinasadya ang bawat hakbang. Hinubad niya ang coat niya...maingat, parang ritwal. Inilapag iyon sa upuan na parang may seremonyang sinusunod. Ang bawat galaw niya ay eksaktong kabaligtaran ng kaba sa loob ko. “Alam mo kung ano ang pinaka-nakakatawa, Savanna?” tanong niya habang inaayos ang cuffs ng polo niya. “Habang sinasabi ko sa kanila na I protect the weak… nandito ka lang sa ibaba.” Huminto siya. Tumalikod. “At hindi ka nagsasalita.” Tumikhim siya. Parang dismayado. “Kung may magsasabi sa kanila na may babae akong ikinukulong dito,” patuloy niya, “hindi ka nila paniniwalaan.” Lumapit siya ulit. “Alam mo kung bakit?” Umiling ako, dahan-dahan. “Dahil hindi ka mukhang biktima,” sabi niya. “Mukha kang kasangkapan.” Parang may gumuhit sa loob ng dibdib ko. “Tumayo ka nang maayos,” utos niya. Agad kong itinuwid ang likod ko. “Hindi ganyan,” sabi niya. “Mas tuwid pa.” Pinilit ko. Nanginginig na ang tuhod ko. “Mas mataas ang baba,” dagdag niya. “Hindi ka ba marunong tumingin sa taong nagligtas sa’yo?” Nagkibit-balikat siya nang mapansin ang pag-aalinlangan ko. “Ah oo nga pala,” sabi niya. “Sa kuwento nila… ako ang nagligtas sa’yo.” Huminga siya nang malalim, parang inaamoy ang sarili niyang kasinungalingan. “Sa labas,” patuloy niya, “ikaw ang babaeng binigyan ko ng ikalawang pagkakataon. Tinanggap. Pinatawad. Pinrotektahan.” Tumawa siya nang mahina. “Dito,” bulong niya, “ikaw ang kabayaran.” Lumapit siya hanggang sa halos magdikit ang noo namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya, hindi galit. Hindi lasing sa emosyon. Kontrolado. “Alam mo ba kung gaano ka kahalaga sa imahe ko?” tanong niya. “Kung mawala ka… mawawala rin ang perpektong balanse ng kasalanan at kabutihan.” Hindi ko maintindihan. At alam niyang ganoon. “Kailangan kong may kasalanan,” paliwanag niya, parang guro. “Pero hindi puwedeng sa harap ng lahat. Kaya nandito ka.” Inangat niya ang daliri niya at itinapat sa dibdib ko. “Dito ko inilagay.” Tumigil siya sandali. “Tibok ka pa ba?” Tumango ako, halos hindi makahinga. “Sayang,” sabi niya. “Minsan iniisip ko… mas madali sana kung hindi na.” Nanlaki ang mata ko bago ko pa mapigilan. Ngumiti siya. “Ayan,” sabi niya. “May emosyon.” Bigla niyang binawi ang ngiti. “Luhod.” Agad akong lumuhod. Hindi dahil sa utos. Kundi dahil sa takot na baka magbago ang isip niya kung maghintay pa ako ng isang segundo. “Alam mo,” sabi niya habang nakatingin sa akin mula sa itaas, “may nagsabi sa akin kanina, ang ganda raw ng mata ko kapag nagsasalita ako tungkol sa hustisya.” Tahimik ako. “Alam mo kung bakit maganda?” tanong niya. “Dahil iniisip ko ikaw.” Parang may gumapang na yelo sa spine ko. “Ikaw ang paalala ko,” patuloy niya. “Kung ano ang mangyayari kapag may hindi sumunod.” Dahan-dahan siyang yumuko para magpantay ang mukha namin. “Sabihin mo,” utos niya. “Sabihin mong deserve mo ito.” Nanikip ang dibdib ko. “Sabihin mo,” ulit niya, mas mababa ang boses. “D-deserve ko po,” pabulong kong sabi. Masyadong mahina. “MALAKAS.” “D-deserve ko po,” ulit ko, nanginginig. Tumayo siya. “Hindi,” sabi niya. “Hindi ka pa rin kumbinsido.” Lumakad siya papunta sa speaker. Pinindot niya ulit ang replay ng huling bahagi ng speech niya. > “because leadership is about sacrifice.” Pinahinto niya. “Alam mo kung sino ang sacrifice ko?” tanong niya. Tumingin siya sa akin. “Sabihin mo.” Ikaw, Savanna. Gusto kong sabihin. Pero ang lumabas lang.. “A-ako po.” Tumango siya. “Magaling.” Humakbang siya palapit. “At tandaan mo,” sabi niya, mababa, malinaw, “habang pinapalakpakan nila ako sa itaas… ikaw ang nagpapatunay na karapat-dapat ako roon.” Lumapit siya sa pinto. Huminto. Hindi pa siya lumalabas. “Isa pa,” sabi niya na parang may naalala. “Kung sakaling may maisip kang ideya na magsalita…” Tumalikod siya. “Huwag.” Isang salita lang. Sapat na. Dahan-dahan siyang umalis. At nang tuluyang magsara ang pinto.. bumagsak ang mundo ko. Hindi dahil nasaktan ako. Kundi dahil sa bawat salitang sinabi niya— unti-unti niyang ninakaw ang huling natitirang paniniwala ko na may saysay pa ang katotohanan. Sa labas ng West Wing, siya ang The Perfect President. Dito sa ilalim ng lupa, siya ang diyos ng katahimikan, at ako... ang ebidensiyang hindi kailanman haharap sa liwanag.“Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak
Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala
“Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr
“From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi
“Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.





![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

