“Alonzo!” histerikal na sigaw ni Mia sabay pukpok sa pintuan nito ng silidn nito. Hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. “Walanghiya ka! Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?”
Dahil sa malakas niyang pagsigaw ay biglang tumigil ang mga tunog mula sa loob ng kwarto nito na kanina lamang ay parang pusang naglalampungan...
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Alonzo, kalmado ang ekspresyon sa mukha na akala mo ay walang ginagawa. Alam niyang alam na nito na nalaman niya na ang sikreto nito lalo na at narinig naman nito ang kanyang pagsigaw. Akala niya ay tatanggi ang nobyo sa kanyang nalaman pero hindi. Nakakunot ang noo ni Alonzo at nakatingin sa kanya na akala mo ay walang nangyari at hindi siya nasaktan. Balewala sa lalaki na nalaman niya ang kataksilan nito.
“Mia,” ani sa kanya ni Alonzo.’
“How dare you!” sumbat niya.
“Now, that you know the truth, I don’t want to pretend anymore. I want to tell you directly, Mia Ang turing ko lang sa’yo ay parang kapatid lamang. Ang taong mahal ko ay si Gemma. Kung gusto mong humingi ng anumang kabayaran dahil nasaktan kita ay sabihin mo lang. Handa akong ibigay sayo ‘yun,” wika sa kanya ni Alonzo na akala mo ay ganoon lamang kadali. Kabayaran para sa panloloko nito.
“Paano mo nagawa ito sa akin?”
“I’m sorry. Sasabihin ko naman talaga sayo pero--
Isa lang ang gusto kong malaman, Alonzo,” humagulgol si Mia habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito. Sa kabila ng lahat ay pilit pa rin niyang pinanghahawakan ang pag-asa na baka pwede pa… Mahal na mahal niya ito kahit pa nasasaktan siya ngayon.
“Sige, sabihin mo.”
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
“Minahal mo ba ako kahit minsan? Minahal mo ba ako sa loob ng siyam na taon na naging tayo?” tanong niyang punong-puno ng hinanakit.
Tinitigan ni Mia si Alonzo habang mahigpit na nakasara ang kanyang mga kamao. Matagal bago ito nakasagot. At habang hinihintay ang sagot nito ay lumalakas ang kaba na kanyang nadarama.
Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.
“Tama ba na kahit kailan------hindi mo ako minahal? Ang pananahimik mo ay ibig sabihin ay----oo,” puno ng kawalan ng pag-asa ang kanyang boses dahil hindi ito sumagot sa simpleng tanong niya.
“O----o and I’m sorry ku---
Nagdilim na ang kanyang paningin dahil sa narinig na sagot ni Alonzo. Isang malakas na sampal ang lumapat sa mukha nito.
Muling bumagsak ang kanyang luha. Nanginginig siya sa galit. Namumuhi siya rito.
“Alonzo! Siyam na taon! Minahal kita sa loob ng siyam na taon! Kung sinabi mo lang sa akin ang totoo noon pa----- hindi sana ako naghintay at nagpakatanga nang ganito katagal! Pero bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit?” gigil na gigil niyang hinawakan ang kuwelyo ng lalaki at humagulgol sa sakit.
Mula pa noon si Alonzo ang kanyang kaligayahan, ang kanyang mundo, ang lahat-lahat sa kanya. Sa lalaki lamang umiikot ang kanyang buhay. Ngunit ngayon niya lang nalaman na isa lamang siyang walang kwenta sa buhay nito----kailanman ay hindi siya minahal ni Alonzo.
Hindi niya alam kung paano niya matatanggap ang lahat ng ito. Pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang buhay dahil sa natuklasan. Pero ang mas masakit sa lahat ay may kaunting pag-asa pa rin siya sa kanyang puso. Umaasang baka nagsisinungaling lang ito sa kanya---na baka mahal siya ni Alonzo o di kaya panaginip lamang ang lahat? Maraming baka o sana..
Para na siyang nababaliw ng mga oras na iyon. Nakangiti habang umiiyak. Sunod-sunod din ang kanyang naging pag-iling.
“Alonzo, nagsisinungaling ka lang, ‘di ba? Sinusubukan mo lang ang nararamdaman ko at ginagamit mo lang ang babaeng kasama mo ngayon?” tanong niyang hindi matanggap ang katotohanan, kaya hinila niya ang suot ni Alonzo habang patuloy ang kanyang mga luha. “Tell me, Alonzo. Nagsisinungaling ka lang hindi ba?”
“Mia, please calm down.”
Narinig niya ang halakhak ng babae na kasama ni Alonzo. Nasa likuran na ito ng nobyo.
“Mia, ayaw ka na ni Alonzo. Mahirap bang matanggap yun kaya bitiwan mo siya,” sabat ng babae at tama nga ang hinala niya na ang kasama ni Alonzo ay ang nobya ng kapatid nito. Si Gemma. Suot nito ang tshirt ni Alonzo kung kaya naningkit ang kanyang mga mata. Lumapit ito sa kanila na may pagmamalaki sa mga mata. Hindi man lang ito kinabahan na nakita niya itong kasama si Alonzo sa kwarto. Nakataas ang kilay ni Gemma habang kinakausap siya.
Nagliyab ang galit sa puso ni Mia at lumapit siya kay Gemma. Hinawakan niya ito sa braso.
“Ikaw! Ikaw ang sumira sa amin, ‘di ba??” duro niya sa babae.
Nanginginig ang kanyang boses habang mahigpit na hinawakan ang babae.
“Mia! Masakit!” pagpupumiglas ni Gemma na akala mo ay sinuntok niya na. Kung umarte ito ay akala mo ito pa ang nasaktan.
“Mia, bitawan mo siya! Buntis si Gemma!” sigaw sa kanya ni Alonzo.
Agad itong lumapit kay si Gemma pero hindi niya binitawan ang babae. Mahigpit niyang hinawakan si Gemma na para bang iyon na lang ang huling paraan upang ilabas ang sakit na kanyang nadarama niya. Nabigla pa siya nang hinalahin siya nni Alonzo at itulak palayo kay Gemma.
“Ahhh!” sigaw niya. Hindi niya napaghandaan ang ginawa ni Alonzo kung kaya nawalan siya ng balanse… Tumama ang likod ng kanyang ulo sa gilid ng mesa. Napapikit siya sa sakit, ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse ay naiangat niya ang kanyang kamay upang suportahan ang kanyang pagbagsak.
. Napapikit siya at napakagat-labi na lamang.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang ulo at may naramdaman siyang malagkit sa kanyang buhok. Nang tingnan niya ang kanyang kamay ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita—pulang dugo ang kumalat sa kanyang mga daliri.