Share

Kabanata 3

Penulis: DIVINE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-19 18:22:41

“Mia, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Alonzo pagkatapos siyang itulak. Dali-dali siya nitong nilapitan at inabot ang kanyang braso at tinangkang itayo siya.

“Huwag mo akong hahawakan,” galit niyang pigil kay Alonzo.

"Bitawan mo siya!!" sigaw ng isang lalaking galit ang boses na umalingawngaw mula sa pintuan.

Napansin niyang natigilan si Alonzo at ang babaeng kasama nito na si Gemma nang mapagsino ang dumating… Nakita niya ang takot sa mga mata ni Alonzo dahil sa malakas na sigaw ng bagong dating na si Nicholas Madrigal, walang iba kundi ang kapatid ni Alonzo at nobyo rin ni Gemma. Hindi inaasahan ng mga ito ang pagsulpot ni Nicholas.

Napatingin din si Mia sa direksyon ng boses at nakita ang isang wheelchair na nakapwesto sa may pintuan ng opisina. Nakaupo rito ang isang lalaking nakasuot ng unipormeng pulis. Maikli at maayos ang buhok at matalim ang mga mata na nakatingin kay Alonzo at Gemma. Ang mga kilay nito ay nakasalubong dahil sa galit. Kung nakakamatay lang ang tingin ni Nicholas ay baka naglupasay na sa sahig si Alonzo at Gemma. Hindi malaman ni Alonzo kung ano ang gagawin.

"Kuya---- bakit ka nan---dito?" nanginginig ang sulok ng labi na tanong ni Alonzo habang nakatayo at halatang hindi mapakali dahil sa takot. Alam niyang may takot ang nobyo kay Alonzo dahil malaki ang respeto nito sa kapatid pero kinalimutan ng nobyo ang respetong iyon dahil sa ginawa nito.

Galit na tiningnan ni Nicholas ang kapatid, pagkatapos ay nilingon nito ng mapanuri si Gemma na suot ang tshirt ni Alonzo. Sumunod nitong tiningnan ang natapon na caldereta sa sahig bago siya tiningnan ni Nicholas na nasa sahig pa rin.

"Tulungan mo siyang tumayo! Dalhin siya sa ospital!" maawtoridad na utos ni Nicholas sa pulis na kasama nito.

"Yes, Major!" sagot ni SPO2 Martinez kay Nicholas.

Agad na lumapit si SPO2 Martinez sa kanya. Inabot nito ang kanyang kamay upang itayo.

Binalingan ni Nicholas si Alonzo.

“Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan sayo? Anong ginagawa ni Gemma rito?” galit na tanong ni Nicholas kung kaya hindi makatingin si Alonzo rito.

“Let me explain, Nicholas,” sabat ni Gemma pero hindi ito pinansin ni Nicholas. Tila diring-diri ito kay Gemma.

“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Nicholas kung kaya tumango siya.

Tumayo siya at tinitigan si Alonzo habang nadudurog ang kanyang puso. Masakit pa rin ang kanyang ulo at patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Hindi niya matanggap na ang lalaking minahal niya ng labis sa loob ng siyam na taon ay itinulak siya nang walang awa para sa ibang babae.

"Kaya kong maglakad mag-isa. Salamat," wika niya sa pulis na nakaalalay sa kanya bago niya itinulak palayo ang kamay nito. Nasabi niya na ang lahat kay Alonzo at wala na siyang dapat pang sabihin. Nasaktan na siya ng lalaking akala niya ay minahal siya.

Hindi na niya nilingon si Alonzo at tahimik na lumabas ng opisina ng CEO. Nagulat pa siya ng sundan siya ni Nicholas. Tulak-tulak ni SPO2 ang wheelchair nito.

Naiwan si Alonzo at Gemma.

Pagkalabas ng opisina ni Alonzo ay tahimik na pumasok siya ng elevator bitbit lamang ang kanyang bag. Hindi na siya nag-abala pang dalhin ang caldereta na niluto para sa nobyo.

For nine years… Minahal at pinagsilbihin niya ito ‘yun pala ito lang ang kanyang natanggap na kapalit. Kawalanghiyaan.

Para siyang tanga na umiiyak pa rin sa loob ng elevator dahil sa nangyari. Siya lang naman mag-isa sa elevator dahil naunahan niya si Nicholas pero akmang isasara niya na iyon nang bumukas iyon at bumungad sa kanya si Nicholas kasama ang pulis na kasama nito. Pumasok ang mga ito. Mabilis niyang pinunasan ang luha at tulalang napatitig na lamang sa itaas na parte ng elevator.

Alam niyang nakatitig sa kanya si Nicholas pero hindi niya ito pinansin. Pagbukas ng elevator ay agad siyang lumabas. Nagmamadali siyang lumabas ng Madrigal Building nang makita niya ang land rover car na nakapark sa tapat mismo ng building.

Hindi pa naman siya nakakalayo nang harangin siya ni Martinez.

"Nasugatan ka, ihahatid ka muna namin sa ospital," wika nito sa kanya.

Sinubukan niyang ngumiti kay Martinez. Ngiting puno ng pait.

"Salamat pero ayos lang ako! Hindi pa naman ako mamamatay kaya ‘wag kang mag-alala."

Aalis na sana siya nang maramdaman niya sa kanyang braso ang isang malaking kamay na mahigpit na humawak sa kanyang braso. Nang lumingon siya ay walang iba kundi si Nicholas.

"Pabayaan mo na ako. Okay lang ako,” wika niya rito. Hindi niya gaanong kilala si Nicholas pero ilang beses na rin silang nagkita sa bahay ng mga Madrigal at doon niya rin nakilala si Gemma. Casual na batian lang naman ang nangyayari kapag nagkikita silang dalawa. Isa pa, hindi naman nagkwekwento si Alonzo tungkol kay Nicholas.

"No…Sumakay ka sa sasakyan," utos sa kanya ni Nicholas na akala mo ay tauhan siya nito. Mukhang ito ang klase ng tao na ayaw na hinihindian.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 465

    Lumipas ang ilang taon, at tuluyan nang naging tahimik at masaya ang buhay ng pamilyang Madrigal. Ang dating puno ng sigalot, tampuhan, at pagkakawatak-watak na pamilya ay ngayo’y naging mas matibay at mas nagkakaisa. Ang pamilya ni Mia at Nicholas. Sa isang malawak at maliwanag na hardin, masa

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 464

    “Oh my God!” sigaw ni Mia, halos maluha sa tuwa. “Zia, you’re pregnant?” “Yes!” sagot ni Danny, hindi mapigil ang ngiti. “We’re going to be parents!” Napatalon ang ina ni Danny sa tuwa. “Finally! I knew it would happen. God’s timing is always perfect.” Lumapit si Mia at mahigpit na niyakap ang

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 463

    Kanina pa hindi mapakali si Zia. Paulit-ulit siyang bumibili ng pregnancy test kit, baka sakaling mag-iba ang resulta. Pero sa tuwing tititigan niya ang dalawang guhit, iisa lang ang sinasabi—buntis siya. “Oh my God…” bulong niya habang pinipigilan ang luha. Hindi siya makapaniwala. Ito ang pinaka

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 462

    Pagkatapos ng kasal, si Melinda ay mabilis na naka-adjust sa buhay sa pamilya Madrigal dahil matagal na siyang pamilyar sa lahat, at dahil na rin sa kanyang mabait at mahinahong ugali, madali siyang nakisama sa lahat. Sa araw-araw na pamumuhay sa isang masayang pamilya, gumaan ang kanyang pakiramdam

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 461

    Napuno ng masayang tawanan ang buong sala ng pamilya dahil double celebration. Lahat ay high spirits, masiglang nagkuwentuhan hanggang halos alas-diyes ng gabi bago nagsipasok sa kani-kanilang kwarto. Dinala ni Alonzo ang kanyang asawa papunta sa kwarto nila sa ikatlong palapag. Pagkapasok na pagka

  • CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE   Kabanata 460

    HINDI MAPIGILAN ni Mike ang mapangiti. Tapos na kasi ang paghihintay niya kay Melinda.Pagdaan sa isang flower shop, pinahinto niya ang driver at pumasok mag-isa, pumili ng bouquet ng mga rosas. Nagulat ang saleslady na sa edad ng matanda ay bumibili pa ito ng mga bulaklak.“Para kanino po ang bulak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status