“Ganito naman talaga ako.” Mabilis siyang humarap sa akin.
Hawak-hawak ang kopita, kaagad niyang ininom ang lahat nang laman no'n.
Tumaas ang kaniyang kilay nang muli niya akong titigan.
“You shouldn't be caring about my attitude, masanay ka na. We should talk about your siblings and your decisions instead.”
Pinilit ko pa ring lumunok kahit pa nahihirapan.
“Now, ano na ang desisyon mo?”
Nakapako pa rin ang titig ko sa kaniya kasabay no'n ang malalim na paghugot ko nang hininga.
Matapang ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.
Siguro tama siya. Ayokong mapalayo sa kanila pero kung hindi ako papayag sa inaalok ni Zeke ay baka ako pa ang maging dahilan para hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap. Ayokong maging kontrabida.
Siguro kailangan din nilang mas masanay na mapalayo sa akin para mas makapag-isip ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanila kapag nalaman nilang hindi ko kaibigan si Zeke, kapag nala
Abang-abang sa mga susunod na chapters! Paano kaya niya magagawa ang kaniyang misyon? Sa tingin mo? :>
Mahigit alas-syete na nang umaga nang magising ako. Naririto ako ngayon sa kusina, nagtitimpla ng kape. Martes ngayon, kaya mayroon na naman akong pag-aaralan kasama si Ms. Azalea. Ang sabi ni Manang Ester ay umalis ang alaga niyang si Zeke. Hindi namin alam kung saan nagpunta, ganoon naman talaga ‘yon. Hindi nagpapaalam at kusa na lang aalis na parang bula. Mabuti't pumayag siyang gamitin ang opisina niya para sa pag-aaral ko. “Good morning bes! How's your day?” Kaagad akong humarap kay Cindy nang marinig ang matinis niyang boses. “Good. Wala ka bang alam kung saan nagpunta si Zeke?” Takang tanong ko. Ewan ko ba kung bakit naitanong ko pa ang tungkol sa kaniya. Wala naman akong pakielam kung saan siya magpunta at sigurado rin akong parehas lang kami nang nararamdaman. “Hmm. Siguro nasa meeting lang ‘yon o di kaya'y may inaasikaso.” Ngiting sambit niya. “Teka nga muna. Bakit ang blooming mo today?” Nakikit
“Brielle Isabella..." Nabigla ako nang mayroong mainit na hangin na dumampi sa aking leeg. Mahigpit itong yumakap sa beywang ko habang ang ulo nito't nakapatong sa balikat ko. Mula sa paghinga niya'y naaamoy ko ang matapang na amoy ng alak sa kaniya hininga. Hindi ako makagalaw sa higpit nang pagpalupot ng kaniyang mga braso sa beywang ko. Hindi ko alam. Bakit ko siya hinahayaan? Bakit hindi manlang ako makapagreklamo? “How are you, Brielle?” His husky tone made it sexier even more. “O-okay naman ako.” Utal ko sa kaniya. Mula sa kinatatayuan ko'y malaya kong nakikita ang hasyenda mula sa hindi kalayuan. “Is my wife okay with these shits?” He said. Para siyang batang nagtatanong sa akin. “Hindi, Zeke. Lasing ka na, matulog ka na.” Ma-awtoridad kong sabi, pilit kong tinanggal ‘yung mahigpit na pagkakayapos niya sa akin. “What if I won't?” Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin nang magta
Napatingin ako sa kaniya. “Bakit mo pala ako hinahanap?” Takang tanong ko. “Binilin kasi ni Sir Zeke sa akin na ilibot ka sa hasyenda.” Nagkunot ako ng noo. Nanatili pa ring nakapako ang titig ko sa kaniya. “Oh ba't parang nagtataka ka? Hindi ba binanggit sa ‘yo ni Sir Zeke ang tungkol doon?” Mataas ang tono ng kaniyang pananalita nang sabihin iyon. Umalingaw-ngaw na naman sa buong lugar ang matinis at masakit sa tengang boses niya. Nagpa-iling-iling ako. “Hindi pa, siguro nakalimutan lang niya.” Pilit akong ngumiti. Hindi nga niya sinabi pero alam kong gagawin niya ang mga ito, siya kasi ‘yung tipong tao na laging gusto ay preparado. Iyung ayaw na napapahiya at nagkakamali. Hindi kasi naging maganda ang unang punta ko sa hasyenda niya lalo pa't may mga narinig akong usap-usapan. Iyung hindi pa nga nila ako ganoong nakikilala gano'n na ang trato nila, ano pa ‘yung malaman nila na hulog na hulog na sa akin ang amo nilang si Ze
Kanina pa kami naririto sa opisina niya. Wala pa ngang limang minuto nang mag-usap kaming dalawa kanina. Nakasimangot na naman siya. Seryoso na naman ang ibinibigay niyang ekspresyon. Hindi na ako magtataka dahil ganito naman lagi ang ginagawa niya kapag walang nakakakita. Wala naman siyang sinabing pag-uusapan namin, hindi na rin ako nagtanong. “Anyway, ngayon ang flight nang mga kapatid mo." Nagtama ang paninhin namin nang mapatingin ako sa kaniya. Sa puntong ito, nagpakawala ako nang isang malalim na paghinga. Mukhang hindi pa ako handang mas mapalayo sa kanila. Ayoko rin naman maging hadlang para matupad nila ang kanilang mga pangarap. Pero, gusto ko silang makita bago sila mapalayo nang tuluyan sa akin. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita muli. “Don't worry, they're on their way here.” Seryoso ang tinig niya. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa isinusulat. Hindi na ako muling kumibo pa, mahigit isang
Sa bilis nang pagpapatakbo niya'y kaagad kaming nakarating sa paroroonan. Napakunot ako ng noo nang makita ang mga dati kong katrabaho rito sa hasyendang sinasabi niya. Dito ako dating nagtatrabaho. Dito din ‘yung lugar na tinitirahan namin. Teka nga, bakit kami nagpunta rito? Para saan? Para kanino? Awtomatikong bumukas ang bibig ko sa mga naisip na tanong. “Anong ginagawa natin dito, Zeke?” Tama ba ang naiisip ko? Napako na naman ang titig ko sa kaniya. “This is yours now, napag-desisyunan kong ito na lang ang bilhin dahil sigurado naman akong mabilis paki-usapan ang mga tao rito. Isa pa, kilala ka na rin dito.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama nga ang naiisip ko! Anong sasabihin ko sa kanila kapag tinanong nila kung paano ko nabili ang ekta-ektaryang lupa gayong pare-parehas lang naman kaming hasyendero noon? Nanalo sa lotto? Nagtrabaho sa isang malaking kompanya? Napalunok ako
“Great.” Muling bumalik sa seryoso ang mukha niya, itinuon na niya ang atensyon sa pagmamaneho. Katulad nang inaasahan ay hindi na kami muli pang nag-usap hanggang sa makarating kami sa mansyon. Napakunot ako ng noo nang makita ang nagkakagulong mga tao sa mansyon. Hindi pa ako bumababa sa sasakyan dahil iniaayos pa ni Zeke ang kaniyang sasakyan dito sa Parking lot. “Shit.” Nagtama ang paningin namin nang mapatingin ako sa kaniya, kalmado at halos walang mabasang emosyon sa ekspresyon niyang ibinibigay sa akin ngayon. “Be prepared. They're here.” Sa puntong ito, alam ko na ang ibig sabihin niya. Nandito si Mrs. Elizabeth. Hindi na ako masyadong kinabahan dahil alam ko naman na ang gagawin ko. Isa pa, matagal ko na ding pinaghandaan ang bagay na ito. Napatango na lamang ako sa kaniya. Binuksan niya ‘yung pinutuan nang kotse para alalayan akong makababa. “Hey, dear.” Pag pasok na pasok pa lamang sa pintuan ay
“Tell me, mahirap ba akong mahalin?” Muling nagtagpo ang titig naming dalawa. Mariin akong napalunok, parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig iyon mismo sa kaniya. Iyon ba ang tingin niya sa sarili niya? Na mahirap siyang mahalin dahil sa kinagawian niya? “Answer me, Bri!” Tila bombang sumabog sa tenga ko ang malakas na tinig niya. Sa puntong ito, para bang ako ‘yung pinagbubuntongan niya nang galit. Humugot ako ng isang malalim na paghinga, sapat na ito para titigan siya sa kaniyang mga mata. His blue eyes says it all. Lahat nang galit at poot ay nagagawa kong basahin kaniyang mga mata. “H-hindi, Zeke. You're just giving me false hopes. Umaasa ako, Zeke. Pero alam ko namang ginagawa mo lang ‘to para sa misyon nating dalawa.” I said in a fragile tone. Nanatili ang tinginan naming dalawa sa isa't-isa. Ang dalawang makakapal na kilay niya'y halos magsalubong na. “Iyan ba ang ikinakatakot mo kay
Tila pati ang paglunok ay nahihirapan na rin ako, sinabayan pa ito nang malakas na pagkabog ng dibdib. “Alam niya ang tungkol sa misyon?” Kumunot ang noo ko nang titigan ko siya sa kaniyang mga mata. Bahagya siyang umiiling-iling. Nanatili pa ring blangko ang kaniyang mukha. “Alam kong dadating ang panahon na papipiliin niya ako sa mga nakakasama ko. Manang Ester has been with me since when I was a kid kaya alam ni Mrs. Elizabeth na malapit ang loob ko sa kaniya. She said to me that if this shit happen, piliin ko ang magpapasaya sa akin.” Napako ang titig ko sa kaniyang mga mata. Nakita kong nag-ngangalit ang kaniyang mga mata nang simulan niyang paandarin ang kotse. Itinuon niya ang pansin sa dinaraanan namin. Nabasag ang katahimikan nang simulan niya ang magtanong. “How old are you again?” “Twenty.” I said, hindi ko siya nilingon. “Great. You're old enough.” Kumunot ang noo ko nang biglaan akong mapatingin sa ka