“Kapag tapos nito, anong pinaplano ninyong dalawa?" Damian asked.Magi-isang oras na kaming nakaupo sa loob ng kwartong ito. Kanina pa nga ako nilalamig sa lakas ba naman ng hangin dito sa loob. Tinanggal ko ang mga braso sa pagkikibit-balikat atsaka ikiniskis ang mga palad upang kumuha ng init mula dito.I sipped my coffee out of being cold. Kaming tatlo lang dito sa VIP room ng coffeeshop, mabuti na lang at mayroong ganitong kwarto sa branch na ito. It's a great way to relax lalo pa't kung gusto mong mapag-isa at lumayo sa mataong lugar. “We want to live alone, malayo sa lugar na ito." Zeke unexpectedly uttered. Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong kaya't nakuha nito ang atensyon ko.Kanina pa kasi siya walang imik at nakatutok sa telepono niya. Hindi ko ba alam kung ano na naman ang pinagkaka-abalahan niya ngunit panigurado akong importante ‘yon.“Hmm, ang ganda ng naisip mong plano. Ilan ba ang gusto mong anak sa best–" naputol ang pagsasalita ni Damian nang madalian kon
“Wake up!"Awtomatikong bumukas ang aking mga mata nang makarinig ng bulyaw. Kaagad akong umupo sa kama at mabilisang kinuskos ng palad ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid kapag tapos. “C-Cindy?" bulong ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya kaya't mataman ko siyang kinilatis ng paningin.“Oo, baliw ka! Para kang nakakita ng multo!" biro niya. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan para salubongin siya ng yakap. “Na-miss kita," saad ko. “Bakit ka pala andito?" I asked in a frustrated tone. Kumunot rin ang noo ko.“Ang oa mo naman, wala pa yata akong isang buwan na nawawala, e." she said as she laughed. Siya nga talaga itong nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.“Shabu ka ba? Malamang andito ako kasi araw ng kasal ng best friend ko. Hindi ba ako invited?" she said in a light tone. Umiling-iling ako bilang sagot. “No, I mean, ‘di ba nag-aaral ka na?" I asked. “I was about to," sagot nito. “but go
Gosh, we've made it this far! Una, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ninyong lahat sa istoryang ito at maging sa ‘kin man. To my avid Readers, 12.2k reads na ito! Grabe kayo! Hindi ko man inaasahan na basahin ninyo ito hanggang dulo dahil alam kong sinimulan kong isulat ito noong panahong hindi pa ako masyadong maalam na manunulat ngunit napakasaya ko. From the Reads, Gems, and ‘yung pag-unlock ninyo sa story ko using your purchased coins. Sobrang na-appreciate ko po lahat. I promise that I'll improve my skills more to give you the best reading experiences. And also, bilang pasasalamat, mag-abang kayo sa special chapter na kasunod nitong announcement ko. Comment nga kayo rito, gusto ko kayo mapasalamatan isa-isa! Ang tanong, ilang words ang special chapter? Oops, basta ang sagot ko ay bilang ng mga salita na sa tingin ko ay hindi kayo madi-dissapoint! I have an on-going story ulit, promise maganda at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya. Ang title ay ”Owned by
“Thank you for being part of my life, Misis ko. You brought so much happiness. . ." Napapikit na lamang ako nang idantay ko ang ulo sa kaniyang braso. Ipinalupot ko ang braso ko sa katawan niya atsaka ngumiti.“Maraming salamat din dahil sa mga sakripisyo mo," ani ko. Naririnig ko ang pagwawala ng puso nang halikan ako nito sa noo.“This is not the end, I promise you. Simula pa lang ‘to ng buhay mag-asawa natin," bulong niya. He fished his phone underneath his pillow. “Bangon na tayo, may sorpresa ako sa ‘yo," aniya at umakmang babangon na ng kama.Ininat ko ang mga braso atsaka humikab ng ilang segundo bago siya tingnan. “Susunod na ako, mauna ka na." I said as I tied my hair into a bun hairstyle. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa ‘kin habang ako ay hinila ang pang-upo sa dulo ng kama para itiklop at ayusin ang gusot na mga kumot. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Napapansin kong umuumbok na ang aking t'yan, hinimas-himas ko pa ito haba
Pamilyar ang mukha nang lalaking nasa harapan ko ngayon, matalim itong nakatitig sa akin na animo'y malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Awtomatikong napakurap ang mga mata ko. Sa hindi inaadahan, bumagsak ang mga titig ko sa kaniyang mga mata. “S-sino po kayo?” utal ko. Isang patagilid na pag-ngisi ang lumitaw mula sa kaniyang mukha. “You don't recognize me. Huh?” Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Mula sa posisyon namin, randam ko ang mainit na hininga niya, humahalo pa rito ang alak na ininom niya. Napakagat ako sa labi nang mapagtanto ang pwesto ko, nasisiguro ko sa sariling isang maling galaw lang ay paniguradong magdidikit ang aming mga labi. “Boss, niloloko ka ata eh!" saglit na tumama ang paningin ko sa guwardyang nakaporma sa gilid namin. Sinegundahan pa ito ng mga kasama pa nila, karamihan sa kanila'y mga armado. “Psh, how its been easy for you to forget all your debts?” Tumama ang matalim na paningin niya sa labi ko na animo'y susunggaban niya ako ng halik. Hindi
“Mabuti naman at naririto ka na, hija. Malalim na ang gabi.” Sinalubong ako nang isang may kaedarang babae, kinuha niya ang iba sa mga gamit na bitbit ko. Ngumiti ako sa kaniya, nararamdaman ko ang namumuong kaba sa aking sistema. Mariin akong napalunok nang magtama ang paningin namin. “Magandang gabi po. Kumusta po kayo?” iniipit ko sa tenga ang buhok kong nakaharang mula sa mukha ko. “Hi, I'm Cindy!" Nakangiting bati niya sabay na iniabot ang kaniyang kamay para makipagkamay sa akin. “Maayos naman, hija.” Pinasadahan niya nang tingin ang iba sa gamit ko. “Siya nga pala, ito ang kasama ko rito sa bahay.” Napatingin ako sa kaliwang bahagi niya. “Hello, Brielle.” Panandaliang kumunot ang noo ko nang kilatisin ko ang hitsura niya, mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa akin. “Madame, Cindy! Natigilan ako nang marinig ang mahinang pagbulong ng matandang babae sa kaniya, pasimple pa nitong siniko ang tagiliran ni Cindy. Napangiti ako at bahagyang napailing. “Brielle, na lang ho
Its already twelve midnight.Hindi ako makatulog, nagmistulang tumalon sa apat na bahagi ng kwartong ito ‘yung antok dahilan para hindi ako makatulog.Iniisip ko ‘yung mga naiwan ko, ‘yung mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila?Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kanila kahit pa pinagkakatiwalaan ko pa ‘yung pinagbilinan ko sa kanila.Hindi ko alam kung kailan matatapos ang misyong ito, kailangan ako ni Mr. Zeke at gano'n din ako, kailangan ko siya para mabayaran ‘yung utang namin.Hindi ko hahayaan na masira ‘yung misyon niya, delikado siyang kalaban.Nakatatakot.Para siyang isang halimaw kapag nagagalit, ika-nga ni Cindy ay siya ang living lion king.“Be mine or you'll die." Pag-uulit ko sa isipan ko.Seryoso siya nang sabihin a
“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala. Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi. “Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo. Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko. “Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon. Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka. Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.