Share

CHAPTER 20 "GOOD MORNING"

MALALAKAS na katok sa pintuan ng kaniyang kwarto ang gumising kay Jenny kinabukasan. Pupungas-pungas pa siyang bumangon para pagbuksan kung sino ang kumakatok na alam naman niyang ang kaniyang ina na si Rowena. Bakit nga hindi gayong silang dalawa lamang ang magkasama sa bahay.

"Nay, bakit ang aga naman po? Sabado naman ngayon di ba?" ang inaantok at mahinahon niyang reklamo niya saka bumalik sa pagkakahiga sa kaniyang kama at niyakap ang dantay niyang unan.

"Bumangon ka na, nandiyan na si Jason sa baba, hinihintay ka!" 

Sukat sa sinabing iyon ng kaniyang ina ay parang binuhasan ng malamig na tubig si Jenny kaya mabilis na parang pumutok na bulang naglaho ang matinding antok na nararamdaman niya. 

"Ano? Bakit ang aga niya?" ang nagpa-panic niyang tanong saka mabilis na bumalikwas ng bangon. 

Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ng kaniyang ina dahil sa nakita

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status