Share

CHAPTER 21 "JEALOUS 1"

ISANG magandang balita ang sumunod nilang nalaman mula kina Daniel at Ara. Officially dating na ang dalawa at bilang mga tunay na kaibigan ay tama lang na maging masaya silang dalawa ni Jason para sa mga ito.

Lalo na siya, alam naman kasi niya kung ano ang totoong nararamdaman ni Ara para kay Daniel kahit kung tutuusin ay sa paggiging mortal na magkaaway ang naging simula ng kwento ng mga ito.

"Jenny, pwede ba kitang yayaing mag-meryenda mamaya?" si Leo iyon nang palabas na sila ng pintuan ng kanilang classroom para sa kanilang lunch break.

"A-Ah, a-ano kasi..." hindi na naituloy pa ni Jenny ang iba pa niyang gustong sabihin nang marinig niya ang biglang pagtunog ng kaniyang cellphone. "Wait lang ah," aniyang binasa muna ang text message.

Galing iyon kay Jason at nagsasabing hindi raw ito makakasabay ng lunch sa kaniya dahil kasama raw nitong manananghalian sa canteen ang bago nitong girlfriend.&nb

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status