Share

CHAPTER 25 "HOUSE VISIT"

KINABUKASAN katulad ng inasahan ay pumasok siya sa eskwelahan kasabay si Jason dahil katulad narin ng sinabi nito ay sinundo siya ng binata. Nang araw naring iyon ay ipinakilala niya ito sa kanyang ina bilang boyfriend niya. At dahil alam naman niya noon pa man na gusto ni Rowena si Jason para sa kanya ay naging masayang-masaya ito.

Ganoon rin ang naging reaksyon ni Ara at pati narin si Daniel nang ipagtapat nila sa mga ito ang tungkol sa tunay na estado na ng kanilang relasyon. Pero hindi rin naman niya napigilan ang makaramdam ng awa kay Leo nang sabihin niya sa kaniyang kaklase ang totoo.

"Kaya pala ganoon nalang ang pagbabantay niya sa'yo, kahit mahal ka niya. Tapos mahal mo rin siya?" anito sa naghihinanakit na tono. "Alam mo Jenny, gusto rin kita eh, nahuli lang talaga ako," bakas sa tono nito ang panghihinayang kaya lalo siyang nahabag sa binata.

"Alam ko may makikilala ka pa na mas higit sa akin na talagang mamahalin mo," iyon lang ang naisip niyang pwedeng sabihin.

Katatapos l
Jessica Adams

Thank you for reading, don't forget to leave your comment kung mayroon man. Salamat! :)

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status