Accueil / Romance / CRAVE (FILIPINO VERSION) / CHAPTER 35 "NEW BEGINNING"

Share

CHAPTER 35 "NEW BEGINNING"

Auteur: Jessica Adams
last update Dernière mise à jour: 2021-05-08 23:19:40

"MATUTULOG na ako, salamat sa pag-i-insist ng usapan, mas okay na ang pakiramdam ko ngayon," nang ihatid siya ni Jason sa kaniyang cabin ay iyon ang sinabi niya sa binata. 

Tumango si Jason habang nakangiti. "Ibig sabihin ba nito okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" tanong ng binata sa kanya.

Noon nakangiting tumango si Jenny. "Matagal na iyon, sampung taon na, siguro kaya hinayaan ng Diyos na magkita ulit tayo kasi gusto Niya na magkaroon tayo ng maayos na closure katulad ng ginawa natin kanina. Hindi naman kasi tayo magiging totoong masaya kung hindi natin aalisin sa mga puso natin ang galit at kahit anong negative vibes, hindi ba?" 

"Tama ka. Salamat din at pinatawad mo ako, bukas gusto mo bang sumabay sa akin sa almusal?" si Jason sa karaniwan na nitong mabait na tono.

"Naku hindi na muna siguro. Plano ko kasing maglakad-lakad muna bukas ng umaga," tanggi niya.

"Ganoon ba? E di samahan nalang kita? Samahan kitang maglakad katulad ng ginagawa natin noong mga college tayo?" 

Hindi napigilan ni Jenny ang makaramdam ng matinding amusement para kay Jason dahil sa naramdaman niyang pamimilit sa tono ng pananalita nito.

"Sa tingin mo, pwede ba akong tumanggi kung sakali?" amuse niyang tanong saka humugot at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Noon umiling ng magkakasunod si Jason. "Sa totoo lang wala. Siguro nga hindi na tayo mga bata pero iyong tungkol sa akin kapag tungkol sa iyo feeling ko parang ganoon parin. Parang walang nagbago at kung mayroon man parang nadagdagan pa nga kasi ang totoo miss na miss kita," anitong humakbang palapit sa kaniya habang nasa mukha nito ang damdamin sa mga salitang sinabi.

Sa ikinilos na iyon ni Jason ay mabilis na dinamba ng kaba ang dibdib ni Jenny. 

Kanina masasabi niyang parang medyo nag-normalize ang emosyon at tibok ng puso niya. Pero heto at tila ba may gusto na namang gawin sa kanya ang binata na alam niyang oras na isagawa nito ay mahihirapan na naman siyang tanggihan.

"M-Matulog ka na," pagtataboy niya rito saka hinarap ang pagbubukas ng lock ng pinto. Pero dahil yata sa nerbiyos na nararamdaman niya ay hindi niya magawang ipasok sa susian 

Hindi ito sumagot at sa halip ay kinuha sa kamay niya ang susi at ito narin mismo ang nagbukas ng pintuan ng kaniyang cabin.

"Good night," si Jason nang makapasok siya.

Tumango si Jenny saka nginitian ang binata. "Sige, bukas nalang tayo magkita ulit," pagtataboy niya rito.

"Ibigay mo muna sa akin ang cellphone number mo," si Jason saka inilabas ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot nitong jacket.

Natawa ng mahina doon si Jenny saka kinuha ang cellphone na iniaabot sa kaniya ng binata para i-type doon ang cellphone number.

"Sige na, inaantok na talaga ako eh," aniyang hinawakan na ang knob at umakmang itutulak pasara ang pinto. 

"Okay," ani Jason. 

Nang makapasok sa loob ay naghilamos lang muna at nag-toothbrush si Jenny at tuluyan na siyang nahiga. 

Masaya siya dahil sa wakas nabawasan na ang bigat na dala-dala niya dahil sa pagkakaroon nila ng maayos na pag-uusap ni Jason. Pakiramdam nga niya nang mga sandaling iyon ay kasama naring naglaho sa puso niya ang sakit na ginawa sa kaniya ni Ryan.

O baka naman kaya ganito na ang nararamdaman niya ngayon ay dahil din sa katotohanan na mas minahal naman talaga niya si Jason kung ikukumpara kay Ryan.

At hindi rin niya maitatanggi na kaya hindi niya magawang ibigay kay Ryan ang sarili niya ay dahil sa katotohanang hindi parin niya lubusan nakakalimutan si Jason kahit matagal na panahon na ang lumipas.

Sa kaisipang iyon ay natigilan siya. 

Ano bang ipinagkaiba niya kay Ryan?

Siguro mayroon man pero maliit lang. Dahil alam niyang mismo sa sarili niya na hindi rin siya naging patas rito dahil may bahagi parin talaga sa puso niya ang nanatiling nagpapahalaga sa lahat ng pinagsamahan nila noon ni Jason.

*****

MULA sa pagkakatitig sa kisame ay nakangiting dinampot ni Jason ang kaniyang cellphone saka nagsimulang mag-type ng message doon para kay Jenny.

Alam niyang sinabi na nito kanina sa kaniya na inaantok na ito. Pero ang nararamdaman niyang kaligayahan ngayon ay walang pinagkaiba sa klase ng naramdaman niya noong maging sila ng dalaga sampung taon na ang nakalilipas.

Sweet dreams, see you tomorrow! Si Jason ito, please save my number. Thank you!

Aniya sa text.

Ilang sandali lang ang hinintay niya at excited niyang dinampot ang kaniyang cellphone para lang maluwang na mapangiti nang makitang galing kay Jenny ang message.

Okay, sweet dreams din. Nai-save ko na ang number mo. Mga six ng umaga ako lalabas bukas, kung sinasabi mong gusto mong sumama dapat matulog ka na para maaga kang magising.

Ang naging reply ni Jenny sa kanya.

Napangiti doon si Jason.

Kung may bagay na tila nagbago kay Jenny iyon ay natuto itong magtaray. Hindi kasi niya nakita sa dalaga ang side niyang ito noon kaya nakakaramdam siya ng amusement ngayon.

Okay, matulog ka na. Matutulog narin ako.

Aniyang minabuting huwag ng kulitin pa ang dalaga.

Ilang sandali pa at nanatili parin siyang gising. 

Katulad nga ng sinabi niya kanina, napakasaya niya. Ang totoo, masaya siya dahil mabilis na naibigay ang kailan lang ay hiniling niya sa mismong puntod ni Ara. Ang sana ay muli niyang makita si Jenny.

Hindi naman niya maitatanggi kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga. Mayroon parin talaga siyang feelings para rito at iyon ang dahilan kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang halikan at angkinin ito. Pero katulad alam din niya na may pinagdadaanan itong pagsubok ngayon. 

Baliw ba siya kung sakaling alukin niya si Jenny ng comfort sa paraan na alam niyang kaya niyang ibigay at makatutulong upang tuluyan nitong makalimutan ang lalaking iyon na tinawag nito sa pangalang Ryan?

Hindi ba siya magmumukhang nananamantala kahit ang totoo ay hindi naman nawala sa puso niya ang damdamin niya para rito at sa halip ay namahinga lang?

Iyon ang ngayon ay gusto niyang pag-isipan kung paano niya sisimulan.

Ngayong muli na niyang nakita si Jenny alam niyang malaking katangahan kung hahayaan niyang mawala itong muli sa kaniya.

Paano ba niya ito susuyuin sa paraan na parang hindi siya nagmamadali?

O mas mabuti kayang hayaan nalang niyang ang pagkakataon ang kumilos at magbigay ng clue sa kaniya kung ano ba ang dapat gawin?

Ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kanina ay hindi niya masasabing hindi na mauulit. Dahil kapag tinitingnan niya ito hindi niya mapigilan ang sarili niya. Gusto niya itong halikan at yakapin kagaya ng nagagawa niya noon. Gusto niya itong angkinin ang gawing kaniya, buong kaniya palagi.

Hindi niya alam kung ano na naman ba ang ginawa ni Jenny sa kaniya. Pero ang matinding pananabik na nararamdaman niya para sa dalaga ay hinding-hindi niya kahit na kailan maikakaila.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status