"ABA, maaga ah," si Jenny iyon nang puntahan niya ang dalaga sa cabin nito na tamang nakita niyang palabas narin.
"Syempre ba, ayoko yatang maiwan sa first date natin," sagot niyang inakbayan ang dalaga pero mabilis nitong tinabig ang braso niya.
Tumawa lang ng mahina doon si Jason saka sa humahangang sinuyod ng tingin si Jenny mula ulo hanggang paa. As usual dahil malamig sa Baguio at naka hoodie jacket ito na kulay pula, hapit na pantalong maong at rubber shoes.
"Oh, bakit ganyan kang makatingin?" halata man sa boses at tono ng pananalita ng dalaga ang matinding pagkailang dahil sa ginagawa niyang lantarang oberbasyon rito ay hindi parin siya nagpapigil.
"Wala, ang ganda mo parin kasi, at sexy pa," ginawa niyang mapanukso at makahulugan ang huling adjective na ginamit niya kaya na sa tingin naman niya ay nakuha ng dalaga ang ibig sabihin kaya mabilis itong pinamulahan ng mukha.
"Tumigil ka nga, ang aga-aga mo kung mang-asar," anito sa kaniya saka siya iniwan at sinimulan nang maglakad.
Sinundan niya ito nang ngiting-ngiti. "Tell me, hanggang kailan mo plan na mag-stay dito?" tanong niya nang naglalakad na sila.
"Two weeks ang plano ko, pero ang sabi ni Nanay pwede ko raw i-extend kung gusto ko," sagot ni Jenny.
Nagustuhan ni Jason ang narinig niyang iyon kaya hindi niya napigilan ang mahaluan ng katuwaan ang tono ng pananalita niya nang magsalita siya.
"Talaga? Kung ganoon bakit hindi mo nga i-extend. Ililibre ko nalang ang stay mo dito para makatipid ka, ako na ang magbabayad kay nanay," aniya pa.
May pagtataka sa mukha siyang tiningala ni Jenny. "Nanliligaw ka ba?"
Hindi niya inasahan ang tanong na iyon mula sa dalaga pero sa huli ay nagpasalamat narin siya na itinanong nito iyon sa kaniya.
"Upo muna tayo?" nang makalapit sa isang pamilyar na bench na dati na nilang inupuan ay minabuti ni Jason na yayaing maupo doon ang dalaga para narin makapag-usap sila ng mabuti.
"Okay," sang-ayon ni Jenny.
"Hindi ba pangarap mo ang Baguio?" tanong niya ilang sandali pagkatapos nilang maupo.
*****
SA tanong na iyon ni Jason ay humaplos sa puso ng dalaga ang hindi maipalawanag na kasiyahan na may halong kilig.
"Natatandaan mo pa pala ang tungkol doon?" aniyang sandaling nilingon si Jason at pagkatpos ay ibinalik ang pagkakatingala sa mga nakahilirang pine tress sa gilid ng kalsada.
"Wala namang kahit na anong tungkol sa iyo ang nakalimutan ko," sagot ni Jason sa kaniya.
Naramdaman ng dalaga ang katapatan sa sinabing iyon ng binata at kahit hindi niya aminin alam niyang kinilig siya dahil iyon ang damdaming gumuhit sa kaniyang puso. Pero dahil nga minsan na siyang nasaktan dahil sa nangyari sa kanila ng dating nobyo, although katulad ng sinabi niya kagabi ay napatawad na niya ito, kahit paano ay may kurot parin ng pag-aalangan sa puso niya para paniwalaan ang lahat ng sabihin nito.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko eh," iyon ang minabuti niyang isatinig sa halip.
"Alin iyong tanong mo sa akin kung nanliligaw ba ako?"
Tumango siya. "Oo," aniya.
"Kapag ba sinabi kong tayo nalang ulit, okay lang ba sa iyo iyon?" tanong-sagot sa kaniya ni Jason.
Nagulat si Jenny sa tanong na iyon sa kaniya ng binata. "A-Anong sinabi mo?"
"Tinatanong kita kung okay lang ba sa iyo na maging tayo nalang ulit?"
"Baliw ka ba Jason? Ten years na mula nung magkahiwalay tayo. Kung tutuusin estranghero na tayo ngayon sa isa't-isa," sagot niya rito.
Nagkibit lang ng balikat ang lalaki. "Okay, but I'll get you back," anito sa tono na parang siguradong-sigurado.
"Bahala ka, pero I'm warning you, hindi na ito magiging kasing dali nung dati. Hindi na ako bata ngayon, mas matalino na ako at mas matapang," aniyang tinawanan ang binata pagkatapos.
Umangat ang sulok ng labi ni Jason sa sinabi at ikinilos niyang iyon. Kaya naman hindi niya inakala ang sumunod nitong ginawa. Hinawakan nito ang batok niya saka siya mariing siniil ng halik.
"See?" nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya makalipas ang ilang sandali ay iyon ang sinabi nito sa kaniya sa pagitan ng paghahabol niya ng hininga.
"B-Bakit mo ginawa iyon?" tanong niyang hindi maitago ang matinding pamumula ng kaniyang mukha dahil sa ginawang biglaang paghalik sa kaniya ni Jason.
"Gusto ko lang patunayan sa iyo na kung sinasabi mong hindi magiging madali sa akin ang lahat well, ganoon din para sa iyo," anitong nanunukso pang pinadaanan ng hintuturo nito ang kaniyang mga labi.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong nito sa kaniya.
"Hindi magiging madali para sa iyo ang iwasan ako, kasi hindi mo kayang gawin iyon," bakas parin sa tono ng pananalita ni Jason na parang siguradong-sigurado ito sa lahat ng sinasabi nito at deep inside alam ni Jenny na totoo iyon.
Hindi naman talaga niya kayang iwasan si Jason pero hindi na niya kailangan pang ipaalam ang tungkol doon sa binata. Mas mabuti kung kahit papaano ay manghuhula naman ito o susubukan siya nitong basahin. Kahit alam niya na kabisado ni Jason kung paano siya mag-isip dahil kilalang-kilala siya nito mas pipiliin parin niyang iparanas naman sa lalaki kung paano malito at mag-alinlangan kahit minsan lang.
"Umuwi na nga tayo, nagugutom na ako eh. Saka anong oras pala darating ang si Mama Loida at Aling Malou?" naitanong niyang nagpatiuna na sa pagtayo.
Nagkibit ng mga balikat nito si Jason. "Baka before lunch nandito na sila. Gusto mo bang sa bahay mag-almusal o doon nalang?" anitong itinuro sa kaniya ang isang coffee shop.
Biglang nakaramdam ng pagkalam ng kaniyang sikmura si Jenny nang matapos masamyo ang masarap na aroma ng kape nang malapit na sila sa coffee shop.
"Dito nalang, bigla akong ginutom eh," aniyang tumawa pa ng mahina.
Nangingislap ang mga matang tumango lang si Jason saka na siya nito inakbayan at iginiya patungo sa pathway na maghahatid sa kanila sa kapihang iyon.
Masasabi ng dalaga na naging masaya naman ang breakfast na iyon kumpara sa dinner na pinagsaluhan rin nila kagabi na walang nagsasalita at puro tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapag. Pero ngayon, mas magaan ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa kahit kung tutuusin ay hindi rin naman maiwasang pag-usapan ang nakaraan dahil bahagi na nilang dalawa ang tungkol doon.
"I'm sorry to hear about that," si Jason na nagbuntong hininga pa pagkatapos niyang ipagtapat sa binata ang totoong dahilan kung bakit siya lumipat ng school matapos nilang mag-break.
"Hindi naman na ako talagang bumalik sa school noon maliban nalang nang mag-take ako ng exams. Dumanas kasi ako ng depression at iyon ang sinabi ni Nanay na dahilan sa mga teachers ko kaya pumayag silang bigyan ako ng special exams. Pero hindi narin umabot ang average ko sa maintaining grades na dapat ay mayroon ang isang full-scholar na kagaya ko kaya lumipat ako ng school. Sa isang state university ako nag-graduate of course as Magna Cum Laude," aniyang hindi napigilan ang mapangiti sa huling sinabi dahil sa nakita niyang pagkislap ng matinding paghanga para sa kaniya sa mga mata ng binata.
"I'm so proud of you, alam mo ba iyon. Kahit alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka nadapa, pinilit mo paring bumangon at nagawa mo. Natupad mo ang pangarap mo kahit nawala ako sa tabi mo," si Jason iyon sa tono na humihingi ng tawad.
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.