Share

CHAPTER 51 "SEX OR CHOCOLATE 3"

KAHIT yata ilang beses siyang halikan ni Jason, kahit kung tutuusin ay hindi iyon ang unang beses na gagawin nila ang ganoon, ang kakatwang kuryente na paulit-ulit na nanunulay sa bawat himaymay ng katawan niya ay para bang wala nang katapusan. Pakiramdam niya hindi na siya masasanay kahit dapat ay sanay na siya.

Nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya ay nagkaroon si Jenny ng pagkakataon para sumagap ng hangin. Pero sandali lang iyon dahil matapos suyurin ng binata ng tingin ang kanyang mukha ay muli rin naman nitong inangkin ang kaniyang mga labi. At siya, awtomatiko niyang tinugon ang mga iyon sa kaparehong paraan.

Ilang sandali lang at naramdaman narin ni Jenny ang pagsisimulang maglikot ng mga kamay ni Jason sa katawan niya. Una nitong sinakop ang mga dibdib niya bagaman hindi iyon pumaloob sa suot niyang damit ay napaungol parin ang dalaga.

Suot pa nga niya nang mga sandaling iyon ang kaniyang apron pero ramdam parin niya ang tila tumata

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status