Share

KABANATA 2

MY EYES were shut. Hindi alam kung bakit mabigat ang pakiramdam habang nakatingin kay Summer na walang malay na nakahiga sa kama.

Ang mga de-monitor na nakakabit sa katawan nito ay sunod-sunod na tumunog.

I don't know why I can't afford to left my back when I saw her condition...I need to do what Autumn wanted. I need to take care of Summer if that's the case.

"She looks like her. What do you think?"

I closed my eyes for a piece of mind.

Autumn.... Guide me for everything I should do. Hindi ko na alam ang gagawin pa sa kapatid mo. I need you now, honey. I need you here with me.

Ngunit alam ko. Hindi ka na kailanman babalik. Be my entrance and exit. Teach me to where I should put my foot in the right path.

Gumilid ako. Binalingan si Brent.

"Have you contacted Edavhel?"

"2 seconds. Nasa linya pa siya nang pinatayan ako. But I assure you. Konektado na kay Clint ang IP address nito."

"I'll be heading her home address now."

Tinungo ko ang life machine. Hindi sinadyang mapagawi ang tingin sa maamong mukha ni Summer na parang natutulog, but an unshed tears were on her cheeks.

Walang reaskyon na bumaba ang hintuturo ko upang pawiin ang mga 'yon.

"Your smile was a burden when you're not here in the hospital. I know you are strong. Keep fighting for your condition. I will do the rest Summer."

Bumaba ang tingin ko sa kaliwang pulso nito. Hindi mapigilan kung bakit namayani sa'kin ang kagustuhang hanapin ang amain nito sa kahit saang lupalop ng mundo.

He is the root cause of her condition now. He needs to suffer as to what he had cause to Summer.

Napatiim-bagang ako. Kasabay niyon ay ang pagkuyom ng kamao.

Sa mga sandaling iyon ay lumapit sa'kin si Brent. Hawak nito ang mini tab at inabot niya iyon sa'kin na kaagad ko ring tinanggap.

"CCTV. Binalak pala niyang lumabas na rito dahil nag-aalala siya na tataas ang bayarin. You know what Bard, if you are afraid to introduce yourself to Summer. You had your best option and that is Edavhel. Pero bakit biglaan pa yata ang pagsulpot mo sa kaganapan kagabi gayong tinawagan mo naman iyong si Edavhel para personal na matingnan ang kondisyon ni Summer sa bus stop?"

Inangat ko ang tingin sa kanya. "I promised to Autumn. Ako ang magpapatuloy sa hangarin niyang makasama ang kapatid."

Humalakhak ito. Ako naman ay nilampasan siya at umupo sa malayong distansya sa kama ni Summer.

Sumunod sa'kin si Brent.

"What do you mean by that Bard? Tama ba ang narinig ko kay Axe na kukupkupin mo nga ang kapatid ni Autumn?"

"If that's the case. Why wouldn't I?" Sagot ko. Hindi pa rin nakatingin sa kanya dahil sinimulan ko nang kalikutin ang mini tab.

"Damn! Bakit iba ang dating niyon sa'kin? Don't tell me you fall in love with Summer in that short period of time?"

Natigilan ako sa ginagawa. Inangat ang tingin kay Brent at nagtatagis ang bagang na tinitigan siya ng mariin.

Nakangiti man, alam ko na hilam iyon. Itinaas niya ang mga kamay at dahan-dahan ring umatras.

"OK. OK. Hindi na ako magsasalita pa. Continue what you are doing Bard. I will zip my mouth for a reason na baka makabulagta nalang ako rito."

"You're no fun Brent. Considering that you are my friend doesn't mean that you will voice out what you wanted to say. Kalalaki mong tao napakatsismoso mo."

Yumukod ito.

Nawalan ako ng gana na tingnan ang kaganapan sa mini tab kaya tumayo ako. Inabot sa kanya ang bagay na 'yon at tumalikod na.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon ko siya. "I will personally ask Edavhel kung ano ang sinabi niya kay Summer. I have a hunch, but was unsure."

"OK. I will get back to my post then."

"Better. Get lost now."

Bago ako umalis, sinigurado ko ang mga bodyguard na aali-aligid lang sa tapat ng ward ni Summer. I commanded them not to touch or even lay a single tip of fingers with her. I must find a way on how to converse with her comfortably, hindi iyong takot ang mamayani sa tuwing lalapit o naroon lang ako sa malayo at nagmamasid.

Axe is now routing the adopted father of Summer.

Ang kaso ni Autumn ay wala pa ring progress and Brent is also the one taking care of it dahil alam ko na labas-pasok siya sa kahit saang servers dahil may hidden organization ang isang iyon dahilan kung bakit hindi siya opisyales lang ng hukbo ko.

Kung hahayaan ko ang batas na siyang magmamanipula niyong kaso. Alam ko. Aabutin ako ng siyam-siyam kung iaasa ko sa kanila iyon.

The least thing I should do is to move the bottle and let the water inside it concede. Ako na ang bahalang tumapos sa kung anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon.

Kakalabas ko lang sa kotse nang makatanggap ng tawag. Nasa tapat na ako ng Gleeful pizza kaya pasimple kong tinapunan ng tingin ang cellphone at nakitang si Sid iyon.

I decided to come only in the store rather than Edavhel's residencial home.

I swiped the answer button before I heard Sid's howling voice.

"I received the code from the shipment of your order from Sicily my lord. Nasa system laboratory ako ngayon dahil kausap ko ang seller. Drugs are now in the inknown ferry."

"Good. Bago darating ang bapor. Alam mo na ang gagawin mo."

"Yes my Lord."

Pinatay ko ang tawag pagkatapos marinig ang mabilis na pagtipa ni Sid sa keyboard.

Tiningnan ko muna ang placard na nakapwesto sa glass door ng establisyemento. Kapagkuwan ay umiling ako.

Gleeful pizza. A food store where Summer founds a second home.

Tumuloy ako. Diretso ang tingin sa counter.

"Gleeful pizza walk ins and delivery, how may I help you ?"

Nakayuko si Edavhel at kung may anong tiningnan sa cellphone nito. Ikinurus ko ang mga braso, nanatiling nakatayo sa pwesto.

Napansin siguro nito ang paninitig kung kaya't nag-angat ito sa'kin nang tingin.

Napaatras si Edavhel ng makita ako. Nanlaki ang mga mata.

"M-Mr. D-d—De La Haye..."

"Yeah."

Ngali-ngali itong kumuha ng upuan at itinapat sa'king harap. Bahagya pa itong natapilok ngunit deadma lang rito ang nangyari.

"Have a seat Mr. De La Haye." Bumaba ang tingin ko sa monoblock chair... pagkatapos ay umangat ulit ang tingin sa kanya.

"I want to talk to you personally. Doon tayo sa rooftop nitong store mo." Lumunok ito bago dahan-dahang tumango.

Nauna akong naglakad. Nakasunod naman ito sa'kin. Natigilan pa ang isang crew na babae ng makita ako at base sa nasagap kong impormasyon, Hanna ang pangalan ng babaeng kasamahan ni Summer.

Tinanguan ko 'to, but she still having a jaw dropped kaya nagpatuloy ako sa itaas.

Ako na rin mismo ang bumukas sa pinto. Nagpresenta pa si Edavhel pero nagawa ko nang itabi iyon.

Pinili ko ang upuan sa tapat ng maliit na puno ng guyabano. Sumunod sa'kin si Edavhel at umupo sa harapan ko.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Mr. De La Haye?"

"I'll get straight to the point," idinantay ko ang kaliwang paa sa kanan at ikinurus rin ang braso. "What did you say to Summer after you left in the hospital?"

Napansin ko na agad ang pagakabalisa nito kaya bumuntong-hininga ako. "My CCTV caught you and Summer talking inside the ward, but your voices wasn't clear due with its distance."

She can't look at me straight in the eye. Kitang-kita ko rin ang pangingitim ng pisngi nito.

"We had a deal. You will never tell her unless I say so, you failed. Alam mo na ang magagawa ko dahil nasa kasunduan natin 'yon."

Yumuko ito. "I'm sorry. I can't afford to just look at her assuming that I'm really the one giving her the biggest payment..." Pahayag nito.

Tumunghay ako. Itinuko ang siko sa lamesa. "And you are aware with the consequences, Edavhel. I can do that here without a witness."

Inangat nito ang tingin sa'kin. Takot ang namayani sa mga mata at bahagyang nanginginig.

"S-si—sino ka nga bang talaga Mr. D-De La Haye?"

Umangat ang sulok ng labi ko. "I am someone you wished not to know." I smirked.

"I-I can't believe it. I am dealing with a professional beast."

"Yeah. And you're the one who willingly give in and soon would vanish."

Umawang ang labi nito. Maya-maya pa ay kumalampag ang upuan dahil sa biglaan nitong pagluhod. "N-no! N-no please. M-maawa ka sa'kin Mr. De La Haye! May asawa at anak ako. Please, please. Have mercy on me."

"I'll give you a chance and this time, promise me you wouldn't fail me."

"A-ano iyon? Gagawin ko lahat." Sabi nito. Nakayuko pa rin ang ulo sa semento. "Allow Summer to live with me."

Nag-angat siya ng tingin. Gulat ang naroon sa mukha nito at namataan ko pa ang hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ko.

"I know you have a soft heart for her, but I know deep inside you, you wanted to get a hold on her. Ang tanging rason mo lang kung bakit hinahayaan mong manatili si Summer sa apartment niya ay dahil sa patong-patong niyang utang na hindi niya nabayaran sa apartment na pagmamay-ari mo."

Magsasalita sana si Edavhel ngunit hindi ko siya hinayaan roon.

"Another thing. I already did a background check and soon discovered that you only let her live in the apartment you owned it's because she has a big help in your Gleeful pizza. Masipag siya kaya marami ang perang nakukuha mo sa pamamagitan ng mga delivery niya."

"Mr. De La Haye...."

"I'll give you another half million and in return, you will allow Summer to live with me." Naglabas ako ng makapal na pera sa suot na business suit at inilapag iyon sa lamesa.

She was hesitant to accept at first, but soon accepted it and place the money behind her.

"S-shes all yours now, but p-please....distance yourself away from her. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang mapalapit sa lalaki pero—"

"I know everything about her. You don't have to worry. Kalkulado ko na lahat sa kanya."

Hindi ito makapaniwalang tinitigan ako at napakurap-kurap. Kapagkuwan ay tumayo ako at nagpaalam na. Pero bago iyon, naglabas pa ako ng kontrata na nagpapatunay na wala na siyang karapatan kay Summer dahil bayad na ito sa utang ng mahigit ilang taon.

She thanked me many times at tango lang ang naging tugon ko sa kanya.

Mula sa Gleeful pizza. Diretso akong tumungo sa clubhouse.

Clubhouse kung saan hindi uso ang batas. Hideout iyon ng mga may kutsara sa bibig at isa iyong makasalanang establisyemento na isa rin sa naging comfort ko ng mamatay si Autumn.

Tinawagan ko ang naiwan roon sa hospital. Nagising na si Summer at gustong makita 'raw ako. I know she have many questions, but it's not the time.

Pansamantala ko nalang inobserbahan ang bawat galaw niya sa CCTV dito sa loob ng sasakyan na konektado roon sa Ospital.

She was distant. Silent.

Alam ko na nilalabanan niya ang kondisyon at iyon ang labis na ikinamangha ko sa kanya.

Nang makababa ay pumasok na ako sa clubhouse. Tinanguan ako ng bouncer bago inalis ang harang sa entrance. Diretso ang pasok ko sa silid na sadya kasabay ng pagpailanlang ng malakas na tugtog na animoy nasa discobar.

Namataan ko pa ang mga babae na may kaakbay na lalaki subalit hindi ko na binigyang pansin pa iyon.

Si Sid ang sumalubong sa'kin nang lumiko na ako.

"The drugs was in the room 24. Clint and Axe is now talking with the buyer my lord."

"OK. Wala bang kahina-hinala sa galaw ng taong iyon?"

"For now wala pa. But I can say, nakikiramdam lang siya sa paligid na parang ayaw mabulilyaso."

Dumistansya si Sid at iminuwestra ang kamay sa madilim ngunit nakaka-attract na hallway.

Nagpaalam na rin siya at sinabing sa sasakyan nalang maghintay.

Tumango ako. Binigyan siya ng permiso na makaalis ng ginawa ko na ang senyales.

Tumuloy ako sa paglalakad. Ramdam ko na ang kagustuhang makaharap ang buyer kung kaya't nang makarating ako ay hinanap ko agad ang presenya ng taong iyon.

"Mr. De La Haye!"

"Cedric Ortega." Sabi ko. Humakbang palapit at nakipagkamayan rito. Clint and Axe was in the right side and were alerted.

Kapagkuwan ay umupo ako. Nakasunod ang tingin ni Cedric sa'kin.

Sid gave me the buyers name kaya'y madali lang na organisahin ang pagkakakilanlan nito.

"The money was already sent in your bank account. I came here for the drugs. 400 package safe and sound."

Ngumiti ako. "all was in your hand Mr. Ortega. You can have them."

Iminuwestra ko ang kamay paharap. Halata sa mukha nito ang galak. Nakangisi na inginudngod ang mukha sa lamesa na parang nauulol na aso.

"My Boss will really like this Mr. De La Haye."

Tumaas ang kanang kilay ko at binalingan si Clint. Tumango naman ito. Nakuha kaagad ang gusto kong iparating.

"Who's your boss Mr. Ortega?"

Ngising aso itong nag-angat sa'kin ng tingin at maya-maya ay nag-angat ng isang pakete at binaklas ang loob niyon sabay s****p gamit ang ilong.

Umiling ako.

I have nothing to do with this man. Muli kong binalingan si Clint, and Axe was right behind Mr. Ortega, already pointing the gun.

"You will soon meet him Mr. De La Haye."

Humalakhak ito. Tumayo at nag-abot ng tutter sa gilid.

Bahagya kong inangat ang kamay. Senyales iyon kay Axe na huwag ituloy ang pagkalabit ng gatilyo.

"Busy pa si Boss. Ayaw makipagkita sa kahit na sinong drug dealer kagaya mo dahil baka mabulilyaso. He is somewhat hidden, but was an evil one when it comes on his deeds."

"I see. Send my regards to your boss. Tell him I say hi."

Humalakhak ito. "Walang problema. Makakarating iyan Mr. De La Haye." Tumango ako. Dismayadong tumayo at nilisan na ang silid na iyon.

Akala ko ay abot-kamay ko na ang taong hinahangad kong makita. Hindi pa rin pala.

Nakasunod sa'kin sina Axe at Clint. Siyang dating ni Brent na napaatras pa ng makita ang paglabas namin sa room 24.

"Tapos na?"

"Yeah."

"Kumanta ba?"

"Kagaya noong una. Hindi pa rin."

Mapakla itong natawa at maya-maya ay umiling.

Nakaalis na sina Axe at Clint at si Brent na naman ang panay bigay sa'kin ng impormasyon.

"Summer wanted to see you."

"I'm heading to the hospital now. How's her? Sa sasakyan ko lang napagmasdan siya kanina at hindi ko na alam ang kasunod."

"Hurry then you will know. Aalis na ako."

Gayunpaman, mabilis akong narating ang Ospital. Nasa tapat na ako ng ward ng hinarang ako ng isa sa mga bodyguard.

"Summer. I'm afraid the events will come up with your confusion sir. She was different like the last time she woke up. She was quite now and...a distant one."

"Not a problem. I can handle her maybe."

Nag-aalangan ito. Naroon sa mukha ang pangamba.

"She is somewhat scary and gaves us—"

"—stay back and allow me."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito. Tumuloy ako.

Summer was leaning on the corner. Nakayuko ang ulo na nakasiksik sa magkabilang tuhod.

Nurses was all around and trying to get her attention, but was failed. Binalingan ko sila. Sinensyasan na lumabas na muna.

This is the reality Summer should face. Mangyayaring mananatili ang madilim na alaalang iyon kung patuloy siya na makipagkondena sa eksena na palaging bumabagabag sa kanya.

Sumara ang pinto. Isang palatandaan na dalawa nalang kami dito sa loob. Walang naging reaksyon si Summer. Ganoon pa rin siya sa kanyang posisyon.

Walang tunog na lumapit ako. Pinili na maupo sa dulo ng kama na kung saan malayo sa kanya.

I can't help myself, but to feel pity on her. Ito lang ang tanging magagawa ko para hindi na siya babangungutin sa nakaraan na gusto niya nang makalimot.

Indeed, it was Autumn's dream. It was my honey's dream after all.

"Summer..."

Nagawa kong kuhanin ang kanyang atensyon. Nag-angat siya nang tingin at naroon sa reaksyon ang luha niya ngunit nakangiti.

Tinitigan ako. Sinuri ang kabuuan ko. It was there and then that she continues to cry, but nothing was heard a sob.

"You can do whatever you wanted to do to me now papa. Pagod na akong magtago." Ngumiti ito ulit. Naroon sa mukha niya ang pag-aatubili bago muling iniyuko ang ulo at doon ay rinig ko na ang kanyang paghikbi.

Suminghap ako.

Dahan-dahan sa kanya na lumapit. Mukhang wala na siyang pakialam kung ano ang gagawin ko dahil hindi man lang ito nag-aalangan na tapunan ako ng tingin.

"Summer..." Tinapik ko siya sa balikat. Wala siyang naging aksyon. Nasa harap niya na ako at nagbabakasakaling maagapan ang kanyang kondisyon.

"Summer...p-please look at me." No response.

Bumaba ang tingin ko sa pulsohan niya. Unti-unti nang naghihilom iyong mga sugat ngunit alam ko, nanatili pa rin ang alaalang iyon para sa kanya.

Hindi ko inaasahan ang pag-angat niya nang tingin. Nagkatinginan kami. Kumunot ang noo nito na parang inaalala kung saan nga ba niya nakita ako.

Unti-unting nag-iba ang mga mata niya. Mula sa takot ay nauwi iyon sa dahan-dahang pagkalma.

Iyan nga Summer. You don't have to feel scared with me.

"I-ikaw si—"

"Bard Mignus De La Haye. Nandito ako para...." Ipagpatuloy ang nasimulan ng kapatid mo.

Gusto ko sanang idagdag iyon subalit naumid ang dila ko. "....tulungan ka na iwaglit ang takot mo. I came here to help."

Tumango ito. Naroon pa rin sa pisngi ang mga luha na hindi natutuyo. Nabagabag ako roon kaya....

"Can I...can I shed the tears in..." Itinuro ko ang pisngi niya. Tumango naman siya.

Nang ilapat ko ang daliri roon ay ramdam ko ang panginginig niya. Ipinikit niya ang mga mata. Kita ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa hospital gown.

Isang patunay na nilalabanan niya ang takot kaya hinawakan ko siya sa kamay.

Napaigtad siya.

"N-no! No! Papa please stop!" Ipinikit niya ang mga mata ng mariin.

"Shh! Ako ito. Hindi kita—"

"Papa! M-maawa ka." Muling umagos ang mga luha niya roon.

Ramdam ko ang kanyang takot nang humigpit ang hawak ko sa kamay niya. I shouldn't give up. Ginusto ko 'to kaya paninindigan ko na.

"I am Bard De La Haye. And not your stupid father, Summer."

"Bard..."

"Yeah. That's it. I'm Bard."

"Bard..."

Lihim akong ngumiti. Pilit niyang itinatak sa isip na ako ang kaharap at hindi ang hangal niyang amain.

Binalingan ko ang mga nurse. Hindi ko muna papapasukin dahil mukhang tagumpay ang ginawa kong operasyon sa kondisyon ni Summer ngayon. Muli kong binalingan siya.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang mulat niya nang mga mata. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Summer was different than earlier.

Ang kulay ng mga mata niya ay bahagya ring nag-iba. Naroon ang kagustuhan niyang....

"Knife... knife. Please give me a knife."

Umiling ako. "you don't need that one." Bumaba ang tingin ko sa kamay na namumuti na ngayon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. "Labanan mo Summer. You can use me as your shield. Knife is just a—"

Nanlaki ang mga mata ko. Ngumiti siya. Tumayo at kasunod ay malakas na tinulak ako dahilan kung bakit bahagya akong napaatras.

She was strong as fuck. Hindi ko na napigilan ang mga nurse ng makapasok sa ward.

Muli siyang nag-wild. Hawak siya ngayon ng mga ito at wala na akong nagawa pa nang muling itinurok ang sedation sa kanang balikat niya.

Kumalma naman siya. Kita ko pa ang pagpikit ng mga mata niya habang nakatitig sa'kin bago dahan-dahang ipinikit iyon at muli...sa mga bisig ko siya bumagsak.

"Ready her bed. She needs to take a rest."

Utos ko bago bumaba ang tingin sa payapang mukha ni Summer na natutulog nang mahimbing.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status