Share

Caged By The Mafia Boss
Caged By The Mafia Boss
Author: Black_Angel20

KABANATA 1

"TALAGA BANG kaya mong i-deliver lahat ng iyan Summer? Isang clubhouse ang pagdadalhan mo ng mga ito at imposibleng matagumpay mong madala ang mga ito roon."

Makailang beses akong ngumiti bilang assurance.

"Kaya ko nga po ma'am. Wala naman akong hindi magagawa dahil malakas ako."

Bumuntong-hininga ito. Bumaba ang tingin sa kaliwang braso ko. "You will stay. Si Hanna na ang bahalang mag-deliver niyan ngayon."

"Pero ma'am. Ako po kasi ang—"

"Please Summer. Umuwi ka na lang sa apartment mo. And please, don't make yourself falling again in your desire to slit your wrist. I am begging you."

Ngumiti ako ulit. "I can't tell pero susubukan ko."

"You should. I know you can and you will. I don't know your reasons why you did that countless, but I am expecting for tomorrow that you will wake up in your bed and not in the hospital."

Gumilid ito at nag-abot ng pera sa may counter. "Here. That was enough. Alam ko na malaki ang ambag mo dito sa Gleeful pizza kaya bibigyan kita ng malaking sahod dahil deserved mo 'to."

Bumaba ang tingin ko sa inabot nitong malapad na tig-iisang libo.

Umiling ako. Pumorma ng ekis ang magkabilang palad. Bahagya ring umatras. "I can't accept that ma'am. Sobra-sobra na iyan. Ang tatanggapin ko lang ay iyong pinaghirapan kong pagtrabahuan."

Umasim ang mukha nito at inabot ang magkabilang kamay ko. "Huwag mong tanggihan ang grasya Summer. Marami na rin ang pagagamitan mo ng pera na 'to kaya sige na. Dalhin mo na 'to para makauwi ka na rin."

Bumuntong-hininga ako. Inangat ang tingin kay ma'am Edavhel pero nawala na siya sa paningin ko.

Maraming beses nang binibigyan ako ni madame ng ganito kalaking halaga. Makailang beses ko rin siyang tinanggihan ngunit hayagan rin siyang umiling-iling at nagpupumilit na tanggapin ko iyon.

Hawak ko ang slingbag at kagaya noong mga nakaraan, tiningala ko ang maraming bituin sa kalangitan habang nakaupo sa shed para maghintay ng masakyan.

Laman ng bag ang pera na hindi ko alam kung ilan ang halaga.

Ipinikit ko ang mga mata. Ngumiti. Kung nandito lang si ate ay sigurado ako na komportable ako dahil kasama ko siya. She was my comforter, my protector and my parents above all.

I missed her, but I don't know kung nasaan na siya ngayon.

"Excuse me miss. Patabi ha?"

Iminulat ko ang mga mata. Ibinaling sa tagiliran at ganoon na lang tumaas ang balahibo ko ng makita ang lalaki sa tabi ko. Nakangiti ito. At pakiramdam ko anumang oras ay may gagawin siya sa'kin na hindi ko magugustuhan.

Mabilis akong nanginig. Sunod-sunod rin na napakurap-kurap. Nanlalamig ang buo kong katawan at umaandar na naman ang kagustuhan na saktan ang sarili dahil nakikita ko si papa na hinahawakan ako sa maselang bahagi.

"M-miss, H-hey! A-anong nangyari—"

"Knife."

"Ha, a-no?"

"I want a knife. Please give me a knife." Nangangatal ang labi ko. Nalasahan ko na rin ang dugo sa labi sa pagpipigil na hindi masaktan ang sarili.

Nangako ako kay ma'am Edavhel. Hangga't maaari ay susubukan ko ngunit mahirap dahil nananaig ang kagustuhan ko na hiwain ang pulsohan ngayon.

Tumayo ang lalaki. Takot ang namayani sa mukha nito kasunod ay ang pagtakbo. I was left alone in the bus stop na ganoon pa rin. Pikit ko ang mga mata, until I heard a voice calling my name.

"Summer! Summer! Hold-up. Dadalhin kita ngayon sa ospital. Diyos ko!"

Pikit-mulat. Rinig ko ang malakas na sirena ng ambulansya at ang boses ng mga tao na gusto akong makarga.

I managed myself to stand up, but my body felt numb and immobile. My eyes were opened, but I only sees a dark view.

Ano ang nangyayari sa'kin?

"Summer! You will be fine." Boses pa rin iyon ni ma'am Edavhel and for some reason, I am confident that no man will ever touched me dahil nandito siya.

Na hindi niya ako iiwan sa ganitong sitwasyon dahil alam ko na nag-aalala siya. I treated her like my ate too. Who will never fail me to feel that I am safe.

"Allow me." Naalarma ako ng marinig ang magaspang na baritono, at malamig na boses ng lalaki.

Hindi ko alam kung sino siya o kung ano ang sadya niya pero nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kanang kamay ko ay sunod-sunod na akong nahihirapan sa paghinga.

"You are killing Summer, Mr. De La Haye. Remove your hands away from her—"

"She's having an anxiety. This way, just by holding her hand. She will be fine."

"N-no. She's having a difficulties in breathing kaya paanong—"

"Nurse. Put your air tube top in her mouth." Ramdam ko ang paghigpit nang hawak niya sa kamay ko. Kasunod niyon ay ang pagsarado na nang pinto.

Shit! Hindi ko na narinig ang boses ni ma'am Edavhel kaya mas lalo akong nagha-hyperventilate.

"You're fine. You are fine Summer." Ang nangungusap na boses nito kasunod ay ang mabilis na pagtakbo ng ambulansya. . .

"Sedate her. Para kumalma."

"Pero Mr. De La Haye. Walang utos mula sa doctor na i-sedate siya dahil hindi naman—"

"I am a doctor specialist too. Kaya alam ko kung ano ang ginagawa ko."

"Mr. De La Haye. Maaaring magkaroon ng aftershock ang katawan niya dahil—"

"Sedate her. She needs it now!"

Wala na akong naramdaman kasunod at unti-unti na ring humihina ang katawan ko. My hands were in a dead motion and my body felt numb. Ramdam ko ang luha na umaagos mula sa mga mata ko kasunod niyon ay wala na akong naalala. My eyes then shut up!

——————————————————————————————————————————

I woke up feeling dead and was already lying in the coffin. Hindi ko maigalaw ang mga kamay. Kahit ang katawan.

Gusto kong buksan ang mga mata ngunit hindi ko naman magawa.

I smiled. Sa wakas ay makapagpahinga na rin ako sa masalimoot na nakaraan.

"How's her?"

Kumunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang boses na iyon.

Tumunog ang pintuan bilang senyales na dahan-dahan itong bumukas. Muli, ramdam ko na naman ang mga kamay na gumagapang mula sa binti ko pataas sa maselang bahagi ng katawan ko.

Gusto kong sumigaw. Alam ko na si papa iyon.

"You did your part to sedate her Mr. De La Haye. Malaki ang tulong niyon sa pagwa-wild niya dahil bahagyang kumalma siya."

"And the findings?"

"Depression and anxiety. Trauma ang dahilan kung bakit nakuha niya ang mga iyon. I did to call up the attention of her previous doctors and...we have the same result. Nandito na rin sa'kin ang kanyang mga record. Kukunin mo ba?"

"Yes. I need to study about her condition. Dahil ba iyon sa ginawa ng adopted father niya kaya. . . Iyon ang naging resulta?"

"Unfortunately, yes. People who suffered in the hand of abusive people ay dalawa lang ang patutunguhan. And Summer for some reason was beyond blessed among the 10 percent of woman. She can manage her anxiety, but I have one findings that maybe you will distance yourself from her. Ma-ti-trigger kasi niyon ang kondisyon niya kung may lalaki na...lumalapit at humahawak sa kahit saang bahagi ng katawan niya."

"I see. I can do that, but it's not certain."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niyong doctor na babae.

"Just do what she needs for now. Anyway, kung may kailangan ka. I am in my room dahil aasikasuhin ko pa ang mga papeles ni Summer."

"Yeah. Thank you Dra. Rodrigo."

"Anytime Mr. De La Haye."

Muling bumukas ang pinto at lumalagutok ang takong ng kung sino at ang mga yabag na unti-unting lumalayo.

Akala ko ay patay na ako. Nakakapanghinayang dahil nabuhay pa rin pala.

Mapakla akong natawa. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko nang buksan ang mga mata. Tahimik ang paligid. Walang kahit na anong katibayan na may lalaki sa loob nitong ward na hinihigaan ko.

Dahan-dahan akong bumangon. Unti-unting tinanggal ang nakakabit na mga de-monitor sa magkabilang kamay ko.

My body felt weak. Maingat akong umupo sa kama nang matagumpay na natanggal ang mga iyon. Bumaba ang tingin ko sa suot na hospital gown. Suminghap ako nang kahit sa suot ay nagawa pa akong asikasuhin ng mga ito.

Tagumpay akong nakalabas sa ward. Kaswal akong naglakad ngunit nahinto nang may humawak sa balikat ko.

Literal na bumalik ang panginginig ko dahil sa paraan ng paghawak ng kung sino.

"I'm sorry miss Summer, but you are not allowed to go outside na walang pahintulot mula kay Mr. De La Haye."

"W-who is he?" Mahina ang boses ko kasabay ng paglingon ko sa lalaki na hindi pamilyar sa paningin ko.

Balot na balot ang suot nito na kulay itim.

Nanlaki ang kanyang mga mata, na tila ba ay may naalala bago siya dumistansya at yumukod. Inalis rin niya sa balikat ko ang kamay na para bang nakahawak ng nagbabagang apoy. "I'm sorry miss Summer. Forgive me. But you are not really allowed to leave. May meeting pa si Mr. De La Haye kaya hindi ka niya maaasikaso sa ngayon."

"Summer!" Hilam ang mata, lumagpas sa likuran ng lalaki ang tingin ko nang makita si ma'am Edavhel na nanakbong lumapit sa kinaroroonan ko.

Tinitigan nito ang lalaki ng makalapit na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata bago tumango iyong huli at iniwanan na kami.

Something was wrong. Pansin ko na may kakaiba sa tingin ni ma'am Edavhel roon sa lalaki.

Napasandal ako sa dingding ng makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Nagtawag si ma'am Edavhel ng mga nurse pero lahat ay purong babae. I am scared that men would touch me like my father does.

"Who told you to go outside? Hindi ka pa gaanong gumagaling Summer. Dapat ka ring malapatan ng ikalawang lunas para riyan sa pulsohan mo."

Nakahiga na naman ako sa kama sa loob ng ward. Nurses were busy examining my body with a special treatment.

Walang lakas na hinawakan ko ang kamay ni ma'am Edavhel. Bumaling siya sa'kin na may pag-aalala.

"I need to get out dahil wala akong pambayad kung mananatili pa ako rito."

Pagod ako na ngumiti.

"Huwag mong ipakita ang ngiting iyan sa'kin kung may dinaramdam ka man Summer. You don't have to worry about the bill. Bayad ka na kahit mag-iisang taon ka pa rito."

Dismayado akong umiling.

"Ayaw kong magkaroon ng malaking utang na loob sa ipinakita mong kabaitan sa'kin ma'am Edavhel. Alam ko na hindi sapat ang pera nang Gleeful pizza par—"

"Wala akong sinabi na sa'kin nanggaling ang pera para sa pagpapaospital mo rito. Higit pa roon..." Natigilan siya sa pagsasalita at hindi na ako magawang tingnan sa mata. "Patawarin sana ako ni Mr. De La Haye pero hindi ko na kayang kimkimin pa ang lihim na matagal ko nang tinatago sa'yo Summer."

"M-Mr. De La Haye?" Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya ng mariin.

Iyon rin ang apilyedo na binanggit niyong nakaitim na lalaki bago umalis nang dumating ng biglaan si ma'am Edavhel.

"Oo. Siya ang businessman na lumapit sa'kin isang araw at inalok ako ng malaking pera kapalit niyon ay ang pagpasahod ko sa iyo ng malaking halaga na galing rin mismo sa kanya. I was hesitant at first, but he pushed me to do so."

"Wala siyang binanggit na rason kung bakit at basta nalang siyang naglapag ng kalahating milyon sa harapan ko kapalit ng gusto niyang mangyari. I am sorry. Tao lang rin ako at may pangangailangan rin. But believe me, nag-aalala pa rin ako kahit na wala kang sinabi tungkol sa kondisyon mo."

"Patawarin mo sana ako Summer. Iniisip ko lang rin ang kapakanan mo. Siya mismo ang tumawag sa'kin kagabi tungkol sa nangyaring iyon sa bus stop. Hindi ko na siya nakita ng pumarito ako ngayong umaga subalit alam ko. Magdamag kang binabantayan ni Mr. De La Haye upang personal na matingnan ang kondisyon mo."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi alam kung bakit dismayado ako sa ibinunyag niya ngayon.

Dahil ba ay masyado akong umasa na hindi niya ako bibiguin?

Ewan pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo.

"S-Summer. I'm sorry." Hinarap ko siya. Nginitian. "You don't have to say sorry ma'am Edavhel. Alam ko na pera ang kapalit sa kabaitang ipinakita mo—"

"N-no. No! Summer please." Hinaplos nito ang pisngi ko at inangat ang tingin. Doon ay nagkatitigan kami. Hindi ko mawari kung bakit kusa nalang umagos ang mga luha ko sa pisngi.

"Oh God Summer...."

Niyakap ako ni ma'am Edavhel. H******n rin nito ang tuktok ng ulo ko dahilan kung bakit lalo akong humagulhol.

She became my sister. Aside kay Autumn at kay mother superior at sa lahat ng Madre roon sa kumbento.

Hindi ko maitanggi na dismayado ako. People sorrounds me aren't acting just to feel me safe. Alam ko na lahat sila ay sinsero pero ang malaman mula kay ma'am Edavhel ang totoo.

Hindi ko alam kung bakit lalo akong nakaramdam ng lungkot.

Hindi nagtagal si ma'am Edavhel at nagpaalam na siyang aalis. Hindi ko siya pinigilan kahit na gusto ko pang nandito siya para may lakas ako na harapin iyong si Mr. De La Haye.

Subalit, dumating na lang ang hapon ay hindi ko pa rin nakasalamuha ang lalaki.

I need to talk to him personally para na rin magpasalamat sa ginawa niyang iyon kahit hindi naman ako kilala.

Binalingan ko ang lalaki na kanina pa nakatayo na parang robot sa gilid ng pintuan. Pinigilan ko ang sarili na hindi aatake ang kondisyon ko. Ngunit nadagdagan pa ito lalo ng may tatlo pa ang pumasok sa loob.

Wala akong ideya kung ano ang mayroon pero napapansin ko ang maliit na bagay na nakasiksik sa tainga ng mga ito at nagsasalita ng mag-isa na para bang may usapan na naganap sa pamamagitan ng bagay na 'yon.

Umahon ako sa kama. Hawak ang pulso dahil hindi ko na mapigilan ang balak na gilitin na naman ang sarili para dumanak ang dugo.

My desire to slit my wrist worsen lalo na nang hinawakan ako ng isang lalaki kasabay ng pagtawag nito sa tainga na nakapaloob na maliit na bagay roon.

I became more attentive to hurt myself bago bumukas ang pinto at pumasok roon ang lalaki na walang reaskyon. His eyes were scary. Halata ang awtoridad at parang kasalanan na yata kung aangat ang sulok ng labi nito para sa pagngiti.

Diretso ang tingin nito sa'kin bago sinensyasan ang mga doctor na nasa likuran nito para lapitan ako.

"Summer..." Iminuwestra nito ang kamay. Natigilan ang mga doctor sa paghakbang.

"Take her on easy." Siya ang dahan-dahan na lumapit. Unti-unti akong umatras. Hindi alam kung bakit mas lalo akong nakaramdam ng takot ng makita ang mukha nito na walang reaksyon.

"I mean no harm. Come here."

Sunod-sunod na ang mabilis kong paghinga. Sapo ko ang dibdib at tila ba ay nakikita ko si papa sa pamamagitan ng katauhan nito.

Nasapo ko ang magkabilang tainga. Nagsisisigaw at dumadausdos paibaba.

"Stop touching me papa. Stop touching me!"

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. Pagod na sa ginagawang kababuyan ng amain at ang pangmomolestiya nito sa'kin.

I felt dirty. I feel like I am fit in the trash bin.

"Summer..."

All in pieces seems blurry to me. Naramdaman ko nalang ang pagkarga ng malamyos na bisig pagkatapos kong maramdaman ang sakit sa kanan kong balikat. Hapdi na rin ang kasunod bago dahan-dahan akong humimlay sa bisig nito.

"I'm sorry. This is for your own sake. Sleep and you are allowed to take a rest Summer."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status