Share

KABANATA 3

MADILIM ang paligid. Wala akong naaninag na kahit ano. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng madilim na kwarto.

Hinakbang ko ang mga paa.

Bumaba ang tingin ko roon kasabay ng pagsulpot ng boses ni papa ay bahagyang nasindak ako.

Nagpalinga-linga.

Takot ang gumupo sa kabuuan ng muling pumailanlang ang boses nito.

"Summer anak...halika!"

Gusto kong sumigaw subalit walang boses ang lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko alam kung saan rin ako papatungo sapagkat laman ng buong paligid ang kadiliman na wala akong alam kung saan ito hahantong.

Napalingon ako nang maramdaman ang presenya ng tao sa likod.

"P-papa..."

"Yes, my dear Summer." Namutawi ang demonyong halakhak nito sa kabuuan kasabay ng paghaklit nito sa'kin at diretsong niyakap ako ng mahigpit.

I shouted with all my might, but no words came out.

Napahikbi ako. Nagmakaawa kay papa. Nanlaban at bahagyang tinulak siya subalit nagawa nitong ihiga ako sa magaspang na kama.

Bumaba ang kamay nito sa binti ko dahilan kung bakit mas lalo akong nagpupumiglas...

Tears were streaming down on my cheeks.

"Papa t-ta-tama na. Maawa ka!"

Ngunit hindi ito nagpatinag. Tumaas pa ang kamay nito at eksaktong tatapat sa maselang bahagi ng katawan ko ay nagawa ko siyang itulak at patirin. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa'kin at sinakal ako ng mahigpit sa leeg.

"Die bitch. Marumi kang babae! Mamatay ka na."

....It was the same scenario that I woke up holding my own neck. Kabado. Humihingal ako na parang nanggaling sa isang paligsahan at pawis na pawis ang buo kong katawan.

"It was a dream. Oo. Panaginip lang Summer. Panaginip lang."

Napalunok ako. Bumangon sa malambot na kama at ramdam ko pa ang mga kamay ni papa na sinasakal ako sa leeg.

Pinahiran ko ang mga luha. Bahagya ko ring inangat ang palad upang ramdamin iyon.

Tumayo ako. Tinungo ang salamin ngunit nagtaka nang makita ang malapad na closet sa kanang bahagi ng kwarto ko.

Kinabahan ako ng sunod-sunod kasabay ng paggala ko ng tingin. Doon ko lang napagtanto na wala ako sa loob ng sarili kong compound dahil nagkulay krema ang kabuuan.

Nasaan ako kung ganoon?

"Good thing you're awake."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Nakatayo roon ang lalaki na familiar sa akin ang mukha pero hindi ko matanto kung saan ko nga ba siya nakita.

Napaatras ako. Bumaba naman ang tingin nito sa pulsohan ko kaya ipinwesto ko iyon sa likuran.

Humakbang ito papasok. Isinarado ang pinto at doon ay uminit bigla ang pakiramdam ko. Sunod-sunod na rin ang aking paghinga na parang kinakapos ng hangin.

Umakto siyang lalapit ngunit natigilan na parang may biglang maalala.

"You can use the air tube if you feel like suffocating Summer." Lumipat ang tingin ko sa itinuro nitong nakakabit na air tube. Inabot ko 'yon. Diretsong isinalampak sa bibig ko.

"Sit." Utos nito.

Dahan-dahan na dumausdos ang katawan ko sa dulo ng kama. Siya naman ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina sa magkabilang sulok.

Tumambad sa'kin ang sinag ng haring araw.

Doon ay nakumpirma ko. Wala ako sa apartment na inuukupa ko. Wala ako sa poder ni ma'am Edavhel sa puntong ito.

"I have a meeting to attend to at pinuntahan kita kaagad dito ng nagkamalay ka na. You're free to roam around. You are in my house. I have a personal butler and his name is Sid..."

"Uhh..."

Mariin siyang tinitigan ako.

"I hired two women personally for you para kung may kailangan ka ay sila kaagad ang matawag mo. Sid is here always in the house. And I know you are not in good terms with men."

"And you is-"

"I am an exception. I am here to help you cope everything what you wished to vanished for. I can do that without a trace."

"W-who are you?"

Tumabingi ang ulo nito. Supladong iniwas ang tingin at hindi sinagot ang tanong ko. "I meant what I said Summer. I am here to help you."

"You indeed know m-me."

Muli siyang tumingin sa'kin. "Walang bagay na hindi ko alam tungkol sa'yo." Ngumiti ito. Ngunit alam ko na hindi sensero iyon.

"Gotta go. Tawagin mo lang sina Mennie at Claire kung may kailangan ka." Bumaba ang tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa.

Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niyang iyon kaya umatras pa ako ngunit bumuntong-hininga siya.

"You're scared. That's not new. Mennie and Claire was right behind when you tried to converse with them."

Yumuko ako. Normal na ang hininga kaya inilapag ko sa kama ang air tube na hawak ko kanina.

"I-I want to go back to where I came-"

"I won't let you. I'm sorry Summer."

Kumunot ang noo ko. Kanina pa siya panay banggit sa pangalan ko ngunit wala naman akong alam maging pangalan niya.

"Call me Bard." Sabi niya. Parang nabasa kung anuman ang nasa isip ko.

Ngumiti siya ulit bago tumalikod na.

"Mawawala ako ng ilang araw. Sina Sid, Mennie at Claire lang ang kasama mo dito nang-"

"S-stay."

Nakabulsa ang magkabilang kamay niya nang humarap sa'kin ulit. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-angat ng kaliwang kilay nito.

Sa reaksyon niyang iyon ay nagmukha siyang supladong professor.

"Give me a valid reason why I should stay."

Lumunok ako. Iniyuko ang ulo. "I...I am typically managing myself having a conversation with you even if I am a little bit hesitant because you are one of...my father's the same sex and," umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin ng walang reaksyon kaya yumuko ako ulit at nagpatuloy sa pagsasalita. "I...I think you are a good man, but I won't stick to my perceptions because maybe I am wrong with my assumptions later."

Tahimik ang paligid kaya napagpasyahan ko na i-angat ang tingin.

Bard was looking at me like I am an unexpected creature in his front.

Kapagkuwan ay kumurap ito.

"You are typically correct with your assumptions Summer." Nag-iwas siya ng tingin. "OK then, I'll stay."

Gusto ko sanang magtanong kung bakit ganoon nalang kadali ang pagpayag niya subalit nakalabas na siya sa kwarto.

Awang ang labi ay napakurap-kurap ako. Hindi mapigilan kung bakit bigla akong kinabahan.

Sinubukan kong tawagan si ma'am Edavhel nang tuluyan ng nawala si Bard sa paningin ko.

Nakahinga ako ng maluwag sa pag-aakalang naiwala ko ang cellphone subalit nakita ko ito na nakapatong sa side table sa gilid ng kama, but she cannot be reached.

Nagtaka ako. Noon naman kapag tatawag ako ay sasagutin kaagad ni ma'am Edavhel ang cellphone kaya naninibago ako.

Lumabas ako sa silid na 'yon. Halos malula sa nagmamahaling chandelier na nakakabit sa itaas. Vases were like a standee dahil taglay nito ang taas.

There were animals, a naked woman and a glow of vines na kumorba ng hugis puso.

The walls are perfectly sculptured with a fine trees. And the house was in a hype motion because it was mix with a dynamic and light colors.

"Go downstairs. We were having a breakfast."

Tumabingi ang ulo ko. Nakita si Bard na nakatayo ilang metro ang layo sa kinatatayuan ko. Nakabulsa pa rin ang kamay niya na nakatingin sa kung ano ang kaganapan sa baba. Kumunot ang noo ko kasabay ng paglingon niya sa pinanggalingan ko.

"Or...you should change your clothes before proceeding in the kitchen. You're only wearing a night dress."

Sabay iwas nito nang tingin at pumasok sa kwarto na nasa tabi lang ng inuukupa ko. Malakas ang pagkasarado niya niyon kaya napaigtad ako.

Bumalik ako sa loob ng silid ng may maraming tanong.

Bard know me too well. How does it happened?

Halatang alam na alam nito ang pagkatao ko dahil palagi siyang nagsasalita ng panapos.

And Bard was a little bit....scary and...he is somewhat strict the way he talk and the features of his face accompanied with a blank expression.

Parang kasalanan pa kung ngingiti kahit isang beses lang.

Isinandal ko ang likuran sa hamba ng pintuan. Subalit napatalon sa sobrang gulat nang malakas na tumunog ang cellphone ko.

Napatili pa ng makitang nasa kamay ko lang iyon.

Tiningnan ko ang tumawag. It was unregistered number. Sa pag-aakalang tawag iyon mula sa customer ng Gleeful pizza ay sinagot ko iyon ng walang alinlangan.

Sasabihan ko lang dapat na on leave ako ngunit nang marinig ang boses sa kabilang linya ay parang humina yata ang pandinig ko.

"Your clothes was already inside the closet. This is your home now. So everything inside the room was yours, even the room itself. This is Bard by the way, and if you accused me that I am the one placing your things in the closet, don't worry. I assigned Mennie and Claire to put them on when you were asleep."

S-should I say thank you?

Sinanay ko pa ang sarili kung paano sabihin iyon ngunit pinatayan ako nito.

Kagat ko ang labi kahit ng nasa hapag na kami pareho. Tahimik siyang kumakain subalit maya't-maya ay iaangat ko ang tingin para sana tanungin kung bakit nandito ako sa pamamahay niya.

The food taste good ngunit kataka-taka na wala akong gana na kumain ngayon.

Sa muli kong pag-angat ng tingin ay muntik ko nang mailuwa ang kinain nang makita si Bard na titig na titig sa'kin.

Sa paraan ng ng paninitig nito ay parang may nagawang kasalanan ako na hindi ko naman mawari kung ano.

Napalunok ako. Nginitian siya ngunit hindi pa rin nagbago ang reaksyon niya.

"What's wrong Summer?"

Napalunok ako ulit. Bahagya pang nabilaukan ng maramdaman ang pagkain sa lalamunan ko na hindi pa pala lubusang nanguya.

Ako ang kausap niya kaya sasagutin ko ba?

Sa muling pagkakataon ay nginitian ko siya ulit. "W-wala naman."

Umismid siya. Halatang hindi sang-ayon sa sagot ko.

"Does the food tastes bad?" Iniwas niya ang tingin at tinawag si Mennie na kaagad namang sumulpot at nginitian ako.

"Place one mechado for Summer and make sure it was halal certified."

Awang ang labi ko at napakurap-kurap na nakatingin kay Bard.

H-halal certified? Wala ba siyang tiwala sa karne na niluto ng cook niya?

Magsasalita na sana ako ng muli siyang bumaling sa'kin at nakaalis na rin si Mennie.

"Yes Summer, Do you have anything to add on?"

Umiling ako. "Y-you have a very uncommon thoughts for your servants here. Ganoon ka ba talaga kung pagkain ang pag-uusapan?"

Itinuko nito ang siko sa lamesa. Wala pa ring reaksyon. "Definitely not. It is for you. I should be extra careful."

"B-Bakit?"

"I just want too."

"May rason ka. Alam ko 'yon. Even my arrival here remains unknown to me. Paano ako napunta dito gayong ang huling ala-alala ko ay naroon pa ako sa Ospital?"

Hindi siya nagsalita bagkus ay nilapag ang hawak na kubyertos at pinong pinahiran ang mga labi gamit ang table napkin.

"It's good that you converse with me normally now. That's an achievement Summer." Tumayo na siya. Napasunod ang tingin ko sa kanya.

"I will wait for you in the lounge. Isasama kita sa opisina ko."

Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi rin makapaniwala na nagawa niyang ibahin ang topic ng ganoon kadali.

"A-ano ang gagawin ko roon? Akala ko ba ay hindi ka-"

Nilingon niya ako. "I will train you to interact people in my company. You can talk to me now, so maybe it's time for you to go out in the shell and start something new for your bigger beginning."

Kagaya ng palaging routine nito ay iniwanan niya ako sa lamesa. Nailapag na rin ni Mennie ang mechado sa lamesa at totoong gumana ang kain ko dahil paborito ko ang inutos ni Bard na inihain nito.

Pagkatapos kong kumain ay totoong naghintay nga siya sa may lounge. Lalampasan ko lang sana at sa labas ang tungo ngunit kinuha niya ang atensyon ko.

"I changed my mind. I know you aren't that fascinated with men. Dito ka na lang sa bahay Summer."

Nilingon ko siya.

"P-pwede bang pumunta ako sa Gleeful pizza-"

"No. Mananatili ka rito dahil aalis ako." Yumuko ako.

Parang kaswal na nga talaga kaming magkakilala at normal na rin akong makipag-usap sa kanya.

Given the fact that this is my first time interacting with men at ngayon ko lang naramdaman ang salitang... komportable sa isang lalaki, hindi ko rin maitatangging kaunti nalang ang takot ko na nakikipag-usap sa kanya.

Ang katotohanan na hindi niya ako hinahawakan ay iyon siguro ang rason.

Tumayo siya ngunit umupo ulit. Gumalaw rin ang bagang niya bago nagsalita.

"Magpalit ka ng damit sa itaas. Ihahatid kita paroon pero hindi ka magtatagal. Tatawag ako maya't-maya para masiguro na sumunod ka sa kondisyon ko."

Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Nagtatalon akong humakbang paakyat at nilingon si Bard ulit na nakaangat ang tingin sa'kin na parang sinasabi sa isip na napakababaw naman yata ng kasiyahan ko.

Ngunit walang nakapigil sa tuwa na naramdaman ko. Huminto ako sa paghakbang sa hagdanan at hinarap siya ulit.

"Thank you Mr. Masungit."

Tumabingi ang ulo niya. Namilog ang mga mata. Hindi pa sapat ay kumunot ang noo ngunit hindi naman nagsalita.

Kapagkuwan ay iminuwestra niya ang kamay paakyat.

Senyales na gusto niya na akong humakbang para makaalis na kami.

Patapos na ako sa pagbibihis nang pumasok siya sa loob. Nakabulsa ang mga kamay at nakakunot ang noo.

"I'm sorry for barging in, but somehow I received a call. It is an emergency kaya...hindi matutuloy ang punta mo roon kay Edavhel."

"H-ha? Paanong hindi matutuloy. Pum-"

"I did, but it was an emergency Summer. Don't be a hardheaded. Para rin ito sa kapakanan mo. Stay in the house for now dahil ako ang aalis. Mennie, Claire and Sid will be your guardian for awhile."

Dismayado akong tumango. Nag-aalangan rin siya nang tumalikod at parang nagdadalawang-isip na iwanan ako.

Gayunpaman, tumuloy siya sa paglabas.

Wala akong ideya kung bakit pabago-bago ang kanyang desisyon. Hindi ko na rin inalam pa dahil isang salita lang naman mayroon si Bard.

Hanggang sa nakaalis nga siya ay bagsak ang balikat ko na pinagmasdan ang kanyang sasakyan na umaandar palayo.

Nilibang ko nalang ang sarili sa paglalaro ng mga online games sa phone at nang ma-bored ay sinubukan ko na namang tawagan si ma'am Edavhel ngunit cannot be reached pa rin ito.

Then I realized, I have Hanna's number. Isang ring palang ay sinagot na kaagad niya ang tawag.

"Summer, please just call again when I reach at the hospital. It is an emergency-toot! Toot!"

Kumunot ang noo ko.

Mayroong bumabagabag sa'kin at kung paano katakot ang boses ni Hanna ay ganoon rin ako ka-desidido na tawagan siya ulit. But like ma'am Edavhel's number, hindi na rin ito makontak.

Todo na ang pagtahip ng dibdib ko. Hindi alam kung saan nanggaling iyon, and what I only know is that... something was off.

"Si Bard..."

Sinubukan kong tawagan siya. Sinagot niya iyon agad.

"Bard-"

"I'll be the one to call you kapag natapos na ako dito. This is a serious matter Summer." Kagaya ng palagi niyang ginagawa, ay pinatayan niya kaagad ako.

Anong mayroon sa araw na ito at lahat pa yata ng tao ay ayaw maistorbo ng mga tawag ko?

Something was really going on.

Lumabas ako sa kwarto. Hinanap si Mennie ngunit ang nakita ko ay si Claire.

"Ma'am Summer." Lumapit siya sa'kin. "Are you planning to go out?"

"Yes. Pwede mo ba akong samahan?"

Nagdadalawang isip siya. "I think it's the day that I gonna pull off the strings." Sabi nito.

"Ha?" Nginitian niya lang ako. Hinawakan ako sa braso kaya bumaba ang tingin ko roon. "Let's go ma'am Summer."

Hinatak niya ako palabas ng bahay ni Bard.

Mukhang excited pa siya sa'kin na makalabas ng bahay kaya for some reason, I am certain that Bard won't get mad at me dahil kasama ko naman si Claire.

"Saan ang punta niyo ni ma'am Summer, Claire?"

Salubong ni Sid. I don't know what he really looks like, but because Bard mentioned to me that he has a butler, ito na marahil ang lalaking nagngangalang Sid.

"Gusto ni ma'am Summer na lumabas." Sagot ni Claire. Lumipat ang tingin ni Sid sa'kin bago tumango.

"Go on ma'am Summer. No one would dare to touch you because you are with Claire. She's good in..." Tumikhim siya. Hindi tinuloy ang sasabihin at ngumiti nalang.

Mabilis kaming nakarating sa garahe. Akala ko ay magtataxi kami, but Claire went to pick up the Cadillac and excitedly opened the door for me.

"H-hindi ba magagalit si...Bard?" Tanong ko. Ang tinutukoy ay ang sasakyan ni Bard na gagamitin namin para sa lakad na 'to.

"Trust me ma'am Summer. He won't get mad."

"OK." Dahil gusto ko nang makaalis kami ay pumasok na ako sa loob.

Mabilis ang kanyang pagmamaneho. Itinuro ko sa kanya kung saan kami patungo at narating nga namin ang Gleeful pizza store.

Nagtaka ako kung bakit mayroong police line at marami ring nakapaligid na mga tao na tila ay nakiusyuso.

Bumaba ako nang maiparada na ni Claire ang sasakyan. Nakasunod siya sa'kin ngunit nang makita ang mga kalalakihan sa malayo ay napaatras ako. Bahagyang nanginginig subalit hinawakan ni Claire ang balikat ko.

"Allow me Ma'am Summer. Stay back if you're fear grown up. Dito ka na lang sa may sasakyan."

Tumango ako. Lumapit siya sa kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Nakita ko ang kanyang pagtapik sa balikat niyong lalaki at nagsimula na silang magkaroon ng usapan.

Nang makabalik si Claire ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kinutuban. Lalo na nang ibinunyag niya sa'kin ang dahilan kung bakit maraming mga police ang nagkalat dito sa harapan ng Gleeful pizza.

"There was a shoot out and Edavhel Montoya brought in the hospital dahil siya 'raw ang maraming tama. The one I am asking for added, that Edavhel can't make it. Marami 'raw kasi ang tama ng baril."

Diyos ko!

Si ma'am Edavhel!

Bahagyang nanginig ang tuhod ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Claire at hindi inaasahan na mapagawi ang tingin sa mga police na may hawak na lalaking gwardiyado sa magkabilang gilid.

Nagkatinginan kami ng lalaki. Wala siyang reaksyon na iniwas ang tingin sa'kin at mukhang sariling kagustuhan na sumama sa mga uniformed personnel dahil hindi man lang nito pinatunayan ang kainosentihan bilang katibayan.

Walang iba kundi si Bard.

Sapo ko ang dibdib. Nagsisimula na namang nanikikip iyon.

Bago isinarado ang bintana ng police patrol ay sumulyap pa siya sa'kin. Nawala lang ang interaksyon ng tinginan namin nang umusad na ang sasakyan paalis.

"Don't worry to sir Bard, ma'am Summer. Hindi siya ma-de-detain. Nagkataon lang siguro na siya ang huling may interaksyon kay Edavhel kaya ganoon." Pangungumbinsi ni Claire subalit hindi ko na naman mapigilan ang maraming tanong sa isip.

...why would the police brought Bard in the precinct?

Part of me sinks in that maybe...he was the culprit of the shoot out? Pero paanong nangyari iyon? Bard was in the house at segundo lang ang dumaan ay umalis na ito.

"G-God! S-si Bard ba ang pumatay kay ma'am Edavhel?"

Iyon ang tanong ko sa isip na dala ko pa rin hanggang sa makauwi na kami.

Claire was silent at nang marating namin ang bahay ni Bard ay wala itong salita na lumabas sa sasakyan at diretso ang tungo papasok sa kabahayan.

Sumunod ako. Nakasalubong ko si Sid at mukhang may lakad rin ito dahil sa suot nitong damit.

Tiningnan niya lang ako bago nilampasan at ginamit ang Cadillac na siyang ginamit rin namin ni Claire, sabay hatak ng kotse palabas sa matayog na gate.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status