แชร์

Chapter Three

ผู้เขียน: BlackAddict_17
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-07-03 00:35:39

“Ilagay mo lahat ng pera dito, bilisan mo!” 

Walang ibang tao ang 7/11 kaya hindi makahingi ng tulong si Ate na nasa counter, at kung may tao man ay malabo rin syang matulungan dahil gigil na nakatutok ang baril ng lalaki sa kanya. 

Halata sa lalaki na sinumang hahadlang sa gusto nyang mangyari ay papuputukan nya ng walang pagdadalawang isip. 

“Opo.” Nanginginig na kinuha ng babae ang bag na inaabot ng lalaking may bitbit na baril. 

Mula dito sa glass door ay nakahalukipkip ako habang pinag-mamasdan sila. 

“Bilis!” Inip na sigaw ng lalaki sa kanya. Halos mapatalon sa gulat ang babae dahil sa takot. 

Nagtama ang paningin namin ng lalaki nang ilibot nito ang paningin. 

“Ikaw! Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?” Maangas nyang tanong sa tonong nangsisindak. 

“Masama ba?” Inosenteng tanong ko pabalik. 

Nakita ko ang pagrehistro ng galit sa kaniyang muka. Tinutok nya ang baril sa pwesto ko 'di kalayuan sa kanya. 

“Gusto mo bang pasabugin ko 'yang bungo mo? Umalis ka rito kung ayaw mong mamatay ng maaga!” sumisigaw na utos nya habang pinanlalakihan ako ng mata. Kulang na lang ay maglabasan ang kanyang ugat sa ulo at leeg. 

Bahagya akong natawa sa sinabi nya. 

“Putris! Pinagtatawanan mo ba ako?!” Malakas nyang inihampas ang kanyang kaliwang kamay sa counter. 

Napatalon sa gulat si Ate na naglalagay ng pera sa bag. 

“Ganyan ka ba trumato ng mga babae manong? Napaka gentleman!” sarcastic kong sabi at bahagya pang napapalakpak. 

Nagsalubong ang kilay nya. Nasobrahan sa sama ang timpla ng muka nya. Walang pag-aalinlangan nitong kinalabit ang gatilyo ng baril at pinaputok sa glass door, nakalikha iyon ng ingay.

Tumili ang babae at napaiyak na sa labis na takot. Tinignan ko ang glass door na ngayon ay may maliit nang bilog na butas galing sa bala ng baril. 

“Woah! Easy manong.” Natatawa kong baling sa kanya.

Marahas nyang hinablot ang bag na inaabot ni Ate counter sa kanya, nandon na ang mga pera. Galit na galit syang lumapit sa akin at itinutok sa noo ko ang baril. 

“Ikaw putang ina ka! Pakialamera-” Hindi pa man din sya natatapos sa pagsasalita ay mabilis ko nang naagaw ang baril sa kanya. Nasa ere pa rin ang kamay nya at gulat na gulat sa ginawa ko. 

“P-pano-” Ngumisi ako at sa kanya naman itinutok ang baril. 

“Ano nga 'yong sinasabi mo?” Natatawa kong tanong, nang-iinis. 

Binaling ko ang mata ko kay Ate na nasa counter. “Ate tumawag ka na ng pulis,” utos ko rito.

Tumango ito at nagmadaling nagdial. binalingan ko ulit ng tingin si manong. Sinubukan nyang agawin sa kamay ko ang baril at dahil mabait ako ay pinagbigyan ko na. 

Ngiting tagumpay sya nang makuha nya ito mula sa kamay ko. 

“Ano ngayon bata?” Ngiting demonyo ang pinakawalan nito.

Nasabi ko bang kanina ko pa natanggal ang mask nya nang hindi nya namamalayan? 

“H-hello, Police station?” 

“Isang salita pa, basag 'yang bungo mo.” Banta ni manong. 

“Magsalita ka,” utos ko sa kanya na walang pag-aalinlangan nyang sinunod. 

“Aba't!” Muli nyang kinalabit ang gatilyo ng baril pero walang nangyari, inulit nya pa pero walang lumabas na bala. 

Tumingin sya sa akin ng nakakunot ang noo, nagtataka.

Hanggang sa may marealize sya at tinignan ang parte kung saan nakalagay ang magazine na pinaglalagyanan ng bala. 

Nanlalaki ang mata nya nang itinaas ko ang magazine ng baril, ngumiti ako ng malapad. Ngayon, sino ang mas mautak? 

Hirap syang napalunok at akmang tatakbo na palabas nang sikuhin ko sya sa batok. Nainis pa ako dahil ang hina lang non pero knock out agad sya, tsk! Ni hindi man lang ako pinagpawisan. 

Nahagip ng paningin ko ang dalawang kambal at si instik na papalapit dito sa 7/11 nang kunin ko ang bag, malamang nakarinig sila ng putok ng baril. Alam na siguro nila ang nangyari. Pero duda pa rin ako dahil slow sila. 

Tapos nang makipag usap sa pulis si Ate at sinabi nya'y parating na raw ang mga ito. Binigay ko ang bag sa kanya, hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sya. 

“Salamat talaga!” Tuyo na ang luha sa pisngi nya tanda na katatapos lang nya sa pag iyak. 

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Bumukas ang glass door at iniluwa nito ang tatlong kasama ko. 

“Halla! Ano'ng nangyari?” Pa-hysterical na tanong ni Almira. 

Sabi ko na nga ba. Napatampal na lang ako sa noo. 

“OMO! okay ka lang ba Sky? May masakit ba sa 'yo? May tama ka ba ng baril?” O.a na tanong ni Allison at inexamine pa ang katawan ko. 

“Ikaw kita tumba lalaki 'di ba? Sky okay, eto lalaki hindi.” Pabalang na sagot ni Kio sa kanya, inirapan nya lang ito. 

“Si Sky pa ba? Ang galing galing kaya nya!” masiglang sabi ni Almira. 

“What to do? Tumawag na tayo ng pulis!” Sinimulan ni Allison ang pagdidial. 

“Okay na, nakatawag na si Ate.”

“Hintayin na lang natin na dumating, baka magising 'tong hunghang na lalaking 'to,” sabi ko. 

Ilang minuto lang kaming naghintay dahil dumating kaagad ang mga pulis. Si Ate ang sumagot sa halos lahat ng tanong nila kaya nakaalis agad kami, binigay ko lang ang magazine ng baril at tumuloy na kami sa bahay. 

Alas seis y media na pala, sumikat na ang araw. Buti na lang ay naka-uwi na kami. 

“Grabe! Nakakapagod talaga!” Reklamo ni Almira. 

“Oo nga eh, at nakakagutom pa.” Dugtong ni Allison. 

Lumabas si Alfredo galing sa pinto ng bahay, naabutan nyang nakahiga sa bermuda ang tatlo habang ako ay nakaupo naman. 

“Ano'ng ulam nyo, 'Tay?” Biglang tanong ni Allison, natawa si Alfredo. 

Sanay na ako sa kanila, mga matatakaw. Dito sila minsan kumakain kapag tinatamad na silang umuwi sa kani-kanilang bahay. 

“Tuyo at itlog,” ani Alfredo. 

Agad nagsibangunan ang tatlong halimaw sa pagkain at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay. Sabi nila ay paborito na raw nila 'yong ulamin simula nang makatikim sila. Kahit alam ko namang lahat ay paborito nila. 

“Kumain na muna tayo,” sabi ni Alfredo kaya tumayo na rin ako at sabay na kaming pumasok sa bahay. 

“Dahan dahan.” Natatawang pigil ni Alfredo sa tatlo nang makitang halos punong puno na ng pagkain ang mga bibig nila, pero kahit ganoon ay subo pa rin sila ng subo. 

“Grabe! Sa tanang buhay ko hindi ko pa naranasang maging halimaw ng ganito,” umiiling na sabi ko. 

“Sure kayo? laki talaga kayo sa yaman?” Natatawang tanong ko pa. 

Nilunok muna ni Allison ang nginunguya nya bago sumagot ng natatawa. “Oo naman!” 

“Nahurt ako sa tanong mo Sky ah,” pabirong sabi ni Almira. 

Umiling na lang ako at sumubo ulit. Kapag kumakain kami ng sama-sama dito sa bahay ay palihim ko na lang silang tinatawanan. Paano ba naman kasi, mala-halimaw ngang kumain si Kio pero sosyal, naka chopsticks nyang isinubo ang kalahating tuyo, habang ang dalawang kambal ay naka kutsara at tinidor. Kaming dalawa ni Alfredo ay naka kamay. Sabi nila ay hindi sila marunong magkamay kaya kami na ang magpasensya. 

Sabay naming inilabas ni Alfredo ang kanina pa naming pinipigilang tawa. Halos mabilaukan na kasi kami dahil sa pagpipigil kaya minabuti naming ilabas na. 

“Bakit kayo tawa?” Kunot noong tanong ni Kio.

Parehas kaming umiling-iling ni Alfredo at nagwagayway ng kamay, meaning ‘wag nila kaming pansinin at ipagpatuloy lang nila ang pagkain. 

“Nakuu! Hayaan mo sila, tinatawanan na naman tayo.” Irap ni Almira at pinagpatuloy ang pagkain. 

Seryoso ko silang tinuturuan ngayon, hindi ako ngumingiti at hindi ako nagpapakita ng awa. Pinapanood lang kami ni Alfredo habang may hithit na sigarilyo at tumutungga ng beer. Naka-upo sya sa gilid ng pintuan. 

Matapos naming kumain kanina ay saglit lang kaming nagpahinga dahil magpapatuloy na kami sa pag-eensayo. Hindi ko na sila pinagpalit dahil pagpapawisan naman ulit sila at ganon din ako para patas kaming apat. 

“Kio, 10 push ups, Now!” ma-awtoridad kong utos. 

Walang imik nya itong sinunod dahil alam nyang kapag nagreklamo sya ay dadagdagan ko pa ng sampo. 

Kanina pa sila hinang-hina dahil sa mga inu-utos at pina-gagawa ko. Ganon talaga dahil parte ito lahat ng training. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking likod habang naglalakad-lakad at pinag mamasdan ang kanilang ginagawa. Kung may mali ba at kung may kulang sa itinuro ko. 

Ilang oras na kaming paulit-ulit sa mga ginagawa at tingin ko naman ay nakukuha na nila ang iba, konting training pa at makukuha na rin nila ang lahat ng mga itinuturo ko. Ito lang pala ang makakapag pahusay sa kanila, ang pagiging istrikto sa pagtuturo tulad ng ginawa ni Alfredo sa akin dati habang sinasanay ako. 

Hinihingal sila nang matapos ang mga pinagawa ko, napahiga silang tatlo sa bermuda. 

“Now.” Tumapat ako sa kanila at tinignan sila isa isa. 

“Allison, Fight me. Ngayon mo i-apply ang lahat ng natutunan mo sa akin.” Blangko ang mukang pinakawalan ko habang nakatitig sa kanya. 

Tumayo sya at sinunod ang utos ko. Agad nyang pinuwesto ang kanyang sarili. Kalmado lang ang muka ko habang naghihintay ng kanyang atake. Both of her fists are hardly balled. Sumugod sya at ginawa ang lahat ng itinuro ko, puro ilag lang ang ginawa ko hanggang sa patigilin ko na sya. 

“Good job,” nakangiti kong sabi. 

Konting ensayo pa at mas gagaling din sila.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Call Me SKY   Chapter 35

    Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi

  • Call Me SKY   Chapter 34

    Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n

  • Call Me SKY   Chapter 33

    "Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He

  • Call Me SKY   Chapter 32

    After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so

  • Call Me SKY   Chapter 31

    "Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak

  • Call Me SKY   Chapter 30

    Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status