Share

Chapter 16.3

CHAPTER 16.3

Naiwang nakaawang ang bibig ni Gian. Iyon tuloy tinawid ni Lyle ang distansya sa pagitan nila, inabot ang baba ng binata upang tulungan itong muling itikom ang bibig. Noong una, wala namang extreme na reaksyon ang binata, pero noong mapagtantong mga daliri ni Lyle ang nasa baba nito, halos mapaigtad ito mula sa kinauupuan!

Maging si Lyle, nagulat at natigilan!

"'Wag mo 'kong gugulatin, Lyle!" Natataranta nitong sabi bago itago ang sarili sa ilalim ng lamesa. Nakasilip pa rin naman ang kalahati ng mukha ni Gian pero nakatulala si Lyle dahil sa itsura nito. He can also clearly see how pink Gian's cheeks are.

Napakurap-kurap siya. "Pasensya na, 'di ko naman inasahang tatalon ka nalang bigla sa kinauupuan mo."

"Ah! Na— nagulat kasi ako!" Sa pagkakataong ito, buong mukha na ni Gian noon ang nakalabas mula sa lamesa dahil abala ito sa pag-aalibi.

Katunayan, nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanya, sa telebisyon, at sa pagkain

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status