Lake's POV Nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Millow na abala na sa kusina. Napa-buntonghininga ako. Ito ang pinakamahirap na katangian ko; ang magpakumbaba ng totoo para masubukan ko kung ano ang buhay na sinasabi ng mga kapatid ko pati na ni Fernando. Lalo na ang doktor na humahawak sa'kin para sa isang councelling. "I realize I was harsh in earlier years, but my childhood has turned me into a monster, Millow. I couldn't be a normal person, and I struggle with trust throughout my life." Hindi kumibo ang babae nang magpaliwanag ako. "Pinuntahan ko si Emily para matapos na ang lahat sa'min. Siya ang nag-aruga sa'kin at kay Marthy, malaki rin ang utang na loob—" "Shut up!" hiyaw ni Millow nang bigla itong humarap. "Mommy?" naiiyak na tawag ni Sadiya kaya bigla na lang nag-iba ang expression ng babae nang umupo ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "I'm sorry, Sadiya, not feeling well lang si Mommy. Nay!" Tawag nito sa ina na agad namang sumulpot para kunin ang mga bata kaya
Lake's POV "Ba't ba ang suplado mo kay Millow, bro?" napapailing na tanong ni Lander. Nagtagis ang bagang ko. Ang kulit kasi ng babaeng iyon kahit pa tinutulak ko na siya palayo. Ngayong bumalik na ang alaala ko, itutuloy ko ang plano ko. Muli kong kukunin ang lahat ng nawala sa'kin. Hayop na Selene 'yon! Magbabayad ang babaeng iyon. Dahil sa kanya kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. "Kung hindi lang kita napigilan, baka nabaril mo na si Selene." Napasandig sa railings ng yate si Lander nang sabihin ito. "Hey, may anak na kayo ni Millow, ba't ba inaayos mo pa 'yang divorce? Your wife is a good woman, saksi ako na naging mabuti siyang tao nang mawala ka. Ayaw ko rin sa kanya no'ng una pero kalaunan, boto na'ko same with Leighton, he loves Millow." Tama si Lander, muntikan ko nang mapatay si Selene sa entrapment operation na ginawa namin kasama ang mga kapulisan. Namataan na ang ginamit na mga bangka ng grupo nito kaya naging alerto kami. May balak talaga akong bumalik ng Manila
Millow's POV Magdadalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago kay Lake. Napakailap pa rin nito sa'kin. "Pwede ba? Nakairita ka na!" singhal nito nang.bigla akong yumakap habang nakatalikod siya. Natulog sa kabilang kwarto ang lalaki kaya sinundan ko siya. "Sinabi ko na sa'yo ang gusto ko pero pinipilit mo'kong makisama pa sa'yo." Nasaktan ako kaya napakalas ako ng yakap. Kalayaan ang hinihiling ng lalaki pero ayokong pumayag dahil buo na ulit ang pamilya namin. "Anak natin sina Sadiya at Marthy, kailangan nila ng buong pamilya." Emosyonal kong saad nang titigan ko ang likod niya. Lumabas din sa DNA result na ako ang ina ni Sadiya. Naging buo na ang pagkatao ko kaya lumalaban akong maibalik ang dating pagmamahal ni Lake. Ang problema lang, sadyang magaling magtago si Selene kaya hindi pa siya nahuhuli. "Tigilan mo na'ko, Millow," yamot na pakiusap ng lalaki nang makita akong akmang maghuhubad na. "Ilang beses mo nang sinusubukan na may mangyari sa'tin, 'di ka
Millow's POV Parang panaginip lang ang lahat dahil ang akala ko, hindi na muli pang mabubuo ang pamilya ko pero heto kami, kasama si Lake at ang dalawang bata. Hindi pa naman lumalabas ang DNA results namin ni Sadiya pero ako ang tumayong ina niya habang iniimbestigahan ang kasong isinampa kay Selene. "Gusto ko sa baba, Millow." Palag ni Lake nang madala na ito sa taas pero mas pinili nitong manuluyan sa baba kung nasaan ang resort namin. Pina-upgrade ko na rin ang bahay dito sa taas kaya mas lumawak ito. Dito ako naging abala pero syempre, maingat kami sa pag-hire ng manggagawa para walang makapasok na kalaban. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako okay. Si Emily ang mahal ko." Giit nito na walang kangiti-ngiti. Ito'y matapos ang isang buwan na pamamalagi ni Lake sa ospital para magpagaling ito. Paunti-unting bumabalik ang lakas ng lalaki at hindi na rin ito nagse-seizure kagaya dati. Marami itong iniinum na gamot pero tuwing lalapit
Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw