Lake Monteverde: adopted and a prodigal son who never follows any rules other than his own. Aniya, "My life, my own rules." Sa pagnanais na maisalba ang lupang kinatitirikan ng bahay, naging stalker si Millow nito nang mapag-alaman ng dalagang pamamay-ari ng lalake ang kinatitirikan ng nag-iisang ari-arian nila. Millow: Inosente man sa ngalan ng pag-ibig, ito ang kanyang naging misyon. "Mapapasunod kita sa nais ko, Lake Monteverde, by hook or by crook. Whatsoever!" Pero—hindi pala ganun kadali ang pinasok ni Millow. Langit at impyerno ang magiging buhay ng sinuman na magtangkang paibigin ang lalake.
View MoreMillow's POVPumunta ako sa mansyon nang magising ako nang maaga pero agad akong hinarang ng hardinero. Nasa labas lang ako ng gate para abangan sana ang asawa ko. "Millow, baka makita ka ni Sir." Nag-aalala itong napalingon sa bahay bago ako binalingang muli. "Paalis siya ngayon kaya please, 'wag ka munang magpakita."Hindi ako natatakot. Gusto ko lang kausapin ang lalake para humingi ng tawad. Sabi ko nga kagabi, magpapakabait muna ako habang iniisip ko pa ang gagawin ko. Kailangan ko na ring mag-enroll at balak kong kausapin si Lake para masustentuhan nito kahit pang-allowance ko man lang. Scholar naman ako pero poproblemahin ko ang pamasahe at ilang miscellaneous na gastusin sa paaralan."Wag kang mag-alala, si Lake talaga ang sadya ko rito." Tumila na ang ulan pero makulimlim pa rin ang kalangitan nang tumingala ako. Sakto namang lumabas ang asawa ko kaya nagtama ang mga mata namin. "L-Lake, pwede ba tayong mag-usap?""What are you doing here?" Kasing-lamig ng panahon ang pakiki
Millow's POV Hindi ako makapaniwala nang pihitin ko ang pinto ng kwarto ni Lake. Sarado ito. Pagod na'ko sa maghapong pagtatrabaho sa loob ng bahay. Dahil nga iilan na lang ang katulong dito, obligado akong tumulong pero ang problema, wala akong sweldo dahil asawa na'ko ng lalake."L-Lake?" tawag ko kasabay ng pagkatok.Nakailang ulit pa'ko ng katok bago tuluyang bumukas ang pinto. Napaawang ang labi ko sa babaeng nagbukas nito, si Sophia. Nang umalis kami ni Selene sa bukid, hindi umuwi ng dalawang araw si Lake. Hindi ko rin alam kung sa'n ito natulog."Ano'ng ginagawa mo rito?" pagalit kong sita sa babae pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kandahaba ang leeg ko sa pagsilip sa loob ng kwarto at sakto namang nakita ko ang hinahanap ko. "Lake!" Hindi ako makapaniwala dahil kalalabas lang nito sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya mula bewang pababa. "Paalisin mo ang babaeng ito, sa'n ka ba nanggaling? Dalawang araw kang hindi umuwi." Tinabig ko si Sophia nang pumasok ako sa loob. "T
Millow's POVHangos akong bumaba ng tricycle nang makarating ako sa dating pinuntahan ko na palayan. Wala akong nakitang tao nang igala ko ang paningin ko kaya muli kong inutusan ang driver na magmaneho pa. Kung sa'n kami padparin, bahala na. Napakalawak ng bukirin ng mga Monteverde. Nabuhayan lamang ako ng loob nang may isang sasakyan ang dumaan. Agad ko itong pinasundan at laking tuwa ko nang makakita ako ng tao sa malawak na palayan kung sa'n ito huminto. May mga gazebong nakatayo sa gitna kaya sigurado akong nando'n si Lake."Eh, ma'am, hanggang dito na lang po ako. Kailangan mong lakarin pababa ito papunta sa kanila." Nakatingin din ang driver sa kumpulan ng mga tao sa gitna ng palayan. Sa ibaba ito ng kalsada kaya kailangan kong maglakad pababa papunta sa mga gazeebo. Sinadyang may daanan ang tao sa gawing 'to dahil may nakita akong sementadong hagdan.Pero ang problema, wala akong pambayad. Ni wala nga akong kapera-pera. "Pwede po bang utang muna?"Napakamot sa ulo ang driver.
Millow's POV"L-Lake?" Nakadapa sa kama ang lalake nang pumasok ako sa kwarto niya. Hubad-baro ito at mukhang tulog na. Mabilis akong pumasok sa banyo para palitan ang white dress na suot ko; simple lang itong bestida na ginamit ko sa kasal namin. Tumabi na lang ako sa asawa ko nang matapos na'kong maglinis ng katawan. Saglit ko pa siyang sinulyapan pero mukhang tulog na ito. Napa-buntonghininga ako nang 'di ko maiwasang titigan ang likod niyang expose. Napaka-macho talaga niya. Napangiti ako dahil legal ko na siyang asawa. Umusog pa'ko palapit sa kanya at iniyakap ang isang braso ko sa katawan niya. Nasa ganoong ayos kami nang biglang kumilos ang lalake. Malat ang boses nito nang magising bigla."Millow?" kunot ang noo nito nang makita ako. "Bumaba ka sa kama, sa sahig ka matulog." Umayos ng pagkakahiga ang lalake kaya mas lalong nalantad sa mata ko ang matipuno nitong pangangatawan pero hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Huwag na huwag kang tatabi sa'kin dahil kahit ano'ng gawin
Millow's POVHindi ko maipaliwanag kung ano ang tamang nararamdaman ko. Masaya ako na ikakasal na kami ni Lake ngayong araw pero napakalayo niya. Inabot halos ng isang linggo ang pag-aayos ng mga dokumento sa kasal pero sa mga panahong nakikitira kami sa mansyon, ni hindi man lang ako kinausap ng lalake."Anak," nakangiting untag ni Tatay. "Ngumiti ka naman. Ikaw lang ang ikakasal na malungkot."Totoo namang malungkot ako dahil laging aburido si Lake kapag sinusubukan kong lapitan siya. Gusto kong humingi ng tawad at mangakong magiging mabuting asawa sa kanya pero halos isuka niya ako. Sa munisipyo ang kasalan dahil nga mabilisan ang gusto ni Lake. Marami itong aayusin sa negosyo kaya ayaw na nitong maglaan ng mahabang oras sa preparasyon. Kami-kami lang din ang um-attend. Walang kamag-anak na inimbita ang pamilya dahil ito'y wala sa plano.Pilit ang ngiti ko nang tingnan ko si Tatay. Hindi ko makita ang saya sa mukha ng magiging kabiyak ko habang kinakasal kami. Pinapalakas lang ng
Lake's POV"Damn it!" gigil kong anas nang ipatawag na naman ako ni Dad sa sala. Nasa kwarto lang ako para pag-aralan ang itatayo kong pabrika pero makulit talaga ang katulong. "Ano ba!""S-sir, nagagalit na r-rin po kasi si Sir Lambert. Lumabas na po kayo." Pakiusap ng maid sa pang-apat na balik nito sa kwarto ko.Hindi na nagseserbisyo si Millow sa'kin dahil nga sa issue naming dalawa pero patuloy ito sa pagtatrabaho sa mansyon kasama ang iba pang katulong. Sa maid's quarter pansamantalang nakikitulog ang babae hangga't hindi dumadating ang mga magulang nito."Kakausapin ka ng pamilya ni Millow at ni Sir Lambert."Umangat ang mukha ko nang marinig iyon. So nandito na pala ang angkan ni Millow na mga mukhang pera rin? Kaya pala...May pagmamakaawa sa mukha ng katulong nang muling magsalita. "May mga kasama silang pulis, sir, pero kinakausap sila ni Sir Leighton dahil nga balak ka nilang hulihin. Magulo po sa labas eh, kailangan niyong lumabas para h-harapin silang lahat."Napabuga ak
Lake's POV"Lake?" takang reaction ni Selene nang bigla ko siyang bitawan."Not here, Selene." Habol ko ng tanaw si Millow nang iwasan ko na si Selene. Napangisi lang ako sa naging reaction ni Millow kanina. "Alam kong titigil na ang babaeng 'yon, ipagpilitan ba naman ang sarili sa'kin?" Yamot kong tinanggal ang kamay ng katabi ko nang makipag-holding hands pa ito. "At ikaw, kung sa tingin mong seseryosohin kita, you're very wrong.""I know that." Wala itong nagawa nang umagapay na lang sa'kin pero ramdam ko ang inis niya. "Baka gusto mong pumunta tayo somewhere, lover boy, I really miss you." Napalitan ng lambing ang boses nito at akmang hahawak pang muli sa kamay ko pero agad akong umiwas.Wala na'kong ka-amor amor kay Selene kaya kahit ano pang pangse-seduce ang gawin niya, hindi na ito eepekto. Sadyang ginawa ko lamang sa harap ni Millow ang eksenang ganun para tigilan na rin ako ng babae. Wala nga itong pinagkaiba kay Selene at hindi ako makakapayag na kakaya-kayanin lang nila ak
Millow's POVPalayo ako nang palayo sa bahay na iyon para hindi ko na makita si Lake. Nanginginig ako nang huminto ako. Do'n ako nag-iiyak. Hindi ko kasi maintindihan kung ba't sinasabi niyang hindi niya 'ko gusto na kung tutuusin, nasisiyahan naman siyang gawin ang mga bagay na dapat ay sa magkasintahan o mag-asawa lamang. Bata pa'ko. Wala akong masyadong maintindihan dahil nga limitado ang kaalaman ko lalo na't sa probinsya lang ako naglalagi."G-gagawin ko ang lahat para mapakasalan mo'ko," umiiyak kong anas nang maupo sa damuhan. Nasa bandang taniman ako ng mga palay at may ilang kubo akong nakita na magkakalayo. Wala nga lang tao dahil alam kong nagsialisan na ang lahat ng residente rito. "Ngayong m-may nangyari na sa'tin, L-Lake, sisiguraduhin kong mapapanagutan mo ang ginawa mo sa'kin."Masakit lang kasi isiping ako lang ang nagmamahal. Nasa lilim lang ako ng isang puno habang nakatanaw sa mga palayan. Hindi ako nagawi rito dahil balita ko, parte pa ito ng lupa ni Lake. Kahit s
Millow's POVTakot na takot ako. Papa'no ba ako uurong kung naging magulo na ang lahat? Para akong nahimasmasan nang makita ko kung pa'no nagsigawan ang magkakapatid sa harap ko."What the hell are you on about, Lander and Leighton?" gigil na sigaw ni Lake nang pagalit itong mapatayo. "Over my dead body! Hindi ko papakasalan ang paslit na 'yan!"Paslit? Nasaktan ako nang sobra dahil batang paslit lagi ang tingin niya sa'kin. Napapikit ako nang sumagot bigla si Lander."Bro, inamin mo naman, 'di ba? Na muntikan mo na siyang galawin." Pinanlakihan nito ng mata ang kapatid.Napasigaw na rin si Leighton na ikinapitlag ko, "Tumigil nga kayo! Si Daddy ang magdedesisyon kung ano ang gagawin."Inis na binalingan ni Lake si Leighton, "Oh yeah? Ni isa sa inyo, walang naniniwala sa'kin. Sinet-up ako ni Millow."Napatayo na lang din si Lambert para pigilin ang mga anak, "That's enough!" sigaw ng matanda kasabay ng pagbagsak ng kubyertos na hawak nito. "Millow, papuntahin mo ang mga magulang mo ri
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments