Share

Cannot Afford That Expensive Love
Cannot Afford That Expensive Love
Author: GreenRian22

Chapter 1

Nadia's Point Of View.

"Anong klaseng laba 'to! Bakit hindi matanggal ang dumi nito?!" Reklamo ng isang nag palaba sa akin, si Melanie. Nag palaba siya sa akin ng kanyang damit at may kapalit iyon na pera. Agad akong napapikit sa inis.

relax Nadia, ani ko sa aking sarili.

"Ilang beses ko na 'yan inulit sa pag laba, nag bayad para sa tubig na gagamitin sa pag banlaw niyan ngunit wala paring epekto," mahinahon kong sabi kahit sa aking loob gusto ko ng sumabog dahil pagod na pagod na ako.

Tinignan niya ako ng masama, parang gusto niya akong saktan sa tingin niya.

"Nag rereklamo ka pa?! Tama nga 'yon eh dahil hindi ka naman magaling mag laba!" inis na sigaw niya, habang dinuduro pa ako.

Doon na ako tuluyang sumabog sa inis. Hinagis ko sa kanyang harap ang hawak kong sabon at napatili naman siya sa gulat.

"What the fuck?!"

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. Naiinis na ako sa kaartihan nito! Akala mo naman mayaman!

"Hindi ko naman kasalanan na masyadong madumi 'yang dress mo para isumbat mo sa akin 'yan! Ang dumi mo kasi mag suot! Kaya sa susunod huwag ka na sa akin mag palaba ng mga panties at iba pang kadumihan mo sa buhay!" galit na sigaw ko, pagod na pagod na ako. "Wala akong tulog para lang malinis 'yan alam mo ba 'yon?" dagdag ko. Nag puyat ako para lang malinis 'yon, matanggal ang dumi.

Gulat naman siya at hindi makapag salita. Bago ako umalis ay tinignan ko muna siyang muli.

"Huwag mo na akong bayaran!" sigaw ko bago ako tuluyang umalis. Kamot kamot ko ang aking buhok habang nag lalakad pauwi sa bahay. Hindi ko kailangan ng pera niya, matagal na akong napapagod sa mga sinasabi niya sa akin at sa kapatid ko.

Ang babaeng 'yon, napakayabang kung hindi lang talaga sa pera hindi ko na lalabahan ang mga damit no'n, napakayabang. Nakaangat na kasi sa buhay. Sabagay, hindi siya kawalan. Marami pa namang nag papalaba sa akin dito sa bayan.

Pag kauwi sa bahay agad sumalubong sa akin ang nakababata kong kapatid. Si Niel, ang nag iisang kapatid ko.

"Ate, nakauwi ka na," ani nito. Ngumit ako at pumasok sa bahay namin na gawa lamang sa kawayan. Naupo ako sa sofa namin na gawa rin sa kawayan. Kahit ganito matibay naman.

"Kamusta?" tanong ko habang nag papahinga. "Ang pag aaral mo? Sinasabi ko saiyo Niel pag butihin mo ang pag aaral mo. 16 years old ka na."  Lagi kong bilin sa kanya na mag aral siyang mabuti dahil hindi naman para sa iba ang ginagawa niya dahil para sa sarili niya din 'yon para hindi siya mabully ng mga tao. 

Napakamot naman siya sa ulo,

"Opo ate, lagi ko naman 'yon inuuna. Hindi naman ako nag bubulakbol." Nakangiting sabi niya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

Umilang siya, kaya binuksan ko ang aking lumang pitaka 150 pesos lang ang nando'n na sahod ko pa sa pag lalaba, kinuha 50 pesos at bibigay sakanya.

"Bumili ka ng ulam, may kanin pa naman sigurong natira 'yon na ang kakainin." Tumango siya bago mabilis na lumabas ng bahay. "Bilisan mo ha!" Pahabol ko pang sabi.

Ang hirap talaga ng buhay dito sa bayan kung saan kaming dalawa ng kapatid ko nakatira. Pero kahit gano'n hindi ka naman pwedeng mag patalo sa hamon ng buhay, matutong lumaban.

Nilibot ko ang paningin sa aming sala, may maliit kaming television, ang cr namin ay sa labas ng likod ng aming bahay. Gawa lang din 'yon sa kawayan nilagyan ko na lang ng kurtina para walang manilip.

Marami pa namang mga manyakis dito.

May dalawa kaming kwarto, mas malaki nga lang ng kaunti ang kay Niel dahil nag pagawa ako ng study table niya, gawang kawayan din 'yon, hindi naman kagandahan 'yon pero masasabi kong magagamit mo naman at matibay. Isang electric fan lang ang meron kami at isang bumbilya na nasa sala. Nililipat ko na lang kapag nag aaral si Niel, nag titipid din kasi kami sa bill ng kuryente.

Wala kaming kama kaya nag lalagay na lang kami ng foam sa papag o sahig. Ang pinto ng aming kwarto ay kurtina. Ang kusina naman naman ay sa likod ng aming bahay, uling lang ang ginagamit namin sa pag luto ng kanin bihira lang ako mag luto ng ulam hindi sa hindi ako marunong, napapamahal kasi ako kapag bibili pa ako kaya mas gusto kong bumili na lang ng ulam.

Hindi ko alam kung makakaahon pa kami sa kahirapan ng buhay.

Minsan, nakakawala ng gana, nakakapagod. Kasi paulit ulit na lang, bakit hindi kasi kami mayaman?

Sino ba ang sisisihin ko? Ang mga magulang namin? Ang diyos?

Umilang ako sa naisip. Bakit ko naman sisisihin ang diyos? Dapat nga mag pasalamat pa 'ko sakanya.

Ang isang pag asa ko na lang talaga ay makapag tapos ko ng pag-aaral si Niel, lagi 'yon kasama sa panalangin ko.

Kahit hindi na para sa akin, para sakanya na lang, makapag tapos siya para sa sarili niya.

Wala na akong aasahan sa sarili ko, huminto na ako sa pag aaral. Dahil din sa kahirapan ng buhay ang dahilan. Mas pinili ko kasing mag trabaho kaysa mag aral.

Ang nanay ko kasi walang pakialam sa mga nangyayari sa amin. Hanggang bawian siya ng buhay. Wala.

Gabi gabi, laging pumapasok sa isip ko paano kaya kung nag aral ako? Hindi kaya ganito ang buhay namin? Yayaman ba kami?

Sa kalagitnaan ng pag iisip narinig ko na ang papabalik na si Niel, hawak hawak niya ang isang supot ng ulam at sabay na hiningi niya sa tendera.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay nakikinig ako sa mga kwento ni Niel tungkol sa pag-aaral niya.

"Pag butihin mo ang pag aaral mo ha. Sabihin mo lang kung may kailangan ka sa school ha? Gagawan ko 'yan ng paraan," sabi ko sakanya.

"Kahit huwag na ate."

"Anong huwag? Huwag kang mahiyang mag sabi sa akin ha. Kapatid mo 'ko dapat lagi kang nag sasabi sa akin." Pag seseromon ko. Wala naman siyang nagawa kundi tumango.

Nang gabing 'yon natulog ako ng maraming isipin, kailangan ko kasi ng trabaho, hindi pa kasi sapat ang kinikita ko sa pag tulong sa palengke. Pinag iisipan ko na rin kasi 'yong koleheyo ni Niel.

Malaking pera ang kakailanganin ko kapag nagkataon.

"Ito ang baon mo," sabi ko kay Niel sabay abot ng baunan niya, na may kanin at ulam. Binigyan ko riin siya ng 20 pesos.

Pero binalik niya ang pera, agad kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"May ipon pa ako ate, sa'yo na 'yan. Sa susunod mo na lang ako bigyan." 

Napaawang ang labi ko, "Sigurado ka ba?" Paninigurado ko. Tumango naman siya bago humalik sa pisngi ko at umalis na ng bahay.

"Bye ate!"

"Bye! Mag ingat ka!" Nakangiting sigaw ko. Pag kaalis niya ay nag linis naman ako ng buong bahay, mamaya pa ako pupunta sa palengke.

Dumiretso ako sa likod ng aming bahay para hugasan ang mga baso at plato na ginamit namin kagabi, hindi ko na pinahugasan sakanya dahil may gagawin siyang assignment.

Sumalok ako ng tubig sa balde gamit ang tabo at binuhos 'yon sa palanggana kung saan naroroon ang mga plato at baso. Nang matapos ang pag huhugas ay sinalansan ko na ulit ang mga plato at baso sa loob ng bahay. 

Pagkatapos ay mabilis akong nag handa dahil pupunta na ako sa palengke, naligo na rin ako at sinarado ang bahay. May susi naman si Niel kaya makakapasok parin siya sa loob kapag uuwi na siya galing school.

"Good afternoon, Nadia!" masayang bati sa akin ng baklang si Jala. Nilakad ko lang papunta dito dahil nag titipid ako. 

Ngumiti ako at kumaway bago nag lagay ng apron dahil matatalsikan na naman kami ng mga kung ano anong bagay, tulad ng kaliskis ng isda.

"Ang dami ng mga bumibili," ani ko at tumulong na.

"Oo nga! Buti dumating ka na, late na naman siguro 'yong dalawang 'yon." tukoy ni Jala  kay Vanessa at Janice.

Tumawa lang ako bago itinuon ang atensiyon sa trabaho.

"Magkano kilo nito?" tanong ng isang matandang lalaki, naka turo siya sa isda.

"One hundred," ani ko na may pagalang, nag isip muna siya bago tuluyang bilhin, isang kilo ang binili niya. Tinanggal ko ang kaliskis no'n dahil 'yon lang ang sinabi niyang gawin ko, pag katapos ay binalot ko sa isang plastic at binigay na sakanya.

"Maraming salamat po." Nakangiting ani ko, tumango lang ang matanda pag katapos mag bayad at umalis na, hindi sa amin ang tindahan na ito, ang may ari ay mamaya pa dadating. Siya ang nag papa sweldo sa amin.

Dumating na rin sina Vanessa at Janice at tumulong sa amin, may mga anak na kasi sila kaya lagi silang nahuhuli, nang oras na ng aming pahinga ay nag kumpulan kami sa gilid at nag usapan, kumakain kami ng pagkain.

"Diba gusto mo ng trabaho, Nadia?" tanong sa akin ni Vanessa, napahinto naman ako sa pag subo ng kanin at lumingon ako sakanya.

"Oo naman, may alam ka bang mapapasukan?" tanong ko kaagad. Nag tanong din si Jala. Mukhang may balak din siyang mag trabaho.

Tumango si Vanessa.

"Oo meron, si Mama ko kasi sabi nag tra-trabaho siya kay Mr. Tadio, 'yong may ari ng sikat na sapatos," aniya. "Big time talaga 'yon, ngayon nangangailangan sila ng 20 na mag tratrabaho sa bahay niya, maids sa madaling salita."

"Magkano naman ang sahod?" tanong ni Jala, tumango ako dahil gusto ko ring malaman.

"30 thousands isang buwan, stay in nga lang pero libre pagkain, matutuluyan at kung ano ano pa." Nagkatinginan kami ni Jala.

30 thousands? Ang laki no'n! Kahit mapagod ako kaka trabaho hindi ko kikitain ang ganoong kalaking pera. Kahit libutin ko pa ang buong bayan namin, wala akong mapupulot na ganoon kalaking halaga.

Pero,

"Pero stay in? Kailan uwian?" tanong ko.

"Sabi ni Mama twice a month daw." Twice a month ko lang makikita si Niel kung mag trabaho ako?

"Ano Nadia? Push ba natin 'to?" tanong ni Jala. 

"Mag papaalam muna ako kay Niel." sabi ko. Kaya ko ba siyang hindi makita? Mabilis pa naman ako ma home sick pero kung iisipin ko na para sakanya kaya ako mag tra-trabaho kailangan kong i grab ang trabaho na 'yon. Marunong naman ako sa gawaing bahay kaya sigurado akong matatanggap ako.

Pag kauwi sa bahay habang kumakain kami ay sinabi ko sakanya ang tungkol sa trabaho, at iba pang information.

"Gusto mo bang tanggapin 'yon? Sa manila 'yon ate, alam kong gusto mong makapunta do'n," aniya.

"Hindi lang naman 'yon ang dahilan ko, syempre gusto ko kasi malaki ang sahod, para din sa pag aaral mo 'yon. Kaya mo bang mag isa rito?"

Napaisip siya.

"Kaya ko naman, marunong ako mag linis, mag laba, at mag luto. Kaya ko naman siguro mabuhay mag isa." Malungkot akong ngumiti sakanya. Ayoko naman siyang iwan pero kailangan.

Kinabukasan ay aalis na agad kami patungong Manila, totoo ang sinabi ni Niel na gusto kong makapunta dito simula pa bata ako. Pero gusto ko kasama siya, may isa akong bag na dala at dalawang bag na hahawakan lang. Nandoon ang mga kailangan ko para mabuhay sa Manila.

"Mag chat na lang tayo ha? Lagi kang mag chat sa akin ha." Pag bibilin ko sakanya, tumango siya. Mahina naman akong natawa dahil mukhang pagod na siya sa pag bibilin ko sakanya dahil simula kagabi ay hindi na natapos ang pag bibilin ko sakanya.

May cellphone ako, maliit lang 'yon mumurahin kasi. Binili ko 'yon nung birthday ko, birthday gift ko sa aking sarili hindi nga dapat ako bibili dahil hindi ko naman kailangan no'n eh. Pero pinilit akong bumili ni Niel.

"Bye ate! ingat ka ro'n." Muli akong sumakap kay Niel, sagot pala ng pag tra-trabahuan namin ang pamasahe namin kaya tuwang tuwa kami ni Jala.

"Nadia, mag ingat ka ro'n ha? Balitaan mo kami ni Janice," sabi sa akin ni Vanessa, tumango at at yumakap sakanilang dalawa. Nag pasalamat din ako kay Vanessa dahil sinabi niya sa amin ang tungkol sa trabaho.

Pag katapos ay pumasok na ako sa loob ng taxi.

Muli pa akong kumaway kila Vanessa, Janice at Niel kahit nasa loob na ako ng taxi, naiiyak ako pero pinipigilan ko. Kailangan kong mag trabaho, para sa akin, para kay Niel at para sa kinabukasan niya.

Isang tanong lang ang nas utak ko, ano kayang kahaharapin ko sa Manila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status