Share

Chapter 3

Nadia's Point Of View.

"Nadia, ito ang trabahong gagawin mo," sabi ng mayordonang si ma'am Ruby, pandak siyang babae at mataba. Mukha rin siyang masungit, nakapila kami at nasa likod ko si Jala at ng iba pang bagong katulong. Nakasuot ako ng uniform ng katulong, gano'n din ang iba. Nagagandahan ako sa aming uniform.

Sinenyasan niya akong lumapit kaya sumunod ako, kinakabahan ako, Bawat katulong daw kasi ay may naka assign na gagawin at hindi nauubusan ng gagawin dito sa Mansiyon dahil ang laki laki nga nito. Kaya din sila kumuha ng mga dagdag na katulong.

"Mag didilig ka ng halaman, hinay hinay lang sa pag dilig ha?" Tumango ako sakanya. Pag katapos ay tinuro niya sa akin ang mga lugar na may halaman na kailangan kong diligan. Agad akong binigyan ng isang katulong ng gunting, pandilig at iba pang gamit sa pag hahalalaman. Hindi ako pamilyar sa ibang bagay dahil ngayon ko lang ito nakita.

Sinamahan niya pa ako sa garden ng Mansiyon bago ako iwan ilang minuto din bago kami naka punta sa garden dahil may layuan at labas din ito ng Mansiyon, ang pangalan pala ng Mansiyon na ito ay Mansiyon De Rion. Narinig ko lang 'yon sa isang bagong katulong.

Binuksan ko ang gate bago pumasok nakapusod ang hanggang baba ng dibdib kong buhok para hindi ako mahirapan sa pag tra-trabaho. Hindi lang naman pag didilig ang gagawin ko dito, guguntingin ko rin ang mga patay na dahon at mag tatanggal ng insekto. Mag sspray din ako ng pataba sa halaman.

Naka day off daw kasi ang gardinero na dapat gagawa nito kaya ako na lang pansamantala ang gagawa ngayong araw. Nag umpisa akong mag dilig dahan dahan ang ginagawa ko tulad ng sabi ng Mayordona. Paburitong lugar din daw ito ng aming amo, ayon kay Ethel.

Pero hindi ko pa nakikita ang aming amo, wala akong ideya kung ano ang kanyang mukha at ugali. Pero sa tingin ko ito ay strikto.

Ginupit ko ng dahan dahan ang bulok na dahon at itinapon 'to sa plastic na binigay din sa akin ng katulong na nag hatid sa akin. Naging seryoso na ako at inayos, lininis na lahat ng kailangan gawin, tanggalin at diligan sa garden. Hindi ko alam ang pangalan ng ibang mga bulaklak dahil ngayon ko lang ito nakita pero sigurado akong mahal ito.

May napansin din akong dalawang bench sa gilid. Marumi 'yon at puno ng alikabok, may lumot din akong nakita. Ang pinagtataka ko ay sinabi sa akin ng katulong na nag hatid sa akin dito ay huwag ko 'yan papakialaman. Hindi naman na ako nag tanong pa dahil hindi naman 'yon ang ipinunta ko dito.

Tanghali na ng matapos ako sa inutos sa akin dahil sa pag iingat na rin binagalan ko ang pag dilig at iba pang dapat gawin. Masyado ding maraming halaman at mga bulaklak dito.

Tagaktak ang pawis ko ng makalabas, kinabisado ko ang dereksyon kanina kaya hindi na ako nahirapan bumalik sa Mansiyon De Rion. Sa likod ako ng Mansiyon dumaan, sa kusina pag pasok ko nakita kong kanya kanyang hawak ang mga katulong, agad lumapit sa akin si Jala.

"Pupuntahan sana kita sa garden, kaso hindi ko alam kung paano," aniya, binigay niya sa akin ang isang plato may kanin at ulam. Sabi ko ay mag huhugas muna ako ng kamay. Binuksan ko ang gripo at nag hugas na ako ng kamay, sinabon ko din ito. Hindi ako sanay na sa gripo ako nag huhugas ng kamay sa amin kasi ay sa balde o tabo lang ako.

Binagay ko  sa isang lalaki na siyang nakakaalam kung saan nilalagay ang mga gamit sa pag tatanim. Sabi ko ay ituro na lang niya kung saan ilalagay pero sabi niya siya na lang daw ang mag babalik at kumain na lang ako dahil tapos na naman siyang kumain. Nag pakilala siya sa akin bilang si George mas matanda siya sa akin 46 year's old na siya.

"Salamat po, ako nga po pala si Nadia." Pakilala ko sa sarili.

"Nagagalak kitang makilala, Nadia."

"Gano'n din po ako mr. George."

Bumalik na ako kay Jala at tumabi sakanya. Nag hila ako ng upuan, kumakain kami sa isang malaking lamesa.

Para kaming pamilya. Bigla kong na alala si Niel, kamusta na kaya siya? Tatawagan ko nga siya mamaya.

Hindi parin ako pamilyar sa kinakain namin pero masasabi ko namang masarap at masustansiya. Habang patuloy parin ang pag pasok ng ibang mga katulong na kakatapos lang sa mga kanya kanyang gawain, ang ibang kakatapos lang kumain ay hindi muna siya pinapaalis ng Mayordona dahil may iaanunsiyo daw ito.

Nang matapos kaming lahat tinanong muna ng Mayordona kung kompleto na daw kami at sumagot naman kami ng oo.

"Bukas, uuwi na galing sa business trip ang ating amo. Si sir Cax." Nag bulung bulungan naman ang ibang katulong kaya sinuway ng mayordona ang mga 'yon. "Sa mga bagong katulong, kung hindi niyo pa kilala ang ating amo siya ay si sir Carrion Xavien Tadio o mas kilala bilang sir Cax."

Sir Cax...

"Gumising kayo ng maaga dahil babatiin natin siya sa kanyang pag uwi. Panatilihin din na malinis ang mga gamit lalo na ang koleksyon niya ng sapatos, vase at mga paintings. Ilang buwan din nawala si Sir Cax kaya bibigyan natin siya ng pahinga pag uwi niya dito." Pag pa patuloy ng Mayordona. "Sinabi niya rin sa akin na gusto niyang makilala ang mga bagong katulong, kaya sa mga bagong katulong mag handa kayo."

Nakaramdam ako ng kaba sa huli niyang sinabi, wala naman akong dapat ikabahala pero ayaw tumigil sa pag tibok ng puso ko.

"Ayos ka lang?" bulong sa akin ni Jala, tumango ako at ngumiti. Normal naman siguro na kabahan ako.

"Sige na, bumalik na kayo sa trabaho." huling sinabi ng mayordona. Binigyan niya ako ulit ng gagawin, ang samahan siya bumili ng mga ingredients para sa pag kain na lulutuin sa aming amo bukas, sa palengke ang kami bibili pero ang tawag nila dito ay supermarket.

"Unang beses mo pa lang ba makakapunta sa supermarket hija?" tanong ni mayordona Ruby, nakasakay kami ngayon sa isang sasakyan na pag mamay-ari ng aming amo, hindi ko alam kung ano ang sinasakyan namin pero alam ko sasakyan ito. Marami daw itong sasakyan. Si mr. George ang aming driver. Isa pala siyang driver.

Tumango ako sa mayordona.

"Opo, wala po kasing ganito sa aming bayan at kung meron naman po ay malayo," saad ko habang pinapanood ang mga sasakyan na halos mag kadikit dikit dahil sa traffic.

"Kung hindi ako nag kakamali ay galing kang probinsiya?" tanong niya, muli akong tumango.

"Kaya pala likas sa iyo ang gumawa ng gawaing bahay. Sanay na sanay ka na." Napangiti ako, pero agad din 'yon nawala nang may bigla akong na alala.

"Opo, medyo nahihirapan lang po ako kumilala ng mga bagay dahil ngayon ko lang ito nakita. Tulad ng oven, hindi ko alam na do'n na luluto ang mga tinapay." Pag amin ko. Nakita ko sa aking gilid ng aking mata na tumango tango siya.

"Hayaan mo, matututo kang gumamit ng mga bagay na katulad no'n." Nilingon ko siya at ngumiti ako.

"Katulad din po ba ito ng palengke kung saan makakabili ka ng mga sariwang isda, baboy o manok?" tanong ko kay mayordona Ruby tulak tulak ko ang isang cart na nag lalaman ng mga gulay. Si Mayordona Ruby ang kumukuha ng mga dapat bilhin at nilalagay sa tulak tulak kong cart.

Habang si mr. George ay naiwan sa loob ng sasakyan dahil walang mag babantay ng sasakyan.

Narinig kong nag salita si mayordona,

"Oo, Nadia pero ang supermarket ay mas maraming paninda at marami kang pwedeng bilhin, ang iba ay mahal ang presyo pero ang iba naman ay hindi."

Tumango tango ako, huminto siya sa pag lalakad at may kinuhang naka plastic na bagay. Kumuha siya ng limang gano'n at inilagay sa cart. Napatingin ako sa bagay na 'yon at tumingin sakanya.

"Ano po 'yan?" tanong ko.

"Manok 'yan."

Manok ito? tanong ko sa sarili, sinubukan kong tusukin ang plastic gamit ang isang daliri ko.

"Patay pong manok?"

"Oo, maiba tayo. Nadia marunong ka bang mag luto?"

"Opo, pero hindi ko po alam ang mga recipe ng mga mayayamang pagkain. Pero kaya ko naman po kung matututunan ko."

"Ah gano'n ba. Madali ka naman sigurong turuan."

"Opo," sabi ko na may ngiti pero nawala 'yon ng muli siyang nag salita.

"Nasaan pala ang mga magulang mo?"

"A-ah si Mama ko po ay wala na.. At si Papa ko ay..." hindi ko alam kung paano ko itutuloy ang sasabihin.

Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi lumabas ang ngipin.

"Ayos lang, huwag mo ng sabihin kung hindi ka komportable." Tumango ako sakanya.

Nag patuloy na kami sa pag bili ng mga ingredients. Mag gagabi na ng makauwi kami.

"Ito na po ang huli," sabi ko at nilapag sa kusina ang pang huling supot ng mga pinamili namin, hindi lang ako ang nag buhat tumulong din si mr. George.

Nang bigla akong may na alala.

"Mayordona," pag tawag ko, nilalagay niya ang mga manok na nakabalot sa plastic sa refrigerator, nagulat ako kung ano ang pwedeng magawa ng isang ref, maari nitong hindi mapanis ang isang pag kain, maari din itong makapag patigas ng tubig.

"Ano 'yon, hija?"

"Ahm." Bigla akong nahiya sa itatanong ko. Lumingon siya sa akin.

"Ano 'yon?"

"Ano pong ugali ng ating amo?" tanong ko, gusto kong tumakbo na lang dahil nahihiya talaga akong mag tanong. Nagulat ako ng isara niya ang pinto ng ref at hinarap ako na may ngiti sa labi.

"Nakuha ba ni sir. Cax ang 'yong atensiyon?"

Agad akong namula sa tanong niya!

"Hindi po sa gano'n gusto ko lang pong—." pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Nag bibiro lang ako," aniya, nakahinga naman ako ng maluwag. "Ano ang ugali ni sir Cax?" tumango ako. "Hindi siya nag papakita ng emosyon sa mga tao, lagi niyang tinatago kung masaya ba siya o malungkot. Kaya nahihirapan ang ibang taong basahin siya, strict si sir. Cax kung ano ang sinabi niya dapat 'yon ang mangyari pero kahit gaano pa kalamig si sir. Cax nandoon pa rin ang kabutihan sa kanyang puso. . ."

Kinagabihan, pag katapos kumain tulog na si Jala dahil sa pagod. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni Niel.

Sana lang gising pa siya. Inabot ng tatlong ring bago niya sinagot ang tawag.

"Hello, Ate?"

"Hello Niel? Kamusta ka riyan? Kumakain ka ba? Kapag nalaman kong hindi ka kumakain ng tama—"

"Hahaha oo ate kumain na ako, saka huwag ka ng mag alala. Ako nga dapat ang mag alala rito eh, ikaw kamusta ka? Masungit ba ang amo niyo?"

"Ayos lang naman ako, hindi ko pa nakikita ang amo namin dahil daw may business trip pero bukas makikita ko na."

"Sabihin mo sa akin kung masama ang ugali niyan ha. At sabihin mo rin kung may ginawa sayong masama."

"Sa tingin ko naman hindi niya magagawa 'yon," halos pabulong kong sabi.

"Ano 'yon may tiwala ka na kaagad hindi mo pa nakikita?"

"At bakit ka ganyan makapagsalita? Sino ba ang mas matanda sa atin?" Pag iiba ko ng usapan. Narinig ko naman siyang tumawa kaya natawa na lang din ako, kinuwento ko sakanya na nakapunta ako sa supermarket sabi niya gusto niya ring makapunta doon kaya mag sisikap siyang mag aral para sabay kaming dalawang makapunto roon. Inabot din ng isang oras ang tawagan namin bago ko binaba ang tawag at nahiga sa kama.

"Hindi naman masama ang naging unang araw ko sa trabaho," bulong ko bago tuluyang dalawin ng antok dahil sa pagod

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status