Share

Chapter 6

Nadia's Point Of View.

Sa mga sumunod na araw ko sa trabaho ay nakaka sabay na ako sa mga gawain at sa buhay dito sa Mansion De Rion. Palagi kaming nag tatawagan ni Niel tuwing gabi, natutuwa naman ako dahil sa pag aaral niya ng mabuti. Nag kukwento din siya ng mga nangyayari sakanya doon, minsan daw ay pumupunta sina Vanessa at Janice sa bahay para kamustahin siya.

Nag pasalamat naman ako doon.

Sinabi ko din sakanya na kapag may prolema sa bahay ay sabihin niya lang sa akin at gagawan ko ng paraan. Next month pa ang sahod ko at kapag nakuha ko ang pera ay uuwi muna kami ni Jala. Plinano na namin iyon.

Ngayon ay araw ng pamimili ng mga kulang dito sa mansiyon. Naeexcite ulit ako dahil makakapunta ulit ako sa supermarket. Pero ngayon ay kasama namin ni Mayordona Ruby si Jela.

Tuwang tuwa naman siya nang malaman na kasama siya, naikwento ko kasi sakanya kung ano ang supermarket. Kaya gustong gusto niya makapunta doon.

"Ito lang po ba sir ang mga bibilhin?" tanong ni Mayordona kay sir Cax, naka upo si sir Cax sa sala at nasa harap niya si sir.

Tumingin si sir Cax sa amin kaya ramdam ko ang pag pigil ng pag hinga ni Jala.

"Sila ba ang kasama mo?" tanong nito. Tumango naman ang mayordona.

"Okay sige, umalis na kayo. Paalala ko lang bukas gusto kong makausap ang lahat ng bagong maid. Interview," aniya at pasimple akong pinasadahan ng tingin, iniwas ko na lang ang aking paningin dahil hindi ko matagalan ang kanyang paninitig.

Tumango lang ang mayordona at nag paalam na, binigyan din namin ng isang tango ang aming amo bago kami tumuloy.

"Oh my gosh, kakausapin tayo ni sir Cax." bulong ni Jala habang nag lalakad kami papuntang parking lot, sinusundan namin si mayordona Ruby na nauna sa aming mag lakad.

Pabiro ko siyang hinampas.

"Interview 'yon at hindi lang naman tayo ang kakausapin, lahat. Lahat ng bagong mga maid," ani ko, nag puot naman siya kaya natawa ako.

"Ikaw talaga, puro kalokohan nasa utak mo," saad ko. Inirapan niya naman ako.

Tuwang-tuwa kaming dalawa sa loob ng sasakyan dahil sa mga dinadaanan namin, panay ang tingin naming dalawa sa bintana ng sasakyan at natutuwa sa tuwing may nakikitang matatas na building. Minsa pa ay binibilang ito ni Jala at pinag kukumpara pa ang design ng mga ito sa iba pang building na nakikita.

Pag dating namin sa supermarket ay agad kaming binigyan ng dalawang cart habang si

ma'am Ruby naman ay hinanahap na ang mga bibilhin na pinapabili ni sir Cax.

Tuwang tuwa naman si Jala sa mga nakikita niya, kahit ako. Hindi ako na bobored. Mas marami akong binili namin ngayon kaysa noong una naming punta ni ma'am Ruby.

Siguro dapat masanay na 'ko, ganito siguro talaga mamili ang mga mayayaman. Parang gusto nilang marami silang stuck tapos wala silang pakialam kung mabulok na yung pag kain or mapanis.

"Sa susunod na linggo kasi ay may bagong ilalabas na sapanos ang kompanya ni sir Cax. At may celebration no'n sa mansyon, siyempre maraming taong dadating. Kaya ngayon pa lang dapat ay mag handa na tayo." Pag kwkwento ni ma'am Ruby. Nauuna siyang nag lalakad at kinukuha na lang agad ang mga bibilhin, hindi na tinitignan ang presyo nito.

"Marami po bang gwapong mga lalaking dadating?" tanong ni Jala, agad ko siyang nahampas pero tinawanan niya lang ako. Agad ko namang narinig ang pag tawa ni ma'am Ruby.

"Siyempre naman, maraming kaibigan na gwapo ang sir Cax."

Napangiti agad si Jala at sinabing excited na siya para sa celebration.

"Hindi pa po ba kasal si sir. Cax? Tinatanong po ni Nadia?" tanong niya pa at agad akong napasigaw sa inis dahil sinabi niya ang pangalan ko.

"Ma'am Ruby, wala akong tinanong! huwag kang maniwala riyan!"

"Hindi pa kasal si sir Cax, Nadia. Workaholic ang lalaking iyon kaya wala na atang balak mag asawa." Agad kong hinampas ng malakas si Jala.

"Nakakainis ka! Hindi ko naman tinanong 'yon eh!" bulong ko dahil nakakahiya pag tumaas ang boses ko, nandito kamk sa public place.

"Gusto raw po pakasalan ni Nadia—" agad kong tinakpan ang bibig niya at nag simula siyang tumawa ng malakas.

"Ano 'yon pakiulit nga?" tanong ni ma'am Ruby.

"Gusto raw po pakasalan—"

"Maganda raw po 'yong hindi na mag pakasal!" putol ko kay Jala habang mahigpit na hinahawakan ang bibig niya.

"Maganda nga, pero wala namang mag mamana sa kompanya niya kung sakanilang mag retire na siya. Alam mo naman, hindi lahat ng tao kaya pang mag trabaho kapag naging senior citizen na."

"Ilang taon na po ba si sir Cax?" tanong ko, nanahimik na si Jala ngunit nakangiti na parang baliw.

"25 pa lang 'yon."

Napa awang naman ang labi ko, ang bata niya pa. Hindi halata. Palagi kasing seryoso ang mukha at kung mag salita akala mo nasa 30's na. Sa edad na 25, mayroon na siyang sariling kompanya. Successful na siya kahit nasa 20's pa lang siya.

Kung pinag patuloy ko ba ang pag aaral magiging successful din kaya ako sa edad ko ngayon?

Umilang ako para alisin ang isipin na 'yon.

Sobrang punong puno ang likod ng sasakyan at may mga hawak pa kami na paper bag at mga plastic bag sa loob ng sasakyan nang matapos kaming mamili. Tapos meron pang mga i dedeliver na lang sa mansion kasi hindi na kasya sa loob ng sasakyan.

9pm na noong makauwi kami, tahimik na ang mansion at bukas ang buong ilaw nito, mag kano kaya ang binabayaran nilang kuryente? Nauna akong pumasok sa dining area para sana ilagay sa malaking lemesa ang mga bilihin dahil hindi na kasya sa kusina. Inutos din ito ni ma'am Ruby, ngunit napatigil ako sa pag lalakad noong makita ko si sir Cax na nag babasa at umiinom ng kape.

Tatalikod na sana ako ngunit agad akong napatigil ng mag salita.

"I'm done drinking my coffee. Ilagay mo na lang 'yan sa lamesa," aniya.

Nag aalangan pa ako pero nilagay ko na lang lahat ng mga dala ko sa malaking lamesa, halos hindi ako huminga dahil sa kaba dahil alam kong pinapanood niya ang galaw ko, baka mamaya mabitawan ko pa itong mga plastic na dala ko.

Nang matapos ay nag mamadali akong umalis ngunit nag salita na naman siya.

"Pakihuha ng baso ko." Napakagat ako sa labi. Oo nga, wala nang laman ang baso niya. Dapat kinuha ko na 'yon, pero masyado akong natatakot at kinakabahan sa presensiya niya!

Hindi ako nag salita at agad lumapit sa lamesa, kinuha ko ang baso at mabilis na umalis.

Hawak hawak ko ang dibdib habang nag lalakad papunta sa kitchen, nilagay ko sa lababo ang baso at hinugasan na rin ito.

Talagang hindi siya makakapag asawa kung ganoon siya!

Siguro kung ako ang asawa niya, hindi ko makakayanan ang pagiging cold niya. Para ka lang nag asawa sa isang bato. Isang tanong isang sagot tapos parang kailangan mo pang hulugan ng isang piso para mag salita.

Parang laruan.

Tumawa ako sa saking isip. Masyado ko nang jinajudge ang boss namin. Masama ito.

Agad akong napatingin kila Jala at ma'am Ruby na pumasok sa kusina, dala nila ang pang huling mga paper bags at plastic.

Napatingin naman si ma'am Ruby sa hinuhugasan ko. "Baso iyan ni sir Cax, pinahugas niya ba sayo?"

"Ah opo, nakita ko po kaso siyang nag kakape sa may dining area. Pero tapos na siya no'n kaya pinayagan niya 'kong ilagay ang mga paper bags sa lamesa." Paliwanag ko.

Nakita ko naman ang malaking ngiti ni Jala na parang aasarin ako kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Pag katapos namin gawin 'yon ay natulog na kami ni Jala, hindi siya natigil kakasabi na excited siya dahil sa interview bukas sa amin ni sir Cax.

Ano bang nakaka excite roon? kakausapin ka lang naman.

Kinabukasan, pag katapos naming lahat mag umagahan ay pinatawag ang lahat ng mga bagong maids at pinapapila sa harap ng office ni sir Cax.

"Ano kayang itatanong 'no?" sabi ni Karen.

"Siguro sa akin, itatanong niya kung single ako!" nakangising sabi ni Jala.

"Ikaw talaga nananaginip ka na naman ng gising. Malamang itatanong niya about sa trabaho natin, wala nang iba pa bukod doon." Sabi ko sakanila.

Pang huli ako sa pila, 20 lang naman kami kaya ayos lang. Napansin ko rin na wala pang 5 minutes ay lumalabas na agad sa office ni sir Cax ang mga nauunang ma interview.

Ang bilis naman ata.

Nang matapos sina Jala at Karen ay ako na ang susunod, kumatok muna ako sa pinto at dahan dahan itong binuksan.

Nakita ko siya na nag babasa ng libro at hindi man lang binigyan ng pansin kung sino ang pumasok.

"Good morning, sir." Pag bati ko, napansin ko naman ang pag tigil niya sa pag lipat ng pahina ng libro. Binaba niya ito at mabilis na nag tama ang mga mata namin.

Ituro niya ang lamesa na malapit sa kanya. "Seat."

Dahan dahan naman akong nag lakad at naupo roon. Bumuntong hininga ako at humarap sakanya.

"What's your name?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Nadia Zeriyah Helquino."

"Tell me about yourself."

"Ako po ay 23 years old at nakatira sa orange town, probinsiya po iyon. Bago po ako mag trabaho rito ay nag tratrabaho ako sa isang wet market bilang katulong din, pero hindi gaanong malaki ang sahod para sa amin ng kapatid ko na pinapa aral ko."

"Ikaw ang nag papa aral sa kapatid mo?" tanong niya. Wala paring nilalabas na emosyon.

Dahan dahan akong tumango.

"Where are your parents?"

"Wala na po kaming mga magulang."

Natahimik naman siya at saka muling mag salita. "Continue, tell me about yourself."

"Hindi na po ako nag aaral dahil inuna ko pong mag trabaho para sa kapatid ko. Marami po akong na subukan na trabaho tulad ng pag lalaba at pag tratrabaho sa salon."

Tumango tango siya.

"Nahihirapan ka bang mag trabaho rito?"

Mabilis akong umilang "Tulad nga po ng sabi ko sanay na ako ngunit dahil galing po akong probinsiya, nahihirapan po ako sa mga bagay sa kusino. Hindi ko po alam kung paano gamitin ang iba dahil ngayon ko nga lang po ito nakita."

"Okay. . . You can leave now."

Nang sabihin niya iyon ay agad akong tumayo at tumango muna sa kanya bago lumabas. Ramdam ko ang pang hihina ng tuhod at panlalamig ng mga kamay ko.

Hindi ko kaya ang paninitig niya. Para akong kinakain ng mga grey niyang mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status