Tulala akong bumalik sa condo. Hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang na hindi ko man lang nagawang kuhanin lahat ng ebidensyang magdidiin kay Mr. Hermosa. Kung hindi ko rin sana sinira ang plano noon nina Knight ay baka nakakulong na ang negosyante.
Nakakakonsyensyang isipin na dahil sa akin ay nahihirapan ngayon sa pagtatago si Tere at ang kan’yang nobyo. Mahirap na kalaban ang mga bigating negosyante. Nakakatakot na baka magawa silang patayin nito sa oras na mahuli sila.
“Where have you been?” bungad sa akin ni Zid nang maabutan ko siya sa living area ng aking condo. Mukhang kararating niya lang din dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.
Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap at halik.
“I miss you all day,” aniya. Paano pa kaya kapag lumipat na ako?
“Nand’yan na si Harrieth?” tanong ko nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap.
Pinasadahan ko nang tingin ang paper bag na mayroong tatak ng paborito naming restaurant na nasa ce
“Alam n’yo na din naman siguro ang nangyari sa kaso laban kay Mr. Hermosa. With all his wealth and power nagawa niyang malusutan lahat ng kasamaan na ginawa niya. But of course, nagkulang din tayo sa ebidensya kaya nangyari iyon,” ani Knight. Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan ang muling makaramdam ng konsyensya. Kahit sabihin pa nila na wala naman akong kasalanan ay naging dahilan pa din ng padalos-dalos kong desisyon ang kakarampot na ebidensyang nailathala namin nang nakaraan. Malaki ang naging epekto nito sa kasalukuyan. Si Tere at ang kan’yang nobyo ang higit na naaapektuhan ngayon sa kagustuhan kong huwag silang masangkot noon sa pag-iimbestigang ginawa namin. Kung sana’y natiwala lang ako sa mga kasamahan ko katulad nang pagtitiwala nila sa akin. Mahigpit na hinawakan ni Zid ang kamay kong nasa pagitan naming dalawa. Para bang nababasa niya ang emosyon na dumaan sa aking mukha. “Pilit nilang sinisiraan ngayon ang credibility ng Th
Ibinaba ni Orca Lapuz ang bintana ng kan’yang kotse nang katukin ito ni Harrieth. Saglit kong nasulyapan ang kan’yang mukha na kahit tinted ang salamin ng sasakyan ay nakasuot pa rin siya ng shades. “Sa loob muna po tayo mommy. Magbibihis lang si Ate Kai,” aya niya rito. Wala na akong iba pang maisip na rason para makatanggi sa alok niya kaya pumayag na lamang ako. Ayoko din naman na magkaroon sa akin ng tampo si Harrieth. Gusto kong magkaroon ng maayos na relasyon sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Naramdaman ko ang paninitig ng aming ina sa akin habang ako naman ay nakayuko na para bang may nakakaenganyong bagay sa aking mga paa. “I’ll just wait for you here. Mayroon pa kasi akong hinihintay na virtual meeting with my manager kaya dito na lang ako sa car,” aniya. Ibinaling ko kay Harrieth ang tingin nang umabrisyete siya sa braso ko. Siya na ang humila sa akin papasok ng bahay nang makapagpaalam na kami sa kan’yang ina. Nilibot niy
Papalubog na ang araw nang bumaba ako sa kotse ni Orca Lapuz. Ang sabi niya ay ihahatid niya muna si Harrieth pagkatapos ay babalikan ako dito sa bahay para magkausap kami. Hinihiling ko na sana ay maganda ang kan’yang sasabihin. Sana ay maayos kung ano man ang bagay na humahadlang sa kan’ya para kilalanin ako bilang anak. Ibinaba ko sa salas ang mga ipinamili niya para sa akin. Nakakatuwang isipin na kahit sa kakarampot na bagay na iyon ay madaling natutunaw ang galit na nararamdaman ko para sa kan’ya. Iniwan ko muna iyon sa salas at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator upang maghanap ng maaaring lutuin para sa aming dalawa. Sigurado akong gabi na silang makakabalik dito. Mabuti na lamang ay mayroong chicken doon at patatas. Ang sabi ni lola ay paborito daw ng aking ina ang adobong manok na mayroong patatas. Ito ang unang putahe na itinuro niya sa akin kaya kabisado ko na ang tamang timpla nito. Naging abala ako sa kusina sa mga sumunod na sanda
“Nagising ako nang nakatali sa isang kama. Walang kalaban-laban, hinang-hina ako.” Bakas ko ang paghihirap niyang sabihin ang mga pangyayari nang gabing iyon. Nais ko sana siyang patigilin sa pagsasalita pero maging ako’y nawalan nang boses upang sabihin iyon. Inuunahan ng hikbi ang bawat salitang gustong lumabas sa aking bibig. “Pinagsamantalahan niya ako. Binaboy niya ako.” Pumiyok siya sa huling salita kasabay nang malakas na pagtangis. Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Ang sakit na nakikita ko sa kan’yang mga mata habang sinasabi iyon ang dumurog sa aking puso. Hindi ko alam na ganito ang dinanas niya. Wala akong ideya dahil hindi ito nabanggit ng aking lola. “Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Marahil ay sa sobrang pagod. Ang alam ko lang, pagsapit ng umaga ay nandoon na sa paanan namin si Cynthia kasama si Ate Chona. Galit siya. Galit siyang makita ang kapatid at kasintahan niyang magkatabi sa iisang kama na walang saplot
Noong bata pa ako, marami akong tanong.Bakit si lola ang kasama ko?Sino ang nanay at tatay ko?Nasaan sila?Bakit nila ako iniwan? Ngayon na nasagot na ang mga katanungan na iyon, imbes na mabuo ako, pakiramdam ko'y mas lalo lamang akong nawasak. Sa nagdaang ilang araw ay makailang ulit akong tumanggi sa alok ni Harrieth na muling mamasyal kasama ang aming ina. Isa akong pangit na alaala para kay Orca Lapuz at alam kong kahit ano ang aking gawin ay hindi nito mababago ang pagtingin niya sa akin. Ang pag-iwas sa kan'ya at paglimot na lamang sa aking pinagmulan ang natatangi kong solusyon. "Sa wakas," masayang bungad sa akin ni Zid nang lumabas ako sa kwarto. Madaling araw pa lang ay narinig ko na ang pagdating niya sa bahay. Naka-lock ang aking kwarto kung kaya't hindi siya nakapasok. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa sala habang nakahiga ako sa kama. Kagabi niya pa ipinaalala sa akin ang salo-salo sa
Hindi ko na maibabalik ang nakaraan pero marami pa akong pagkakataon para gawing maayos ang aking buhay sa kasalukuyan.Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok sa harapan ng salamin. Kakauwi ko pa lamang galing sa hideout. Bukas na ang huli naming paghahanda para sa misyon.Sigurado akong mahirap ang misyon na ito dahil matinding pag-eensayo at pagpaplano ang aming ginawa.Inihatid lamang ako kanina ni Blue sa bahay dahil busy si Zid na tapusin ang trabaho sa opisina.Ako nama'y nagsimula nang mag-ayos sa loob ng bahay dahil matagal-tagal din akong mawawala. Itinago ko ang ilang mahahalagang papeles sa aking maleta at nilagyan iyon ng lock.Alas sais na nang gabi. Hindi na ako naghanda pa ng dinner dahil hindi kami magkakasabay kumain ngayon ni Zid. Marami pa raw siyang tatapusin na trabaho. Bagay na nauunawaan ko dahil hindi naman alam ng kan'yang mga magulang ang pagiging undercover age
Wala akong ideya sa magiging hakbang ni Tita Elvira ngayong alam niya nang anak ako ni Orca Lapuz. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko si Zid sa misyon at wala siyang pagkakataon upang makausap ang anak ukol dito. Ayokong sa iba pa ito malaman ng aking nobyo.Plano ko na naman na sabihin ito kan’ya. Gusto ko lang na matapos muna ang misyon upang makapagtrabaho kami nang maayos.“Mr. Martinez’s son, Drix, will be having his birthday party tonight at the Crack’s Bar. Talasan n’yo ang inyong mga mata at pakiramdam, sigurado akong gagamit sila ng party drugs,” ani Knight habang nasa main headquarters kami.Magpapanggap ako bilang kaibigan ng isa sa mga kasamahan niya sa car racing na si Jerson. Isa siyang police secret agent at matagal niya nang minamanmanan ang pamilya ni Mr. Martinez. Makikipagtulungan kami sa kanila upang mapadali ang misyon.Kinagabihan ay inihatid muna ako ni Zid sa isang tagong lugar malapit
Base sa kaunting pag-aaral na ginawa namin patungkol sa mga iligal na droga ay magiging aktibo at malib*g ang isang tao kapag nakainom ito ng gamot katulad ng inihalo sa aking inumin. Subalit mukhang mali yata ang epekto sa akin.Pagkahilo ang nararamdaman ko kasabay ng unti-unting pagbagsak ng talukap ng aking mga mata..Pilit ko itong nilalabanan habang akay ako ni Drix palabas ng Crack’s Bar. Pagkasakay ng kotse ay naririnig ko din ang pagdaing niya at sinasabing nahihilo raw siya at nasusuka. Makailang ulit niyang pinahinto sa driver ang sasakyan upang dumuwal sa daan. Hindi gaanong katindi ang pagkahilong nararamdaman ko pero nagpapanggap pa din akong lasing.Pagdating sa tapat ng sikat na condominium building ay bumaba na kami. Kung kanina’y si Drix ang nag-aalalay sa akin, ngayon naman ay ako na.“I can’t wait to hear you moan.” Lupaypay na siya pero bastos pa din ang mga salitang lumalabas sa bibig.“Tulu