Morning came too fast. Para bang kagabi lang ay pilit kong pinipikit ang mga mata ko, pero hindi talaga ako dinalaw ng maayos na tulog. Every time I tried, bumabalik lang sa isip ko ‘yung katotohanang simula ngayong araw… araw-araw ko nang makakasama ang taong minsang kumuha ng pagkababae ko.
At hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin na parang wala lang nangyari. “Hoy, tulala ka d’yan.” Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Monik. Umupo siya sa tapat ko, dala-dala ang plato niya. Amoy ko pa ang bagong prito kong spam at itlog habang umaangat ang usok mula sa sinangag sa gitna ng mesa. Nilingon ko siya, pilit kong pinipigilan ang pagbuntong-hininga. “Hindi ko kasi alam kung papasok ba ako ngayon,” mahina kong sabi, sabay tingin sa tasa ng kape sa tabi ko na kanina ko pa hindi nauubos. “Gaga ka,” sagot niya agad habang nagsasandok ng kanin. “Bakit naman? Naging personal assistant ka lang, eh. Ayaw mo ‘nun? Direct mong makakausap yung boss natin.” Napailing ako, napahawak sa noo habang sinusubukang hanapin ang tamang salita. “Sa tingin mo ba ganun kadali ‘yun?” Tumigil si Monik sa ginagawa at nilingon ako, kita sa mukha niya ang pagtataka. “Kung makapagsalita ka naman… para kayong may—” Naputol bigla ang sasabihin niya. Unti-unti niyang ibinaba ang kutsara’t tinidor, tinitigan ako na parang sinusuri ang bawat galaw ko. “Wait…” she said, narrowing her eyes. “Wag mong sabihin sa akin…” Tahimik lang ako, pero alam kong unti-unti na siyang nakakabuo ng ideya sa isip niya. “Wag mong sabihin sa akin na siya ang nakakuha ng virginity mo?” Parang biglang nanlamig ang paligid. Hindi ko magawang tignan siya sa mata. Imbes, tumitig ako sa plato ko at sa itlog na unti-unti nang lumalamig, sa kaning biglang parang wala nang lasa. Wala akong masabi. Pinaglaruan ko na lang ang tinidor ko habang nilulunok ang kirot ng alaala. Yung gabing akala ko ay isang pagkakamali lang, pero hanggang ngayon dala ko pa rin ang bigat. “Kaela…” tawag ni Monik, mas mahina na ngayon ang boses niya. “Totoo?” Dahan-dahan akong tumango, hindi pa rin tumitingin sa kanya. “Oo…” bulong ko. “Siya ‘yon.” Saglit siyang natahimik, at sa pagitan ng katahimikan naming dalawa, tanging tiktak ng orasan sa dingding lang ang naririnig. Alam kong gusto pa niyang magtanong, pero sa mga mata niya, nakita kong nag-aalangan siya na bang parang natatakot marinig ang buong kwento. Napabuntong-hininga ako, sinubukang ngumiti kahit pilit. “And now,” sabi ko mahina, “he’s my boss.” “Damn, girl…” Napahawak siya sa sentido niya. “Kaya pala ganyan ka ka-stress.” Tumawa siya ng pilit, pero alam kong ramdam niya rin ang bigat sa boses ko. “Hindi ko alam kung kakayanin ko ‘to, Monik,” amin ko. “Don’t worry, men have a selective memory. For sure, hindi niya na naalala ‘yun,” sabi ni Monik habang nagsasalin ng kape sa tasa. May pilit na ngiti sa labi niya, parang sinusubukang gawing magaan ang bigat ng sitwasyon. Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. “Sa tingin mo talaga nakalimutan niya ‘yun?” Huminga ako nang malalim, nanginginig pa rin ang boses ko. “Monik… naaalala niya lahat. Kaya nga wala akong choice kundi tanggapin ‘yung trabaho bilang personal assistant niya.” Napataas ang kilay niya, halatang nagulat. “Wait, what? Anong ibig mong sabihin?” “Tinithreaten niya ako,” diretsong sabi ko, halos pabulong. “Sinabi niya na kung hindi ko tatanggapin ‘yung posisyon, sasabihin niya sa buong company kung ano ‘yung nangyari sa amin.” “What?!” halos pasigaw niyang sagot, nanlalaki ang mga mata. “Grabe naman ‘yun, Kaela! That’s not right!” Napayuko ako, nilalaro ang tasa ng kape ko na kanina pa lumamig. “Alam ko… pero anong magagawa ko? If I refuse, masisira pangalan ko. Kung tatanggapin ko naman, araw-araw ko siyang makikita. Either way, talo ako.” Tahimik lang si Monik nang ilang sandali, parang may gusto pang itanong pero nag-aalangan. Maya-maya, bumuntong-hininga siya at tumayo mula sa upuan niya. Lumapit siya sa akin at dahan-dahan akong niyakap. “Hey,” mahina niyang sabi, “Don’t worry, okay? Hanggat andito ako, walang mananakit sa’yo. Kahit pa siya pa ‘yung boss natin.” Hindi ko na napigilan ang panginginig ng labi ko. “Monik… natatakot ako. Baka bigla siyang gumawa ng paraan para mapahiya ako. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin.” Hinaplos niya ang likod ko, pilit na pinapakalma ako. “Then you’ll face it one day at a time. Hindi mo kailangang harapin ‘to mag-isa. You’ve got me.” Napahinga ako nang malalim, sinubukang ngumiti kahit bahagyang nangingilid ang luha ko. “Salamat, Monik. Hindi ko alam kung paano ko ‘to kakayanin kung wala ka.” Ngumiti siya, pero may kakaibang lungkot sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. “Don’t mention it,” sagot niya, bahagyang pinisil ang kamay ko. “Just… be careful around him, okay?” Tumango ako, walang kaalam-alam sa bigat ng mga salitang binitiwan niya. “You’ve got this, okay?” Monik assured me that this day will be alright. Tumango ako sa kanya bago pumasok ng elevator. Nasa 30th floor ang opisina ng boss ko, kaya halos ang buong byahe ko ay sobrang bagal. “Kaya mo to, Kaela.” paulit ulit kong pinaalala sa sarili ko na trabaho lang to. At kung ano man ang nangyari over that weekend, lilipas din yon. Nang biglang mag ting ang elevator hudyat ba nasa floor 30th na ako ay mas lalong kumalabog ang kaba sa puso ko. Maaga pa naman kaya alam kong wala pa ang boss ko, inayos ko ang suot kong vest top at high waist trouser ko. Nakatali ang buhok ko na mayroong iilang hibla ng buhok na naiiwan sa mukha ko. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng elevator. Pinilit kong ituwid ang likod ko, to walk with confidence, kahit na sa bawat hakbang ay ramdam kong gusto nang bumigay ng mga tuhod ko. Parang may bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag halo-halong kaba, takot, at isang uri ng hiya na hindi ko alam kung saan ilalagay. Pagdating ko sa pinto ng opisina niya, marahan akong kumatok. Tatlong beses lang, sakto lang para marinig, pero hindi masyadong malakas para makatawag-pansin. Ilang segundo pa lang ang nakalipas nang marinig ko ang boses na halos nagpahinto ng mundo ko. “Come in.” Mababa, kalmado, pero may awtoridad. Parang walang nangyari. Parang normal lang. Pinihit ko ang doorknob at marahang tinulak ang pinto. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air conditioner, o baka ako lang ‘yung nanlamig. Pakiramdam ko, pati mga palad ko ay pinagpapawisan na kahit malamig ang paligid. Umayos ako ng tayo, mahigpit na hinawakan ang strap ng shoulder bag ko para lang may mapanghawakan. He wasn’t even looking at me. Nakasubsob siya sa laptop niya, mga daliri niya mabilis na nagta-type, he looks very intimidating. Parang walang bakas ng kahit anong emosyon. Napalunok ako nang mariin. I can’t believe that this man took my virginity. At ngayon, kailangan kong tumayo sa harap niya bilang empleyado niya , as if nothing happened. “G-Good morning, Mr. Sandoval,” nauutal kong bati, halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. That caught his attention. He raised his head, and just like that, our eyes met. Even with his glasses on, ramdam kong diretso niya akong tinitigan. My heart started pounding so fast, parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. “Good morning,” maikli niyang sagot, sabay balik ng tingin sa laptop screen. “Maupo ka muna d’yan sa couch habang tinatapos ko itong ginagawa ko.” Mabilis akong sumunod, halos madapa pa ako sa paglakad. Pagkaupo ko, inilapag ko ang bag ko sa tabi ko at pinagsalikop ang mga kamay ko sa ibabaw ng tuhod ko. I tried to keep still, pero hindi mapakali ang mga daliri ko. Tahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng mga pindutan ng keyboard at ang tiktak ng orasan na nakasabit sa dingding. Every second felt longer than it should. Limang minuto na yata akong nakaupo, pero wala pa rin siyang sinasabi. Nakatuon pa rin siya sa ginagawa niya, as if I wasn’t even there. “E-Excuse me, Sir…” maingat kong sambit, halos pabulong. “Mayroon po ba kayong ipapagawa sa akin? G-gusto niyo po ba ng kape?” Sandali siyang tumigil. Nag-angat siya ng tingin sa akin, mabilis lang, pero sapat na para maramdaman kong kinikilatis niya ako. Then just as quickly, ibinalik niya ulit ang atensyon niya sa laptop. “Do you know how to make coffee?” tanong niya, hindi man lang tumitingin. “Y-Yes, Sir.” Tumayo ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko, at akmang lalabas na sana nang marinig ko ang malamig niyang boses. “Where are you going?” Napatigil ako sa paghawak ng doorknob. “I-I… ipagtitimpla ko po kayo ng kape.” “Where?” “Sa labas po,” mabilis kong sagot, halos hindi na nag-iisip. “I have my own pantry, Miss Lopez.” Itinaas niya nang bahagya ang kanyang ulo, sabay turo gamit ang nguso sa kanan. “You can use it. You’ll find everything you need in that room.” Napayuko ako, bahagyang napangiti nang pilit. “Ah… okay po, Sir.” Habang papalakad ako papunta sa tinuro niyang pantry, ramdam kong sumusunod ang tingin niya sa bawat galaw ko, o baka guni-guni ko lang. Pero isa lang ang sigurado ko: kahit wala siyang sinasabi, sapat na ang presensiya niya para umalog ang buo kong sistema.Morning came too fast. Para bang kagabi lang ay pilit kong pinipikit ang mga mata ko, pero hindi talaga ako dinalaw ng maayos na tulog. Every time I tried, bumabalik lang sa isip ko ‘yung katotohanang simula ngayong araw… araw-araw ko nang makakasama ang taong minsang kumuha ng pagkababae ko.At hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin na parang wala lang nangyari.“Hoy, tulala ka d’yan.”Naputol ang malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Monik. Umupo siya sa tapat ko, dala-dala ang plato niya. Amoy ko pa ang bagong prito kong spam at itlog habang umaangat ang usok mula sa sinangag sa gitna ng mesa.Nilingon ko siya, pilit kong pinipigilan ang pagbuntong-hininga. “Hindi ko kasi alam kung papasok ba ako ngayon,” mahina kong sabi, sabay tingin sa tasa ng kape sa tabi ko na kanina ko pa hindi nauubos.“Gaga ka,” sagot niya agad habang nagsasandok ng kanin. “Bakit naman? Naging personal assistant ka lang, eh. Ayaw mo ‘nun? Direct mong makakausap yung boss natin.”Nap
“How was your meeting with our new President?” I froze at the question, my throat tightening as if the words I wanted to say were lodged there, refusing to come out. I was still in shock, still trying to piece together how I ended up in this mess. Everyone’s eyes were on me, curious, expectant. Waiting. Pero paano ko sasabihin? Should I even say it? My heart was pounding so hard, I was sure the others could hear it. But no….I didn’t have to tell them. Not yet. I forced a faint smile, but it didn’t quite reach my eyes. “Miss Agnes… what if magreresign nalang ako?” My voice cracked slightly. Agnes’s brows furrowed. “Huh? Bakit? Napagalitan ka ba? Dapat nagsorry ka nalang.” Mabilis akong umiling, trying to hold my composure. “Hindi po.” “Eh, bakit ka magreresign?” Before I could think of an excuse, a deep voice cut through the air like a knife. “Sinong magreresign?” My blood turned cold. Parang lahat ng tao sa paligid ko ay biglang nagkandarapa sa pag-alis. Chairs scraped again
Chapter 3 Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko, para bang may yelong dumaloy sa mga ugat ko. My chest tightened, my knees felt weak. I never expected to see him again-ever. “Ayos ka lang ba? Bakit ka nagtatago d’yan?” nagtatakang tanong ni Monik nang mapansin ang pagkailang ko. Nakasalubong niya ang mga kilay niya habang pinagmamasdan ako. “Okay lang ako. Matagal pa ba tayo dito?” bulong ko habang pilit kong idinidikit ang katawan ko sa likod ng mga kasama naming nakatayo sa unahan. Parang gusto ko na lang lamunin ng sahig. “Hindi ko alam, eh. Pero kung gusto mo nang bumalik sa office, baka pwede na tayong magpaalam…” alanganing sagot niya. Napangiwi ako. Imposibleng payagan kaming umalis hangga’t hindi pa kami ipinapakilala sa bagong boss. Pero ayoko, ayoko talagang humarap sa kanya. Paano kung makilala niya ako? Paano kung maalala niya lahat? Napapailing ako nang mariin, pilit tinataboy ang kinakatakutan ko. “Miss Lopez.” Para a
Monday came so fast. Kung wala lang siguro akong bills and dreams baka umabsent na ako. Pero I have bills to pay, and dreams to achieve. Hanggat hindi ko pa natutupad ang pangarap ko hindi ako pwedeng tamaring pumasok. “Monik, good morning.” masiglang bati ko sa kaibigan ko nang lumabas ito ng kwarto. Our apartment have 2 bedrooms, it wasn’t small but it’s also not big. Tama lang sa aming dalawa. May nakasabit pa na towel sa balikat niya. She’s wearing her pajamas. It was a pair of sleeveless and short silky pajamas. “Ang aga mo nagising ah. Ganyan ba kapag bagong dilig.” she teased but I only give her a look. “Shut up. Kinalimutan ko na nga eh.” “Ganun ba kabilis lumimot?” natatawang tukso niya. I was about to grab a spoon and throw it to her pero mabilis itong tumakbo papasok ng cr. Habang nasa shower it ay hinanda ko naman ang baon namin. Mas prefer kasi namin na magbaon kesa sa bumili sa canteen, doon kasi paulit ulit ang ulam. Siguro kumakain lang kami kapag tin
Ang sakit ng katawan ko nang magising ako kinabukasan. Kinusot kusot ko pa ang mata ko bago tuluyang ilibot ang tingin sa kwarto kong nasaan ako. I was about to scream when I feel something is moving besides me. Nanlaki ang mata ko. “S-Sino ka?” Mabilis kong hinila ang kumot ng mapagtanto ko na wala pala akong saplot. My dress is on the floor. “Anong ginawa mo sa akin at nasaan ako?” Natataranta kong tanong habang tinitingnan ang lalaking nakatalikod sa akin. “You’re so loud. Tss.” he coldly replied at bumangon, bumaba ng kama pero nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kanyang morning glory. It’s standing proud and tall. “Bastos.” Binato ko siya ng unan at mahigpit na hinawakan ang kumot sa dibdib ko na para bang hindi niya pinagsawaan kagabi. Humarap sa akin ang lalaki. Ngayon, kitang kita ko na nang mas maliwanag ang kanyang mukha, napalunok ako. He was a perfect example of physical perfection. His eyes? It’s chinito. His nose? Ang tangos. His lips? Oh my God
“Kaela, sigurado ka bang kaya mo?” nag-aalalang tanong ni Monik, kasama ko sa trabaho. Nasa isang bar kami ngayon. Sa loob ng anim na buwan kong pagtatrabaho dito sa Maynila, ito ang unang beses na pinagbigyan ko siyang sumama sa kanyang mag-bar. Lumaki ako sa probinsya kaya wala akong alam kung anong kalakaran ang meron sa Maynila. Ang alam ko lang, masaya, mas malaki ang sahod, at mas maraming oportunidad kaysa sa probinsya. “Ano ka ba, kaya ko.” Tumayo ako mula sa upuan at pinilig ang ulo ko. Ang lakas ng tugtog ng musika, kumukutitap ang mga ilaw. Gusto ko pa nga sanang sumayaw, kaso parang naninikip ang sikmura ko at nasusuka na ako. “Kaela, nasusuka ka ba?” natatarantang tanong ni Monik, mabilis siyang tumayo para alalayan ako at hawakan ang braso ko. “Don’t worry about me, okay lang ako. Dito ka lang, wait mo ako.” Mahina ko siyang itinulak pabalik sa upuan namin at naglakad akong mag-isa papunta sa CR. Habang naglalakad, pinipilig ko ang ulo ko at pilit inaayos a